Masuk-
POV: Isabella
Malakas na tugtog ang bumungad sa amin pagpasok sa loob ng bar. This is my first time going to this kind of place. Kung hindi lang ako broken at hindi nais makalimot sa pesteng lalaking iyon, ay hindi ako pupunta dito.
“Bella, are you okay?” Medyo pahiyaw na sabi ni Claire habang naglalakad kami papasok.
“Oo, okay naman ako,” hiyaw ko rin sa kanya dahil, tulad ng sabi ko kanina, malakas ang tugtog. Habang naglalakad kami, napansin ko na halos magkapalit na ng katawan ang mga tao dahil sa lapit ng bawat isa sa isa't isa habang sumasayaw.
Dumiretso kami sa dulo ng bar at naupo kami sa isang sulok, medyo malayo sa mga taong mahilig mag-socialize. As my request, siyempre, hindi naman kasi talaga ako sanay sa mga ganito.
“Here’s your drink,” ang sabi ng isa sa mga kaibigan ni Claire. If I remember correctly, her name is Mia.
“Thanks. You're Mia, right? Correct me if I'm wrong,” medyo awkward kong saad.
“Yes, that's my name.” Nakangiting sabi niya.
“That’s not a hard drink. Right? Iyang bigay mo kay Bella?” Tanong naman ni Claire nang makalapit siya sa amin.
“Of course, sabi mo huwag siyang bigyan ng hard drink kasi first time niya uminom.” Sambit naman ni Mia.
“Lala niyo! Bakit ako? Unang inom natin kabayong pula pa nga binigay niyo. Tapos ngayon may special treatment? Sana pala sinipa niyo na lang ako,” nag-e-emote naman ang nasabi ni Trisha na ikinatawa nilang lahat.
“I think I can handle hard drink naman,” saad ko sa kanila.
“Will it help to forget someone?” pabulong kong saad sa kanila.
“Ay! Ayun, matapang kasi may gustong kalimutan.” Sambit naman ni Claire. Pilit akong napangiti sa kanya.
“Sige na at tayo ay magmaboteng usapan…” Biro naman ng baklang kaibigan ni Claire na si Josh.
—
Isa…
Dalawa…
Tatlo…
Hanggang sa hindi ko na maalala kung pang-ilang baso na ako.
“Isa pa.” sambit ko at medyo tumama yung baso sa mesa—medyo malakas.
“Bella, tama na,” sabi ni Claire, hawak ang palapulsuhan ko. “You’re drunk.”
“Kaya mo pa ba?”
Napatawa ako. Iyong pilit na tawa.
“Exactly, hindi ko na kaya iyong sakit,” sagot ko, sabay taas ng baso. “Pero kaya ko pa uminom. Kaya nga nanghihingi ako, ’di ba?”
The music was loud. Too loud. The lights were dim. People were laughing, dancing, living.
Pero ako?
Parang wala.
Parang naka-freeze sa moment na nakita ko siya. Kung paano siya makipagtawanan sa babaeng iyon… Kung paano siya makipag-holding hands sa babaeng iyon. Damn! Masaya pa kami kahapon, ano yun praktis sa gagawin niya sa babaeng iyon ngayon?
Replay? Rerun?
Parang wala kaming pinagsamahan kung manakit, eh. Damn, that asshole. Kating-kati ba sa buhay niya kaya di makapaghintay na makipag-break muna sa akin bago lumingkis sa iba?
“Three years, Claire,” mahina kong sabi, saka napakagat sa labi para pigilan ang mga nagbabadya kong luha.
Hindi ko na siya tinitingnan.
Hindi ko kayang makita yung awa sa mata niya.
“Tatlong taon… tapos ganon lang?” Pagkasabi ko noon ay tinungga ko iyong nasa baso.
“Hindi siya kawalan,” sambit niya at mahina akong tinapik sa likod. “Wala siyang kwenta para iyakan mo,” sabi niya eventually.
Napailing ako saka tumango.
“Tama, hindi siya kawalan,” pagkunbinsi ko sa sarili ko, pero parang may tumusok sa dibdib ko.
“Pero bakit parang ako yung nawalan?” Saad ko sa nanginginig na boses.
That question hung in the air.
Heavy.
Unanswered.
Kasi yun naman talaga yung totoo. Hindi lang siya yung nawala. Ako rin. Yung version ko na naniniwala sa kanya. Yung minahal siya. Yung version ko na masaya.
Yung version ko na buo.
“Bella…” tawag ni Claire saka napabuntong-hininga. “Let’s go home.”
“No. Huwag muna. Hmm?” Baling ko sa kanya.
“Ayoko pa umuwi… Kasi kapag umuwi ako at nagkulong sa kwarto ko… Kasi pag mag-isa ako—maaalala ko siya.” Humihikbing saad ko at niyakap ako ni Claire.
“Okay, fine. Mamaya na tayo umuwi. But please, tama na ang kakainom. Kung hindi ka titigil, sige ka, uuwi na tayo,” paalala ni Claire. I nod at her.
“Then, let’s dance na lang,” sambit ko at hinila siya sa gitna para magsayaw.
-
Bente minuto rin akong tumambay sa hall bago ako magpaalam na magbabanyo. Pagbalik ko, wala na sila sa puwesto namin—kahit sa dance floor, wala rin. Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad-lakad hanggang mapunta sa kabilang parte ng bar. Umupo ako roon, pilit na pinapakalma ang sarili dahil bahagya na namang umiikot ang paningin ko.
“Vodka,” mahinang sabi ko sa bartender. Agad kong inubos iyon.
“Another one?”
Napatingin ako sa lalaking biglang sumingit sa tabi ko at tinaasan siya ng kilay.
“No—”
“Sige na, Miss,” putol niya, saka ngumiti. “Wala namang masama kung tatanggapin mo ’to.”
“No, ayoko nga po,” malamig kong saad. “Please, stop.”
“Sige na, Miss, libre lang—”
Naputol ang sasabihin niya nang may malamig na boses na nagsalita mula sa likod ko.
“‘No’ means no…” kalmado ang boses nito pero nagbabanta.
“Hindi ‘maybe.’ Hindi ‘convince me,’ at lalong hindi ‘try harder.’ I don’t tolerate people who can’t understand something that basic.” Mahinahon niyang sambit, saka hinawakan ang pulso ng lalaking nangungulit sa akin. Hindi mahigpit pero sapat para mapatigil ito. Napatingin ang lalaki sa kanya.
“Kung hindi mo kayang intindihin ‘yan… then you’re either stupid… or you’re asking for trouble.” Dahan-dahan niyang binitawan ang pulso nito, parang walang nangyari, pero sapat na iyon para umatras ang lalaki.
“May kasama ka pala. Sorry, Miss,” sambit nito bago nagmamadaling umalis. Pero hindi ko naman siya kasama.
“Why?” tanong ko, sabay lingon sa lalaking dahilan kung bakit umalis ang nangungulit sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Umupo kasi siya doon kung saan nakaupo ang lalaking umalis kanina.
Bahagya siyang nagkibit-balikat. “Nothing. Though I think I know why.”
Kumunot ang noo ko. “Why?”
“Why did he offer you another drink?”
“What do you mean?” naguguluhan kong tanong.
“Because you look like you need one.” Ibinaba niya ang baso sa counter, saka marahang pinaikot iyon gamit ang daliri.
“You look like… heartbroken.” Hindi siya nakatingin sa akin. Sa halip, marahan niyang iniikot ang baso sa pagitan ng mga daliri, pinagmamasdan ang likidong umiikot sa loob nito.
“Do I look that pathetic?” mahina kong sambit, pinaglaruan ang hawak kong baso.
“No,” diretso niyang sagot. Walang paligoy-ligoy.
“You look… fragile.”
Tumahimik ako saka huminga nang malalim. Kinuha ko ang baso at nilagok ko iyon.
“And this ‘fragile’ girl?” Mapait akong ngumiti. “She’s already shattered.” Humingi pa ako ng isa pang drink matapos sabihin iyon.
“I see,” maikli niyang tugon.
Hindi ko siya kilala… pero bakit parang ayokong umalis?
Parang gusto ko pang makipag-usap sa kanya at magsabi ng mga problema ko.
Nandoon siya samantalang ako bored na bored na dito. Kukuhanin ko na sana ang vodka sa harap ko nang biglang tapikin ng kung sino man ang kamay ko. "What?" Inis kong sambit. "Anong what? Huwag mong sabihin na iinumin mo iyan? Masama iyon para kay baby." Sambit ni Justin at umupo sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. "Tsk! Alam ko naman iyon. Hindi ko naman iinumin, eh.” Nakangusong sambit ko. “Sus! Hindi daw,” sambit niya at inayos ang damit niya. “Nakakainip naman dito." Reklamo ko at inikot ang paningin ko sa buong lugar. "Gusto mo bang magsayaw?" Tanong niya sa'kin at nilahad ang kamay niya. Ayiee! Sige, na nga. Inabot ko ang kamay niya saka ngumiti. Wait! Kinikilig ako. Nagpalit ang musika. Slow dance na ito ngayon. Pumunta kami sa gitna, inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking beywang. Nangibabaw sa musika ang malakas na tibok ng puso ko. Napapaisip tuloy ako kung naririnig din ba niya ito? "Nabobored ka na b
Sumakay kami sa sasakyan ni Hiro at agad niyang binuksan ang music player at nagplay ang isang masiglang tugtog. “Kamusta maganda ba?” Tanong niya kaya napalingon ako. “Gawa mo?” Curious kong tanong sa kanya. “Oo, ipapasa ko next week kay Javier once na natapos ko ang lyrics at natapos ang track. “Ang ganda! Buhay na buhay ang tugtog. Mapapasayaw ka kapag narinig. Iba talaga kapag may kaibigan na sikat nauuna ka makinig bago i-release,” humahagikgik na saad ko. “Naku! Ikaw talaga. Hindi pa nga naaprubahan release na agad nasa isip mo,” natatawang saad niya rin. “But seriously, maganda siya. Sikat kaya lahat ng gawa mo. Kaya proud na proud ako sayo, eh,” saad ko sa kanya na taos sa puso ko. “Nga pala…” seryosong saad niya kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit ganon? Kanin sa bahay niyo napakatahimik? I mean ang gara ng atmosphere,” sambit niya ng hindi tinatanggap ang paningin sa daan. Napatingin ako sa bintana,”Ganon ba?” Baka dahil ako lang mag-isa…” huminto ako sa pagsasalit
Isabella’s POVNaririnig ko ang mga hakbang ni Justin sa labas ng pintuan, pero hindi ko alam kung pagbubukaan ko ba siya o hindi. Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa kanyang silid.“Justin?” mahina kong sambit. Wala tugon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Pinikit ko ang mga mata ko at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang marahil ay hindi niya ako narinig,” bulong ko. Subalit kahit paulit-ulit kong sinasabi, ramdam ko ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata.Hindi ko alam kung anong nasa isip niya—galit ba? Pagod? O ginagampanan lang niya ang mga iniutos sa kanya?“Isabella,” napasinghap ako ng marinig ang tinig niya. Bumalik siya?“Hindi nga ako nagkamali na gising ka pa. Narito lang ako para siguraduhin kung natutulog ka, marahil ay naninibago ka. Heto ang gatas upang makatulog ka,” seryoso ang boses niya at hindi ko mabasa ang nasa utak niya.“Salamat,” mahina kong sambit. Kinuha ko ang gatas mula sa kanya at tulad kanina ay hi
Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang salitang “Act” kaysa sa malamig niyang asal kanina sa bahay. Pilit akong ngumiti sa harap niya ng maka-recover.“Ah—oo,” sambit ko habang sinisikap na magmukhang kalmado. Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa’min. May mga bulungan. May mga nakataas na cellphone para kunan kami. May mga taong nagtilian din dahil sa ginawa ni Justin.“Kalalabas mo lang ng ospital gumala ka kaagad,” kumunot ang kilay niya saglit bago siya ngumiti ulit. Pilit na ngiti bago niya nilapit muli ang mukha niya sa akin para bumulong.“Naabutan ko pa ang Tito mo sa bahay at pinagalitan ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya,” may inis sa boses niya at pa-simpleng tumingin sa akin ng masama. Hinawakan niya ang likod ko, marahan pero may distansya. Para bang sapat lang para magmukha kaming magkasama, pero kulang para maramdaman kong totoo. Pagkaraan ay humarap siya na nakangiti sa mga taong nanonood sa amin.Tsk! Akala ko pa naman! R
Lumabas ako ng silid at nadama ang pag-iisa dahil tahimik ang buong lugar. Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman kong namasa muli ang aking pisngi. Mabilis ko iyong pinunasan at pilit na ngumiti.“Sanay naman ako dati mag-isa pero bakit ngayon parang ang bigat sa pakiramdam?” Sambit ko sa sarili pagkaraan ay kinuha ang cellphone ko sa bulsa.Si Tito tumatawag…“Isabella,” sambit ni Tito sa kabilang linya ngunit di ako sumagot. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa muli siyang magsalita.“Hindi ko ginagawa ’to para parusahan ka,” sabi niya. “Ginagawa ko ’to para hindi ka mag-isa.” Napatigil ako sa narinig ko. Totoo ba? Pero bakit ngayon ay nag-iisa ako?“Naiintindihan ko po,” tanging saad ko sa tawag bago ito tinapos. Napabuntong hininga aoo pagkaraan ay naglakad papunta sa sala."Ano na ngayon ang mangyayari sa amin? Hays!" Kinuha ko ang shoulder bag ko sa sofa bagk muling bumalik sa kwarto ko.Inayos ko ang mga gamit ko pagkaraan ay naligo na upang mahimasmasan. D
Isabella's Pov:Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom ngunit paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Justin. Kasalukuyan siyang natutulog sa sofa, napakurap-kurap pa nga ako at mahinag tinampal ang mukha ko upang siguraduhin na hindi ako nananaginip. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng makita ang guwapo niyang mukha. Totoo ngang nandito siya at hindi ito panaginip. Mas lalong hindi ako namamalikmata. Kanina pa kaya siya dito?Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kong nilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Nais ko kasing haplusin ang pisnge niya. Pagdating talaga sa kanya ay para bang nagkakarera ang puso ko sa pagtibok. Nakakainis.Malapit na sana dumampi ang kamay ko sa mukha niya nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahan dumilat."Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang tanong sa'kin."Ah! Ano... Hehe... Ewan?" patanong na sambit ko dahil hindi ko na malaman ang sasabihin ko.
Binigyan naman sila ng plato ni Claire at ako naman ay inabutan sila ng kutsara. Napasulyap ako kay Justin na kasalukuyang naglalagay ng maiinom sa baso samantalang ang iba naman ay busy sa pagkuha ng sarili nilang pagkain. Masiyadong mabagal kumilos ang tadhana kaya't uunahan ko na ulit ito kumilo
Naputol ang pagpapantasiya ko ng marinig ko ang inis na boses ni Claire. "Asawa nga po ako ni Ysrael," Nagpameywang siya sa harap ng guard at napakagat labi. "Hay nako! Miss marami ang nagsasabi niyan na mga fans. Halos lahat naman kayo ay sinasabi na asawa niyo si Sir Ysrael," saad ng guard sa ka
Nang bahagya akong magpalinga-linga ay napansin kong siya lang mag-isa. Tinitigan ko siya at kita sa kanyang mga mata na inaantok na siya marahil ay pagod siya dahil sa kanyang trabaho ngayong araw."Hindi ba kasama mo sila Brian at Ysrael kanina? Nakita ko kasi kayo noong dumating ako dito." Sabi
Nasa harap na ako ngayon ng Z Tower na pagmamay-ari ni Mr. Fuentes. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na tinawagan ako ng isang kilalang tao. Kadalasan naman kasi kapag nagmomodel ako ay sa maliit na company lang at hindi gaanong kilala but now. Grabe! Pakiramdam ko sa susunod, sa run







