LOGINELENA'S POV Hindi ko na kinausap si Dante pagkatapos kong malaman ang tungkol sa Agreement na 'yun. Kahit anong katok niya sa pinto at kahit anong pagmamakaawa niya na magpaliwanag, hindi ko siya pinagbuksan. Masakit isipin na habang sinusubukan kong maging mabuting asawa noon, siya naman ay nakapirma na sa dokumentong maghihiwalay sa amin. Kinabukasan, imbes na magmukmok, nag-ayos ako. Isinuot ko ang pinaka-matapang kong corporate attire at nag-makeup ako nang maigi para hindi halata na galing ako sa pag-iyak. Kung gusto nilang paglaruan ang buhay ko gamit ang mga shares at kasunduan, sige, lalaban ako. Pagbaba ko sa dining area, nandoon si Dante. Mukhang hindi siya natulog. Malamig na ang kape niya at puno na ng upos ng sigarilyo ang ashtray sa tabi niya. Ginagawa niya lang 'yan kapag sobrang stressed siya. "Elena, aalis ka? Sabi ng doctor kailangan mong magpahinga," tumayo siya agad para lapitan ako. "May meeting ako, Dante. At huwag mo akong hawakan," malamig kong sabi habang
ELENA POVMedyo umaayos na ang takbo ng buhay namin sa mansyon. Si Dante, daig pa ang buntot ko, kung nasaan ako, nandoon din siya. Maya’t maya ang abot ng prutas, gatas, o kung ano mang pwedeng ikaginhawa ko. Pero alam ko, “calm before the storm” lang 'to. Being a Valderama means never having total peace."Ma'am Elena, may package po. Galing daw Singapore," sabi ni Manang sabay abot ng isang maliit na box.Singapore? Wala naman akong order. Akala ko documents lang from my old apartment, kaya dinala ko sa garden para buksan habang nagpapahangin.Pero pagkabukas ko, hindi papel ang laman. Isang pamilyar na gold locket. Natigilan ako. Ito 'yung bigay sa akin ng Lola ni Dante bago siya namatay, ang nag-iisang tao sa pamilya nila na totoo sa akin. Nawala ko 'to nung gabing umalis ako palabas ng bansa.May kasamang envelope ang locket. Sa loob, may mga litrato. Pero hindi sa Singapore. Litrato ito ni Dante na may kasamang ibang babae... kuha noong mismong araw ng kasal namin."Elena? Bakit
ELENA POV Hindi alam ni Dante, pero habang busy siya sa pag-iimbestiga sa loob ng kumpanya, nakikipagkita ako kay Marcus Santillan sa isang tagong cafe malapit sa opisina. Alam kong matalino ang IT team ni Dante, pero pagdating sa mga "maduming" laro sa internet, walang tatalo sa mga koneksyon ni Marcus. "Sigurado ka ba rito, Alana? Kapag nakuha ko ang IP address, hindi lang career ni Celeste ang babagsak. Baka pati ang nanay ni Dante ay madamay," sabi ni Marcus habang mabilis na nagtitipa sa kanyang laptop. "I don't care, Marcus. Sinubukan nilang nakawan ako at sirain ang pagkatao ko. Hindi ako papayag na ang baby ko ay magkaroon ng nanay na may record bilang magnanakaw," matigas kong sagot. Ilang minuto pa ang lumipas, ngumiti si Marcus. "Gotcha. Ang transfer ay ginawa gamit ang isang high-end laptop sa loob mismo ng mansyon niyo. Pero ang mas maganda rito, ang recovery email na ginamit para i-confirm ang transaction ay ang personal email ni Celeste. Masyado siyang kampante.
ELENA POV Maaliwalas ang umaga ko dahil sa wakas, wala na ang amoy ng matapang na pabango ni Celeste sa mansyon. Alas-otso pa lang ng umaga ay narinig ko na ang pag-alis ng sasakyan niya, kasunod ang dabog ni Victoria sa kabilang kwarto. Pero hindi ako pwedeng mag-relax lang. Alam kong sa bawat pagkatalo nila, may mas matinding plano silang inihahanda. Pagdating ko sa opisina kasama si Dante, kakaiba ang timpla ng mga empleyado. Nagbubulungan sila at agad na umiiwas ng tingin kapag nadadaan ako. "Mr. Valderama, may emergency board meeting po sa 50th floor. Ngayon na po," bungad ng secretary ni Dante. Mukhang balisa ito at hindi makatingin sa akin nang diretso. "Bakit? Anong meron?" tanong ni Dante, habang nakahawak pa rin sa siko ko. "Tungkol po sa nawawalang pondo ng Rebranding Project, sir. May nakita po silang butas sa audit." Naramdaman ko ang biglang paglamig ng kamay ko. Ang Rebranding Project ang hawak ko. Bilang si Alana V., ako ang may huling pirma sa lahat ng budget pa
ELENA POV Tatlong araw na sa mansyon si Celeste at masasabi kong bilib din ako sa tibay ng apog ng babaeng ito. Kahit ginagawa ko na siyang utusan, pinagtitimpla ng gatas sa madaling araw at pinapabili ng mga pagkaing mahirap hanapin, ay hindi pa rin siya umaalis. Alam kong may inaantay siyang pagkakataon, at mukhang ngayong gabi iyon. "Dante, darling! I cooked your favorite, Beef Bourguignon. Naalala ko, ito ang lagi nating kinakain sa Paris noon," malanding sabi ni Celeste pagkababa ni Dante mula sa opisina niya sa itaas. Nakasandal ako sa hamba ng pinto ng dining room, pinapanood ang eksena. Si Celeste, nakasuot ng apron pero sa ilalim niyon ay isang manipis na silk dress na halos wala nang itinatago. Si Victoria naman ay nakaupo sa kabisera, nakangiti nang malapad na parang nanalo sa lotto. "Salamat, Celeste, pero dapat ay nagpahinga ka na lang. May mga chef naman tayo," sagot ni Dante na hindi man lang siya tinitingnan. Dumiretso agad si Dante sa akin at hinalikan ako sa noo.
ELENA POV "Sigurado ka bang kaya mo na? Pwede naman tayong manatili rito ng isa pang araw," paulit-ulit na tanong ni Dante habang inaalalayan akong sumakay sa sasakyan. "Dante, pang-sampung beses mo na 'yan. Okay na ako. Gusto ko na lang makalanghap ng sariwang hangin," sagot ko habang isinusuot ang sunglasses ko. Sa totoo lang, kahit sabihin kong ayaw ko sa mansyon, mas gusto ko nang nandoon kaysa sa amoy ng gamot sa ospital. Buong byahe, hindi binitawan ni Dante ang kamay ko. Para siyang batang natatakot na kapag bumitaw siya, bigla akong maglalaho. Hindi ko na lang binabawi; hinayaan ko siyang isipin na may kontrol pa siya, kahit ang totoo, ako ang nagpapatakbo ng larong ito. Pagdating namin sa mansyon, agad akong nakaramdam ng kakaiba. May dalawang itim na SUV na nakapark sa tapat ng main door. Hindi iyon sasakyan ni Dante, at lalong hindi iyon sasakyan ni Victoria. "May bisita ka yata," sabi ko nang mapansin ang pagkunot ng noo ni Dante. "Wala akong inaasahang bisita," mati







