LOGINPagbalik ni Calli sa ordinaryong ward, mahimbing nang natutulog ang kanyang tiyuhin matapos inumin ang mga iniresetang gamot.
Tahimik naman na inayos ni Christoff ang kumot ng kanilang tiyuhin bago lumingon sa kanyang kapatid. “Umuwi ka na muna, Calli,” malumanay niyang sabi. “Magpahinga ka na. Ako na ang magbabantay rito ngayong gabi. Bumalik ka na lang bukas ng umaga.” Alam niyang wala nang saysay ang makipagtalo. Mahina siyang tumango. “Sige, Kuya.” Matapos siliping muli ang kanyang natutulog na tiyuhin, tahimik siyang lumabas ng silid. Unti-unting nawala ang matapang na amoy ng disinfectant habang papalayo siya sa gusali ng ospital. Pakiramdam niya ay parang kasabay ding nawawala ang natitira niyang lakas. Nakayuko siyang naglalakad, abala sa sarili niyang iniisip nang bigla siyang nabangga sa isang matangkad na lalaki. “A-Ay, pasensya na po.” Hindi man lang siya nag-angat ng tingin, lumihis lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nanatiling nakatayo ang lalaking kanyang nabangga. Tahimik nitong sinundan ng tingin ang papalayong likuran ni Calli hanggang sa unti-unti itong nawala sa dami ng tao. “Jax?” Tinapik siya ng lalaking nasa tabi niya. “Ano’ng nangyari? Kilala mo ba siya?” Si Michael ang nagsalita habang sinusundan din ng tingin ang direksiyong tinahak ni Calli. “Naka-confine dito ang uncle niya. Nasa ikalawang palapag sila… sa ordinaryong ward,” dagdag pa na sabi nito. Bahagyang kumunot ang noo ni Jaxxon. “Hindi ba ospital ito ng pamilya Soriano?” “Oo.” Bahagyang ibinaba ni Michael ang boses. “Narinig ko pa nga na dalawampung libong piso lang ang ibinibigay ni Timothy buwan-buwan bilang gastusin sa bahay. Wala siyang natatanggap na bahagi sa negosyo ng pamilya. Walang shares. Walang dividends. Walang stock options. Halos wala talaga.” Huminto siya sandali bago nagpatuloy, “May balita pa ngang ipinagbabawal ng pamilya ni Timothy na tumulong siya sa negosyo ni Christoff.” Hindi umimik si Jaxxon, nanatiling nakatanaw ang kanyang mga mata sa labasan ng ospital. Parang may malalim siyang iniisip. “Tara na.” Hinila siya ni Michael. “Siguradong hinihintay na niya tayo. Malapit na ring matapos ang visiting hours.” Hindi pa man sila nakakalakad ng ilang hakbang ay biglang nagsalita si Jaxxon: “Ibigay mo sa akin ang susi ng sasakyan mo.” Nagulat naman si Michael. “Ano? Bakit?” “Basta! Akin na ang susi.” Walang paliwanag ang kanyang tono. Nag-aalinlangan namang iniabot ni Michael ang susi. Hindi na nagsayang pa ng oras si Jaxxon, agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Napakamot na lamang sa ulo si Michael. Napailing siya habang nakatingin sa papalayong kaibigan. “Hindi ka na nga niya naaalala… bakit hindi ka pa rin sumusuko?” ********** Sa labas ng ospital, tahimik na naghihintay si Calli ng sasakyang kanyang na-book. Punung-puno ng tao ang harapan ng gusali, at karamihan ay mga kamag-anak ng mga pasyenteng pauwi na rin. Halos hindi na gumagalaw ang trapiko. Sunod-sunod din ang busina ng mga sasakyan. Binuksan niya ang application sa kanyang telepono, at nakitang dalawang kilometro pa ang layo ng driver. Napabuntong-hininga siya. Malamig ang simoy ng hangin, kaya mas hinigpitan niya ang pagkakasara ng kuwelyo ng kanyang jacket. Sa sandaling iyon, may isang itim na SUV ang dahan-dahang huminto sa kanyang harapan. Bumaba ang tinted na bintana, at lumitaw ang mukha ng lalaking may matalim na mga mata at may likas na kumpiyansa sa sarili. Suot nito ang isang mamahaling three-piece suit na bahagyang kumikislap sa ilalim ng ilaw ng lansangan. “Did you book the vehicle with the number ending in 3014?” Bahagyang natigilan si Calli. Ang apat na numerong iyon ang huling apat na digit ng kanyang cellphone number. Muli niyang sinilip ang application, at hindi pa rin gumagalaw ang driver na na-book niya. Dalawang kilometro pa rin ang layo nito. Napansin ng lalaki ang kanyang pag-aalinlangan, kaya ngumiti ito nang bahagya. “Kaibigan ako ng driver na na-book mo. Hindi na raw siya makakarating dahil sa traffic, at inutusan niya akong sunduin ka. Sabi pa niya, pakisuyo raw na huwag mo siyang bigyan ng mababang rating.” Pagkasabi niyon ay iniabot niya ang kanyang driver’s license, rehistro ng sasakyan, at maging ang sarili niyang cellphone. Tiningnan iyon lahat ni Calli. Jaxxon Valdez. Hindi condominium ang address nito. Isa iyong pribadong bahay sa isang mamahaling kalye sa sentro ng lungsod. Ilang segundo siyang nag-isip, pagkatapos ay saka niya kinansela ang booking sa application. Ibinalik na rin niya ang mga dokumento ng lalaki. “Sige... maraming salamat.” Tahimik siyang sumakay sa backseat. Malinis na malinis ang loob ng sasakyan. Halatang personal itong ginagamit at hindi pampasada. Kahit ganoon, nananatili pa rin ang bahagyang pag-iingat ni Calli. Habang umaandar ang sasakyan, sumulyap si Jaxxon sa rearview mirror. “Masyado bang malamig ang aircon?” Umiling si Calli. “Ayos lang.” Paminsan-minsan ay lihim siyang pinagmamasdan ni Jaxxon. Maganda ang mga mata ni Calli, lalo na ang kanyang kutis. Bahagyang bilugan ang kanyang pisngi na nagbibigay rito ng inosenteng anyo. Hanggang balikat din ang kanyang buhok, at suot niya ang isang simpleng beige na bestida. Wala siyang labis na kolorete sa mukha, ngunit sapat na ang kaunting ayos upang lalo pang lumitaw ang kanyang likas na kagandahan. Biglang tumunog ang telepono ni Calli, kaya napatingin siya sa screen. Mensahe iyon mula kay Timothy. Timothy: Ano’ng kailangan mo? Bahagyang kumabog ang kanyang dibdib at mabilis siyang nagtipa. Calli: Hindi maganda ang lagay ni Uncle. Kailangan namin ng bagong gamot. Maaari mo ba akong tulungang hanapin ‘yon? Ilang sandali lamang ang lumipas at dumating ang sagot ng lalaki. Timothy: Sabihin mo kay Perez. Si Troy Perez ang personal na chief secretary ni Timothy. Agad na napangiti si Calli. Hindi dahil masaya siya, kundi dahil alam niyang iyon na naman ang magiging sagot nito. Calli: Sige. Salamat! Pagkatapos niyang patayin ang kanyang cellphone, muling nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan.Tahimik na tumayo si Calli mula sa sofa. Isa-isa niyang kinuha ang mga hindi pa nahuhugasang pinggan sa hapag-kainan at inilagay ang mga ito sa sterilizer.Habang nakatitig sa makina, napabuntong-hininga siya. Ilang araw na ang nakalipas ng ilipat niya ang lahat ng kanyang gamit palabas ng master bedroom.Ngayon ay sa maliit na guest room na lamang siya natutulog. Wala siyang sinabi kay Timothy at hindi rin naman nito napansin.Palihim na rin siyang naghahanap ng apartment na maaari niyang lipatan. Kapag nakahanap na siya ng maayos na matitirhan, tahimik siyang aalis sa bahay nila at hindi na siya babalik pa.Lumapit siya sa isang kabinet at binuksan ang pinakailalim na drawer. Naroon ang isang puting sobre, dahan-dahan niya iyong inilabas.Sa loob nito naroon ang isang dokumentong ilang gabi niyang paulit-ulit na binasa, ang Divorce Agreement. Matagal na niya itong inihanda at nakapirma na rin siya. Hindi siya humihingi ng bahagi sa ari-arian ng pamilya Soriano.Hindi niya gusto ang
Tahimik na umuusad ang itim na SUV sa gitna ng mabigat na trapiko.Sa labas ng bintana ay sunod-sunod na nagliliwanag ang mga ilaw ng lungsod, habang ang mahinang tugtog mula sa radyo ay lalong nagpapatahimik sa loob ng sasakyan.Matagal na walang nagsalita bago biglang binasag ni Jaxxon ang katahimikan.“May napansin ka ba?” sabi ng lalaki.Bahagyang napatingin si Calli sa rearview mirror. “Alin po?”“Bakit sa tuwing tagsibol lang nalalagas ang mga dahon ng mga puno rito?”Saglit siyang natigilan sa hindi inaasahang tanong, pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti.“Kapag sumisibol ang mga bagong dahon, kusang nalalaglag ang mga luma. Parang nagbibigay sila ng puwang para sa panibagong simula.”Tahimik na tumango si Jaxxon. “Matagal na kasi akong nawala rito. Parang nakalimutan ko na ang mga simpleng bagay.”Muli na namang bumalik ang katahimikan.Napansin ni Calli ang mamahaling relo sa pulsuhan ng lalaki, ang maayos nitong pananamit, at ang elegante ngunit hindi mapagmataas na asal nit
Pagbalik ni Calli sa ordinaryong ward, mahimbing nang natutulog ang kanyang tiyuhin matapos inumin ang mga iniresetang gamot.Tahimik naman na inayos ni Christoff ang kumot ng kanilang tiyuhin bago lumingon sa kanyang kapatid.“Umuwi ka na muna, Calli,” malumanay niyang sabi. “Magpahinga ka na. Ako na ang magbabantay rito ngayong gabi. Bumalik ka na lang bukas ng umaga.”Alam niyang wala nang saysay ang makipagtalo.Mahina siyang tumango. “Sige, Kuya.”Matapos siliping muli ang kanyang natutulog na tiyuhin, tahimik siyang lumabas ng silid.Unti-unting nawala ang matapang na amoy ng disinfectant habang papalayo siya sa gusali ng ospital. Pakiramdam niya ay parang kasabay ding nawawala ang natitira niyang lakas.Nakayuko siyang naglalakad, abala sa sarili niyang iniisip nang bigla siyang nabangga sa isang matangkad na lalaki.“A-Ay, pasensya na po.” Hindi man lang siya nag-angat ng tingin, lumihis lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad.Nanatiling nakatayo ang lalaking kanyang nabangga
Tahimik ang buong palapag ng VIP ward. Makapal ang karpet na nakalatag sa sahig kaya halos walang maririnig na tunog ng mga yabag.Naglakad si Calli sa mahabang pasilyo hanggang sa mapansin niyang bahagyang nakabukas ang isang pinto ng silid.May narinig siyang mahihinang boses mula sa loob, at hindi niya sinasadyang huminto roon.Dahan-dahan siyang sumilip sa siwang ng pinto. At sa isang iglap, tila tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo.Sa loob ng silid ay abalang-abala si Timothy. Ang lalaking palaging malamig at walang emosyon sa harap niya ay ngayon ay ibang-iba ang anyo.Maingat nitong inaayos ang unan ni Maria, sinusuri ang suwero, at walang kapagurang inaasikaso ang bawat pangangailangan nito.Sa bawat kilos nito ay makikita ang pag-aalaga at pag-aalala, para bang ang babaeng nasa harapan niya ang pinakamahalagang tao sa buong mundo.Nakasandal si Maria sa headboard ng kama habang nakangiti ng bahagya.“Tim,” mahina nitong sambit gamit ang palayaw ni Timothy, “simpleng sipon a
“Kamag-anak ng pasyente! Dito po kayo, kailangan na ang pirma!”Napakurap si Calli at saka lamang natauhan. Muli niyang ibinaba ang tingin sa consent form na hawak niya.Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng kanyang mga kamay. Mariin niyang hinawakan ang kanang pulsuhan gamit ang kaliwang kamay upang kahit paano ay mapigilan ang walang tigil na panginginig nito.Huminga siya nang malalim, pagkatapos ay dahan-dahang isinulat ang kanyang pangalan. Hindi pantay ang kanyang sulat dahil sa sobrang kaba, ngunit sapat na iyon upang mabasa.Matapos maibigay ang dokumento, tila nawala ang natitirang lakas sa kanyang katawan.Tahimik siyang naupo sa malamig na upuan sa labas ng operating room, habang ang pulang ilaw sa itaas ng pinto ay nananatiling nakasindi.Bawat segundong lumilipas ay tila isang napakahabang paghihintay.Lumipas ang tatlong araw. Sa opisina ng direktor ng ospital, tahimik na nakaupo sina Calli at Christoff sa harap ni Doctor Sanchez.Maingat na isinara ng doktor ang med
[7 days before my husband’s birthday!]Biglang nagliwanag ang screen ng telepono ni Calli nang lumabas ang isang notification.Karga niya ang isang malaking karton habang paikot-ikot sa silid, naghahanap ng ligtas na mapagtataguan ng laman nito.Dalawang buwan pa lamang ang nakalipas nang inorder niya ang regalong iyon. Matagal niya itong pinaghandaan dahil nais niyang bigyan si Timothy ng isang hindi malilimutang sorpresa sa kaarawan nito.Matapos ilibot ang tingin sa buong kuwarto, napahiga siya sa sahig at sumilip sa ilalim ng kama sa kanilang master bedroom.Habang iniisip kung kasya roon ang kahon, may napansin siyang maliit na puting bagay sa pinakasulok. Iniunat niya ang kamay at dahan-dahang inabot iyon.Isang napakaliit na kapsula. Mas maliit pa ito kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot sa sipon. Makinis ang ibabaw nito at walang anumang nakaukit na letra o marka.Paulit-ulit niya itong sinuri sa palad, iniikot-ikot sa pagitan ng mga daliri. Hindi pa siya nakakita ng ganitong







