Compartir

Kabanata 4

last update Última actualización: 2026-02-10 06:55:27

Halos hindi natulog si Seraphina sa buong linggo bago ang pag-alis niya.

Simula nang pumirma siya sa kontrata, tila naging mas tahimik ang bahay—ngunit hindi dahil sa kapayapaan. Kundi dahil tapos na ang lahat. Wala nang dapat pag-usapan. Wala nang dapat pag-awayan. Parang natupad na ang layunin ng bawat isa sa loob ng bahay na iyon, at siya… ay isa na lamang bagay na naipasa na sa bagong may-ari.

Parang naibenta na sila ng isang gamit na matagal nilang gustong alisin. Isang lumang mesa na nakaharang sa sala. Isang sirang radyo na hindi na pinapansin. Isang responsibilidad na matagal nang pabigat.

Wala nang galit.

Wala nang sigawan.

Wala na ring pakialam.

Mas masakit pala ang katahimikan.

Mas masakit ang pakiramdam na hindi ka na kailangang pagalitan dahil hindi ka na mahalaga. Mas masakit ang pakiramdam na wala nang nag-aaksaya ng emosyon para sa’yo dahil sa mata nila, tapos ka na. Nabayaran ka na. Naisuko ka na.

Tuwing umaga, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho. Parang walang nagbago. Pumapasok sa café. Nagtuturo sa mga bata sa hapon. Nag-eencode sa maliit na shop sa gabi. Pareho pa rin ang mga galaw niya, pareho pa rin ang iskedyul—ngunit may kakaibang bigat sa bawat hakbang.

Sa bawat araw, mas nararamdaman niyang parang unti-unti siyang nagiging multo sa sarili niyang buhay. Naririnig niya ang tawanan ng mga katrabaho, ngunit para bang malayo ang tunog. Nakikita niya ang mga kostumer, ngunit hindi niya matandaan ang mga mukha. Kumakain siya, ngunit hindi niya malasahan ang pagkain.

Isang beses, tinanong siya ng katrabaho niya sa café habang naglilinis sila ng mesa.

“Bat tahimik mo, beh. May problema ba?”

Bahagya siyang ngumiti. “Wala naman.”

Hindi niya kayang sabihin ang totoo.

Paano mo ipapaliwanag na ibinenta ka ng sarili mong pamilya?

Na may lalaking hindi mo kilala ang magmamay-ari ng kapalaran mo?

Na aalis ka na sa bansang kinalakihan mo para sa isang kinabukasang hindi mo maintindihan?

Paano mo sasabihin na may presyo ang pangalan mo… at may pumayag magbayad?

Sa gabi bago ang flight niya, pinaupo siya ng ina niya sa mesa. Walang emosyon ang mukha nito, parang may kausap lamang na estranghero. May maliit na maleta sa tabi ni Seraphina. Luma ngunit malinis. Doon nakalagay ang lahat ng gamit niya—na kasya sa iisang bag.

Tatlong damit.

Lumang sapatos.

Isang notebook.

Isang litrato niya noong bata pa siya… na hindi naman niya maalala kung kailan kinuha.

Tinitigan niya ang litrato. Nakangiti siya roon. Masaya. Walang takot. Hindi niya kilala ang batang iyon. Parang ibang tao. Parang buhay na hindi kailanman nangyari.

“Maaga ang flight mo bukas,” sabi ng ina niya habang nagbibilang ng pera sa harap niya.

Hindi siya tinitigan.

Hindi siya tinanong kung ayos lang siya.

Hindi siya niyakap.

“May susundo sa’yo sa airport. Sundin mo lang lahat ng sasabihin nila.”

Tahimik siyang tumango. Ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan niya. Gusto niyang magtanong. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanong kung anak pa ba siya. Kung may kahit katiting bang pagmamahal na natira.

Ngunit wala nang saysay.

Hindi na siya anak.

Isa na lamang siyang bayad.

Nang gabing iyon, humiga siya sa banig at tumingin sa kisame. Tahimik ang paligid. Naririnig niya ang mahinang hilik ng ama niya sa kabilang kwarto. Ang paulit-ulit na ugong ng lumang electric fan. Ang kaluskos ng kurtinang tinatamaan ng hangin.

Ito na ang huling gabi niya sa bahay na ito.

Dapat ba siyang malungkot?

Hindi niya alam.

Marahil… sanay na siyang walang tahanan.

Kinabukasan, madaling-araw pa lamang ay gising na siya. Naghilamos. Nagbihis ng pinakamaayos niyang damit—isang simpleng puting blouse at lumang palda. Inayos niya ang buhok niya sa simpleng ponytail. Wala siyang make-up. Wala siyang alahas. Wala siyang kahit anong magpapaganda sa kanya.

Tinitigan niya ang sarili sa maliit na salamin.

Payat. Maputla. Tahimik.

Mukhang… mahina.

Ngunit sa likod ng kanyang mga mata, may kakaibang katigasan na nabuo sa paglipas ng taon. Isang tibay na hindi madaling makita. Isang determinasyong mabuhay kahit walang kakampi.

Dahan-dahan niyang binuhat ang maleta.

Lumabas siya ng kwarto.

Nasa sala ang ina at ama niya. Nakaupo. Parang normal na umaga lang. Parang aalis lang siya papuntang trabaho. Parang babalik din mamaya.

Walang drama. Walang emosyon.

“Umalis ka na,” sabi ng ama niya. “Naghihintay na ang sasakyan.”

Tumango siya.

Sandali siyang tumayo sa gitna ng sala. Umaasang may magsasabi ng kahit ano. Kahit simpleng “ingat.” Kahit “kumain ka.” Kahit “bumalik ka.”

Wala.

Kaya siya na ang nagsalita.

“Paalam po.”

Tahimik.

Walang sumagot.

Walang tumingin.

Doon niya tuluyang naunawaan—wala talaga siyang pamilya.

Tahimik siyang lumabas ng bahay.

Hindi siya lumingon.

Sa labas, may itim na sasakyang naghihintay. Nakasandal sa pinto ang isang lalaking naka-itim na suit. Malapad ang balikat. Matigas ang ekspresyon. Mukhang bodyguard.

Nang makita siya, binuksan nito ang pinto ng sasakyan.

“Miss Seraphina?” tanong nito sa maayos na English.

“O-opo,” sagot niya, mahina.

Tumango ang lalaki. “We’ll take you to the airport.”

Sumakay siya.

Habang umaandar ang sasakyan palayo, tumingin siya sa bintana. Unti-unting lumiliit ang bahay na kinalakihan niya. Ang kalsadang lagi niyang nilalakaran. Ang poste ng ilaw kung saan siya nag-aaral gabi-gabi. Ang tindahang binibilhan niya ng murang tinapay.

Walang lungkot.

Walang saya.

Tanging… kawalan.

Sa airport, parang panaginip ang lahat. Napakalaki. Napakaraming tao. Napakaraming ilaw. Para siyang naliligaw sa ibang mundo. Sinamahan siya ng dalawang lalaking naka-suit. Sila ang nag-asikaso ng ticket, passport, at lahat ng papeles. Hindi siya halos nagsalita. Sumunod lamang.

Pagdating sa departure gate, doon siya unang nakaramdam ng takot.

Ito na.

Wala nang atrasan.

Habang nakaupo sa waiting area, napansin niyang nanginginig ang kamay niya. Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng bag niya. Ano kayang itsura ng lalaking pupuntahan niya? Matanda ba talaga? Pangit? Malupit? Pervert…?

Napapikit siya.

Iyon ang sinabi sa kanya ng ina niya. Iyon ang paulit-ulit na ibinulong—na ang lalaking iyon ay mapanganib. Na wala itong puso. Na dapat siyang sumunod kung ayaw niyang masaktan.

Nanlamig ang sikmura niya.

Ngunit wala na siyang magagawa.

Nang tawagin ang boarding, tumayo siya. Mabagal ang hakbang. Parang mabigat ang bawat galaw. Sa loob ng eroplano, tahimik siyang umupo sa tabi ng bintana. Unang beses niyang sumakay ng eroplano. Hindi siya namangha. Hindi siya natuwa.

Tanging kaba lamang ang naramdaman niya.

Habang umaangat ang eroplano, unti-unting lumiit ang mga ilaw sa lupa. Hanggang sa maging maliliit na tuldok. Hanggang sa tuluyang mawala.

Doon niya tuluyang napagtanto—

Wala na siyang babalikan.

Sa kabilang panig ng mundo, sa isang malawak na opisina na tanaw ang skyline ng New York, may isang lalaking nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window. Malamig ang ekspresyon. Nakasuot ng itim na suit. Hawak ang telepono.

“Her flight has departed, sir,” sabi ng assistant sa kabilang linya.

Tahimik siya sandali.

Pagkatapos ay mahinang tumango kahit walang nakakakita.

“Prepare everything,” utos niya. Mababa ngunit matalim ang boses. “I want the house ready.”

“Yes, sir.”

Pinutol niya ang tawag.

Tahimik siyang tumingin sa lungsod sa ibaba. Sa libo-libong ilaw na kumikislap sa gabi. Sa isip niya, iisang imahe lamang ang naroon—isang payat na dalagitang may tahimik na mata.

“Matagal kitang hinintay,” bulong niya sa sarili.

Hindi niya alam kung bakit… ngunit sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, may paparating na sa buhay niya na kayang baguhin ang lahat.

At sa loob ng eroplano, habang natutulog ang karamihan ng pasahero, tahimik na nakaupo si Seraphina sa tabi ng bintana. Nakatingin sa madilim na kalangitan. Walang bituin. Walang buwan. Tanging malawak na dilim.

Hindi niya alam kung anong naghihintay sa kanya sa America.

Ngunit may pakiramdam siya—

na ang lalaking pupuntahan niya…

ay hindi ang halimaw na sinabi sa kanya.

At marahil—

mas mapanganib pa.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Adopted by my Billionaire Uncle   Kabanata 6

    Pakiramdam ni Seraphina, parang bato ang kanyang mga binti habang papalapit siya sa lalaking nakatayo sa itaas ng hagdan. Bawat hakbang ay mabagal, puno ng alinlangan, at maingat. Ang echo ng kanyang sapatos sa marmol ay nagpaparamdam sa kanya ng sobrang liit. Parang bawat tunog ay sumisigaw sa kanya na siya’y naiiba at walang lugar sa paligid na ito.Gusto niyang magtanong ng maraming bagay, ngunit parang natrap ang boses niya sa pagitan ng lalamunan at puso. “Bakit… sobrang… laki?” naisip niya, hindi ang mansyon kundi ang presensya ng lalaki. Ang anino niya, nakabalot sa ilaw ng chandelier, ay tila buhay, matatag, at hindi basta-basta matitinag.Hindi gumalaw ang lalaki, ngunit tila alam niya ang lahat ng iniisip ni Seraphina. Ang kanyang postura ay perpekto, walang pagbabago, parang estatwa na may sariling aura ng kapangyarihan. Gusto niyang lumingon, umatras, ngunit ang kuryosidad ay nagpigil sa kanya.Nang mangahas siyang bumulong, halos sa sarili, ang boses ay nanginginig: “Excu

  • Adopted by my Billionaire Uncle   Kabanata 5

    Mahaba ang biyahe.Hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas—walo ba? Sampu? Higit pa? Para sa kanya, parang isang mahabang pagitan lamang ng bawat paghinga. Ang oras ay tila natunaw sa monotony ng pag-ikot ng mga gulong at ugong ng makina.Paminsan-minsan ay pinipikit niya ang mata, ngunit hindi siya tunay na nakakatulog. Tuwing sisilip ang alaala ng bahay na iniwan niya—ang mga pader na may bakas ng kanyang kabataan, ang kusina kung saan siya unang natutong magluto, ang kanyang sariling kama na ngayon ay malamig at tahimik—kusang nagigising ang kanyang katawan. Parang may bahagi sa kanya na ayaw mawalan ng kontrol, kahit sandali lamang.Tahimik ang cabin. Mahina ang ugong ng makina. Paminsan-minsan ay may umiiyak na bata sa likod. May babaeng mahina ang boses na nanonood ng pelikula sa kabilang upuan. Normal na mundo. Ngunit hindi na siya bahagi noon.Mahigpit niyang hinawakan ang maliit na notebook sa bag niya. Ilang pahina na lamang ang may sulat. Karamihan ay listahan ng gas

  • Adopted by my Billionaire Uncle   Kabanata 4

    Halos hindi natulog si Seraphina sa buong linggo bago ang pag-alis niya.Simula nang pumirma siya sa kontrata, tila naging mas tahimik ang bahay—ngunit hindi dahil sa kapayapaan. Kundi dahil tapos na ang lahat. Wala nang dapat pag-usapan. Wala nang dapat pag-awayan. Parang natupad na ang layunin ng bawat isa sa loob ng bahay na iyon, at siya… ay isa na lamang bagay na naipasa na sa bagong may-ari.Parang naibenta na sila ng isang gamit na matagal nilang gustong alisin. Isang lumang mesa na nakaharang sa sala. Isang sirang radyo na hindi na pinapansin. Isang responsibilidad na matagal nang pabigat.Wala nang galit.Wala nang sigawan.Wala na ring pakialam.Mas masakit pala ang katahimikan.Mas masakit ang pakiramdam na hindi ka na kailangang pagalitan dahil hindi ka na mahalaga. Mas masakit ang pakiramdam na wala nang nag-aaksaya ng emosyon para sa’yo dahil sa mata nila, tapos ka na. Nabayaran ka na. Naisuko ka na.Tuwing umaga, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho. Parang walang nagbago

  • Adopted by my Billionaire Uncle   Kabanata 3

    Dumating ang ikalabingwalong kaarawan ni Seraphina nang walang selebrasyon.Walang cake.Walang kandila.Walang bumati.Kung hindi niya pa nakita ang petsa sa lumang kalendaryo sa dingding, hindi niya pa maaalala na iyon pala ang araw ng kapanganakan niya.Maaga siyang nagising, gaya ng nakasanayan. Madilim pa ang langit nang bumangon siya mula sa manipis na banig. Tahimik niyang inayos ang kumot at naglakad papunta sa kusina.Walang laman ang ref.Walang kanin sa kaldero.Huminga siya nang malalim at kinuha ang bag niyang luma. May tatlong trabaho siyang papasukan ngayong araw—gaya ng araw-araw.Habang naglalakad papunta sa sakayan, napansin niyang mas malamig ang hangin kaysa karaniwan. Parang may kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.Parang may mangyayaring masama.Ngunit sanay na siyang huwag pansinin ang mga ganitong pakiramdam. Sa buhay niya, palaging may masama.Sa café kung saan siya nagtatrabaho bilang waitress, tahimik siyang kumilos. Mabilis maglakad. Maingat mag

  • Adopted by my Billionaire Uncle   Kabanata 2

    Lumaki si Seraphina na parang anino sa sariling tahanan.Mula pagkabata, nasanay siyang tahimik. Hindi dahil likas siyang ganoon—kundi dahil iyon ang paraan para hindi mapansin. At sa bahay nila, ang hindi mapansin ay mas ligtas.Sa murang edad na lima, alam na niya ang ibig sabihin ng gutom. Hindi iyong simpleng gutom na may kasunod na hapunan, kundi iyong pakiramdam na matutulog kang kumakalam ang sikmura dahil walang natirang pagkain.Isang umaga, nakatayo siya sa kusina habang hawak ang maliit na mangkok. May kaunting lugaw sa kaldero. Maingat niyang sinalok ang natitira.“Akin ‘yan.”Napapitlag siya.Nasa likod niya ang ina—nakasimangot, nakahalukipkip.“M-Mama… gutom po ako,” mahina niyang sabi.Tinitigan siya ng ina mula ulo hanggang paa. Parang sinusukat kung karapat-dapat ba siyang kumain.“Maghihintay ka,” malamig nitong sagot. “Hindi ka priority.”Tahimik na ibinalik ni Seraphina ang sandok. Tumango siya kahit masakit ang lalamunan.Naupo siya sa sulok ng kusina at pinanood

  • Adopted by my Billionaire Uncle   Kabanata 1

    Malakas ang ang buhos ng ulan nang gabing iyon—hindi simpleng ulan, kundi bagyong tila gustong lunurin ang buong bayan sa galit ng langit.Ang hangin ay sumisipol sa makitid na kalsada. Ang mga yero sa bubong ng lumang ospital ay kumakalansing sa bawat hampas ng hangin. Kumukurap ang ilaw sa loob ng delivery room, para bang anumang oras ay susuko na rin ito.“Doctor, mawawala na naman ang kuryente!” nag-aalalang sigaw ng isang nurse.“Maghanda kayo ng flashlight. Bilisan niyo,” sagot ng doktor habang pawisan ang noo.Sa gitna ng magulong gabi, may isang babae ang nakahiga sa delivery bed. Maputla ang kanyang mukha, pawisan, ngunit walang bakas ng emosyon ang kanyang mga mata. Parang hindi siya nanganganak ng anak—parang tinatapos lamang niya ang isang mabigat na obligasyon.“Konting tulak pa,” utos ng doktor. Pinapawisan at tila nahihirapanSumabay ang malakas na kulog sa huling sigaw ng babae.At biglang… namatay ang ilaw.Napuno ng dilim ang silid. Tanging ang liwanag ng kidlat mula

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status