ANMELDENNoraHindi ko alam kung bakit ako nandito.Sa dami ng lugar na pwede kong puntahan, sa dami ng mas tahimik at mas angkop para sa isang taong may posisyon na tulad ko, dito pa talaga ako dinala ng mga paa ko—sa bar na hindi ko pa natapakan minsan man.Wala akong malinaw na plano. Wala akong sinadyang hanapin.Parang instinct lang.At iyon ang mas nakakagulo.Bukod sa jazz music na tumutugtog ay masasabi kong tahimik ang paligid habang nakaupo ako sa bar counter, hawak ang isang baso ng alak na halos hindi ko naman iniinom. Sapat ang ilaw para makita ang mga tao, pero hindi ganoon kaliwanag para basahin ang bawat emosyon sa mukha nila.Napabuntong hininga ako ng maalala ng sabay-sabay ang tatlong lalaking salitang lumilitaw sa harapan ko.Sina Andres, Asher at Devon.Parang sabay-sabay silang pumapasok sa utak ko, walang paalam, walang pahinga. Hindi ko man gustuhin, hindi ko sila mataboy.Napabuntong-hininga ako at iniikot ang baso sa kamay ko, pinagmamasdan ang paggalaw ng likido sa l
NoraPaano niya nalaman?Iyon ang unang tanong na paulit-ulit na umikot sa isip ko matapos magsara ang pinto sa likuran ni Devon. Hindi ko maalis ang bigat ng presensya niya sa loob ng opisina, na para bang kahit wala na siya roon ay may bahagi pa rin ng hangin na nananatiling kanya.Paano niya nalaman ang tungkol kay Andres… at ang mas nakakagulat—ang tungkol sa babaeng nagpapanggap bilang Nora Dumont?Hindi iyon impormasyong basta-basta nakukuha. Hindi iyon tsismis. At lalong hindi iyon bagay na puwedeng panghimasukan ng isang taong, sa lahat ng alam ko, ay wala namang koneksyon sa akin—o kay Emily.Napapikit ako at dahan-dahang sumandal sa upuan ko, pilit inaalala ang itsura niya kanina. Hindi ang mga biro niya. Hindi ang panunukso.Kundi ang seryosong mukha niya.Ang paraan ng pagtingin niya sa akin.At ang boses niyang mababa, matalim, at walang halong biro nang sabihin niya—“Mag-ingat ka.”Hindi iyon babala na basta puwedeng ipagsawalang-bahala.At iyon ang dahilan kung bakit h
DevonMaaga akong nagising, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Hindi dahil may mahalaga akong meeting o deadline na hinahabol, kundi dahil hindi ako pinatulog ng sarili kong isip.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang usapan namin ni Cesar—ang tungkol kay Andres, sa koneksyon nito sa underground, at sa mas nakakabahalang detalye na may kasama itong babaeng leader din ng isang organization sa underground.Hindi iyon simpleng coincidence.At lalong hindi iyon bagay na puwede kong ipagwalang-bahala.Tahimik ang buong unit ko habang nakatayo ako sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang unit na katapat lang din ng sa akin. May hawak akong tasa ng kape, pero matagal na itong malamig. Hindi ko man lang namalayang hindi ko na pala iyon iniinom.Iisa lang ang malinaw sa akin.Kailangan kong makita si Emily.Hindi mamaya. Hindi bukas.Ngayon.Gustuhin ko man na katukin siya ay hindi ko ginawa. Magkapitbahay lang kami pero alam ko na hindi niya ako tatanggapin doon kung sakali.Pagdating ko sa Hill
Devon“Sigurado ka ba?”Hindi ko itinago ang iritasyon sa boses ko habang nakatingin kay Lee. Nakapamaywang ako sa harap ng mesa, bahagyang nakayuko, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.“Yes, Sir,” sagot niya agad, halatang nagmamadali. “Hindi nawawala sa paningin ng mga bodyguard kay Miss Hills.”Mas lalo akong napakunot ang noo. “Hindi iyon ang tinatanong ko.”Napayuko siya sandali bago muling tumingin sa akin. “They met, Sir. During dinner.”“Anong pinag-usapan nila?” mas mariin kong tanong.“Research collaboration,” sagot niya. “Kagaya ng sa atin ngunit hindi tinanggap ni Ms. Hills. Mukhang hindi niya nagustuhan na pag-usapan ang negosyo over dinner at kasama pa ang kanyang mga magulang.”Napasandal ako sa aking upuan at sandaling natahimik ang buong opisina habang iniisip ko ang sinabi niya.Research collaboration.Seryoso talaga siya sa sinabi nya nung gala?“Interesting…” bulong ko, halos sa sarili ko lang. “Mukhang seryoso ang Andres na ‘yon na makalapit kay Emi
NoraHindi ko kailangang magsalita para maramdaman kung gaano kabigat ang hangin sa mesa. Pagkaupo ko pa lang, ramdam ko na agad ang tensyon—hindi iyong halatang tensyon na may sigawan o pagtatalo, kundi iyong mas delikado. Tahimik. Nakabalot sa maayos na ngiti at magagalang na salita.Mas mahirap kalabanin ang ganitong klaseng sitwasyon.Pinili kong hindi magpakita ng kahit anong reaksyon. Kahit ang mismong paghinga ko, sinigurado kong kontrolado. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong ito.Sobra ang pagpipigil kong ipakita ang galit na nararamdaman ko.Si Andres na siyang pumatay sa akin at sa mga magulang ko ay nasa harapan ko ngayon at nakangiti habang katabi ang isang babaeng may mukha ko bilang Nora Dumont.Umupo ako nang maayos at inilapag ang bag ko sa tabi ng upuan. Saka ko lang hinayaan ang sarili kong magmasid, pero hindi halata. Hindi direkta. Sanay na ako sa ganitong galawan—yung nakatingin ka pero hindi mukhang nag-oobserba.Nakangiti ang
NoraNatapos ang araw ko na halos hindi ko na namalayan kung paano lumipas ang oras. Sunod-sunod ang meetings, revisions, at approvals na kailangang lagdaan, at kahit sanay na ako sa ganitong klase ng pressure, hindi ko pa rin maikakaila ang pagod na unti-unting bumabalot sa katawan ko.Pagtingin ko sa relo, oras na para umalis.Dahan-dahan kong isinara ang laptop at inayos ang mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa bago ako tumayo. Habang kinukuha ko ang bag ko, muling bumalik sa isip ko ang sinabi ni Esmeralda.May ipapakilala.Hindi ako agad umalis. Saglit akong napahinto, tila sinusuri ang posibilidad ng kung ano ang naghihintay sa akin mamaya.“Blind date?” bulong ko sa sarili ko, bahagyang napataas ang kilay.Hindi naman ganon ang pagkakakilala ko sa kanila, pero hindi rin imposible. Lalo na ngayon na pormal na akong nasa posisyon bilang CEO ng Hills Pharma, mas lalong naging mahalaga ang mga koneksyon—personal man o pang-negosyo.Huminga ako nang malalim at marahang napailing.“Wh
NoraHindi na ako nagtagal matapos ang pag-uusap namin ni Dante. Walang seremonyang paghihiwalay ang nangyari sa pagitan namin, at wala ring kailangang sabihin pa dahil pareho naming naiintindihan ang sitwasyon.Isang tingin lang ang ipinagpalitan namin, isang tahimik na kasunduan na sapat na para
DevonHindi ko agad nilapitan si Emily matapos ang sparring.Nanatili muna ako sa kinatatayuan ko sa gilid ng gym habang pinapanood siyang bumaba mula sa ring. Tinanggal niya ang mouthguard niya at iniabot ang gloves sa trainer bago kumuha ng tuwalya mula sa bench.May ilang hibla ng buhok ang kumaw
Devon“Again.”Napatingin si Cesar sa akin mula sa kabilang dulo ng conference table habang pinapagalaw ko ang slide deck sa malaking screen sa harap namin.“Devon,” sabi niya habang kinukusot ang sentido. “Ilang beses na nating inulit ’to.”“Not enough,” sagot ko habang pinipindot ang remote para l
NoraSobrang pagod ang nararamdaman ko sa tuwing umuuwi ako sa townhouse.Hindi lang ito yung tipong pagod na nawawala sa isang mahabang tulog. Ito yung pagod na galing sa tuloy-tuloy na pagdedesisyon, sa bawat meeting, bawat negotiation, bawat kalkulasyon kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino a







