Share

CHAPTER 34

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2025-10-07 08:00:32

“F**k— what?!” Tila nabingi si Lucifer sa narinig na sinabi ni Leonard mula sa suot na headphone.

Alas-tres na noon ng madaling araw at sakay na sila ng chopper pabalik ng Maynila. Medyo mahirap ang naging lakad nila nang gabing iyon lalo na at sa kabundukan iyon ng Mindanao. Target nila ang isang myembro ng Spidey Syndicate na roon daw nagtatago sa kuta ng isang miletante, ayon sa isang source ni Phoenix. Napasubo sila dahil maraming armas ang kalaban. Pinupondohan din pala iyon ng Spidey Syndicate noon nang hindi pa nila nabubuwag ang grupo, kaya naman ang iba sa mga tauhan niya ay sugatan. Muntik pa nga siyang tamaan kanina ng bala, mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Leonard at madali siyang nadambahan pahiga.

Hindi talaga maiiwasan ang ganoong mga pangyayari sa klase ng trabahong mayroon sila. But as much as possible, he made sure that there will be no casualty on their side. Ang iba kasi sa mga tauhan niya ay ma

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 54

    “Hi!”Napatunghay si Lucifer nang may bigla na lang pumasok sa opisina niya. Ngumiti siya nang makitang ang impostorang Eleanor iyon.“Hi. What are you doing here?”Pa-demure na naglakad ito patungo sa lamesa niya. May bitbit itong isang paper bag na nahihinuha niyang pagkain ang laman. Madali rin niyang pinasadahan ng tingin ang itsura nito. She’s wearing a red dress, above the knee. Hakab na hakab iyon sa katawan nito, kaya kita ang magandang kurba nito. Kaya lang, alam na niya kung ano ang pakay ng babae kaya hindi na nito mabibilog ang ulo niya, kahit pa namumula ang mga labi nito sa lipstick na gamit at halos iluwa na ng suot nito ang dibdib.“I just want to give you this. Nabalitaan ko kasi kay mommy ang nangyari. I’m so sorry to hear that,” sympathetic nitong wika bago inilapag ang paper bag sa ibabaw ng lamesa niya. Pagkatapos, umi

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 53

    Tumayo si Lucifer at tumingin sa madilim na paligid. “Nauunawaan kong masyadong ka ng naguguluhan sa mga nalaman mo ngayon, pero ayoko ng ipagpalipas pa ang bagay na ito. Gusto ko ng magpakatotoo sa ’yo.” Naisip niyang oras na rin para malaman nito ang lahat-lahat tungkol sa kaniya.“B-bakit may dapat pa ba akong malaman bukod sa totoong pagkatao ko?”Tumango siya nang hindi nililingon si Eleanor. “Tungkol ito sa totoong ako— sa totoong pagkatao ko. Dahil kung may iba kang katauhan, ganoon din ako, El . . .”Dama ni Lucifer ang pagkalito nito habang nakatitig sa likuran niya. Dama niya ang maraming katanungang naglalaro sa isipan nito. Kung alam naman niyang hindi pa ito handa, hindi naman siya magsasalita. Pero sinigurado naman ng therapist nito na kakayanin na nito ang mabibigat na usapan, dahil ilang beses na rin daw nitong napagdaanan iyon, kaya na-overcome na ni Eleano

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 52

    “A-ano’ng ibig mong sabihin? Si Eleanor ay hindi talaga si Eleanor?” Tumango ito. “Eh, sino siya?” naguguluhang tanong pa rin ni Lucianna.“She’s an impostor. Pinaiimbestigahan ko na rin siya para mas malaman pa namin ang totoo.”“Ganoon ba?” Bigla siyang nakadama ng lungkot para kay Mrs. Juarez. “Alam na ba ito ni Tita Emelie? I’m sure malulungkot iyon kasi base sa mga narinig ko noong magkakasama tayo, ang tagal din palang nawala ng anak niya.”Subalit sa pagtataka niya, ngumiti pa nang malapad si Lucifer. “Hindi naman siya nalulungkot. In fact, she’s vey happy. Kaming dalawa— pareho kaming masaya.“Paano naman nangyari iyon na hindi kayo malulungkot? Eh, kung hindi siya si Eleanor, ibig sabihin maghahanap ulit kayo.”Umiling ito, pinakatitigan siya. Halo-ha

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 51

    Hindi naman tumutol si Lucianna. Miss na rin naman niya ang kasintahan kaya hinayaan na lang niya ito sa gusto nitong mangyari. After all, siya pa rin ang pakakasalan nito.Kinuha ni Lucifer ang hawak niyang kopita. Ipinatong nito iyong muli sa lamesa bago siya binuhat. Hindi naman sila umalis doon, dinala lang siya nito sa malapad na couch na naroon.“F**k! I missed you so much!” paanas nitong wika habang naglalandas na ang mga labi nito sa leeg niya.Naging mapaghanap ang mga kamay nila sa isa’t isa. Si Lucifer, inaalis na ang suot niyang pantalon. Siya naman, hinuhubad na ang damit nito. At nang matapos iyon, nagpalit naman sila ng huhubarin. Ito naman sa T-shirt niya habang siya naman sa pantalon nito.Humagis lang sa kung saan-saan ang mga damit nila. Pagkatapos, muli nilang dinama ang bawat isa. Pareho silang naghahabol ng hininga nang lumapat sa pagitan ng dibdib niya ang mga

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 50

    “Saan na naman tayo pupunta?” tanong sa kaniya ni Lucianna habang sakay sila ng kaniyang kotse. Pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang Tita Emelie ay pinuntahan kaagad niya ito at niyayang lumabas.“At the place you feel like home,” sagot niya bago hinawakan ang palad nito at pinisil iyon. Hindi pa siya nakontento at dinala iyon sa mga labi.“Manila Bay?” hindi pa rin tumitigil na tanong nito.Natawa siya kahit ang totoo ay kinakabahan siya nang husto. “How did you know?”“Iyon lang naman ang alam ko na malapit sa bahay mo at may dagat. Saka, nakakotse lang tayo.”Tumango-tango siya. Oo nga naman. Alam na alam na nito kung paano siya kumilos.“Okay lang ba?” tanong niya.“Ayos lang naman. Kakain lang ba tayo roon? Ano bang oras na?” Sinili

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 49

    “Tita Emelie?” Nagulat si Lucifer nang mabungaran ito sa kaniyang opisina nang umagang iyon. Ilang araw na rin siyang hindi mapakali. Hindi pa rin siya nakakukuha ng lakas ng loob na magpaliwanag dito at kay Lucianna. Hindi pa niya nagagawang harapin ang kasintahan dahil natatakot siya. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Natatakot siya na baka magalit ito sa kaniya at tuluyan na siyang iwan.“Hijo . . .” Magiliw itong ngumiti sa kaniya.Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito at niyakap. “May problema ho ba?” tanong niya nang pakawalan ito.“Please sit down first,” wika nito.“Oh . . . Okay.” Umikot siya sa kaniyang lamesa at naupo sa kaniyang swivel chair. “Why are you here?” agad niyang tanong.“I just wanted to give you this.” May dinukot itong isang puting sobre sa loob ng bag ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status