Share

ikaapat na kabanata

Lumipas na ang araw na iyon, mabilis habang nagbabago ang direksyon ng alon ng hangin. Alas syete na ng umaga pero si Kath ay mahimbing pa rin na a tutulog sa kama nya. Hindi niya alam na mahuhuli na siya. Bilang isang sekretarya, kailangan niyang nasa oras upang tanggapin ang responsibilidad sa kanyang trabaho.

Samantalang naasar na si Hades sa kawalan ni Kath, ilang beses na syang tumawag sa telepono nito ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Nagdesisyon si Hades na pumunta sa kinaroroonan ni Kath dahil nagmamadali siyang maghintay. Dumating na rin si Hades sa wakas pero tulog pa rin si Kath.

*Kumatok si Hades sa pintuan na may asar na mukha*

Binuksan ito ng isang batang lalaki at napansin ni Hades na ito ang batang lalaki sa coffee shop na nakita niya nitong nakaraang dalawang buwan. "wala pa po kami pambayad sa utang" bungad na salita nito "nasaan si Kath? Akk ang amo nya at huli na ko sa aking lakad ng Dahil sa kanya" sabi ni hades habang nakapamewang Agad na pinapasok ng bata si Hades sa hindi kalakihan nilang bahay. "tatawagin ko lang po si ate Kath" sabi nito sabay abot ng tubig sa lamesa.

"ate! Ate! May poging nag hahanap sayo sa labas! Gising!" pag gising sakin ni biboy Antok na Antok pa ako Dahil tinapos ko pa yung kdramang iyon kagabi... Piling ko ilang oras palang ako nakakatulog "hindi sya pogi kung sisingilin lang tayo sa utang natin." pahikab hikab ko pang sabi sa kanya.

"Huli ka na sa trabaho siguro dapat makuha mo rin ng huli ang sweldo mo" boses mula sa pinto dahilan para bigla akong mahulog sa kama A-anong ginagawa nito dito? P-paano nya nalaman San ako nakatira? Teka inistalk nya ba ako? "s-sir... A-anong ginagawa mo d-dito?" tanong ko " masyado na tayong huli! Wag ka na maligo naubusan na tayo ng oras!" sabi nya na may pagka gigil.

Oo nga pala May trabaho na pala ako! Shet nakalimutan ko pasensya na pasensya na talaga. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Naghihintay ang mga bata sa ampunan. Sabi ko na eh hindi ko dapat tinapos yung kdrama na yun eh. Yan tuloy! Baka matanggal ako nito agad sa trabaho. "isama mo na rin kapatid mo, puro bata rin naman na doon" sabi nito sabay tungo sa kotse. "sasama ako ate?" masaya ng tanong ni biboy.

* * * * Pagkaraan ay nakarating na kami sa bahay ampunan at nag simula na nga ang program, pinangunahan ng misa ang event at sumunod naman ay pagtanghal ng mga bata, may sumayaw, kumanta at nag drama, sobrang say a at nakakamangha ang iba pang talento nila. Nakipaglaro si biboy sa mga batang naroon at nakissli sa agawan ng candies. Naisip ko ma's masaya ito kung makikipag laro kami sa mga bata... "Sir, Patintero tayo?" pag aya ko sa kanya "Anong Patintero?" tanong nito. Halatang Di nakaranas ng magandang childhood to. "let me show you sir" wika ko at hinatak ko sya at ang ilan pang mga bata para makipag laro.

Sa bilis ng oras ay hindi ko namalayang mabilis natuto si sir ay mabilis na naka sabay sa rules ng laro. Napadalas ang pagtitinginan namin sa mata na tila ba nasa loob kami ng teleserye at ako ang bida. Mga Di sinadyang pagka hawak kamay at yakap ay nagpa ngiti sa amin ng sobra. Ang laki rin ng tuwa ng mga batang kalaro namin sa mga oras na yun.

Nang magtaggal ay oras na para mag paalam sa mga bata, ngunit bago yun ay ipinamigay muna namin ang mga laruang ipinamili namin kahapon. Ang oras na ito ay hindi ko malilimutan . Gumaan rin ang loob ko kay Mr. Guerrero. He is not antipatiko naman pala. Kulang lang sya sa aruga "hahatid ko na kayo ni biboy" nakangiti ng pag anyaya ni Hades sa amin "uy si sir ang laki ng ngiti hahaha" biro ko sa kanya "ayiiie si ate Kath may boyfriend na" panunukso ni biboy sa akin. Kinurot ko ng bahagya ang tagiran nito at nilalakhan ng mata "hoy ikaw ah ang bata bata mo pa may boyfriend ka ng nalalaman dyan" pangaral ko dito "biro lang ate hahaha" natatawa nitong sagot.

Sa haba ng byahe ay nakatulig si biboy at si Kath sa kotse ko, gusto ko sanang gisingin pero saka nalang kapag malapit na kami sa bahay nila. Sobrang saya ko ngayong araw, ngayon ko lang naranasan ang mga ganoong laro. Hindi ko ginawa iyon noong bata pa ako. Sobrang saya. Ang para an nya para mapatawa ako, ang mga oras na nagkadikit ang aming mga balat. Napaka-adorable niya. Gaya ng pagkakakilala ko sa kanya sa kagubatan. Sa tingin ko, nabihag na ko ng kagandahan nya... Iba sya sa lahat... Kahanga hanga sya. Kaya nya akong patayin gamit ang ngiti nyang nakakatunaw. Ano ito? mahal... mahal ko ba siya? o baka naman dahil masyado akong namangha sa presensya niya? ginagawa niya akong paranoid. Walang paraan na ma-inlove ang isang amo sa kanyang mga empleyado, lalo na sa kanyang sekretarya! Damn ang bilis ng tibok ng pusong ito! teka Hades! kalimutan mo na. kayang sirain ng pag-ibig ang lahat. Walang pag-ibig sa mundong ito! napakalupit ng planetang ito para malaman ang halaga ng pag-ibig! isipin mo! isipin mo! isipin mo! Gamitin mo ang utak mo Hades, natulala ka lang hindi yun yung tinatawag nilang "love" okay? huminga ka ng malalim... Masyado akong mataas para mahulog...

Hi Di ko dapat hayaan na mabali ang aking pakpak, ikababagsak ko ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status