Share

CHAPTER 13

Author: Ms.aries@17
last update Last Updated: 2023-03-01 08:25:55

ANB-13

KIARA

MASAYANG mukha niya ang bumangon kinabukasan. Magaan ang kanyang pakiramdam. Binuksan niya ang bintana na may kaliitan sa kanyang silid at padipang tumingala habang nakapikit. Mabuti na lamang at nagkaroon siya ng oras kahapon para ayusin ang silid niya at ilipat ang ilang gamit na nakatambak doon sa likuran ng bahay. Ngayon nakakahinga na siya ng maluwag. Malayang tumatama ang malamig na ihip ng hangin sa kanyang balat.

Dumukwang siya sa bintana at nakita niya ang driver ni Tristan na abala sa paglilinis ng kotse. Mayamaya ay napansin niya ang pagbukas ng gate at pagpasok pa ng isa pang sasakyan na hindi pamilyar sa kanya.

'Hmm, sino na naman kaya ang bisita niya na ganito kaaga?' piping tanong niya sa sarili at nangalumbaba doon upang pagmasdan kung sino ang sakay nito.

Isang lalaki ang lumabas mula roon at hindi naman niya makita ang mukha, dahil nakatalikod ito sa kanya. Sa kilos nito ay tila sanay na ito sa bahay at kampanteng pumasok.

Kibitbalikat na tinungo niy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 47

    ANB-47Anong ginagawa mo d'yan? Hindi safe para sa 'yo na magpunta rito," bigla ay narinig niya ang tinig ni Gabby na nasa kanyang likuran. "Ha? Ah, sorry. May mabaho kasi akong naamoy at ayun oh," itinuro niya ito. "Dito nanggagaling," Aniya sabay hakbang palayo sa bagay na iyon. "Baka magkasakit ka d'yan. Mabuti pa pumasok ka na at maglinis. Ako na lang ang maglilinis niyan," anito. "S-Sige! Ano ba kasi 'yan?" Aniya at tumalikod na sa lalaki akmang babalik na sa loob ng bahay."Hindi ko rin alam. Siguro may nagtapon niyan dito," anito. Napansin niya ang bahagyang pagkuyom ng kamao nito. "What? You mean may ibang tao na nasa paligid?" Aniya na muling nilingon si Gabby at saka inilibot ang tingin sa paligid. "We're not sure. Kaya mabuti pa na manatili ka na muna sa loob." Anito at lumapit sa pintong binuksan niya kanina para kumuha ng gamit panglinis. -Ummnn, sige," At tinalikuran na ito. Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay, habang hindi mawala sa kanyang isip kung ano

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 46

    ANB-46Magaan at maayos ang pakiramdam ni Kiara nang magising kinabukasan. Kahit pa-paano ay nagkaroon siya ng kaunting kapanatagan matapos niyang makumbinsi si Gabby nang nagdaang araw. Hindi siya sigurado kung sinsero nga ito sa mga sinabi ngunit kahit sa kaliit- liitang hibla ay aasa pa rin siya. Alam niya na iyon lang ang magiging susi niya para makalaya sa kung ano mang kinasadlakan niya ngayon. Mas naging malakas ang loob niya para harapin ang mga susunod pang mga araw niya sa liblib na lugar na iyon. Pumasok siya sa banyo at naglinis ng sarili. Pumili siya ng isang t-shirt at panjama sa mga damit na ibinigay sa kanya ni Gabby. Hindi naman siya maarte kaya ayos lang kung gamit na ba o hindi ang mga ito. Pero mukha namang bago lahat dahil may mga etiketa pa lahat. Ipinusod niya ang may kahabaan na niyang buhok bago nagpasyang lumabas sa silid. Maghahanda siya ng sarili niyang pagkain. Hindi rin siya sigurado kung nasa labas ba si Gabby o wala. Pinakiramdaman muna niya ang pal

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 45

    "Huh? What is that?" Naibulalas niya habang inililinga ang tingin sa paligid. Natuon ang pansin niya sa bintanang nasasarahan ng makapal na kurtinang kulay brown. Bahagya siyang lumapit doon upang sumilip. Hinawi niya ang takip nito at nasilayan niya ang bahagyang liwanag na dala ng papalabas na buwan. Pinilit niyang aninagin ang nasa labas at wala naman siyang napansin na kung ano roon. Tanging ang mga sumasayaw na dahon ng puno ang nakikita niya dala ng banayad na ihip ng hangin sa paligid. Sinubukan niyang buksan ang bintana ngunit wala siyang nakitang bukasan nito. Tatalikod na lamang sana siya nang biglang may kung anong lumagapak sa salaming bintana sa harapan niya. "Oh my God!" Nabiglang bulalas niya sabay sapo sa kanyang dibdib at halos napatalon paatras sa sobra niyang gulat. Ilang sandali muna niyang kinalma ang kanyang sarili sa malakas na kabog ng kanyang dibdib, bago marahan siyang lumapit muli sa bintana upang tingnan ang kung anong bagay na iyon. At halos manlak

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 44

    Lihim na napalunok ng kanyang laway si Gabby, bago nakangising hinarap muli ang amo."Mukhang hindi yata maganda ang araw mo ngayon, sir para magsalita ka nang ganyan. Anyway, it's none of my business, kung ano man ang iniisip mo. Ang akin lang, hindi man maganda pero tinatanggap ko naman ang puna mo. Siguro nga mayroon lang akong mga pang personal na problema na hindi ko naman na siguro dapat pang ipaabot sa iyo." Pormal na tugon nito habang isinusuksok ang mga palad sa bulsa ng pantalon nito at bahagyang umiling. "Masakit man mapagdudahan, pero wala naman akong magagawa. It's your opinion," anito sabay buntong hininga."I didn't said anything," pormal na saad ni Tristan. "Yep, you didn't said anything but in your point, there's something in your mind. Kung iniisip mo man na may kinalaman ako about Ms. Sebastian, kinaklaro ko lang na wala akong ibang alam sa kung anong nangyayari. Ginagawa ko lang naman ang trabahong inutos mo sa akin. At iyon ay ang protektahan si Ms. Sebastian. Ng

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 43

    CHP-43 "S'ya ba ang hinahanap mo, iho?" tanong ng matandang babae kay Tristan ng ituro niya ang babaeng pumasok na naka blazer. Hindi man masyadong kita ang mukha ngunit alam niya na sa pigura pa lang nito ay si Kiara nga iyon. "Oho. S'ya nga po," aniya habang hindi nilulubay ang mata sa screen ng monitor. "Pero nakaalis na s'ya may ilang araw na," Napalingon si Tristan sa matanda na may pagtataka. "Totoo. Umalis na s'ya at hindi rin naman niya nasabi kung saan siya pupunta. Mukhang mahina pa nga s'ya kaso nag pumilit pa rin na umalis." saad ng matanda. "Pero dito po nakuha ni manong ang papel na ito?" sabay abot dito ng kapirasong papel na kung saan nakasulat ang address ng kanyang kumpanya. "Ah, ito ba?" Tiningnan ng matandang babae ang papel. "Ang sabi niya kasi, iabot daw namin ito sa iyo kung sakaling kailangan namin ng tulong. Hindi ko naman alam na nagpunta pala sa iyo ang mister ko. Pasensya na kayo. Okay naman na kami rito." nakangiting tugon ng babae, saka bumalin

  • Alipin ng bilyonaryo    CHAPTER 42

    ANB-42TRISTAN"Get all these things in here!" Inis at halos pabulyaw na utos ni Tristan pagpasok pa lamang niya sa loob ng kanyang opisina.Halos ilang araw na rin siyang hindi pinapatulog sa sobrang pag iisip at pag aalala. Hindi pa ito nangyari sa kanya kaya talagang aburido siya. At ang isa sa ikina- iinis niya ay ang dahilan nito, si Kiara. Magmula nang tumakas ito sa hospital ay hindi na rin siya natahimik sa pag iisip kung nasaan na ito. Kung maayos at ligtas ba ito sa ngayon. Ewan ba kung bakit masyado naman yata siya ngayong concern sa babae, gayong para rito isa siyang kasuklam suklam na tao. Pabagsak na naupo siya sa harapan ng kanyang working table at napayukong sapo ng mga palad ang mukha. Habang nakatukod ang magkabilang siko sa mesa. Natatarantang napapasok tuloy sa loob ang kanyang assistant. "S-Sir!" Lumapit ito sa mesa at mabilis na sininop ang mga folder na kalalapag lang nito kaninang umaga. "May iba pa po ba kayong kailangan-"Isinenyas ni Tristan ang palad pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status