"Pero at the end of the day, tayo ang mahal nila at hindi sila." Lumingon sa kanya si Madam na may seryosong tingin sa maganda nitong mukha bago muling ngumiti ng pagkatamis-tamis at nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ni Coreen. "Oh, don't mind me, darling. Let us get to know each other better, hm?" Tumango lang si Coreen na may kasamang tipid na ngiti bago tumingin sa labas ng mga dumadaang sasakyan. Ngayon alam na niya, sa likod ng matatamis na ngiti nito, may isang bagay na misteryoso at mapanganib sa awra nito. At alam niyang kailangan niyang mag-ingat. Dinala siya ni Madam sa isang mall at totoo sa sinabi nito, hindi sila sinundan ng security pero nanatili ang mga itong nakamasid sa kanila mula sa malayo. Iniisip ni Coreen kung may mga kaaway ba si Madam o mga taong gustong pumatay rito. Kung tutuusin, ito ang leader ng pamilya ni Royce. Alam niyang hindi naman siya hahayaang mapahamak ng nobyo kaya pumayag itong sumama siya sa kapatid nito. Sa kabila ng kanyan
"Ano ito?" Tanong ni Coreen nang makapulot siya ng papel sa mesa habang naglilinis ng mansyon ng araw na iyon. Nagkasundo na sila ngayon na dahil magkasintahan na sila ay hindi na siya isang maid, pero hindi naman papapigil si Coreen. Dahil doon na rin siya nakikitira, natural lang naman na gumalaw-galaw pa rin siya. Hindi siya basta-basta magpapabaya at kikilos na parang reyna. "A proof that I am clean and I have no diseases or whatever." Sagot naman ni Royce. Napalunok si Coreen at marahang pumikit. Hindi pa nila ito napag-usapan at talagang okay si Coreen na gumamit ng proteksyon para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Hindi naman sa ayaw niyang magkaroon ng sariling anak pero hindi ngayon. Hindi pa siya handang maging ina dahil para sa kaniya ay napalaki niyong responsibilidad. Magiging mabuting ina ba siya sa mga ito, paano kung mapabayaan niya at matulad sa nangyari sa kapatid niya? "So, ang gusto mong sabihin ay...?" Natigilan siya at ibinalik ang papel sa mesa. "
Kinabukasan ng summer vacation nila, magkahawak-kamay silang naglalakad papunta sa lawa na nabanggit ni Royce. Pagkatapos nilang kumain ng niluto niyang seafood pasta para sa tanghalian nila halos hatakin na niya ang nobyo habang nakasuot lang ng manipis na short at bra. "Sigurado ka bang walang buwaya diyan?" Tanong niya ulit. Inaalala ang pelikulang napanood niya noon tungkol sa isang mamamatay na buwaya na nakatira sa lawa. "Oo, sigurado ako for the nth time." Itinaas ni Royce ang kanilang mga kamay at pinahakbang muna siya sa isang nahulog na troso bago siya sinundan. "Naniniguro lang ako, ano? Ayokong maging tanghalian ng buwaya. Busog pa man din tayo." Natatawa niyang biro. "Why are so sure that he'll eat you? She could be a woman and will want to eat me instead." Narinig niya ang ngisi sa boses nito dahil kasalukuyang hinahangaan ni Coreen ang sariwang hangin at ganda ng lugar. "Hoy, alam mo sa mga pelikula, ang mga mag-asawa ay karaniwang namamatay sa kakahuyan o papa
Kinakanta ni Coreen ang lyrics habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod ng headrest, at ang kanyang mga paa sa ibabaw ng dashboard. "Lakasan mo naman, babe. Susunod na ang chorus." Utos niya kay Royce habang iniindayog ang mga paa sa beat. Hindi siya pamilyar sa artist, pero ilang beses na niyang narinig ang kanya kaya nakabisa na niya ang lyrics. Kahit hindi lumingon sa nobyo, alam niyang tumaas ang kilay nito. "Opo, Ma'am." Nilakasan nito ang volume at kinanta ni Coreen ang kanta sa malakas na boses. "Babe, sinasaktan mo ang tenga ko dito. Hindi ako makapag-concentrate." Sinamaan niya ng tingin si Royce sa sinabi nito. "Are you saying my voice sounds bad? Na hindi ako marunong kumanta? Na wala akong karapatan? Na hindi ko dapat enjoyin ang moment na 'to?" madramang tanong ni Coreen. Bumuntong-hininga si Royce sa tabi niya at napahagikgik lang siya bago ito siniil ng halik sa pisngi. "Sorry, babe. Gusto ko lang talaga 'yung kanta. Bagay na bagay sa ating dalawa. It reminds
"Hi, little sis. Sorry kung ngayon lang kita nabisita. Miss na miss ka na ni kuya." Sabi ni Coreen habang hinahaplos ang puntod ng kanyang namayapang kapatid, at inaalis ang mga piraso ng dahon at bulaklak. Naramdaman niya ang pagpisil ni Royce sa balikat niya bilang suporta at nginitian niya ito pabalik. Tinuro nito ang malapit na bench at tumango naman si Coreen. Nakapagtataka kung paano nito nalaman na gusto niyang mapag-isa kasama ang kapatid. Rica Nais, isang mapagmahal na kapatid, isang batang puno ng pangarap.Hinaplos niya ang bawat letra ng may mabigat na puso. "I'm sorry kung natagalan akong bumisita sayo. Kasi hindi ko kayang makita kang ganito." Naluluha na ang mga mata niya pero patuloy pa rin siya sa pagpikit. Nahihirapan na siyang huminga pero nilabanan ito ni Coreen. Gusto niya munang sabihin kung ano ang pumipigil sa kanya. Kapag hinayaan niyang manalo ang kanyang emosyon, hindi niya masasabi kung ano ang kailangan niya. She tried so hard to act like she's okay.
Mabilis na napatayo si Coreen at sinubukang tanggalin mula sa binti ni Royce ang umiiyak na paslit ngunit mas lalo lang kumapit ang bata, at mas lalong nilakasan ang pag-iyak kaya naman nataranta siya. "Daddy!" Malakas na palahaw ng bata na nakakuha ng atensyon ng mga dumaan. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at hindi tinanggal ang nga kamay sa pagkakahawak sa bata. "Baby, hindi mo siya Daddy kaya bitawan mo na siya, okay? Mabait na bata 'yan." Sabi niya para subukang utuin ang bata. Hindi pa rin bumitaw ang bata at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nagpa-panic na si Coreen ngayon at hindi malaman ang gagawin. Paano kung ma-trigger niya ang trauma ni Royce? Gayunpaman, sa kanyang sorpresa, yumuko si Royce at binuhat ang bata para ikabit ito sa balakang. "Hello there, little buddy. I'm not your Daddy but I can help you look for him so stop crying, okay? What's your name?" Malumanay ang tinig na tanong nito sa batang bahagyang humina ang pag-iyak. Gulat na tinitigan ni Coreen ang lal