Masuk
–
Isabella’s POV
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, eh. Iyong nagulungan ang paa ko ng cart na may mabibigat na laman o ang makita ko siyang may kasamang iba habang magkahawak-kamay sila.
“Babe, wait—” Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at pinadapo na sa mukha niya ang kamay ko. Hindi ko na siya pinakinggan at umalis na sa kanyang harapan. Paano niya pa ako tinatawag na ‘Babe’? Matapos niyang makipaglampungan sa kasama niya ngayon? Matapos niyang halik-halikan ito, na para bang ito ang nakasama niya noong lugmok na lugmok siya.
Tatlong taon! Tatlong taon kong ibinigay ang lahat sa kanya. Ang suporta, pagmamahal, pag-iintindi, ang mga oras at pagod ko. Tatlong taon ng pagtitiis kahit na may naririnig ako sa iba na kesyo ganto, ganire daw siya ay hindi ako naniniwala dahil lubos ko siyang pinagkatiwalaan.
Pero sa mga oras na iyon, sitwasyon na ang harap-harapang nagbigay ng ebidensya sa akin.
Nasambot niya ako sa braso, kaya napigilan niya ako sa paglalakad. Hindi ko siya agad hinarap at nakatayo lang ako doon na parang tanga. Narinig ko siyang nagso-sorry na para bang nahuli lang siya sa maliit at simpleng kasalanan lamang. Nakakainis.
“Hindi ganon yun, Bella—”
“Anong hindi ganon? Anong tingin mo sa akin… tanga?” Napatawa ako nang mapait.
Sa mga oras na ito, hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay ayaw ko na siyang makita. Nakakasuklam!
“Hindi ganoon? Ha!” Naiinis kong saad saka marahas na tinanggal ang pagkakahawak niya sa ‘kin. “So, ano'ng tawag mo dito? Friend promax?” Tinuro ko yung babae sa likod niya. Tahimik lang ito doon pero halatang hindi rin komportable.
“Explain it to me,” dagdag ko pang sabi. Lalong kumulo ang dugo ko dahil imbes na mag-explain siya sa akin ay tumahimik lang siya.
Of course. Nahuli ko siya sa akto, eh. Malamang wala pang nabubuo na palusot sa utak niya.
“Bella…” Lumapit siya at aktong hahawakan niya ako muli sa braso. Automatic akong umatras.
Dati, siya yung safe place ko. Ngayon… Siya na yung dahilan kung bakit gusto kong tumakbo.
“I’m sorry,” Ang tanging nasabi niya matapos ang lahat na para bang mabubura ng ‘Sorry’ na iyon ang lahat ng sakit na ginawa niya sa akin.
Napapikit ako at huminga nang malalim.
“I trusted you.” Sambit ko kasabay ng pagtulo ng likido sa aking pisngi. I looked into his eyes, pero iniwasan niyang magtagpo ang mga mata namin.
“I gave you everything.” Kinagat ko ang ilalim ng aking labi upang pigilan ang nagbabadyang hikbi na nais kumawala sa aking bibig. “Even when it was hard. Even when I had to choose you over myself.”
Dahan-dahan akong huminga nang malalim para mabawasan ang bigat na nadarama ko. Pero hindi sapat iyon. I want to hurt him badly, pero I chose not to do it. Kasi para saan pa? Wala namang magbabago.
“Was I not enough?” tanong ko sa nanginginig na boses. “Hindi ba ako sapat para maghanap ka pa ng iba?”
Mahinang tanong ko sa kanya. Tila ba lahat ng lakas ko ay nagamit ko na para sabihin iyon.
Napaatras ako nang wala akong makuhang sagot galing sa kanya. Para bang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang tignan niya lang ako.
Teka? Bakit nga ba kailangan ko pang tanungin? Hindi naman siya maghahanap ng iba kung sapat ako sa kanya. Hindi ba?
“Okay,” sabi ko habang tumatango. “Malinaw na ang sagot sa akin,” sambit ko, saka pinunasan ko ang mga luha ko.
Stop crying, Isabella. He doesn't deserve it.
“S-Sorry,” saad niya muli.
Ngumiti ako pero walang bakas ng saya.
“Stop. I don't want to hear it anymore. Tama na.” Sambit ko, saka siya tinalikuran.
“Sa mga oras na ito. Wala na kayong tinatago at wala na rin tayo.” Matapos kong sabihin iyon, ay lumakad na ako palayo. Hindi ko na siya nilingon. Kasi alam ko na kapag lumingon pa ako ay baka maalala ko pa yung mga araw na masaya kami.
Baka mapatawad ko pa siya.
Baka magbago pa ang isip ko.
Ayoko na.
Ayoko nang maging ako ulit yung babaeng naniwala sa kanya.
-
Paglabas ko ng building, sinalubong ako ng malamig na hangin, pero hindi sapat para pakalmahin ako. I answered Claire’s call…
“Ano sama ka—”
“Sure, G, ako.”
“Wow! Himala? Sasama ka pumunta sa bar nga—”
“I badly need it. Right now.” Sagot ko sa kanya. Natahimik siya sa kabilang linya.
“Okay. Noted.” Sagot niya bago pinatay ang tawag.
Matapos ang tawag na iyon ay napakagat-labi ako, ngunit hindi nito napigilan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa bigat na nadarama ko hanggang sa natagpuan ko na lang na umiiyak ako sa gitna ng daan.
Hindi ko na napigilan. Hindi ko na kaya.
Sa mga oras na ito, ang tanging alam ko lang ay gusto kong makalimot. Gusto kong malimutan ang sakit na nadarama ko ngayon kahit saglit lang. Kahit ngayong gabi lang.
Nandoon siya samantalang ako bored na bored na dito. Kukuhanin ko na sana ang vodka sa harap ko nang biglang tapikin ng kung sino man ang kamay ko. "What?" Inis kong sambit. "Anong what? Huwag mong sabihin na iinumin mo iyan? Masama iyon para kay baby." Sambit ni Justin at umupo sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. "Tsk! Alam ko naman iyon. Hindi ko naman iinumin, eh.” Nakangusong sambit ko. “Sus! Hindi daw,” sambit niya at inayos ang damit niya. “Nakakainip naman dito." Reklamo ko at inikot ang paningin ko sa buong lugar. "Gusto mo bang magsayaw?" Tanong niya sa'kin at nilahad ang kamay niya. Ayiee! Sige, na nga. Inabot ko ang kamay niya saka ngumiti. Wait! Kinikilig ako. Nagpalit ang musika. Slow dance na ito ngayon. Pumunta kami sa gitna, inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking beywang. Nangibabaw sa musika ang malakas na tibok ng puso ko. Napapaisip tuloy ako kung naririnig din ba niya ito? "Nabobored ka na b
Sumakay kami sa sasakyan ni Hiro at agad niyang binuksan ang music player at nagplay ang isang masiglang tugtog. “Kamusta maganda ba?” Tanong niya kaya napalingon ako. “Gawa mo?” Curious kong tanong sa kanya. “Oo, ipapasa ko next week kay Javier once na natapos ko ang lyrics at natapos ang track. “Ang ganda! Buhay na buhay ang tugtog. Mapapasayaw ka kapag narinig. Iba talaga kapag may kaibigan na sikat nauuna ka makinig bago i-release,” humahagikgik na saad ko. “Naku! Ikaw talaga. Hindi pa nga naaprubahan release na agad nasa isip mo,” natatawang saad niya rin. “But seriously, maganda siya. Sikat kaya lahat ng gawa mo. Kaya proud na proud ako sayo, eh,” saad ko sa kanya na taos sa puso ko. “Nga pala…” seryosong saad niya kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit ganon? Kanin sa bahay niyo napakatahimik? I mean ang gara ng atmosphere,” sambit niya ng hindi tinatanggap ang paningin sa daan. Napatingin ako sa bintana,”Ganon ba?” Baka dahil ako lang mag-isa…” huminto ako sa pagsasalit
Isabella’s POVNaririnig ko ang mga hakbang ni Justin sa labas ng pintuan, pero hindi ko alam kung pagbubukaan ko ba siya o hindi. Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa kanyang silid.“Justin?” mahina kong sambit. Wala tugon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Pinikit ko ang mga mata ko at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang marahil ay hindi niya ako narinig,” bulong ko. Subalit kahit paulit-ulit kong sinasabi, ramdam ko ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata.Hindi ko alam kung anong nasa isip niya—galit ba? Pagod? O ginagampanan lang niya ang mga iniutos sa kanya?“Isabella,” napasinghap ako ng marinig ang tinig niya. Bumalik siya?“Hindi nga ako nagkamali na gising ka pa. Narito lang ako para siguraduhin kung natutulog ka, marahil ay naninibago ka. Heto ang gatas upang makatulog ka,” seryoso ang boses niya at hindi ko mabasa ang nasa utak niya.“Salamat,” mahina kong sambit. Kinuha ko ang gatas mula sa kanya at tulad kanina ay hi
Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang salitang “Act” kaysa sa malamig niyang asal kanina sa bahay. Pilit akong ngumiti sa harap niya ng maka-recover.“Ah—oo,” sambit ko habang sinisikap na magmukhang kalmado. Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa’min. May mga bulungan. May mga nakataas na cellphone para kunan kami. May mga taong nagtilian din dahil sa ginawa ni Justin.“Kalalabas mo lang ng ospital gumala ka kaagad,” kumunot ang kilay niya saglit bago siya ngumiti ulit. Pilit na ngiti bago niya nilapit muli ang mukha niya sa akin para bumulong.“Naabutan ko pa ang Tito mo sa bahay at pinagalitan ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya,” may inis sa boses niya at pa-simpleng tumingin sa akin ng masama. Hinawakan niya ang likod ko, marahan pero may distansya. Para bang sapat lang para magmukha kaming magkasama, pero kulang para maramdaman kong totoo. Pagkaraan ay humarap siya na nakangiti sa mga taong nanonood sa amin.Tsk! Akala ko pa naman! R
Lumabas ako ng silid at nadama ang pag-iisa dahil tahimik ang buong lugar. Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman kong namasa muli ang aking pisngi. Mabilis ko iyong pinunasan at pilit na ngumiti.“Sanay naman ako dati mag-isa pero bakit ngayon parang ang bigat sa pakiramdam?” Sambit ko sa sarili pagkaraan ay kinuha ang cellphone ko sa bulsa.Si Tito tumatawag…“Isabella,” sambit ni Tito sa kabilang linya ngunit di ako sumagot. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa muli siyang magsalita.“Hindi ko ginagawa ’to para parusahan ka,” sabi niya. “Ginagawa ko ’to para hindi ka mag-isa.” Napatigil ako sa narinig ko. Totoo ba? Pero bakit ngayon ay nag-iisa ako?“Naiintindihan ko po,” tanging saad ko sa tawag bago ito tinapos. Napabuntong hininga aoo pagkaraan ay naglakad papunta sa sala."Ano na ngayon ang mangyayari sa amin? Hays!" Kinuha ko ang shoulder bag ko sa sofa bagk muling bumalik sa kwarto ko.Inayos ko ang mga gamit ko pagkaraan ay naligo na upang mahimasmasan. D
Isabella's Pov:Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom ngunit paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Justin. Kasalukuyan siyang natutulog sa sofa, napakurap-kurap pa nga ako at mahinag tinampal ang mukha ko upang siguraduhin na hindi ako nananaginip. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng makita ang guwapo niyang mukha. Totoo ngang nandito siya at hindi ito panaginip. Mas lalong hindi ako namamalikmata. Kanina pa kaya siya dito?Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kong nilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Nais ko kasing haplusin ang pisnge niya. Pagdating talaga sa kanya ay para bang nagkakarera ang puso ko sa pagtibok. Nakakainis.Malapit na sana dumampi ang kamay ko sa mukha niya nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahan dumilat."Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang tanong sa'kin."Ah! Ano... Hehe... Ewan?" patanong na sambit ko dahil hindi ko na malaman ang sasabihin ko.
Binigyan naman sila ng plato ni Claire at ako naman ay inabutan sila ng kutsara. Napasulyap ako kay Justin na kasalukuyang naglalagay ng maiinom sa baso samantalang ang iba naman ay busy sa pagkuha ng sarili nilang pagkain. Masiyadong mabagal kumilos ang tadhana kaya't uunahan ko na ulit ito kumilo
Naputol ang pagpapantasiya ko ng marinig ko ang inis na boses ni Claire. "Asawa nga po ako ni Ysrael," Nagpameywang siya sa harap ng guard at napakagat labi. "Hay nako! Miss marami ang nagsasabi niyan na mga fans. Halos lahat naman kayo ay sinasabi na asawa niyo si Sir Ysrael," saad ng guard sa ka
Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong umiinom. Kung nakailang shots na ako, ilang beses akong tumawa kahit hindi naman talaga nakakatawa. Basta ang alam ko lang, sa ginagawa kong ito, mas nawawala ang sakit… Mas nakakalimot ako.“Bad breakup?” tanong niya.Napatingin ako sa kanya. “Obvious?”
"He broke me once… but that night, I chose to break every rule I had for myself."-POV: IsabellaMalakas na tugtog ang bumungad sa amin pagpasok sa loob ng bar. This is my first time going to this kind of place. Kung hindi lang ako broken at hindi nais makalimot sa pesteng lalaking iyon, ay hindi a







