Share

Chapter 3

Author: Ahnluv_
last update Last Updated: 2025-09-18 19:35:50

Celeste Amara Valdez (POV)

Maaga pa lang, gising na ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro dahil excited ako? O baka naman kinakabahan. Basta ang alam ko, mas maaga pa akong gumising kaysa kay Mama.

Napatingin ako sa paligid ng kwarto naming maliit yung papag na gawa sa kahoy, banig na tinutulugan ng mga kapatid ko, at mga laruan nilang nakakalat pa rin sa gilid.

“Celeste, this is it,” bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahan akong tumayo.

Kinuha ko agad yung maliit na salamin na nakasabit sa dingding. Medyo nagulat ako kasi may konting eyebags pa ako at sabog ang buhok ko.

“Oh my gosh, no. Hindi pwede ito.” Napabuntong-hininga ako pero natawa rin. Kahit pala dito, hindi ko maiwasang mag-arte.

Pero bago lahat, inuna ko ang maglinis. Oo, me—Celeste Amara Valdez, na dati allergic sa household chores, ngayon kusa nang kumukuha ng walis tambo.

Hinawi ko muna ang mga laruan nina Enzo at Lucas. Pinulot ko yung maliit na kotse na naiwan ni Noel kagabi, tapos inayos sa tabi ng papag. Kinuha ko yung tabo at pinunasan yung maliit naming mesa.

“Wow, look at me. Who would’ve thought?” Napangiti ako habang pinupunasan ang sahig. Hindi pala ganun ka-bad ang feeling kapag nakikita mong malinis yung paligid. Parang may satisfaction na simple lang pero fulfilling.

After non, nilabas ko yung maliit na tabo para diligan ang mga halaman ni Mama. Yung gumamela niya nakangiti sa akin, parang proud na rin siya.

Pagkatapos, dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng platito, nag-init ng tubig, at naghanda ng instant coffee para kay Mama. Feeling ko ang sipag ko.

Pagbalik ko sa kwarto, tumingin ulit ako sa salamin. Okay, focus Celeste. Hindi ka pwedeng mukhang galing lang sa bangketa. Kahit maglalako lang kami ni Liza, gusto kong presentable.

Binuksan ko yung maliit kong plastic cabinet. Hindi naman ako maraming damit, pero pinag-isipan ko talaga. Kinuha ko yung simpleng white blouse ko na medyo may ruffles sa gilid yung tipong casual pero may konting class. Tapos pinartneran ko ng maong jeans.

“Hmm… sapat na ba ito?” tumingin ako sa sarili ko mula ulo hanggang paa. Medyo kulang.

Kaya kinuha ko yung hair tie at inayos ang buhok ko sa half-pony. Mas maayos tignan, hindi sabog.

Naghagilap pa ako ng maliit na hikaw na binigay ni Mama noong birthday ko. Isinuot ko. “There. At least kahit magbenta ako ng kakanin, hindi ako mukhang lutang.”

Natatawa ako sa sarili ko, kasi kahit anong gawin ko, may kaunting arte pa rin. Pero deep inside, gusto ko lang talagang magmukhang maayos. Hindi para magyabang, kundi para ipakita na seryoso ako sa gagawin ko.

Paglabas ko ng kusina, gising na si Mama at nag-aayos ng ulam. Si Papa naman kakadating lang mula sa unang pasada niya. Pawis na pawis pero nakangiti pa rin.

“Good morning po,” bati ko.

Nagulat si Mama nang makita ako. “Aba, ang aga mo ah. Ang ganda ng ayos mo, saan ka pupunta?”

Huminga ako ng malalim. “Ma, Pa… gusto ko sanang sumama kay Liza. Maglalako kami ng kakanin. Para kahit paano, may maidadagdag akong kita para sa bahay.

Ayokong puro kayo ni Papa yung naghihirap.” Nagkatinginan sila. Kita ko sa mukha ni Papa yung pagka-protective.

“Anak, sigurado ka ba diyan? Mahirap yang paglalako. Mainit, mabigat, nakakapagod.”

Tumango ako.

“Alam ko po. Pero… gusto ko pong matuto. At gusto kong makatulong.” Napatingin si Mama kay Papa, tapos ngumiti.

“Hayaan mo na siya. At least may kusa siya. Hindi rin naman masama kung ma-experience niya yun.” Napatango si Papa, kahit halatang may pag-aalala.

“Sige na. Pero mag-iingat ka, ha? At kung nahihirapan ka na, umuwi ka agad.”

“Promise po,” sagot ko, sabay ngiti.

Paglabas ko ng bahay, nandun na si Liza bitbit yung bilao na may lamang suman, kutsinta, at puto. Ang bango!

“Uy, Celeste! Ready ka na?” bati niya.

Ngumiti ako at tumango. “Yes. Nakapagpaalam na ako kay Mama at Papa.”

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Wow, girl. Para kang pupunta ng mall ah, hindi maglalako.”

Napahalakhak ako. “Arte ko ba masyado? Gusto ko lang maging presentable.”

Umiling siya, natatawa.

“Hindi naman masama. Tara na. Tuturuan kita paano.”

Habang naglalakad kami sa kalsada, ramdam ko yung bigat ng bilao na dala ko kahit kalahati lang binigay niya sa akin.

Oh my gosh, ang bigat pala nito. Pero hindi ako nagreklamo. Ayokong isipin ni Liza na mahina ako.

“Celeste, sanay ka ba sa ganito?” tanong niya.

Umiling ako. “Honestly, no. Pero I’ll try.”

Ngumiti siya. “Good. Kasi minsan hindi mo lang mabebenta ang paninda mo, may rejection din. Pero okay lang yun.”

Pumunta kami sa palengke. Ang daming tao may nagtitinda ng gulay, isda, karne. Ang ingay, pero ang saya.

“Puto! Kutsinta! Suman! Bili na kayo!” sigaw ni Liza.

Napatingin siya sa akin. “Try mo din.”

Kinabahan ako. Hindi pa ako sanay sumigaw ng ganito. Pero tinry ko.

“Uh… Puto? Kutsinta? Bili na po kayo?”

Medyo mahina yung boses ko. Tumingin lang yung ibang tao tapos lumampas. Napahiya ako konti.

Natawa si Liza. “Huwag kang mahiya. Lakasan mo boses mo, para marinig ka.”

Huminga ako ng malalim at sinubukan ulit.

“Suman! Kutsinta! Puto! Bili na po kayo!”

This time, may lumapit na isang ale.

“Magkano?”

“Tatlong piso po kada isa,” sagot ni Liza.

Bumili siya ng sampu. Nakangiti akong tumulong mag-ayos at mag-abot. First sale namin nakaka-excite!

Paglipas ng isang oras, ramdam ko na yung bigat sa braso ko. Pawis na pawis na ako kahit maaga pa.

Ang init!

“Liza, grabe. Ang bigat pala nito. Hindi ko in-expect.”

Ngumiti lang siya. “Sanayan lang yan. Ganyan talaga sa umpisa.”

Napatingin ako sa mga tao may mga tindera na pawis na pawis din pero naka-ngiti, may mga batang naglalaro kahit init, at may mga lalaking nagbubuhat ng sako ng bigas na mas mabigat pa.

Bigla kong na-realize: ang laki ng mundo sa labas ng comfort zone ko. At lahat sila, sanay na sa hirap.

Habang nagpapatuloy kami, may lumapit na grupo ng mga bata. “Ate, may libreng tikim ba?”

Napatawa si Liza. “Wala, pero sige na nga, tikim kayo ng tig-isa.”

Kinuha nila at kumaway. “Salamat, Ate!”

Napangiti ako. Ang cute nila. “Ang saya pala nito. Kahit pagod, parang may fulfillment.”

Tumango si Liza. “Exactly. Kaya kahit mahirap, nakakagaan ng puso.”

Habang naglalakad, nag-isip ako.

Celeste, dati reklamo ka nang reklamo kapag napapagod. Pero ngayon, kahit pagod, may saya. Hindi mo in-expect na mararamdaman mo ito.

Napatingin ako kay Liza. “Alam mo, thank you. Kung hindi mo ako sinama, hindi ko mararanasan ‘to.”

Ngumiti siya. “Anytime. Friends na tayo, diba?”

Tumango ako. “Yes. Friends.”

Pagkatapos ng ilang oras, ubos na halos lahat ng paninda namin. Umuwi kami pawis na pawis, amoy araw, pero masaya.

Pagdating sa bahay, sinalubong ako ni Mama. “Anak! Kumusta?”

Ngumiti ako kahit hingal na hingal. “Ma… ang hirap. Pero ang saya. At least nakatulong ako.”

Inabot ko sa kanya yung maliit na pera na kinita ko.

“Para may dagdag sa gastusin.”

Naluha si Mama at niyakap ako. “Salamat, anak. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay yan.”

At doon ko naramdaman, kahit simpleng bagay lang, ang laki ng epekto.

That night, nakahiga ako sa papag, pagod na pagod. Pero ngiti ng ngiti. Kasi for the first time, hindi lang ako basta arte girl. I was Celeste, anak na tumutulong, kaibigan na natuto, at tao na unti-unting nagiging bahagi ng simpleng mundo.

At alam ko, this is just the start.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 17

    Celeste Amara Valdez (POV)Umaga na.Nagising ako sa ingay ng mga yabag sa labas ng kwarto. Ang dami ko pang antok, pero naririnig ko na yung mga pinsan at tita’t tito ko na abala na sa paghahanda. May mga nagbubukas ng maleta, may nag-aayos ng mga gamit sa sala, may tumatawa, may nagsisigawan na para bang ang daming ginagawa pero ang saya pa rin ng tunog.Napahikab ako at bumangon. Pagharap ko sa salamin, medyo sabog pa yung buhok ko. Pero syempre, kahit bagong gising, dapat presentable pa rin ako. Hinawi ko ng kaunti yung buhok ko at ngumiti ng pilit.“Good morning, world. Today is… dramatic day,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang sarili.Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko agad ang nilulutong sinangag ni Mama at yung bagong pritong tuyo. Nakaka-gutom kahit busog pa ako kagabi. Sa mesa, andun na yung iba kong pinsan, kumakain ng pandesal habang nakatayo lang at nagtatawanan.“Uy, gising na si sleeping beauty!” sigaw ng isa kong pinsan.Nag-arte ako ng konti. “Excuse me, hindi a

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 16

    Celeste Amara Valdez (POV)Pagbaba ko ng sasakyan, ako na ang nauna. “I’ll go ahead,” sabi ko, medyo malamig pero maayos pa rin ang tono ko. May pilit akong ngiti, kasi ayokong mag-alala pa lalo sina Mama at Papa.“Magpapahinga na ako.”Tumango lang si Mama, halatang pagod na rin. Narinig ko pa yung mga pinsan ko sa likod na nag-aayos ng gamit, pero hindi na ako lumingon. Diretso na ako sa kwarto.Pagpasok ko, isinara ko agad ang pinto at humiga sa kama. Ramdam ko ang lamig ng hangin na pumapasok sa maliit na bintana, pero hindi iyon sapat para ma-comfort ako.“Why do I feel so empty?” bulong ko sa sarili.Pinikit ko ang mga mata ko, pilit na iniisip lahat ng alaala na dapat meron ako—pero wala. Blurry lahat. Parang puzzle na kulang-kulang ang piraso. Parang pelikula na putol-putol.Ano ba talaga ang nangyari sa akin bago yung accident? Sino ba talaga ako?Ramdam ko yung frustration na unti-unting pumipiga sa dibdib ko. Oo, alam ko na si Celeste Amara Valdez ako—anak nina Mama at P

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 15

    Celeste Amara Valdez (POV)Madilim.Pero sa dilim, may boses akong naririnig. Malambing, parang musika na nakakalma kahit may lungkot sa ilalim.“My daughter…”Parang may ilaw na sumilip sa harap ko. Doon ko nakita ang isang babae mahaba ang buhok, maputi, at may ngiti na pamilyar pero hindi ko maipaliwanag. Suot niya ang isang simpleng dress, pero sa paningin ko, parang anghel siya.“My daughter, Aurelia…”Who's Aurelia???Me?!!Halos lumambot ang tuhod ko sa narinig ko. Who is she? Why does she feel so… familiar?“Mommy?” bulong ko, pero halos wala ring tunog na lumabas.Lumapit siya. Hinaplos ang pisngi ko. “Anak… you’ll be okay. Huwag kang matakot. Mommy is always here.”Pero bago ko pa siya tuluyang makita nang malinaw, biglang lumabo ang paligid. Parang nagmistulang usok ang imahe niya at nag-fade. Sinubukan kong abutin siya, pero wala nawala siya.“Mommy! Wait! Please don’t leave me!” halos pasigaw na ako. Pero huli na.At doon, bigla akong nagising.Pagmulat ko ng mata, puti a

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 14

    Chapter 14 – Celeste Amara Valdez (POV)Para akong natulala sa kinatatayuan ko. Nasa harap ko yung tatlong lalaking lasing, parehong nakangisi na parang may iniisip na hindi maganda. Nakaharang sila sa exit ng kuwebang parang kanina lang ay parang paraiso sa paningin ko, pero ngayon… naging parang kulungan. My heart was pounding so fast na para bang gusto nang lumabas sa dibdib ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Excuse me,” sabi ko ulit, this time mas firm yung boses ko. Nag-raise ako ng kilay kahit nanginginig na ako sa loob. “I said move. Like, now.” Pero imbes na umurong, mas lalo silang lumapit. “Uy, English pa oh,” sabi nung isa, sabay tawa. “Parang hindi taga-rito. Ang sosyal.” Napakagat labi ako. Oh my gosh, bakit ba kasi ako nag-English? Nakakainis! Huminga ako nang malalim. “Please, let me pass. Hindi ako nakikipagbiruan dito.” Pero yung isa, sinubukan hawakan braso ko. Agad kong iniwas at umatras. “Don’t touch me!” sigaw ko, this time mas mataas yung pitch

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 13

    Celeste Amara Valdez (POV)Pagkatapos naming magtampisaw kanina, tuloy-tuloy pa rin ang bonding namin ng mga pinsan ko. Para kaming mga bata ulit na walang iniisip kundi tawanan at kwentuhan habang naliligo sa lawa. Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam walang pressure, walang iniisip na responsibilidad, kundi puro kasiyahan lang.“Grabe, Celeste, ang puti mo pa rin kahit naliligo tayo sa araw. Hindi ka ba naiinitan?” biro ni Camille habang nagsplash ng tubig sa akin.“Ay excuse me, darling, hindi ako basta basta iniinitan. Alam mo naman, pang-mayaman ang balat ko. Parang automatic may sunblock kahit wala.” sabay taas baba ako ng kilay na parang model.Nagkatawanan silang lahat. Yung pinsan kong sila kuya Renz at Louie, parehong lalaki, biglang serious mode kasi they notice something.“Uy, napapansin n’yo ba? May mga nakatingin dito sa atin. Lalo na sayo, Celeste,” bulong ni kuya renz sabay wink sa akin.Napalingon ako discreetly at ayun nga may ilang group ng mga lalaki sa hindi kala

  • Amnesia's Curse, Mafia's Love   Chapter 12

    Celeste Amara Valdez (POV)Pagkababa namin, halos matulala ako.“Wait… excuse me, is this even real?!” napalakas yung boses ko habang nakataas ang kamay na parang nag-o-audition sa drama.As in, hindi ko kinaya. The lake was sparkling kulay emerald na may touch of turquoise, tapos sobrang linaw ng tubig na parang pwede kang uminom diretso pero syempre hindi, hello, arte ako pero smart pa din.Yung hangin? Fresh! As in legit fresh, hindi yung fake fresh sa air freshener na binibili sa mall. Nakakakuryente sa ilong in a good way.“Like, oh my gosh, Camille… parang Switzerland pero provincial version,” sabi ko, sabay talikod sa kanya with matching flip ng hair.Tawa nang tawa si Camille. “Grabe ka, Celeste, wala pa nga tayo sa mismong lake proper, may comparison ka na agad.”“Excuse me, cousin, kailangan natin i-document ang moment. Hindi pwedeng deadma. Look at that mountain oh my gosh, parang naka-green velvet cover! Tapos yung clouds, parang cotton candy. As in, pwede siyang backgro

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status