Share

Chapter 12

Brianna

Sa lahat ng umagang gumising ako ay ngayong umaga ang pinakatinatamad akong bumangon. Mabuti na lamang at Sunday kaya hindi ko kailangang bumangon ng maaga para pumasok sa school. Napabalikwas ako ng bangon nang biglang kumatok sa pintuan si Bryle.

"Ate Brin, hindi ka pa ba babangon? Hindi ka ba magsisimba?" tinig ng kapatid ko mula sa labas ng kuwarto ko. Nakasanayan na kasi ng pamilya namin ang magsimba tuwing Linggo. At kahit wala ang parents namin ay nagsisimba pa rin kaming magkapatid.

"Sa next Sunday na lang ako. Medyo masakit pa kasi ang katawan ko kaya tinatamad akong bumangon," mabilis kong sagot para hindi niya ako kuliting lumabas ng kuwarto.

"Sige, magpahinga ka na lang muna. Ako na lang ang magsisimba. Kapag nagutom ka ay kumain ka na lang. Nakapagluyo na ako ng almusal," ani Bryle bago ko narinig ang mga yabag niya palayo sa harapan ng kuwarto ko.

Tuluyan na akong bumangon sa kama at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kuwarto ko. Napangiwi ako nang makit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status