共有

KABANATA 86  

作者: Lin Kong
last update 最終更新日: 2024-10-14 16:54:15
Magulo at maingay sa maliit na ospital ng maliit na bayan na iyon sa Zambales. Lahat ng naroon ay naghahanda para magbigay ng agarang atensyong medical sa mga naapektuhan ng pagguho ng lupa doon. Malayo ito sa kinaroroonan nina Natalie pero isa siya sa mga reresponde sa pinangyarihan kasama sina Nilly at Marlo.

“Natalie! Okay ka na? Akyat na sa truck!” Utos ni Marlo sa kanila ni Nilly.

“Eto na!” Nagmamadali si Natalie, bitbit niya ang medical kit at sterilization kit sa mga bisig niya.

“Akin na yung iba, Nat,” alok ni Nilly. Maagap nitong kinuha ang mga dala niya.

Sa tulong ng dalawa niyang kasama ay nakaayat siya sa itaas ng malaking truck ng walang kahirap-hirap. Ilang minuto lang ay nasa paanan na sila ng bundok. Makapal pa ang mga puno sa bahaging iyon at wala pang konkretong daan paakyat.

“Mula dito, maglalakad na tayo,” paliwanag ni Marlo, dinampot nito ang mga mabibigat na dala nila na parang wala lang ito.

Dumikit si Nilly kay Natalie at bahagya siyang siniko, “alam
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (18)
goodnovel comment avatar
Ressie A. Maden
ang ganda ng sumisunod na kabanata next episode pls
goodnovel comment avatar
Meriam Basilisco
next pls pls pls
goodnovel comment avatar
Marjune Asuncion
kukunti ang laman n kwento mga kbanata
すべてのコメントを表示

関連チャプター

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 87

    Nauutal si Nilly ng masigurong hindi nga siya namalikmata. “A-anong…M-ateo…a-anong…gina..” Maiksi ang pisi ni Mateo. Salubong ang kilay nito ng muling magsalita. “Nilly, tinatanong kita, anong nangyari kay Natalie?” Ramdam ni Marlo na kailangan na nilang kumilos kaya siya na ang nagpaliwanag sa bagong dating. Wala siyang iniwang detalye, lahat ay ikinwento niya. “Hindi namin siya matawagan at sigurado akong walang signal doon.” Habang nakikinig si Mateo, unti-unting nagdilim ang ekspresyon nito sa mukha. Kahit sino ay masasabing hindi ito natutuwa sa mga nangyari, lalo na sa taong may pakana ng lahat. “Tsk. Hindi man lang nag-iingat.” Hindi na siya nag-aksaya pa ng isang segundo. Tiningnan niya ang mga kasama. “Ivan, Tomas, Alex, pupunta tayo sa danger zone.” “Yes, sir.” Sabay-sabay na sagot ng tatlo. Narating ng grupo nina Mateo ang danger zone ng landslide at nagsimulang magtanong-tanong. Gaya nga ng sabi ni Marlo, wala sa mga naroon ang nakakita kay Natalie. Wala ni isa

    最終更新日 : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 88  

    Wala ni isa sa kanila ang nagsalita ng magtama ang mga mata nila. Parehong malakas ang tibok ng mga puso nila, sa sobrang lakas ay halos dinig nila ang isa’t-isa. “Ayaw mo ba?” Mababa ang boses ni Mateo habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang labi ni Natalie. “Tinatanong kita, Nat. Hindi mo ba gusto kapag hinahalikan kita?” Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni Natalie, parang wala siyang boses kaya wala siyang masabi. Ng wala siyang maisagot sa tanong sa kanya, muling sinakop ng labi ng Mateo ang labi niya. Kahit na ilang oras na sa loob ng gubat na iyon---mabango pa rin si Natalie, halos mabaliw siya sa amoy ng babae. Isang boses ang nanggambala sa espesyal na sandali nila. “Mr. Garcia!” Si Natalie ang unang bumalik sa realidad. Itinulak pa niya ng marahan palayo si Mateo sa kanya. Dahil sa ginawa niyang iyon, napaismid ang lalaki at napagbuntungan ng inis niya ang lalaking umistorbo sa kanila. “Ano!?” Ang lalaking iyon ay isang local guide na kasama ng rescue team. Dahil

    最終更新日 : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 89  

    Nawala ang antok ni Nilly sa pagsulpot ni Mateo sa sleeping quarters nila at karga-karga si Natalie. Hindi pa siya nakaka-recover ay bumalik na naman ito para magtanong. Hindi lang basta tanong ang mga iyon. Personal ito at may aura si Mateo na mahirap tanggihan kaya tumango na lang siya. “O-oo. May karelasyon siya dati.” Ang unang naisip ni Mateo ay marahil ang lalaking iyon ang ama ng batang dinadala ni Natalie. Aminin man niya o hindi, nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Para hindi mahalatang apektado siya, pinilit niyang maging kalmado at ngumiti ng sapilitan. “Nillly, kilala mo ba kung sino ang lalaking ito? I need a name.” Nag-alinlangan muna si Nilly, “hindi mo siya kilala, pero ang pangalan niya ay Drake Pascual. Siya ang bunsong anak ng may-ari ng Pascual Tech. Pamilyar ka ba sa kanila?” “Drake Pascual.” Ang pangalang iyon ay parang isang malakas na daloy ng kuryente na tumama sa kanya. Syempre kilala niya ang lalaking ‘yon. Nagkuyom ang mga kamao niya habang pin

    最終更新日 : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 90

    Sa affiliated hospital… Pababa na sana si Natalie ng sasakyan. Pero napansin niyang tila may gustong sabihin sa kanya si Mateo. Minabuti niyang maging mabagal para bigyan ito ng panahon at hindi nga siya nagkamali. “Nat…” Bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. “May sasabihin ako.” “Ano ‘yon?” Pero hindi pa nakakabwelo ng sagot ang lalaki ay may tumawag na kay Natalie mula sa labas. “Natalie! Halika na! Male-late na tayo!” Nakagat ni Natalie ang labi. Kailangan na niyang bumaba. “Mauna na ako, kailangan ko nang mag-duty, eh. Kung gusto mo, pagkatapos ng duty, pwede nating pag-usapan ulit kung ano man ang sasabihin mo. May sasabihin din naman ako sa ‘yo.” Biglang bumalik ang gana sa mga mata ni Mateo dahil sa narinig. “Sige. Sabi mo ‘yan, ha?” Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Natalie. Bumaba na siya ng sasakyan at pinuntahan ang mga kasamang intern. Marami silang gagawin ngayon kaya kailangan nila ang lahat ng tao na meron sila para sa registration at patient transfers. Nar

    最終更新日 : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 91  

    Mahigpit ang pagkakakapit ni Irene sa bewang ni Mateo. “Nagisip-isip ako over the past two days, Mateo. Hindi ko talaga kaya…” Tinitigan ni Mateo ang babaeng nasa mga bisig niya. Gusto niyang maawa pero nagkunot lang ang noo niya. “Irene…” Bigla na lang pumasok si Natalie sa opisina niya at mabilis ding lumabas. Marahil ay dahil sa naabutan niya sa loob. Nagulat pa si Alex ng makita ang babae dahil namumutla ito. “Miss Natalie, galing po kayo sa loob?” Pinilit ni Natalie ang ngumiti pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa mga mata niya. “Ha, oo. Pero paalis na din ako. Busy siya. Huwag mo na lang sabihin na nandito ako.” Mabilis niyang linisan ang lugar na iyon. Hindi niya kayang manatili doon kahit na isang segundo lang. Kung tutuusin ay isang minuto lang ang itinagal niya doon pero sa loob ng isang minutong iyon----sinampal na siya ng katotohanan. Galing siya sa ospital bago dumaan doon, puno pa siya ng pag-asa at ngayon ay durog na durog ang pag-asang iyon. Dahil lang s

    最終更新日 : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 92  

    Pababa na sa underground parking lot si Mateo, panay pa din ang pag-dial niya sa cellphone number ni Natalie pero hindi ito sumasagot. Nakabalik na sa ospital si Natalie. Tinutulungan niya ang medical team para mag-empake at maghanda para sa pag-alis nila. Sa katunayan, ginusto niyang sumama ulit sa huling team pero hindi niya itinuloy. Ngayon, parang gusto na lang niyang makipag-palitan sa kanila dahil wala naman siyang dahilan para manatili. Patuloy sa pagba-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng white coat niya. Sinilip niya iyon at nakitang si Mateo ang tumatawag. Para hindi na siya maistorbo, inactivate niya ang airplane mode. Dumating si Mateo sa ospital at naabutan pa niyang paalis na ang medical team. Hinarang siya ng guwardiya. “Bawal po mag-park dyan, sir. Doon lang po pwede sa central parking lot.” Sabi pa nito sa kanya. Sinunod niya ang utos sa kaniya kahit na naiinis siya. Dumiretso siya sa emergency reception desk para magtanong. “Excuse me, hinahanap ko si Dok Na

    最終更新日 : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 93

    Biglang naalala ni Natalie ang sinabi ng lalaki na pagtulong sa bunsong kapatid. “Tungkol ba ‘yan kay Justin?” [Nangako ako diba?] Natawa pa ito. [Syempre, tutuparin ko iyon. Tinutupad ko ang mga pinangako ko, Nat.] Dahil tungkol ito sa kapatid niya, hindi na nagtanong pa si Natalie. “Okay, sige. Tawagan mo ako ulit kapag nandito ka na.” [Syempre naman.] Napangiti si Drake pagkatapos ng tawag na iyon. Kahit na para kay Justin ang ginagawa niya, okay na din. Iyon lang ang paraan para muli siyang patuluyin ni Natalie sa buhay nito. Gusto niyang maging bahagi siya ng buhay nito ngayon at maging dependent ito sa kaniya hanggang sa ito na mismo ang makiusap na manatili siya. … Lumakas lalo ang buhos ng ulan. Sinipat ni Nilly si Natalie na nakatayo sa may bungad ng pintuan. “Grabe, may bagyo ba? Parang gigil na gigil ang langit, ah. Tsaka, kanina ka pa dyan, may hinihintay ka ba? Malapit ka ng tubuan ng ugat dyan.” Hindi pa siya tapos sa pambubuska sa kaibigan ay muli itong nag

    最終更新日 : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 94  

    Bumukas ang pintuan at ang bumungad sa kay Mateo ay ang mukha ni Drake Pascual. Sa itsura nito, mukhang kakatapos lang nitong maligo, wala itong pang-itaas na suot. Ang tanging suot lang nito ay isang kulay asul na sweatpants. Hiniram lang ito ni Natalie sa isang kaklaseng lalaki dahil walang kasya sa kaniya sa mga gamit ni Natalie. Matiim na tinitigan ni Mateo ang bisita ni Natalie.  “Mr. Garcia,” si Drake na ang naunang magsalita. “Hinahanap mo ba si Natalie? Nasa banyo pa siya.” Alam ni Drake na magiging ganon ang reaksyon ng lalaki. Sinadya niyang sabihin iyon dahil sa simula pa lang, nagdududa na siya tungkol sa tunay na kaugnayan ng dalawa. Malakas ang kutob niya na higit pa sa patient-Doktor ang relasyon nila.  Kahit sinong lalaki ay magagalit pero pinili ni Mateo na maging sibil. “Nasaan si Natalie? Gusto ko siyang makausap.” “Drake, sino ‘yan?” Galing ang boses ni Natalie sa loob ng banyo. Nagulat pa siya ng makita kung sino ang kausap ni Drake sa may pintuan. “Mateo?

    最終更新日 : 2024-10-14

最新チャプター

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 315

    Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 314

    Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 313

    Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 312

    Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 311

    Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status