Medyo nahiya si Miss Charles, ngunit kinuha pa din niya ang keyk at nagpaalam kay Lillian. Ngumiti si Lillian at nagpaalam sa kanyang guro. Pagkatapos nilang sumakay sa kotses, sinilip ni Fabian ang rearview mirror paminsan-minsan. “Lily, masaya ka ba dahil nakapasok ka na uli ng eskwelahan?” Tumango si Lillian. Nagtanong uli si Fabian, “Inapi ka ba ng mga kaklase mo?”Umiling si Lillian, at may masiglang ngiti sa kanyang maliit na mukha. Nakahinga ng maluwag si Fabian. Sa sumunod na mga araw, hatid-sundo ni Fabian si Lillian sa tamang oras araw-araw. Sa natitirang mga oras, kung hindi man siya nasa kumpanya ay hinahatid niya si Lillian sa ospital para sa regular nitong check-up. Ito lang ang mga lokasyon na pinupuntahan niya. Bihira siyang pumunta sa mga salo-salo o kaya naman ay maglibang. Pinagtatawanan na siya ng matalik niyang kaibigan, at sinasabi na wala naman siyang girlfriend pero parang meron na siya. Iyon naman ang totoo, ngunit masaya si Fabian dito.
Pagkatapos pakinggan ang sinabi ng kaibigan niya, masayang ngumiti si Julie. "Hindi anak ni Mr. Johnson ang batang babaeng iyon." "Hindi niya anak?" Nagulat ang kaibigan niya. "Pero para bang pinapahalagahan ng gwapong lalaking yun ang bata." "Siya ang guardian niya kaya syempre pinapahalagahan niya ang bata," paliwanag ni Julie, at may katwiran ang mga salita niya. Tinignan niya ang likod ni Fabian habang pumasok siya sa burger shop, at isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. "Napakamapagmahal at matiyaga ni Mr. Johnson sa mga bata. Sigurado ako na mamahalin niya ang sarili niyang mga anak kapag nagka-anak siya sa hinaharap." Walang pasok sa opisina kaya buong araw na kasama ni Fabian si Lillian. Nang dumilim na ang langit ay doon lamang inantok si Lillian. Maingat niyang kinarga si Lillian na nagsimulang makatulog at sumakay sa kotse. Nang makauwi sila, dinala ni Fabian si Lillian sa kwarto para matulog. Habang nakatingin sa kanyang natutulog na inosenteng mukha, kun
Pagkatapos ng klase, kaagad na sinundo ni Fabian si Lillian. Siguro dahil sa pisikal na kondisyon ni Lillian kaya mas inaalagaan siya ng paaralan. Pagsapit ng gabi. Hawak ni Fabian ang hindi pa tapos na DIY work at seryoso itong tinapos. Pagkatapos itong makumpleto, sandaling umupo si Fabian sa tabi ng kama ni Lillian. Hindi niya alam kung kailan siya nakatulog, pero nang magising siya kinabukasan, nalaman niya na nakatulog siya sa tabi ng kamay ni Lillian. Nang makita niya ang caretaker na nag-aalaga kay Lillian na pumasok sa kwarto, tumayo si Fabian nang medyo nahihiya. Hindi nagtaka ang caretaker sa eksenang ito. Alam ng mga tao sa kwartong ito na si Fabian, ang kuya, ay matagal nang malapit sa kanyang nakababatang kapatid na si Lillian. Ang totoo, medyo nag-aalala si Fabian dahil hindi niya al kung naapektuhan niya si Lillian sa paraan ng pagtulog niya. Gayunpaman, mukhang maayos naman ang tulog ng batang babae. Hinatid pa rin ni Fabian si Lillian kagaya ng madala
Bahagyang kinilabutan ang tatay ng batang lalaki sa matatalim na mata at determinadong tono ni Fabian, pero nang maalala niya na ang anak niya ang nasaktan, bumuhos na naman ang kumpiyansa niya. "Kakaiba ka talaga, bata. Kung hindi ikaw ang ama ng batang to, anong ginagawa mo rito? Bakit napakamakatuwiran mo ngayong sinaktan ng batang ang anak ko?" Tinaas ng lalaki ang manggas niya, mukha siyang arogante at dominante. "Ms. Charles, ang dami kong ginastos na pera para pag-aralin ang anak ko rito, at ganito niyo siya alagaan? Ngayon na sinaktan ng bubwit na to ang anak ko, kailangan niyo siyang i-expel kaagad. Kung hindi, irereport kita!" "Anong sabi mo? Sino ang tinatawag mong bubwit? Ulitin mo ang sinabi mo kung matapang ka." Galit na ang puso ni Fabian dahil sa lalaking ito, pero sa sandaling ito, kasing lamig ng isang malamig na palaso ang titig niya. Kaagad na nataranta ang lalaki. "Ms. Charles, wag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang mawalan ka ng trabaho dahil dito. Malam
Samantala, pumunta si Fabian sa tabi ni Lillian, iniunat ang kanyang kamay, at hinaplos ang kanyang ulo para pakalmahin siya. "Wag kang matakot, Lily. Nandito ako. Hindi ko hahayaang kantiin ka ng kahit na sino." Habang nasa tabi niya si Fabian, hindi matatakot si Lillian. Kahit na batang-bata pa siya, hindi siya natatakot sa mga ganitong masasamang tao kahit na kantiin nila siya. Kahit nang maharap siya sa demonyong si Lana at ibinato siya sa pool, hindi siya kailanman nagmakaawa kay Lana. Masasabi na talagang nagmana siya kay Madeline. Kahit sa harapan ng kritisismo at pangbibintang, tahimik siya dahil hindi siya makapagsalita. Kahit na ganoon, maliwanag at kampante ang mga mata niya. Nang makita ito, kaagad na namagitan si Julie. "Mr. Johnson, paano mo nagawang—" "Oo, nanakit ako ng iba, pero dahil nararapat lang yun sa kanya." Hindi nagbago ang ekspresyon ni Fabian. Lumapag ang matatalim niyang tingin sa mukha ni Julie habang nagtanong siya, "Nakuha mo na ba ang f
‘Um…’Habang nakatingin sa madilim na mga mata ni Fabian, kaagad na umamin ng pagkatalo ang lalaki. "Ikaw bata ka, kasalanan mo tong lahat! Dalian mo at humingi ka ng tawad sa kanya!" pinagalitan ng lalaki ang anak niya na nakatayo sa tabi niya at tinulak ito sa harapan ni Lillian. "Dalian mo at humingi ka ng tawad!" Takot na takot ang lalaki, lalo na ang anak niya. "P-Patawad, Lillian." Nanginginig na humingi ng tawad ang anak ng lalaki, wala siyang tapang na tumingin nang direkta kay Lillian. Nang makita ito, kaagad na ngumiti ang lalaki. "Tignan mo, humingi na ng tawad ang anak ko. Kuntento ka na ba?" Malamig na tinaas ni Fabian ang mga mata niya. "Sa tingin mo sapat na to? Iniisip mo ba wala kang kasalanan rito?" “Um…”"Ang mga magulang ang pinakamagaling na guro para sa mga bata. Ikaw, bilang ama niya, ay mayroong hindi matatakasang responsibilidad sa kung paano lumaki ang anak mo." "...Oo, oo," paulit-ulit na sumagot ang lalaki. Hindi siya nagtangkang sumagot nang
Habang pauwi, dinala ni Julie si Fabian sa pinto ng kindergarten at pinasalamatan ito.“Salamat sa pagtatanggol sa akin kanina, Mr. Johnson.”Hindi ito masyadong dinamdam ni Fabian, ngunit nang makita niyang tumatanaw ng utang na loob si Julie, kalmado siyang nagsalita. “Wala ‘yun. Hindi mo ako kailangang pasalamatan, Ms. Charles. Kailangan pa rin kitang abalahin na bantayan si Lily tuwing weekday. Kapag may nangyari kay Lily, kailangan mo agad ipaalam sa akin.” Nakangiting tumango si Julie. “Mr. Johnson, ‘wag kang mag-alala. Babantayan ko nang maigi si Lily.” “Salamat.” Pagkatapos siyang pasalamatan ni Fabian, paalis na ito. Subalit, nang pagtalikod niya, nakita niya ang lalaking sinuntok niya kanina na galit na naglalakad patungo sa kanya kasama ang dalawang pulis. Binilisan nito ang kanyang lakad nang makita nitong paalis na si Fabian at tinuro si Fabian bago sabihin sa pulis sa tabi nito. “Officer, ‘yang lalaking ‘yan. ‘Yan ang nanuntok sa akin kanina. Tingnan niyo an
Magalang ang pulis. Tumingin si Fabian sa lalaking arogante kanina at kalmadong tumango. “Sige,” walang-bahala siyang sumagot. Pagkatapos ay lumingon siya kay Julie na mukhang nag-aalala. “Ms. Charles, bumalik ka na sa classroom at pakibantayan si Lily. Salamat.” Nag-aalala si Julie at gustong magsalita, ngunit pakiramdam niya wala siyang karapatan. Kaya tumango na lamang siya.“Mr. Johnson, makakaasa kang aalagaan ko ang bawat estudyante sa klase.” Marahang ngumiti si Fabian. Hindi na siya nagsalita pa. Pagkatapos, nauna siya at naglakad paharap.Sinundan ng dalawang pulis si Fabian, pagkatapos tinawag nila ang lalaki para sumama.“Mr. Martinez, pakiusap sumama ka sa amin sa police station upang maakatulong sa imbestigasyon.” Natakot ang lalaki nang tingnan niya ang malaking katawan ni Fabian. Bigla na lang niyang gustong atrasan ito.“B-Bakit di na lang natin kalimutan ‘to?” gusto nang sukuan ng lalaki ang bagay na ito. Pakiramdam niya binangga niya ang maling tao.Sab