Se connecter
“JAZZ ARANAS—wala ka pa rin bang maalala? Tatlong araw ka na rito sa ospital. Kailangan nang pumunta rito ng pamilya mo para masettle ang iyong bill sa billing station. Wala ni isa mang kamag anak na naghahanap sayo, kaya kailangan, ikaw na mismo ang magpaalam sa kanila na naaksidente ka.”
Si Jazz, na may mga benda sa ulo, ay very apologetic ngumiti sa nurse na nagpaalala sa kanya na may kailangan pala siyang bayaran doon. “Pasensya na po… hindi ko talaga maalala ang password ng phone ko.”
“May emergency contact ka ba?”
“Ako—”
Bago pa man siya makatapos ng pagsasalita, biglang bumukas ang pinto ng ward. Isang guwapong lalaki ang pumasok, bakas sa mukha ang pagkairita. Parang handa itong manakit anumang oras.
“Ilang beses na bang nangyari ito, Jazz? Ano na namang pakulo ito?” bulyaw niya. “Idinamay mo pa si Angelyn sa palabas mo, tapos naaksidente pa kayo. Kung hindi lang sinwerte si Angelyn, baka nasira na ang mukha niya dahil sa iyo! Jazz, lilinawin ko lang—tapos na ang engagement natin. Huwag mo na akong subukang amuin pa. Kahit maghubad ka pa sa harapan ko, hinding-hindi kita magugustuhan!”
Sa likod ni Damon ay may isang babaeng mukhang mahinhin, na dahan-dahang humihila sa manggas niya. Parang pinapakalma ang nag aalburutong lalaki.
“Damon, ayos lang talaga ako,” malambing niyang sabi. “Hindi naman sinasadya ni Ate. Magaling na rin ang mga sugat ko. Huwag mo na siyang pagsabihan nang ganyan. Mabuti na lang, noong mabasag ang windshield, hindi tumama sa mukha ko… kundi…”
Bakas ang pagkalito sa mga mata ni Jazz habang hinahawakan ang benda sa kanyang ulo.
Kagigising lang niya kaninang umaga. Sabi ng nurse, muntik na siyang mamatay, at hindi nila makontak ang pamilya niya.
Kumunot ang noo ni Damon. Hindi maikakailang guwapo siya, suot ang isang mamahaling suit. Puno ng pagmamahal, humarap siya sa babae sa kanyang likuran. Mahigpit niya itong niyakap.
“Jazz, si Angelyn ang mahal ko. Kahit magkasama tayong lumaki, wala akong naramdamang pagmamahal sa iyo. Limang taon mo na akong hinahabol na parang tanga—hindi ka ba nandidiri sa sarili mo?” Malamig ang kanyang boses na itinuon ang tingin kay Jazz. “Pinigilan ni Angelyn ang nararamdaman niya nang matagal na panahon dahil sa iyo at hindi siya kailanman naglakas-loob na umamin. Ngayon, lilinawin ko na ang lahat. Nakakahiya ang mga ginagawa mo. May nangyari na sa amin ni Angelyn. Hindi ko siya pababayaan.”
Namula ang mukha ni Angelyn sa emosyon. Kumapit siya sa braso ng lalaki, habang may bakas ng tagumpay na kumislap sa kanyang mukha. Alam niya, sa pagkakataong iyon, nagwagi siya.
“Damon…”
Ibinaba ni Jazz ang kanyang paningin habang pinagmamasdan ang chemistry ng dalawa. Parang kinakagat ng mga langgam ang kanyang puso sa tindi ng sakit, hanggang sa nahirapan na siyang huminga. Ang lahat ng kinimkim niyang hinanakit ay biglang nag-alburuto at nagpahapdi sa kanyang mga mata, pinigilan niyang maluha. Hindi siya iiyak sa harapan ng dalawang ito. Kahit hindi niya maalala kung sino ang dalawang ito, alam niya sa kanyang sarili na may koneksiyon sila.
Magkagayunman, kailangan na niyang putulin ang pagsisintemiyento ni Damon.
“Pasensya na, hindi kita masyadong maalala,” mahina niyang sabi. “Ikaw ba ang– boyfriend ko, o ex ko?”
Bahagyang nagulat si Damon sa kanyang narinig. Kumislap ang pagdududa sa kanyang mga mata, saka nagpakawala ng malamig na tawa. ‘Ano na naman ba ang pakulo ng babaeng ito?’
Eksakto namang nagsimulang magpalabas ng balita ang TV na nakasabit sa dingding tungkol sa financial news: Si Malachi Robles, ang pinakabatang Head ngayon ng Robles Group, ay nakabalik na sa bansa.
Ayon sa sabi-sabi, dalawang taon na ang nakakararaan, naparalyze ang dalawang binti si Malachi at ang kalahati ng kanyang mukha ay nadamage dahil sa isang aksidente, at mula noon ay tumanggi na siyang magpakita sa publiko.
Itinuro ni Damon ang screen. “Iyan ang tito ko—si Malachi Robles. Siya ang boyfriend mo. Ibibigay ko sa iyo ang numero niya. Hanapin mo siya, para naman matulungan ka niya dito.”
Kinuha niya ang cellphone ni Jazz, mabilis na inilagay ang password para ma-unlock ito, at nag-save ng isang numero bago padaskol na ibinalik ang phone sa babae.
Nakatayo sa gilid si Angelyn habang nakatakip ang kamay sa bibig, hindi siya makapaniwala sa ginawa ng lalaki, saka bahagyang gumuhit ang mapangutyang ngiti sa kanyang labi. Bumulong siya, “Damon, ayos lang ba talaga ito? Alam mo namang hindi sila okay di ba? Dalawang taon na ang nakakaraan, ang tito mo ay—”
Hinila siya ng lalaki patungo sa bisig nito, puno ng paghamak ang mga mata. “Wag kang maingay.”
Paano niya bibitawan ang isang taong naging masunuring aso niya sa loob ng limang taon? Para sa kanya, nagpapakipot lang si Jazz at masyadong nagpapa VIP. Pinakamainam na disisyon na ituro ang tito niya, bilang nobyo nito, para kung sakaling gustuhin niyang pabalikin ang babae sa kanya, madali niya itong mababawi.
Kung may katotohanan man na hindi nito maalala ang lahat, mas mabuting ipain niya ito sa taong kinasusuklaman niya ng labis– si Malachi.
Sa kanyang isipan, alam niyang hindi magkakasundo ang dalawa, at darating ang araw, na muli na naman siyang hahabulin ni Jazz na kulang na lang ay himudin ang kanyang puwet kapag wala siyang panghugas matapos niyang tumae.
“Heto na ang contact niya, Jazz,” malamig niyang sabi. “Siguraduhin mong mapapanindigan mo ang pag-iinarte mong iyan nang kahit isang linggo lang. Dahil kung hindi, kahit lumuhod ka pa sa harap ko, hinding-hindi na kita tatapunan pa ng tingin.”
Nakaramdam si Jazz ng matinding kirot sa kanyang dibdib, habang rumaragasa ang galit sa kanyang buong pagkatao. Nagmamadali niyang tinipon ang kanyang mga dokumento, pero napatigil siya nang buksan niya ang huling drawer.Sa loob nito ay may isang salansan ng mga certificate—ang pinakaprestihiyosong CPA at CFA credentials sa finance world.Kahit isa lang sa mga ito ay sapat na para maging pasaporte sa malupit na labanan sa labas upang magkaroon ng magandang posisyon sa kahit anong kumpanya, pero narito ang mga ito, nakasiksik lang sa pinakatagong sulok.Hindi ba’t ang tingin nila sa kanya ay isang walang kwentang tao na walang ibang alam kundi ang humabol sa lalaki?Sulyap lang ang ibinigay niya sa mga ito, ayaw nang magtagal, at mabilis na nag-impake ng ilang damit sa maleta para umalis.Eksakto namang pumasok si Emerson. “Ate, maglalayas ka na naman ba? Itigil mo na nga ’yan—gutom na gutom na ako!”Dali-dali itong lumapit at hinablot ang maleta mula sa kanyang mga kamay.“Kung hindi
Bago umalis matapos kumain, medyo nahihiyang nagtanong si Jazz, “Puwede mo ba akong pahiramin ng pera?”Huminga nang malalim si Sheena. “Ang cufflinks na ibinigay mo kay Damon noong nakaraang linggo ay nagkakahalaga ng isang daang libong piso. Tapos ngayon, sasabihin mong manghihiram ka ng pera dahil wala kang pera?”Napakamot sa pisngi si Jazz, halatang napahiya. “Nangutang lang ako para mabayaran ang bill sa ospital kahapon. Babayaran din kita agad.”Nag-transfer si Sheena ng sampung libong piso sa kanya sa pamamagitan ng WeChat at tinapik siya sa balikat. “Ilang taon nang nililimitahan ng pamilya mo ang gastos mo, pero tinitiis mong mag-ipon para lang maibili ng regalo si Damon—pati nga mga kamag-anak niya, sinusuyo mo. Hayaan mo na nga. Wala na ring saysay ang magsalita pa ako sayo. Hindi mo na kailangang magbayad. Kung wala kang matutuluyan ngayong gabi, bumalik ka lang dito.”Lubos na natouch ang damdamin ni Jazz sa sinabing iyon ng kaibigan.Ngayon, sigurado na siyang magtatra
Sa sobrang frustration, hindi na nakapagsalita si Jazz. At dahil nakita niyang pagod na pagod si Sheena, nanahimik na lang siya.Naglatag si Sheena ng bagong pajama sa ibabaw ng kama. “May sariling banyo ang kwarto mo. Maligo ka na at magpahinga. Pagod na pagod ako ngayong araw—hindi na muna kita dadaldalin.”Tumango nang mahinahon si Jazz. “Salamat.”Pinanood niyang maglakad si Sheena patungo sa isa sa mga pinto ng kwarto, at alam niyang ang kabilang kwarto naman ang para sababae.Matapos maligo at magpalit ng pajama, sa wakas ay gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam.Eksaktong papatulog na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang bagong mensahe.Galing ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Emerson.[Ate, naka-bakasyon ako ngayon. Kararating ko lang sa bahay. Birthday ngayon ni ate Angelyn—bakit wala ka rito? Sabi ni Mama naglayas ka na naman daw. Kailan ba ito matatapos? Umuwi ka na. Hindi ko gusto ang luto ng mga katulong dito; mas gusto ko ang luto mo.
Nanatiling nakatayo si Jazz, tulala matapos ang sampal. Nakabiling ang kanyang ulo at tila wala nang buhay ang kanyang mga mata. Dinig niya ang matinis na ugong na iyon sa kanyang tainga.Dali-daling lumapit si Angelyn sa tabi ni Norelyn at dahan-dahang hinaplos ang likod nito para kumalma ang paghinga. “Ma, ayos lang po talaga ako. Isang milyon lang naman ang laman ng account. Nag- aalala lang ako na baka walang magamit si ate. Kaunti lang ang perang naroon para hindi na siya masyado pang makapaglustay.”Kumirot ang lalamunan ni Jazz sa sakit. Bigla niyang binuksan ang pinto ng isang taxing nakaparada sa kanyang tabi. “Excuse me…”Ngunit wala siyang maisip na destinasyon. Ang tanging nagawa niya ay tumitig sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga taong iyon na naglalakad papasok sa loob ng bahay.Sinulyapan ng driver ang kanyang namumutlang pasaheroi, “Pamilya mo ba ang mga ‘yon o mga kaaway? Wala kang kaimik-imik kanina kahit nasampal ka na. Huwag mo na alalahanin ang dal
Hindi na niya alam kung kanino pa hihingi ngthirty thousand na kabayaran sa kanyang hospital bill. Sa huli, alas-nuwebe na ng gabi nang muli niyang tawagan si Malachi.Isang malalim at paos na boses ang sumagot sa tawag niya—malamig at tila malayo, kagaya ng isang naliligaw tuta.“Jazz?”Agad na parang may bumara sa kanyang lalamunan ng marinig ang titig ng lalaki sa kabilang linya. Isang matinding bugso ng hinanakit ang bumaha sa kanyang puso. Naaalala niya kung paano sinaktan ng kanyang ina ang kanyang damdamin. Nanginginig ng bahagya ang kanyang tinig, ng mag umpisa siyang magsalita.“Hello… Malachi. Maaari– maaari ba akong makahiram ng thirty thousand?” mahina niyang tanong. “Nasa ospital ako at hindi ko mabayaran ang aking medical fees. Kilangan ko ng maka bill out upang hindi na lumaki pa ang aking babayaran dito.”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang mahinang tunog ng paghinga, kasabay ng bahagyang kaluskos ng tela.Noong nawalan na siya ng pag asa, dahil sa hindi nito pag
Pagkatapos nito, inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Angelyn at umalis nang walang pag-aalinlangan.Nakatitig lang si Jazz sa mga numero sa kanyang cellphone. Ang kanyang totoong fiancee ay hindi man lang nagpakita ng malasakit sa kanya, mula pa umpisa, bagkus, hinamak siya nito kahit alam na nito ang kanyang kalagayan. Ang mga binitawan nitong salita, ay para lamang sa sarili, at sa babaeng kasama nito, na kapatid niya mismo.Para siyang sinasakal sa puso. Namutla ang kanyang mukha at isang mapurol at hindi mapigilang sakit ang kumalat sa kanyang dibdib. Kahit malabo pa ang ilan niyang alaala, hindi maipagkakailang nasasaktan siya sa sinabi nito.Halatang magaling na si Angelyn mula sa aksidenteng kinasangkutan nila, pero siya—na siyang sinisisi ng lahat—ang halos mawalan ng buhay.Paano niya naging fiancé ang isang lalaking tulad nito?Tatlong araw na siyang nawawala, pero wala ni isa mula sa pamilya niya ang nagtangkang kumontak sa kanya at mag alala. Sa kanyang isipan,







