Share

CHAPTER 15

"Upo tayo sa buhangin," sambit niya bago umupo sa kung saan siya banda. Malapit ako sa tubig kaya hindi magandang doon ako umupo. Lumapit ako sa kaniya at naupo rin matapos ng ilang segundo. Alas kuwatro na siguro ito ng hapon.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Kahit na ngumiti pa siya ngayon, alam ko pa ring nalulungkot siya.

"Medyo ayos naman ako." Ang ikli niya namang sumagot.

"Mabuti naman." Hindi ko na alam kung ano pa ang puwede kong sabihin sa kaniya. Hindi ako magaling mag-comfort sa taong nalulungkot. Idagdag mo pa na hindi ko alam ang pinagdadaanan niya. Hindi magandang mag-advice ng hindi mo alam ang pinagmulan ng kalungkutan niya. Minsan mas ayos na manahimik ka nalang o kaya alamin mo muna ang puno at dulo ng lahat bago ka magsalita o kumilos. Hindi rin lahat gustong kinu-comfort sila. Minsan hindi mo na rin alam kung saan ka lulugar. Komplikado ang buhay, iyan ang alam ko.

"Masaya ka ba?" tanong niya. Ano bang klaseng tanong iyon?

"Oo naman. Wala namang dahila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status