Share

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman
Author: Sixteenth Child

Kabanata 1

Author: Sixteenth Child
Lumabas si Madeline Crawford ng ospital, hawak niya ang test results habang nanginginig ang kamay. May mga luha sa kanyang mata, hindi mawari kung masaya ba siya o malungkot.

“Miss Crawford, buntis po kayo.” Muli na namang pumantig sa isip niya ang mga salitang binitawan ng doktor.

Tatlong buwan ang nakararaan, pinakasalan niya si Jeremy Whitman; siya lang naman ang nag-iisang young master ng isang prestihiyosong pamilya na kinaiinggitan ng lahat sa buong Glendale.

Sa araw ng kasal, bawat babae sa lugar nila ay napuno ng inggit sa kanya. Inisip rin niya no’n na siya ang pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa buong mundo.

Simula nang makilala niya si Jeremy noong sampung taong gulang pa lang siya, may isang binhi na ang natanim sa kanyang puso.

Upang umabot sa lebel ni Jeremy at upang makuha ang atensyon nito, ginawa niya ang lahat para ma-i-ayos ang sarili sa nakalipas na labindalawang taon.

Lagi niyang dama na tila ba galing sila sa magkaibang mundo. Para siyang isang nagwawalang bata na lumaki sa bundok. Paano naman siya magkakaroon ng isang relasyon sa lalaking gaya niya?

Subalit, hindi pala sigurado na pinagpala siya ng Diyos, o kung niloloko ba siya ng tadhana. Tatlong buwan ang nakararaan, pumunta siya sa birthday party ng isang kaibigan. Sumunod na umaga, nang magising siya, nakita niyang nasa tabi niya si Jeremy.

Talagang nakuha ng pulang mantsa ang atensyon niya. Tila ba nilarawan na nito ang nangyari sa kanila ni Jeremy kagabi.

Bago pa man niya maunawaan ang sitwasyon, may isang katok ang narinig niya sa pinto na siyang sinundan ng maraming reporters. Hindi sila makapaghintay na isulat ang balitang may kasamang misteryosong babae si Jeremy.

Ang Whitmans ang pinakakilalang pamilya sa Glendale. Marangal sila at may pampanulatang reputasyon. Tradisyunal ang kanilang Old Master. Kaya matapos malaman ang nangyari sa kanila, agad nilang inanunsyo ang kasal ni Jeremy at Madeline.

Tila ba isa itong panaginip kay Madeline. Subalit, hindi ito isang magandang panaginip.

Hindi siya mahal ni Jeremy. Sa halip, galit na galit ito sa kanya. Ayaw nito sa kanya. Ayaw nito ang presensya niya, lalo na’t siya ang dahilan para mabigo nito ang kanyang mahal, si Meredith Crawford. Sinasabi ring si Meredith Crawford ay kapatid ni Madeline.

Ganoon pa man, kinuha ni Madeline ang lahat ng lakas ng loob para tawagan si Jeremy.

Hindi na siya nagulat pa, ibinaba nito ang tawag. Ganoon din, nagsend na lamang siya ng isang text para sabihing may mahalagang bagay siyang ipapaalam at umaasa siyang makakauwi ito sa gabi.

Tatlong buwan na ang kasal nila, subalit hindi pa ito umuuwi. Laging mag-isa si Madeline sa kwarto, at alam din naman niya kung saan ito lumalagi sa gabi.

Hindi nito sinagot ang lahat ng tawag niya, at kahit na rin ang mga texts. Kaya, nanlamig na lamang ang puso ni Madeline; alam niyang hindi makakauwi si Jeremy ngayon.

Dahil diyan, naligo na lamang siya at magpapahinga na sana nang biglang magbukas nang malakas ang pinto.

Inangat niya ang kanyang ulo at naalarma nang makita ang gwapo nitong mukha. Nagsisimula na namang tumibok nang mabilis ang kanyang puso.

“Jeremy, nandito ka na pala,” maingat nitong tinawag ang kanyang pangalan. Mayroong maliit na ngiti sa malinis niyang mukha.

Ganoon pa man, nang lapitan niya ito, hinawakan siya nang mahigpit ng lalaki at malakas na itinumba sa kama.

Nag-iwan ng bakas ang mga daliri nito sa kanyang mukha ni Madeline nang mapuwersa nitong hawakan ang bibig niya. Puno ng kalasingan at galit ang mga mata nito.

“Madeline, gustong gusto mo ba talaga ako? Sa puntong gagapangin mo pa ako sa kama at nanloko ka pa, huh?” Maalindog man ang boses nito, may bakas pa rin ng pagkutya at galit.

Namutla si Madeline nang tignan ang lalaking minahal niya sa loob ng ilang taon at nanakit ang puso niya.

“Jeremy, hindi mo ko nauunawaan…”

“Hindi nauunawaan?” Tiningnan siya nito nang may pagkamuhi at saka tumawa nang malalim. “Madeline, bakit ka pa ba nagpapanggap?”

Matapos niya itong sabihin…
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (26)
goodnovel comment avatar
Suan Largosa Maricel
pashare po
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ito ang ayaw ko yong masyadong kawawa yong bida ayaw lumaban
goodnovel comment avatar
Merlyn Gomez
Good day Goodnovel tanong ko lng my nka lagay na free bakit po nka lock nman itong story na ito nag tatanong lng po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status