Mag-log inTirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer.
“Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya. Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz. Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hindi nag-oorder ng labas na takeout ang mga bisita rito. At kung mag-order man, hanggang lobby lang pinapayagan ihatid ang pagkain. Paano siya nakalagpas? Nang makitang natapon ang pagkain sa sahig, uminit ang ulo ng lalaki. Dahil sa ingay, napalingon na rin si Sapphire mula sa loob ng kwarto at nakasuot ito ng bathrobe at basa ang buhok neto. “Ethan?! Bakit ka nandito?” gulat na bulalas ng kanyang asawa. Pinagmasdan ng lalaki si Ethan mula ulo hanggang paa na may halong pandidiri. Katamtaman ang tindig nito, may hitsura naman, ngunit ang suot na dilaw na uniporme ng delivery company ang naglantad ng estado nito sa buhay. “Sapphire, delivery man pala ang asawa mo? Kung alam ko lang, sana ay nag-room service na lang ako rito at hindi na nagpa-deliver sa labas,” nakangising saad ng lalaki. Walang bakas ng takot o hiya ang lalaki dahil alam niyang si Ethan ay ang walang kwentang son-in-law na nakikitira lamang sa pamilya Luiz—isang lalaking walang ambag, walang pera, at walang posisyon. “Sapphire, ano ito?!” galit na confrontsyon ni Ethan, habang nakatitig nang mariin sa kanyang asawa. “Sa loob ng tatlong taon nating kasal, tatlong beses sa isang araw akong naghahanda ng pagkain para sa iyo at sa pamilya mo! Kung hindi man sapat ang pagsisikap ko, alam ng Diyos na naging tapat at mabuti ako sa iyo!” Sumikip ang dibdib ni Ethan sa matinding sakit. “Sa loob ng tatlong taon, kahit dulo ng daliri mo ay hindi mo ipinahawak sa akin! Akala ko ay isa kang babaeng may prinsipyo... pero ngayon, bakit mo ito ginagawa sa akin?!” “Anong ginagawa ko? Ethan, wala kang karapatang magsalita ng kung ano-ano!” asik ni Sapphire, pilit na itinatago ang pagkahiya sa pamamagitan ng galit. “Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ba siya kilala? Si Clarence ito, ang anak ng may-ari ng Espanto Family na isang sikat na investment company!” Para kay Sapphire, ang isang delivery boy na katulad ni Ethan ang simbolo ng kawalan ng kakayahang umasenso sa mundo. Isang mababang trabaho lang ito para sa kanya. Ngunit sa mata ni Ethan, ito ay isang marangal na trabahong sumisimbolo sa kanyang sakripisyo at determinasyon para mabuhay. “Hoy, ikaw!” sabat ni Clarence habang nakaturo kay Ethan. “Nasira ang chicken pot ko! Pwede kitang ireklamo sa kumpanya mo. Pero dahil asawa mo si Sapphire, palalagpasin ko ito basta’t lumuhod ka at humingi ng tawad sa akin. Pagkatapos, bibigyan kita ng five-star rating. Deal?” Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mukha ni Clarence. Sa halip na humingi ng tawad, nagtagis ang mga bagang ni Ethan at itinaas ang kanyang kanang kamao upang turuan ng leksyon ang mayabang na lalaki. Ngunit bago pa man ito tumama, mabilis siyang hinila at pinigilan ni Sapphire. “Tumigil ka na, Ethan! Sa tingin mo ba ang isang kagaya mo ay may karapatang mag-iskandalo sa loob ng isang five-star hotel? Lumayas ka rito ngayon din! Kung hindi, tatawag ako ng security para ipakaladkad ka palabas!” Tinitigan siya ni Ethan ng ilang sandali, bago dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamao. Malamig at seryoso ang kanyang mga mata. “Alam mo, Sapphire... umaasa ako na darating ang araw na hindi mo ito pagsisihan.” Tumalikod na si Ethan at naglakad palayo. Sinundan siya ng tingin ni Sapphire at sumigaw nang galit. “Talaga? Pagsisihan ko? Oo! Matagal ko nang pinagsisisihan na nagkaroon ako ng walang kwentang asawang katulad mo!” Ang malambing na boses ni Sapphire, na dati ay tila musika sa pandinig ni Ethan, ay umalingawngaw sa koridor ng hotel. Ngunit sa pagkakataong ito, bawat salita ay parang may lason na bumaon sa kanyang puso. Paglabas ng hotel, sumakay si Ethan sa kanyang motorsiklo. Habang sinusuot ang helmet, biglang sumumpong ang pag-vibrate at pagtunog ng kanyang telepono. “Hello, delivery po,” sagot ni Ethan gamit ang kanyang nakasanayan at propesyonal na boses. Ngunit isang baritono at matandang tinig ang narinig niya sa kabilang linya. “Third Young Master. Ang tatlong taon mong pagtitiis bilang isang nakikitirang son-in-law ng Pamilya Luiz ay opisyal nang natapos ngayong araw. Ang susunod mo namang misyon ay ang pamamahala sa negosyo. Binili na ng iyong Ama ang buong Espanto Group, at inaayos na ang lahat para ikaw ang maupong bagong Chairman ng kumpanya.” “Naintindihan ko,” malamig at walang emosyong sagot ni Ethan. Mula sa pagiging isang simpleng delivery man tungo sa pagiging Chairman ng isa sa pinakamalaking kumpanya—nanatiling kalmado si Ethan at walang bakas ng pagkagulat. Tapos na ang panahon ng kanyang pagtatago. “Third Young Master Ethan, nais din sanang malaman ng iyong Ama kung kumusta ang pagsasama ninyo ni Miss Sapphire? Nais mo ba siyang isama at gawing bahagi ng pamilya natin, o hindi na?” “Hindi,” maikli ngunit matigas na sagot ni Ethan. “Wala siyang karapatang matanggap ang lahat ng ito.” Matapos ang maikling sagot, ibinaba na ni Ethan ang telepono. Pinihit niya ang silinyador ng kanyang motor at mabilis na humarurot palayo, iniwan ang nakaraan, patungo sa kanyang tunay na imperyo.Sa pagkakataong ito, tumawa na rin si Ethan kasabay ng mga bisita ni Madam Gloria, kumuha siya ng baso ng alak at naglakad patungo kay Sapphire.“Congrats sayo Sapphire, sa wakas ay may nahanap ka na ng lalaking handang ibigay ang lahat ng yaman at ari arian mo, medyo naiingit ako kasi pwede ka niya hawakan at yakapin, o kaya naman halikan.”Malamig na nagsingasing si Sapphire sa kanya dahil alam niya ang ngiti ni Ethan na may halong pait at hinanakit.“Kung luluhod ka at magmamakaawa sa akin ngayon, baka pakiusapan ko si lola na tantanan ka muna pansamantala” malamig na saad ni Sapphire.Napatawa nang bahagya si Ethan. “Pinagtaksilan mo na ako, tapos ikaw pa ang may ganang magpaluhod at magpamakaawa sa akin? Ha! Ang kapal ng mukha mo para gawin ko yun sayo!” “Ito nga ang tinatawag na Upper class society, at talagang isang first class na pamilya!”Inubos na ni Ethan ang alak at pagkatapos ay binigkas nang dahan dahan ang bawat salita. “Hindi–ka–karapat dapat!”“Ikaw!” Namula sa ga
Nalaman ni Basque ang employee number at ang rate review ni Ethan at tama nga na binigyan ni Clarence si Ethan ng one-rate-review. Matapos macheck tumango naman ito.“Tama si Young Master Espanto, nakatanggap si Ethan ng one star negative review kahapon! At eksaktong eksanto ang sinabi mo Young Master” Sa sandaling ito, nagbago rin ang opinyon ng Publiko, at nagsimula nang maniwala ang lahat kina Basque at Sapphire. Tiningnan lang ni Ethan si Sapphire. “Bakit ko naitapon ang takeway sa lapag? Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ha?” Nakakrus ang mga braso ni Sapphire sa kanyang dibdib, na laron nagpalinaw sa kanyang magandang pigura, ngunit nagkunwari siyang walang malay. “Dahil hindi ka naging seryoso sa trabaho mo! Kaya mababa ang kakayahan mong magtiis!” “Goodjob naman sa dahilan na hindi ako nagseseryoso sa trabaho ko? Napakahusay na dahilan na mamababa ang kakayahan kong magtiis? Oo, nagtiis ako ng matagal na panahon dahil sayo at sa pagsisinungaling mo!” Gustong gusto ni Eth
Tiningan ni Ethan ang magandang mukha ni Sapphire ngunit naramdaman niyang napakapangit nito.“Una mo akong pinagtaksilan, tapos ngayon binibintamgan mo ako na nangaliwa? Hindi pa ba sapat yan ha? Ngayon naman, na gusto mo akong sampalin? Sige! Sampalin mo ako! Sampalin mo ang asawa mo sa loob ng tatlong taon!” Umabot na sa sukdulan ang galit ni Ethan sa kanyang asawa. Sino ang mag aakala na sa sandaling ito, biglang hinablot ni Sapphire ang dragon ruler at sumugod nang diretso kay Ethan. “Hayop ka! At ang lakas ng loob mong saktan ako? Tingnan natin kung hindi ko madurog ang mukha mo!” Iwinasiwas ni Sapphire ang dragon ruler patungo sa mukha ni Ethan. Nanatiling nakatayo si Ethan at hindi umiwas. Hinawakan niya ang pulso ni Sapphire gamit ang kanyang kaliwang kamay, at saka ito pinaluwas at binaligtad upang ang mismong dragon ruler ang sumampal sa sarili nitong mukha.Nasampal sa mukha si Sapphire ng mismong dragon ruler na hawak niya. Lalo nitong pinapangit ang dati nang nakatat
“Tingnan mo nga naman, ang Pamilyang sumira sa buhay ko” Alam na ni Ethan ng patibong ito ng pamilya Luiz sa kanya. Diretsong lumakad si Basque palapit sa kanya.“Hubarin mo ang lahat ng damit at sumbrero mo! Ngayon din!” gait na utos niya. “At bakit ko huhubarin?At isa pa anong ibig mong sabihin ha?” Sa pagkakataong iyon, lumapit si Rheagan na may pasa pa sa mukha. “Anong ibig sabihin? Kilala mo ba kung sino siya? Siya lang naman ang boss mo! Si Basque! Ang pangkalahatang ahente ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo!” “Hindi ka naniniwala? Pwes ipapatawag ko kay Manager Carl na kumuha sayo!” malamig na banat ni Boss Basque sa kanya.Hindi nagtagal ay tumawag nga si Manager Carl sa kanya. “Ethan, paano mo nagawang bastusin si Mr Bas? Isiniwalat ka niya sa trabaho”Ngumisi lang si Ethan dahil hindi niya akaling ganito matatapos ang karera niya bilang isang delivery rider. Dahil sa totoo lang,nagustuhan niya ang paghahatid ng pagkain—nakatagpo siya ng iba’t ibang uri ng tao at nahasa n
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer. “Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya. Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz. Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hi
Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo ay ang pamilya ni Ethan. Ang kabuuan ng ari arian ng pamilya niya ay lagpas pa sa daang bilyong dolyar, ngunit napakababa lang ang kanilang profile at sadyang hindi papasok sa kahit anong listahan ng pinakamayamang sa buong mundo. Bukod dito, kakaiba rin ang paraan nila sa pagpapalaki ng negosyo at mana. Si Don Maximus De Valle ang strikto niyang lolo ay tinuran si Ethan ng martial arts sa edad na lima at kasabay nito ang kanyang pag aaral ng piano at violin at sa Edad naman na labing walo natapos niya ang apat na kursong sa negosyo sa isang elite university sa Amerika. Para subukin at patatagin ang kalooban ng kanyang apo, isinaayos ni Don Maximus ang kasal nila Ethan at Sapphire at sa
“Ilabas ang Family Disciplinary Rod!” Napakarahas magparusa ng Pamilyang Luiz pagdating sa pagdidisiplina. Itatali ka sa tabla hanggang sa hindi ka makalakad ng ilang araw, at ang mas malala pa rito, babaliin nila ang iyong mga darili.Agad namang tinawagan ni Sapphire ang kanyang asawang si Ethan
Kinaumagahan sa sikat na Salvacion Villa District, idinaraos ang ika-80 kaarawan ng matandang matriarca na si Madam Gloria Luiz-Walker. Bagama’t sa pinakamagandang hotel sa lungsod gaganapin ang marangyang salu salo para sa mga bisita, iniutos ng matanda na mag ipon muna ang pamilya sa kanyang mans
Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo a
“Nagmamatigas ka pa, Sumakah ka na sa kotse dali! Pumunta ka muna sa hotel para batiin mo ang mga bisita ni Lola” naiinip na sinabi ni Rheagan kay Ethan. “Pagkatapos ng birthday party ngayong araw, tanggapin mo ang parusa mo nang maayos at makinig ka sa desisyon ni Lola tungkol sa Divorce.” Nanlil







