Share

Sais

"Teya! wait lang ano ba hoy!!" hinatak ako ni Av sa braso kaya napahinto ako sa pagtakbo. Umupo ako sa malapit na bench habang naghahabol ng hininga. Grabe nakakapagod pala talaga.

"Girl ano yun? grabe tatakbo talaga?? hello ang haba ng tinakbo natin oh para tayong nasa marathon ano ba kasi yon?" tanong sakin ni Jaz habang nagpupunas ng pawis nya sa noo. Napangiti ako sakanilang dalawa kasi natatawa ako sa mukha nila ngayon, grabe haggard na haggard. Sinamaan ako ng tingin ng dalawa kaya humugot ako ng malalim na hininga para mag explain sakanila.

"Yung lalake kanina, siya yung nabunggo ko sa canteen tapos for the secomd time around today muntikan na naman ulit, nakakahiya kasi kaya tumakbo ako malay ko ba na susunod kayo." paliwanag ko sakanila habang pinupunasan yung pawis ko sa noo.

"Ay gagang to?! anong akala mo samin titignan ka sa malayo habang tumatakbo ka na akala mo si Cinderella ka? Disney princess ka girl??" pagtataray sakin ni Av.

Natawa kami ni Jaz sa sinabi ni Av kaya pati siya ay nakisali na rin. Inaya ko na sila umuwi dahil mag gagabi na rin at baka wala na kaming masakyan kaya namab tumayo na kami at naglakad papunta sa terminal. Habang nasa byahe tahimik lang kaming tatlo at nagkanya kanya ng ginagawa kaya nilagay ko yung earpods ko sa tenga ko atsaka nagsoundtrip. Medyo mahaba haba pa naman yung byahe lalo na at medyo traffic kaya yung playlist ng Paramore yung pinatugtog ko tsaka nagpaalam sa dalawa na iidlip ako at gisingin na lang ako kapag bababa na kami, same lang din naman kasi kami ng bababaan kahit iba-iba kami ng subdivisions.

Nagising ako dahil sa tapik sa balikat ko kasi bababa na pala kami, hindi ko namalayan na ang haba pala ng naidlip ko. Pagkababa naming tatlo, nagkanya-kanya na kaming paalam sa isa't isa at pareparehong sumakay ng tricycle. Grabe nakakapagod pala bumyahe lalo na siguro kapag nag college na ako, parang ayoko tuloy ng malayong univ hays. Buti na lang bukas ay wala kaming pasok kaya makakapagpahinga ako ng mahaba at di ko na kailangan pang gumising ng maaga, sulit na rin pala tong gala namin eh.

"Kuya jan na lang po sa tabi malapit po sa guard house." Hininto naman agad ni kuyang trike driver kaya bumaba ako at dumukot sa bulsa ko para bayaran siya. Nagpasalamat ako sakanya bago sya umalis at ganon din naman sya sakin. Naglakad ako papunta sa bahay namin since malapit lang talaga sa guard house ng subdivision yung bahay namin.

Nakita ko si tita na nakaupo sa sala habang nanonood ng movie sa n*****x kaya lumapit ako sakanya para magmano.

"Oh nakauwi ka na pala Teya, kumain ka na ba? may sinaing ako jan at ulam if gusto mo kumain." tinuro ni tita yung lamesa sa kusina namin at nakita ko nga na may nakatakip don.

"Busog na po ako tita salamat po, si mommy nga po pala nasan?" tanong ko kay tita nung napansin ko na wala si mommy sa bahay.

"Ay oo nga pala, hindi na nakapagpaalam sayo ang mommy mo umalis na sya kanina pabalik ng canada, nagkaproblema raw sa company nila at kailangan sya ron. Pinapabilin nya sakin kanina nakalimutan ko lang banggitin pasensya na." paliwanag ni tita sakin.

"Okay lang po tita, yun lang po ba ang bilin ni mommy?" tanong ko ulit kay tita

"Atsaka yung sa pagschool mo abroad, other than that wala na." sagot sakin ni tita tsaka sya ngumiti.

Nagthankyou ako kay tita at nagpaalam na aakyat na ako para maglinis ng katawan at magpahinga. Alam ni tita na wala kaming pasok bukas kaya hindi na sya nag abala pa na paalalahanan ako na matulog na ng maaga, kaya rin pala hinayaan nya ako na maggala ngayon kasi wala naman kaming pasok bukas.

Pagpasok ko sa kwarto dumeretso ako agad sa cr para maghalfbath, inipunan ko ng tubig yung tub ko ng kalahati para magbabad ng saglit, after mangalahati ng water sa tub ipinatak ko na yung body wash ko tsaka bumabad doon. Haay, ansarap talaga magrelax ng nakababad sa tubig feeling ko tanggal lahat ng kung ano mang mabigat sa loob ko pati yung pagod ko sa buong araw na ito. Kinuha ko sa taas ng drawer yung phone tsaka bumalik sa pagbababad sa tub. Nanood ako ng food vlogs, chats with Av and Jaz and more. Nung nag alarm na yung phone ko, nag banlaw na ako ng sarili and drinain yung water sa tub tsaka ako lumabas para magbihis. Blinow dry ko muna yung hair ko at nung matuyo ay sinuklayan ko ito tsaka humiga sa bed at bumalik sa pagpophone. Nang marealize ko na hindi ko pa pala naiinom yung vitamins ko dahil sa dumaam na ads sa feed ng f******k ko ay bumaba ako sa kitchen namin para uminom. Pagkababa ko, nakita ko si tita na nagliligpit na ng sala at nakapatay na yung T. V.

"Oh teya, bat napababa ka dito? may nakalimutan ka bang iakyat na gamit mo? Dapat ay itinext mo na lang sakin tutal paakyat na rin naman ako maisasabay ko sana." kalmadong sabi sakin ni tita habang itinutuloy ang pag aayos sa sala.

"Ah tita hindi na po, iinom lang naman ako nung nakalimutan kong vitamins ko and aakyat na rin po ako ulit, yun lang naman po." nakangiti kong sabi kay tita bago ako nagpaalam na pumunta ng kusina para uminom ng vitamins.

Paglabas ko ng kusina, saktong paakyat na rin naman si tita. Nagpaalam ako na mauuna na ako sakanya dahil isesecure nya raw muna yung mga outlets namin na walang nakasaksak dahil baka makacause pa ng sunog. Pagkaakyat ko sa taas bumalik ulit ako ng hi*a sa bed and nagphone. Chineck ko yung messenger ko and wala ng chat si Av and Jaz sa gc namin I think natulog na sila at nagpahinga dahil napagod sa kaninang gala namin. Dahil nabored ako at hindi pa naman ako inaantok, nanood lang ako ng vlogs like make up, foods, randoms and more. Nagsawa ako kakanood and hindi ko na namalayan na almost 2hrs yung naconsume ko sa time ko and 10pm na hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Inopen ko yung i* ko and nag scroll and hearts ng mga nagugustuhan kong pic. Dahil nagsawa na ako sa i* lumipat naman ako ng f* para magscroll lang ulit and magcheck ng mga posts and memes sa newsfeed. Nanood ako ng reels na ASMR kasi ang satisfying nyang pakinggan at panoorin especially sa ASMR nung nagrerestock ng items lol. Dahil medyo dinadalaw na ako ng antok inexit kona yung reels sa phone ko at nirefresh yung news feed ko. Lumabas sa feed ko yung mga people you may know which is basically kapag meron kang mutuals na marami sa isang tao ay lalabas yung different accounts don. Out of my curiosity, nagswipe ako ng mga accounts don and nagulat ako dahil may nakita akong familiar na account, "Rad Gomez" dahil medyo nakasideview yung profile pic nung guy pinindot ko yung acc nya then inistalk ko ng sli*ht. Bumungad sakin yung cover photo nya na family pic and I think nasa around 8 years old pa sya nito and nasa disneyland sila. Pinindot ko naman yung photos nya dahil wala syang featured photo and then boom! This Rad Gomez ay walang iba kundi yung guy na muntikan kong makabungguan ng dalawang beses. Rad pala name nya huh tunog virus sa isang computer amp ang suplado masyado akala mo naman kapogian siya sus! Ieexit ko na sana yung timeline niya ng bi*lang napindot ko yung like sa cover photo niyang nakapublic Gosh! jusko naman Teya!!! sa dami dami mong kagagahang gagawin bakit ganto pa argg! Jusko talaga, dali dali kong binawi yung like at inexit yung f*. Grabe ano ba nangyayari nakakainis na ha bakit ba ganon nalang ako ka clumsy myghad!!! Sana hindi nya yon nakita and I think hindi naman talaga dahil A year ago na both yung profile picture and cover photo niya meaning hindi siya ganon kaactive, mabuti naman kung ganon, grabe nakahinga ako ng maluwag. Ibinaba ko yung phone ko sa aking side table para icharge ito at umayos ako ng hi*a sa bed ko. Medyo inaantok na rin naman ako kaya napagdesisyunan kong matulog na. Sana talaga at hindi mapansin ng lalakeng yon yung napindot ko, nagkamali lang naman talaga ako eh hays!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status