Mag-log in
“Buset ka talaga kahit kailan Sapphire! Lalo na sa pamilya mo! Buti at buhay pa ako, kundi hindi ko na maisasagawa ang plano kong paghihiganti sa inyo” galit na bulong ni Ethan habang nakababad sa Bathtub na halos kasukat lang din niya.
Ilang sandali pa, tumunog ang kanyang telepono. Si Don Maximus ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot. “Ethan, naiinip na ako. Hanggang kailan ka ba magtatago sa publiko, ha?” bungad ng matanda. Ngumisi lang si Ethan sa sinabi ng matanda at dahang dahan umahon sa bathtub. “Lolo, bigyan mo pa ako ng kahit ilan buwan, okay? Saka ako magpapakita sa publiko” “Aasahan ko yan” Kasalukuyang nagaganap ang birthday party ni Mandam Gloria at hiyang hiyang nagsalita si Rheagan kay Madam Gloria. “Ina, ang mga propesyonal na maton na kinuha ko—pinilayan ni Ethan!” “Ano?!” Nagulat ang lahat. Sino ang mag aakalang ang walang sibling manugang na iyon ay marurong pala sa Marital arts? “Wala na ba talagang makakapagpino sa hayop na yon?!” glait na hinampas ni Madam Gloria ang mesa. Sa sandaling iyon, dumating si Basque, ang pangkalahatang ahente ng Tiango Takeway sa Alvarez dala ang isang regalo sa matandang Donya. Nang nakita si Basque, biglang sumilay ang ngiti sa mukha ni Rheagan. Maliit na tao si Basque sa Alvarez noon. Ilang taon ang nakakalipas noong hindi pa sikat ang pagpapa deliver ng pagkain, gumagastos lang siya ng 200,000 dollars para maging pangkalahatang ahente sa lungsod. Ngayon kahit dagdagan pa ng 0 ang halagang iyon, mahihirapan ka nang makakuha sa posisyon niya. At dahil nakapagpayaman siya sa pagsandal sa malaking kumpanya, nais ihangad ni Basque makapasok sa mataas na lipuan ng Alvarez. Ngayong ikawalong pung taong gulang na ang matandang Donya ng Pamilya Luiz, gagamitin niya ang pagkakataong ito para lang isang papuri ang pamilya upang maging pamilyar ang kanyang mukha sa kanila. “Boss Basque! Tuloy kayo!” nakangiting salubong ni Rheagan sa kanya. “Kamusta pala ang takbo ng negosyo natin? Alam ko na ikaw lang ang may kaya na palakihin iyon diba?” dagdag niya. Hawak ni Basque ang isang bote ng pulang alak sa isang kamay habang nakikipagkamay kay Rheagan sa kabila. “Salamat sa pangangamusta, Rheagan. Maayos naman ako at ang negosyo natin” saad niya. Naglakad ito palapit kay Madam Gloria at iniabot ang alak. “Madam Gloria, nabalitaan ko pong mahilig kayo sa alak. Isang bote ng 1990 Romance-Conti ang regalo ko sayo. Happy Birthday at sana humaba pa ang iyong buhay!” Tumayo ito at nagpasalamat sa kanya. “Aba! 1990 Romance-Conti! Sigurado ako na mahal ito, pero salamat sa regalo na ito Boss Basque” Maya maya pa ay nagtanong ito sa kanya. “Kamusta naman ang pakiramdam ng Matandang Donya nitong mga nakaraang araw?” Bumuntong hininga ito, nang nakita ito agad na tinanong ni Basque si Rheagan “Master Kian, tila ata wala sa mood ang donya? May problema ba?” Bumuntong hininga din ito at sinabi. “Hindi ko na ikakahiyang sabihin ito sayo Boss Basque, Sadyang minamalas ang pamilya Luiz” “Naalala mo pa ba ang manugang ng kapatid ko na si Ethan De Valle?” Agad naman tumango si Basque. Tatlong taon na ang nakalipas ang sikat si Ashanti ay nagpakasal sa isang ordinaryong empleyadong maliit ang kita, na ikinagulat ng buong lungsod. Noon nga ay kinamuhiam pa ni Basque ang kanyang sarili dahil hindi siya kagaya kay Ethan na isang rin maliit na tao na walang koneksyon at pangarap din niyang mapangasawa ang anak ng mayaman. “Ang hayop na yun, hindi lang siya nagtaksil! Binugbog pa niya ang anak ko! Tingnan mo ang mga pasa sa mukha ng anak ko dahil sa kanya” Doon lang napansin ang mga sugar sa mukha ni Rheagan. Subalit sa pagkakataong ito, medyo nailamg si Basque. Paano naman siya magkakaroon ng karapatang makialam sa pamilyang problema ng iba, gayong maliit na tao lang siya? “Sayang at wala akong masyadong koneksyon dito sa Salvacion at Alvarez, kung ang pamilya niyo nga ay hindi malulutas, baka wala na ring magagawa ang isang tulad ko. Kung hindi lang dahil doon, siguradong tuturuan ko ng leksyon ang walang utang na loob na basurang iyon!” sabi ni Basque. Tinapik naman ni Kian ang balikat ni Basque. “Alam mo Boss Basque, napakaregular mo naman sa totoo lang malaki ang maitulong mo sa bagay na ito.” “Ang gagong yun? Empleyado mo! At delivery man siya sa pagkain sa Tiango?” hindi na napigilang sumabat si Rheagan sa usapan nila. Nang narinig ito ni Basque bigla siyang tumawa. “Ahhh Si Ethan De Valle? Oo, empleyado ko siya? Bakit Young Master Rheagan, ipaubaya niyo na ang bagay na ito sa akin” Dahil si Basque ang pangkalahatang ahente ng Tiango sa Alvarez, hawak din niya ang kapalaran sa trabaho ni Ethan at madali niya malalaman kung nasaan ito. Agad na tumawag sa teleponi si Basque “Caleb! Tingnan mo nga kung ano ang employee number ng Ethan De Valle na yun? Alamin mo kung saan siya ngayon” “Sige, padalhan mo siya ng order ngayon din at siguraduhing dito ang bagsak sa hotel na ito” Pagkababa ng telepono, magalang na sinabi ni Basque kay Madam Gloria “Madam Gloria, parating na rito ang palamunin na yon. Mamaya ipapahiya ko siya sa harap ng marami para maipaghiganti kayo!” Sabay naman tumawa sina Madam Gloria, Rheagan, at Kian. Makalipas ang labinglimang minuto, dumating si Ethan sa tapat ng Salvacion Hotel sakay ng kanyang motorsiklo. Tinawagan ni Ethan ang customer “Sir Basque, dumating na po ang inorder niyong pagkain. Nandito po ako sa labas ng pinto, paki pick up na lang po rito” Nasa lobby ng hotel si Basque, kasalukuyang nakikipagusap kay Madam Gloria. Utos ni Basque sa telepono “Pumasok ka rito sa loob at ihatid mo rito” Tumingala si Ethan sa marangyang arko sa harap ng hotel ma may nakasulat na “Happy 80th Birthday Madam Gloria Luiz-Walker” Bukod dito, ang Salvacion hotel ang pinakasikat na lugar para sa mga marangyang piging sa Salvacion. Nahulaan niya agad na narito ang buong pamilya ng kanyang asawa. “Bawal po kasing pumasok ang mga delivery rider sa loob ng hotel. Pakiusap, lumabas na lang kayo para kunin ito” sabi ni Ethan sa telepono. Tinakpan naman ni Basque ang mikropino ng telepono, humingi ng senyas kay Madam Gloria at tsaka sumagot. “Sige, mag antay ka dyan sa pinto” pagkaraan ng dalawang minuto, lumabas ng hotel si Basque kasama ang mga miyembro ng Pamilya Luiz upang harapin siya.Sa pag iisip tungkol kay Ethan, na madaling nagapi ang mga propesyonal na maton na ipinadala ni Rheagan. Nagsimula nang mabahala ang pamilya Luiz sa aspetong ito.“Mga kasama, si Ethan ang walang puso at basurang ito! Ay may alam sa Kung Fu at may pambihirang galing, sa tingin ko may pinuntahan siya na isang mayaman na tao upang mag apply bilang personal na bodyguard. Sinong makakaharang sa landas niya?” sabi ni Rheagan.Nanahimik ang paligid. Masyadong maraming mayaman sa Salvacion at walang sinuman ang naglakas loob na sabihing kilala nilang lahat o may impluwensya sila sa harap ng mga ito.Sa sandaling iyon, isang babaeng kanina pa tahimik sa kanyang upuan, ang biglang nagpakawala ng isang mapang akit na tawa.Lumingon ang lahat sa pinagmulan ng tunog at nakita ang isang babaeng nakasuot ng pulang CEO suit habang naka de kwatro—napakalakas ng karisma. Nasa edad na 30, ngunit umaapaw ang ganda at alindog bilang isang mature na babae.Maputi ang kanyang balat, mapang akit ang kanyan
Sa pagkakataong ito, tumawa na rin si Ethan kasabay ng mga bisita ni Madam Gloria, kumuha siya ng baso ng alak at naglakad patungo kay Sapphire.“Congrats sayo Sapphire, sa wakas ay may nahanap ka na ng lalaking handang ibigay ang lahat ng yaman at ari arian mo, medyo naiingit ako kasi pwede ka niya hawakan at yakapin, o kaya naman halikan.”Malamig na nagsingasing si Sapphire sa kanya dahil alam niya ang ngiti ni Ethan na may halong pait at hinanakit.“Kung luluhod ka at magmamakaawa sa akin ngayon, baka pakiusapan ko si lola na tantanan ka muna pansamantala” malamig na saad ni Sapphire.Napatawa nang bahagya si Ethan. “Pinagtaksilan mo na ako, tapos ikaw pa ang may ganang magpaluhod at magpamakaawa sa akin? Ha! Ang kapal ng mukha mo para gawin ko yun sayo!” “Ito nga ang tinatawag na Upper class society, at talagang isang first class na pamilya!”Inubos na ni Ethan ang alak at pagkatapos ay binigkas nang dahan dahan ang bawat salita. “Hindi–ka–karapat dapat!”“Ikaw!” Namula sa ga
Nalaman ni Basque ang employee number at ang rate review ni Ethan at tama nga na binigyan ni Clarence si Ethan ng one-rate-review. Matapos macheck tumango naman ito.“Tama si Young Master Espanto, nakatanggap si Ethan ng one star negative review kahapon! At eksaktong eksanto ang sinabi mo Young Master” Sa sandaling ito, nagbago rin ang opinyon ng Publiko, at nagsimula nang maniwala ang lahat kina Basque at Sapphire. Tiningnan lang ni Ethan si Sapphire. “Bakit ko naitapon ang takeway sa lapag? Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ha?” Nakakrus ang mga braso ni Sapphire sa kanyang dibdib, na laron nagpalinaw sa kanyang magandang pigura, ngunit nagkunwari siyang walang malay. “Dahil hindi ka naging seryoso sa trabaho mo! Kaya mababa ang kakayahan mong magtiis!” “Goodjob naman sa dahilan na hindi ako nagseseryoso sa trabaho ko? Napakahusay na dahilan na mamababa ang kakayahan kong magtiis? Oo, nagtiis ako ng matagal na panahon dahil sayo at sa pagsisinungaling mo!” Gustong gusto ni Eth
Tiningan ni Ethan ang magandang mukha ni Sapphire ngunit naramdaman niyang napakapangit nito.“Una mo akong pinagtaksilan, tapos ngayon binibintamgan mo ako na nangaliwa? Hindi pa ba sapat yan ha? Ngayon naman, na gusto mo akong sampalin? Sige! Sampalin mo ako! Sampalin mo ang asawa mo sa loob ng tatlong taon!” Umabot na sa sukdulan ang galit ni Ethan sa kanyang asawa. Sino ang mag aakala na sa sandaling ito, biglang hinablot ni Sapphire ang dragon ruler at sumugod nang diretso kay Ethan. “Hayop ka! At ang lakas ng loob mong saktan ako? Tingnan natin kung hindi ko madurog ang mukha mo!” Iwinasiwas ni Sapphire ang dragon ruler patungo sa mukha ni Ethan. Nanatiling nakatayo si Ethan at hindi umiwas. Hinawakan niya ang pulso ni Sapphire gamit ang kanyang kaliwang kamay, at saka ito pinaluwas at binaligtad upang ang mismong dragon ruler ang sumampal sa sarili nitong mukha.Nasampal sa mukha si Sapphire ng mismong dragon ruler na hawak niya. Lalo nitong pinapangit ang dati nang nakatat
“Tingnan mo nga naman, ang Pamilyang sumira sa buhay ko” Alam na ni Ethan ng patibong ito ng pamilya Luiz sa kanya. Diretsong lumakad si Basque palapit sa kanya.“Hubarin mo ang lahat ng damit at sumbrero mo! Ngayon din!” gait na utos niya. “At bakit ko huhubarin?At isa pa anong ibig mong sabihin ha?” Sa pagkakataong iyon, lumapit si Rheagan na may pasa pa sa mukha. “Anong ibig sabihin? Kilala mo ba kung sino siya? Siya lang naman ang boss mo! Si Basque! Ang pangkalahatang ahente ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo!” “Hindi ka naniniwala? Pwes ipapatawag ko kay Manager Carl na kumuha sayo!” malamig na banat ni Boss Basque sa kanya.Hindi nagtagal ay tumawag nga si Manager Carl sa kanya. “Ethan, paano mo nagawang bastusin si Mr Bas? Isiniwalat ka niya sa trabaho”Ngumisi lang si Ethan dahil hindi niya akaling ganito matatapos ang karera niya bilang isang delivery rider. Dahil sa totoo lang,nagustuhan niya ang paghahatid ng pagkain—nakatagpo siya ng iba’t ibang uri ng tao at nahasa n
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer. “Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya. Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz. Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hi
“Ilabas ang Family Disciplinary Rod!” Napakarahas magparusa ng Pamilyang Luiz pagdating sa pagdidisiplina. Itatali ka sa tabla hanggang sa hindi ka makalakad ng ilang araw, at ang mas malala pa rito, babaliin nila ang iyong mga darili.Agad namang tinawagan ni Sapphire ang kanyang asawang si Ethan
Kinaumagahan sa sikat na Salvacion Villa District, idinaraos ang ika-80 kaarawan ng matandang matriarca na si Madam Gloria Luiz-Walker. Bagama’t sa pinakamagandang hotel sa lungsod gaganapin ang marangyang salu salo para sa mga bisita, iniutos ng matanda na mag ipon muna ang pamilya sa kanyang mans
Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo a
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel







