After Divorce, The Hidden Tycoon Claimed Me

After Divorce, The Hidden Tycoon Claimed Me

last updateLast Updated : 2026-07-21
By:  sugartitaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dalawang taon siyang binalewala ng sariling asawa. Ngunit nang may matuklasan si Calli sa ilalim ng kama ng kanilang silid, saka niya napagtanto ang pinakamasakit na katotohanan—kahit siya ang legal na asawa, pakiramdam niya ay siya ang kabit. Habang unti-unting nawawasak ang kanyang mundo, isang misteryosong lalaki ang dumating at binago ang takbo ng kanyang buhay. Sa araw ng kanyang divorce, si Jaxxon ang unang sumalubong sa kanya—ang lalaking matagal nang itinago ang tunay nitong nararamdaman. Pagkatapos ng isang pusong winasak ng maling pag-ibig, magkakaroon pa kaya siya ng lakas na muling magmahal? O hahayaan na lang niyang tuluyang lumipas ang pagkakataong minsan nang ipinagkait sa kanila?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

[7 days before my husband’s birthday!]

Biglang nagliwanag ang screen ng telepono ni Calli nang lumabas ang isang notification.

Karga niya ang isang malaking karton habang paikot-ikot sa silid, naghahanap ng ligtas na mapagtataguan ng laman nito.

Dalawang buwan pa lamang ang nakalipas nang inorder niya ang regalong iyon. Matagal niya itong pinaghandaan dahil nais niyang bigyan si Timothy ng isang hindi malilimutang sorpresa sa kaarawan nito.

Matapos ilibot ang tingin sa buong kuwarto, napahiga siya sa sahig at sumilip sa ilalim ng kama sa kanilang master bedroom.

Habang iniisip kung kasya roon ang kahon, may napansin siyang maliit na puting bagay sa pinakasulok. Iniunat niya ang kamay at dahan-dahang inabot iyon.

Isang napakaliit na kapsula. Mas maliit pa ito kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot sa sipon. Makinis ang ibabaw nito at walang anumang nakaukit na letra o marka.

Paulit-ulit niya itong sinuri sa palad, iniikot-ikot sa pagitan ng mga daliri. Hindi pa siya nakakita ng ganitong uri ng kapsula kahit kailan.

Kinuha niya ang kanyang telepono, kinuhanan ito ng litrato, at binuksan ang image recognition. Ilang segundo lamang ang lumipas bago lumabas ang resulta.

Napatigil siya sa kanyang kinatatayuan ng makita ang resulta.

“Female external contraceptive capsule containing spermicide. Maaaring gamitin bilang alternatibo sa condom upang maiwasan ang pagbubuntis.” Parang tumigil ang oras matapos niyang mabasa ang nakasaad sa resulta.

Nanatiling nakatitig si Calli sa screen habang unti-unting nawalan ng laman ang kanyang isip.

Hindi pa siya kailanman bumili ng ganoong bagay. Dalawang taon na silang kasal ni Timothy. Ngunit sa loob ng dalawang taong iyon, hindi man lang sila naging totoong mag-asawa.

Palaging abala si Timothy sa trabaho o nasa biyahe dahil sa negosyo. At sa tuwing uuwi ito, mukha na itong pagod na pagod. Hindi man lang siya nito hinahawakan, ni hindi siya binibigyan ng pagkakataong mapalapit dito.

Mahigpit niyang hinawakan ang maliit na kapsula. Napakaraming tanong ang nagsisiksikan sa kanyang isipan.

Hindi iyon sa kanya, kaya kanino iyon?

Matagal siyang nakatulala hanggang sa biglang tumunog ang kanyang telepono, at agad siyang nabalik sa realidad.

Pagkasagot niya, umiiyak na boses ng kanyang Tiya Susanna ang bumungad.

“Calli! Bilisan mo! Nasa ospital ang uncle mo! Bigla siyang nawalan ng malay! Sinabi ng doktor na kailangan siyang operahan agad!”

Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang isinilid ang kapsula sa kanyang bulsa, kinuha ang susi ng sasakyan, at nagmamadaling umalis.

Sa labas ng operating room ng ospital, isang ospital na pagmamay-ari ng pamilya Soriano, naghahalo ang kaba at katahimikan.

Mula sa dulo ng pasilyo ay umalingawngaw ang boses ng nurse. “Pamilya ni Robert Forteza! Narito ba ang pamilya ni Robert Forteza?”

Agad na tumakbo si Calli. “Ako po! Ako ang pamangkin niya!”

Mabilis na iniabot ng nurse ang ilang dokumento.

“May pancreatic cancer ang pasyente at kritikal na ang kanyang kondisyon. Kailangan siyang operahan kaagad.”

Iniabot nito ang isang papel. “Pakiusap, pirmahan ito ng pinakamalapit na kamag-anak.”

Parang may malakas na ugong na sumabog sa loob ng kanyang ulo. Bilang isang medical student, alam na alam niya ang ibig sabihin ng diagnosis na iyon.

Ang pancreatic cancer ang tinatawag na “hari ng mga kanser.” Halos wala itong sintomas sa simula, kaya karamihan sa mga pasyente ay nasa malubhang yugto na kapag nadidiskubre ang sakit.

Biglang bumalik sa kanya ang isang alaala.

Labindalawang taong gulang lamang siya noon nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente.

May papel ding katulad nito. Hindi pa niya kayang isulat nang maayos ang sarili niyang pangalan, kaya ang tiyuhin niyang si Robert ang pumirma para sa kanya.

Pagkatapos noon, niyakap siya nito at mahinahong sinabi, “Huwag kang matakot, Calli. Nandito lang si Uncle. Hindi kita pababayaan.”

Ngayon ay siya naman ang kailangang pumirma.

Kahit nanginginig nang husto ang kanyang kamay. Paulit-ulit niyang sinubukang isulat ang kanyang pangalan, ngunit hindi niya maikontrol ang panginginig.

Sa huli, inilabas niya ang kanyang telepono at tinawagan ang taong una niyang naisip. Walang iba kundi si Timothy.

Matagal na tumunog ang telepono bago ito sinagot.

“Ano’ng kailangan mo?” Malamig ang boses nito, para bang istorbo lamang ang kanyang pagtawag.

Sa kabilang linya ay maririnig ang malalakas na ingay. May musika, may tawanan, may masasayang sigawan, at mga paputok. Sunod-sunod ang pagsabog ng mga ito.

Halos pabulong siyang nagsalita, “Timothy... nasa operating room si Uncle. May pancreatic cancer siya. Maaari ka bang pumunta? Mag-isa lang ako rito.”

Saglit na katahimikan ang namayani.

Pagkatapos ay apat na salita ang tumaga sa kanyang puso: “Nasa business trip ako.”

Mariin niyang kinagat ang kanyang labi. “Hindi ba pwedeng si Christoff na lang ang tawagan mo?”

“Wala siya rito. May inaasikaso rin siya…”

“Kung ganun, ikaw na ang bahala.” Lalong lumamig ang tinig ni Timothy. “Hindi ako makakaalis dito.”

Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong magsalita at agad na pinatay ang tawag.

Nanatili si Calli sa gitna ng pasilyo habang nakatitig sa madilim na screen ng kanyang telepono.

Sa waiting area, may nakabukas na telebisyon. Nagkataong isang live news report ang ipapalabas.

“Kasalukuyang ginaganap ang engrandeng fireworks display bilang paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng SM By the Bay…”

Hindi sinasadyang napatingala si Calli. Sa telebisyon, nagliliwanag ang kalangitan dahil sa makukulay na paputok.

Unti-unting iniikot ng kamera ang free rooftop viewing deck na punung-puno ng mga tao at bigla itong nag-zoom in.

At doon… tumigil ang kanyang paghinga.

Isang lalaki at isang babae ang magkatabing nakatayo sa may rehas habang pinapanood ang makukulay na paputok.

Nakasuot ang lalaki ng itim na jacket, nakatayo ito sa tabi ng isang babaeng napakaganda ng tindig at likuran.

Hindi na niya kailangang makita ang mga mukha nito. Kilala niya ang lalaking iyon. Si Timothy, ang kanyang asawa, at ang babaeng kasama naman nito ay si Maria Tuazon.

Siya ang unang babaeng minahal ni Timothy Soriano.

Ang sinasabing “business trip” ay isa lamang palang kasinungalingan. Ang totoo, sinamahan nito si Maria upang manood ng fireworks.

Napatitig lamang si Calli sa screen. Hindi siya makagalaw, at hindi rin siya makahinga.

Habang siya ay nag-iisang nanginginig sa ospital, naghihintay kung mabubuhay pa ang kanyang tiyuhin, ang kanyang asawa naman ay yakap ang ibang babae sa ilalim ng napakagandang mga paputok, na para bang sila lamang ang dalawang taong nag-eexist sa buong mundo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status