Share

KABANATA 36

NAPALUNOK si Zarina at biglang kinabahan sa paglapit ni Antoine sa gawi niya. Ang mata nito ay nanatiling nakatingin sa kaniya ng deretso na para bang may ginawa siya na mali. Tumayo ito sa harapan kaya kitang-kita niya ang pagtiim ng bagang nito. Hindi ito nagsalita pero ang mata nito ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Dahil naiilang siya kaya iniyuko niya ang ulo pero agad din nitong hinawakan ang mukha niya para iangat.

Alam niya na namamaga pa rin ang mata niya sa kakaiyak niya kanina. Pero, hindi niya gustong ikuwento pa rito ang nangyari.

May pagtataka man sa mata nito pero nanatili lang itong tahimik.

Ewan, pero naguguluhan na siya sa inaakto nito. Hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isip nito o ang ikinikilos nito.

Bago pa siya mailang muli at iyuko ang ulo ay tumalikod na ito sa gawi niya.

Ang mata niya ay nanatili lang nakatingin sa matipuno nitong katawan.

Napapitlag pa siya ng hawakan nito ang kamay niya na mabilis sana niyang babawiin pero maagap na hinawakan nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status