Mag-log inEdward’s POVNung nakaalis na kami sa apartment, parang bumigat bigla ang buong paligid. Hawak ko ang kamay niya sa loob ng tren, pero naramdaman kong laging pinipisil niya ito nang mahina—parang sinasabing huwag mo akong bitawan, kahit alam naming pareho na kailangan niya nang umuwi. I kept opening my mouth to say something, anything to make it lighter, but no words felt right. All I could feel was this heavy ache right in the middle of my chest.Pagdating sa airport, bitbit ko ang maleta niya hanggang sa pila ng check-in. Tumigil kami sa gilid, wala munang nagsasalita. Nakayuko lang siya, pinipigilan ang luha pero tumutulo pa rin kahit anong punas niya sa panyo. Ang mga mata niya namumula na, at parang dinudurog ang puso ko tuwing nakikita ko siyang ganito. Hinawakan ko ang mukha niya nang dahan-dahan, pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki ko—nanginginig pa nga ang kamay ko eh.“Tahan na… please,” sabi ko, at napansin ko lang na basag din pala ang boses ko. “Ang hirap kasing m
Edward’s POV Simula pa lang ng linggo, parang lahat ng kulay sa paligid ko ay mas naging matingkad na. I’ve walked these streets a hundred times before, but seeing them through her eyes made everything feel brand new. Maaga pa lang ay gising na kami pareho. Inihanda ko ang paborito niyang kape at tinapay, sabay kami nag-ayos habang nagbibiruan. Bitbit ang maliliit na bag, sumakay kami sa tren—kahit siksikan, hindi ko binitawan ang kamay niya kahit isang saglit lang. Una naming pinuntahan ang Sensoji Temple sa Asakusa. Namangha siya nang makita ang malaking pulang tarangkahan, ang mga makukulay na parol, at ang mahabang kalsada na puno ng mga tindahan. Her eyes were sparkling like a little kid seeing magic for the first time. Tumigil siya sa bawat tindahan, hinahawakan ang mga gawang-kamay, amuyin ang mga matatamis na meryenda. Binilhan ko siya ng lahat ng nagustuhan niya—mula sa maliliit na palamuti hanggang sa mga paborito niyang kendi. Nagdasal kami sa harap ng templo. Tinanong
Edward’s POVMakalipas ang anim na buwan sa Japan...Masaya ako sa trabaho ko, talagang masaya. Araw-araw ay may bagong hamon, at araw-araw ko ring nararamdaman na lalo akong gumagaling. Every project I lead turns out better than the last, and my bosses keep telling me how rare it is to find someone with both skill and heart like mine. Ang laki ng kinikita ko—higit pa sa inaasahan ko. Kaya halos lahat ng oras ko ay inilalaan ko sa pagtatrabaho at pag-iipon. I told myself I was building security, making sure I’d never have to worry about anything ever again. Pero sa totoo lang, ginagawa ko rin ito para mapagod ang sarili ko nang sobra—para wala akong oras na isipin ang mga bagay na nakalimutan ko na sanang isipin.Kahit ganoon, hindi nawawala si Cheska. Araw-araw pa rin siya, walang sawang kumakausap, nagtatanong kung kumain na ba ako, nagkukwento ng mga bagay sa Pilipinas para hindi ako masyadong malungkot. She was my constant, the one light that never faded no matter how dark or tiri
Edward’s POVNang bumukas ang pinto ng eroplano sa Narita, sinalubong ako ng malamig na hangin na tumagos sa manipis kong jacket. Huminga ako nang malalim—walang usok, walang ingay ng mga bus at tricycle sa Maynila, tanging katahimikan na parang bumubulong: "This is your fresh start. No looking back." Hinawakan ko nang mahigpit ang hawakan ng maleta ko, habang ang isa kong kamay ay dumampi sa bulsa kung saan nakatago ang lumang litrato namin ni Alexandra. I didn’t pull it out. I just needed to feel it was there, to remind me why I chose to walk away.Muntik na akong maligaw sa sobrang laki at ayos ng airport. Lahat maayos, may tamang pwesto, may tamang oras—ibang-iba sa nakasanayan ko. For the first time in years, I felt completely alone. No one to call, no one to wait for me at the gate. Nang makarating ako sa maliit na apartment na inupahan ko—mas maliit pa nga ito sa dati kong kwarto—umupo lang ako sa sahig nang matagal. Walang ganang kumain, walang ganang mag-ayos. Napaisip ako: K
Alexandra’s POV"Paalam, Alexandra. Mag-iingat ka palagi." Binasa ko ulit ang huling mensahe ni Edward sa screen ng phone ko, dahan-dahang ipinatong ang hinlalaki sa pangalan niya bago ko tuluyang isinara ang usapan. Hindi ko na sasabihin kay Xian ang tungkol dito. Hindi na kasi kailangan. Hindi ito sikreto para magtago ako ng nararamdaman—kundi dahil tapos na ang kwento na ‘yon. Wala na itong halaga na dapat pang ibahagi, lalo na ngayong nasa harap ko na ang buong kwento ko. Itinago ko ang phone sa bulsa ko, huminga nang malalim, at ngumiti nang makita kong lumalapit si Xian bitbit ang dalawang tasa ng mainit na kape. "You look like you were a thousand miles away," sabi niya habang inaabot sa akin ang isa, umuupo nang dahan-dahan sa tabi ko sa bangko sa labas ng bahay namin. "Everything okay?" maaga siyang nandito para samahan akonv maghakot ng mga damit at gamit ko bilang magsasama na kami ulit sa mansyon niya. Tinanggap ko ang inumin, naramdaman agad ang init nito na tumag
Alexandra’s POV Little by little, the heavy weight I’ve carried for so long started to feel lighter. I was used to facing everything on my own—pain, fear, silence. But then there was Xian. Ang taong palaging nariyan kahit na ayaw ko sa kaniya. He never pushed me to talk when I wasn’t ready. He was just there: handing me my favorite drink when I’m quiet, sitting beside me without a word when I’m lost in thought, holding my hand when he senses I’m breaking inside. Hindi man maganda ang una naming impresyon sa isa’t isa pero habang tumatagal na magkasama kami, lalo naming nakikilala ang isa’t isa. Hindi naman pala siya masama. Actually mabait siya at sobrang generous pa. Hindi ko maimagine ang buhay ko kung hindi ko siya nakilala. Siguro hanggang ngayon nananatili pa rin akong bayaran. Samantala Isang gabi, habang tahimik kaming naghahapunan dito sa bagong bahay namin, biglang binasag ni Inay ang katahimikan. “Siya nga pala Alexandra, narinig ko sa isang kakilala na,” she said s
Umuwi ako sa bahay at suwerte na walang tao maliban kay kuya na kanina pa ako hinihintay. "Saan ka galing? Anong oras na, ha? uwi pa ba yan ng estudyante?" sita niya sa akin. Dito sa bahay, kami lang ng Kuya ko ang magkakampi palibhasa ay pareho kaming sampid dito pero this time, kailangan kong mag
Alexandra POV Nakahiga ako sa upuan gawa sa kawayan, tahimik ang paligid at malalim akong nag-iisip. Bawat tunog ng tiyan ko dahil sa gutom, bawat tingin ko sa payat na katawan ng mga kapatid ko, at bawat hininga ni Nanay na parang pasan ang buong mundo—lahat ‘yon ay parang tinik na tumutusok sa
Alexandra POV Wala akong dala kundi ang sarili ko at ang maliit na supot na naglalaman ng iilang damit. Walang ibang kasama kundi ang bigat ng dibdib ko at ang batang dinadala ko. Nilakad ko ang daan pabalik sa tanging ibang bahay na matatawag kong sarili—ang bahay ng nanay ko sa tabi ng ilog. Ang
Alexandra POV Parang hindi mauubos ang luha ko. Ilang oras na akong nakadito sa sulok ng kwarto, niyayakap ang sarili ko habang parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko sa sakit. Ang hirap-hirap tanggapin na ang lalaking akala ko’y magiging takbuhan ko sa lahat ng bagay, siya pa ang naging







