Mag-log inChapter 31Samantha’s POV“Are you serious?”Halatang hindi makapaniwala si Enrico sa narinig niya. Nakatayo siya sa harapan ko, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao habang pilit na pinipigilan ang emosyon.“Maniniwala ka sa Mark Spencer na iyon?”Napabuntong-hininga ako.“Ano naman ang problema sa kanya?”“Ano ang problema?” Napailing siya. “Samantha, halos hindi mo pa siya kilala.”“Pero kilala ko ang ginawa niya.”“Tulungan?”“Iniligtas niya ako sa sunog, Enrico.”“Kung hindi dahil sa kanya, baka wala na ako ngayon.”Hindi siya agad sumagot.Bagkus ay lalo lamang tumigas ang kanyang panga.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagtutol niya kay Mark.Hindi naman ito gumawa ng masama sa akin.Sa katunayan, utang ko pa nga rito ang buhay ko.“Hindi ko sinasabi ito sa'yo para magpaalam,” mahinahon kong sabi. “Ipinaaalam ko lang ang naging desisyon ko.”“Magandang oportunidad ito para sa akin.”“At higit sa lahat... para sa kalusugan ni Nanay.”Huminga nang ma
Chapter 30Samantha’s POVHindi alam ni Enrico na nakipagkita ako kay Mark.Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko agad sinabi sa kanya.Siguro dahil gusto ko munang marinig kung ano ang sasabihin ni Mark bago ako gumawa ng anumang desisyon. Isa pa, may utang na loob ako sa kanya. Kung hindi dahil sa mabilis niyang pagresponde noong araw na nasa panganib ako, baka hindi na ako nakauwi nang buhay.At aminin ko man o hindi...May bahagi rin ng sarili kong curious.Ano bang klaseng business proposal ang ihahain niya sa akin para ipatawag pa ako nang personal?Eksaktong alas-siyete ng gabi nang makarating ako sa coffee shop na sinabi niya.Isa iyong tahimik at eleganteng café sa business district. Hindi matao, mahina ang tugtog, at sapat lang ang ilaw upang maging komportable ang mga customer.Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na siyang naghihintay sa isang sulok.Nakatayo siya nang makita ako.Ngumiti."Thank you for coming.""You're welcome," sagot ko habang umuupo sa tapat niya.Tinawag
Chapter 29Samantha’s POVIlang linggo rin akong nagpahinga. Kahit pakiramdam ko ay kaya ko nang bumalik sa trabaho, mahigpit ang bilin ni Enrico na huwag muna akong pumasok sa opisina.Naalala ko pa ang sinabi niya noong dumalaw siya sa bahay.“Natatakot kasi ako na baka bumalik ang trauma mo,” seryoso niyang sabi.Noong una ay natawa pa ako.“Rico, okay na talaga ako.”“Hindi pa rin. Akala mo lang iyon, iba ang kuwento ni Tita Stella”“Hindi mo naman puwedeng ikulong lang ako sa bahay.”“Mas mabuti nang OA kaysa magsisisi tayo.”Wala na akong naisagot.Kilalang-kilala ko si Enrico. Kapag may ipinaglalaban siya, halos imposibleng baguhin ang isip niya. Kaya kahit gusto ko nang bumalik sa normal na buhay, sinunod ko na lang muna ang gusto niya.Sa totoo lang, malaking bagay rin ang pahingang iyon.Nagkaroon ako ng oras kasama si Nanay. Nakapagbasa ako ng mga librong matagal ko nang gustong basahin. Nakapag-isip din ako tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan.Pero dumating
Chapter 28Samantha's POVNagpatuloy ang party matapos ang mga programa. Unti-unti nang nagsisimulang magpaalam ang mga bisita sa isa't isa. Kanina lamang ay puno ng tawanan ang buong venue—may mga nagkukuwentuhan, nagkukuhanan ng litrato, at may ilan pang hindi matapos-tapos ang kuwentuhan dahil sa sobrang pananabik na muling magkita pagkatapos ng napakaraming taon.Ngayon naman ay isa-isa nang naglalabasan ang mga tao habang may mga pangakong "Magkita ulit tayo" at "Keep in touch, everyone.""Mauna na kami sa kotse, Enrico," sabi ni Ninang habang inaayos ang kaniyang bag."Sige po, Mom," sagot ni Enrico.Lumapit naman ako kay Nanay."Nay, magkita na lang tayo sa bahay. Mukhang hindi pa kayo tatantanan ni Papa. “Ewan ko ba diyan sa tatay mo, feeling close”"Sige, anak mag-iingat kayo."Ngumiti rin ako bago siya tuluyang sumunod kina Ninang.Napatingin ako sa paligid.Hinahanap ko pa kasi si Mitch.Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang naging usapan namin kanina. Ang dami ko pang gust
Chapter 27Samantha's POVPagkatapos ng masayang pag-uusap namin ni Mark Spencer ay naiwan na lamang kaming dalawa ni Enrico sa aming mesa.Abala na ang ibang alumni sa pakikipagkuwentuhan. Ang ilan ay abala sa pagkuha ng litrato sa photobooth, habang ang iba naman ay nagsimula nang magtungo sa dance floor nang tumugtog ang isang klasikong love song.Tahimik kaming dalawa.Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin.Hindi iyong simpleng tingin.Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan.Napangiti tuloy ako."Ayaw mo ba talagang magsayaw, Enrico?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay."Maghahanap ako ng ibang kapareha."Bahagya siyang napailing at napabuntong-hininga na parang wala na siyang kawala.Tumayo siya at bahagyang yumuko na tila isang gentleman sa mga lumang pelikula."If you'll insist..."Inilahad niya ang kanyang kamay."May I have this dance, Samantha?"Hindi ko napigilang matawa."Grabe ka naman.""Parang nasa royal ball tayo."
Chapter 26Samantha’s POVBago makapasok sa hall ay kailangan muna naming magparehistro. Nandoon ang mahahabang mesa na may nakalinyang attendance sheets, mga pangalan ng bawat batch, at mga volunteer na abala sa pagtanggap ng mga alumni.Isa-isa kaming pumirma ni Nanay.Habang sinusulat ko ang pangalan ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko akalaing dadalo ako sa reunion na ito. Sa totoo lang, kung hindi lang dahil sa pamimilit ni Nanay at sa walang tigil na pangungulit ng mga kakilala namin, baka nasa bahay lang ako ngayon.Pagkapasok namin sa loob ng hall ay agad kaming sinalubong ng masayang ingay.May nagtatawanan.May nagbabatian.May mga nagkakayakap na parang kahapon lang sila huling nagkita.May ilan ding nagtititigan muna bago magtanungan ng..."Ikaw ba si ano?""Oy, ikaw pala iyon!"Kasama ko noon si Nanay at siya yata ang mas excited sa aming dalawa.Para sa kanya, halos apatnapung taon na ang lumipas mula nang huli niyang makita ang karamihan sa mga kaklase niya.Hind
Chapter 6Samantha's POVPagdating ko sa opisina, may nakalagay na bulaklak sa table ko. Nakalagay sa card. “Would you like to have dinner with me? - James”Muntik na akong mapasigaw sa kilig. Totoo ba itong nangyayari?“Samantha, kalma” sabi ko sa sarili ko.Ang sweet talaga ni James. Boyfriend
Chapter 5Samantha’s POVBiglang nag-ring ang phone ko habang kausap ko si Enrico. “Si Papa”Mukhang nakapagsumbong na ang mag-ina kay Papa. Siguro pinalabas na naman nila na sila ang dehado. “Samantha, ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Bakit na naman iyak siya nang iyak? Hindi ka na ba ma
Chapter 4Samantha’s POVNautusan ako ni Ninang Amanda na makipag-meet sa client. Dapat kasama ko si Enrico, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam. “Ha? Wala pa siya diyan? He agreed with me last night. If hindi siya dumating, ok lang naman diba Sam, I think you can do it.”sabi ni
Chapter 3Samantha's POV“ I don't like this proposal, scrap it! “ sigaw ni Enrico sa board“We think na hindi ganyan ang sasabihin ni Chairman” Sabi ni Mr. Bagatsing“You want to bet?” Sabi ni RicoTinawagan niya ang kanyang ina at pagkatapos ay niloudspeaker niya ito. “Mom, I have here a piece o




![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


