ANMELDENChapter 27Samantha's POVPagkatapos ng masayang pag-uusap namin ni Mark Spencer ay naiwan na lamang kaming dalawa ni Enrico sa aming mesa.Abala na ang ibang alumni sa pakikipagkuwentuhan. Ang ilan ay abala sa pagkuha ng litrato sa photobooth, habang ang iba naman ay nagsimula nang magtungo sa dance floor nang tumugtog ang isang klasikong love song.Tahimik kaming dalawa.Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin.Hindi iyong simpleng tingin.Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan.Napangiti tuloy ako."Ayaw mo ba talagang magsayaw, Enrico?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay."Maghahanap ako ng ibang kapareha."Bahagya siyang napailing at napabuntong-hininga na parang wala na siyang kawala.Tumayo siya at bahagyang yumuko na tila isang gentleman sa mga lumang pelikula."If you'll insist..."Inilahad niya ang kanyang kamay."May I have this dance, Samantha?"Hindi ko napigilang matawa."Grabe ka naman.""Parang nasa royal ball tayo."
Chapter 26Samantha’s POVBago makapasok sa hall ay kailangan muna naming magparehistro. Nandoon ang mahahabang mesa na may nakalinyang attendance sheets, mga pangalan ng bawat batch, at mga volunteer na abala sa pagtanggap ng mga alumni.Isa-isa kaming pumirma ni Nanay.Habang sinusulat ko ang pangalan ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko akalaing dadalo ako sa reunion na ito. Sa totoo lang, kung hindi lang dahil sa pamimilit ni Nanay at sa walang tigil na pangungulit ng mga kakilala namin, baka nasa bahay lang ako ngayon.Pagkapasok namin sa loob ng hall ay agad kaming sinalubong ng masayang ingay.May nagtatawanan.May nagbabatian.May mga nagkakayakap na parang kahapon lang sila huling nagkita.May ilan ding nagtititigan muna bago magtanungan ng..."Ikaw ba si ano?""Oy, ikaw pala iyon!"Kasama ko noon si Nanay at siya yata ang mas excited sa aming dalawa.Para sa kanya, halos apatnapung taon na ang lumipas mula nang huli niyang makita ang karamihan sa mga kaklase niya.Hind
Chapter 25Samantha’s POV“Samantha, aatend ka ba sa reunion natin? Malaking event ito kasi lahat ng alumni invited. May nag-sponsor na kaya pasensya na lang natin ang dadalhin, wala na tayong iintindihin tungkol sa mga bayad,” sabi ni Mitch sa akin sa telepono. Isa siya sa mga kaklase ko noong high school at isa rin sa mga taong hindi nawawalan ng enerhiya kapag may school activities.“Sino naman ang nag-sponsor?” tanong ko habang inaayos ang mga papeles sa mesa.“Yun ang hindi ko alam. Surprise daw.”Napataas ang kilay ko.“Naku, payabangan lang iyan. Parang ayokong pumunta.”Agad siyang tumawa.“Grabe ka naman, Sam. Hindi naman lahat ng reunion ay payabangan. Pag-isipan mo muna. Malay mo, makilala mo doon ang prince charming mo.”“Naku, ikaw talaga. Naniniwala ka pa rin sa mga ganyang bagay?” pang-aasar ko.“Wala namang masama sa pag-asa.”“May masama kapag puro pag-asa tapos wala namang resulta,” sagot ko.Pareho kaming natawa.“Basta, Sam, pag-isipan mo muna.”“Diba si Enrico Sol
Chapter 24Samantha’s POVDumaan si Tito Arthur sa opisina ko nang hapong iyon. Medyo nagulat pa nga ako nang makita siyang pumasok sa glass door ng conference area.Hindi naman niya nakaugaliang dumalaw sa opisina ko.Karaniwan, kapag may sasabihin siya ay tumatawag na lang o kaya'y hinihintay kaming magkita sa mga family gatherings.Kaya alam kong may dahilan kung bakit siya napadpad doon.“Uy, Tito Art,” bati ko habang tumatayo mula sa upuan ko.“Busy ka ba?” tanong niya.“Hindi naman po. Katatapos lang ng meeting.”“Good.”Naupo siya sa tapat ko at agad na nagseryoso ang mukha.“Oh, Sam, nabalitaan ko ang ginawa ng tatay mo, ah.”Agad akong napailing at napabuntong-hininga.Pakiramdam ko ay ilang araw na akong paulit-ulit na nagtatanong sa sarili kung paano nagawa iyon ni Papa.Hindi ako agad nakasagot.Pero dahil malapit sa akin si Tito Arthur, kusa na lamang akong nag-open up.Sa totoo lang, gusto ko rin ng opinyon ng isang taong mas mature mag-isip.Si Nanay kasi, kapag humihin
Living and ExpensesChapter 23Samatha’s POVMedyo lumuwag-luwag na ang loob ko pagkalipas ng mga araw.Unti-unti ring humupa ang bigat na matagal kong pinasan. Hindi man tuluyang nawala ang sakit, natuto akong mabuhay kasama iyon. Mga buwan na rin ang lumipas mula nang tuluyan kong tanggapin ang katotohanan.Hanggang dito na lamang ang pakikipag-ugnayan ko sa aking ama.Hindi na ako aasa ng kahit ano mula sa kanya.Wala nang paghihintay sa tawag na hindi naman darating. Wala nang pag-asang isang araw ay bigla niyang maiisip na anak niya rin ako. Wala nang mga tanong kung bakit hindi niya ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya sa iba.Tinatapos ko na ang lahat.Pagkatapos ng lahat ng luha, lahat ng sama ng loob, at lahat ng pagkadismaya, napagtanto kong wala akong kontrol sa nararamdaman ng ibang tao. Kahit gaano ko kagustuhing maging mabuting anak, kung ayaw niya akong makita bilang mahalagang bahagi ng buhay niya, wala na akong magagawa roon.At sa unang pagkakataon matapos ang
Chapter 22Samantha’s POV“Hoy, Nay! Saan ka nagpunta?”Kakapasok pa lamang ni Nanay sa bahay nang agad ko siyang tanungin. Halata kasing may pinagkakaabalahan siya buong araw. Nakataas pa ang kanyang baba habang naglalakad papasok, parang isang heneral na katatapos lang manalo sa digmaan.“Eh di saan pa?” sagot niya habang inilalapag ang kanyang bag sa mesa. “Eh di sa tatay mong siraulo!”Napahinto ako.Hindi na ako kumibo.Sa totoo lang, wala akong ganang marinig ang pangalan ng tatay ko.Hindi dahil nagtatampo ako.Matagal nang lumipas ang tampo.Galit na ang natitira.Masakit kasi kapag ang taong inaasahan mong kakampi mo ay siya pang unang humusga sa iyo.Masakit kapag ang taong dapat nagtatanggol sa iyo ay siya pang nanakit.Kung dati ay umiiyak ako para makuha ang atensyon niya, kung dati ay pilit kong inaabot ang pagmamahal niya, ngayon wala na.Parang may namatay na bahagi ng puso ko.Hindi ko na siya hinahanap.Hindi ko na siya iniisip.At higit sa lahat, hindi ko na siya ka
Chapter 20Samantha’s POVTinawagan ako ni Papa.“Samantha, pumunta ka dito sa opisina ko.”Napahinto ako sa ginagawa ko.Bihira siyang tumawag.At kapag tumatawag siya, kadalasan ay hindi para kamustahin ako.Hindi para tanungin kung kumusta si Nanay.Hindi para malaman kung maayos ba ang buhay na
Chapter 17Samantha’s POVMga ilang araw ang lumipas nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Nanay. Maikli lamang iyon ngunit sapat na para mapakunot ang noo ko."Anak, nasaan ka?Bakit kaya?May problema ba?May ipapakisuyo na naman ba siya?O baka naman may bagong tsismis na gusto niyang ikuwent
Chapter 15Samantha's POVNatuloy na ang turnover ng appointment for the CEO’s position at ibinigay na ito nang tuluyan kay Enrico. Proud na proud ang kanyang mga magulang dahil finally ay tinanggap na niya ang appointment. May after-party pagkatapos ng appointment, kaya inimbitahan ang lahat ng
Chapter 13Samantha's POVSobrang pag-aalala ang bumalot sa akin nang makita ko si Rico sa ganoong kalagayan.Hindi ko siya sanay makita na mahina.Hindi ko siya sanay makita na walang kalaban-laban.Sa pagkakakilala ko kay Enrico, siya ang tipo ng taong laging matatag. Siya iyong taong kahit pagod







