Compartilhar

CHAPTER 5

Autor: Gael Aragon
last update Última atualização: 2025-09-10 13:35:55

Maghapong muling nakatulog si Lucifer sa isang maliit na silid, kung silid nga bang matatawag iyon. Halos kasing laki lang kasi iyon ng banyo niya sa mansyon nila. Ang papag na kaniyang kinahihigaan ay yari sa kawayan na ni wala man lang kutson at banig lang ang sapin. May maliit iyong bintana na may kurtinang halatang lumang-luma na. Walang kuryente at ilaw na de-gas ang gamit. Ang dingding ng buong kabahayan ay yari sa sa pinagdikit-dikit na kawayan, habang pawid naman ang bubungan. May isa roong maliit na aparador na alam niyang lagayan ng damit. At sa tabi nang hinihigaan niya, isang lamesang yari din sa kawayan ang naroon kung saan may nakalagay na kung ano-ano.

He breathed, in and out. Mabagal lang niya iyong ginawa dahil bukod sa masakit pa ang buong katawan niya, kumikirot din ang kaniyang mga sugat. Hindi pa talaga siya magaling, nagpilit lang siyang bumangon kanina para alamin kung nasaan siya. Akala nga niya hindi na siya makaliligtas pa. Mabuti na lang at may isla siyang pinadparan. At mabuti na lang na may kagaya ng babae na tumulong sa kaniya kung hindi, baka nga pinaglalamayan na siya sa mga sandaling iyon.

Hindi niya sinabi rito ang totoo, dahil hindi niya kilala ang babae. Ayaw rin niyang matakot ito sa kaniya dahil aminin niya o hindi, pero kailangan niya pa ito. Kailangan pa niyang magpalakas. Kaya nagbigay siya ng ibang pangalan at nagpanggap na ring mangingisda. Kita naman kasi kay Lucianna ang pagtataka, pati na ang takot; lalo na at marami nga siyang sugat.

Naalala niya ang mga naganap sa kaniya. Kung sinuman ang may gawa niyon, sisiguraduhin niyang ibabaon niya ito nang buhay. Ganoon siya kung gumanti sa mga taong may kasalanan sa kaniya.

Muli siyang huminga nang malalim. Bahagya pa siyang naubo dahil sumasagad sa kalamnan niya ang sakit ng kaniyang katawan. Ipipikit na sana niyang muli ang kaniyang mga mata nang pumasok ang babae sa pinto na natatabingan lang ng isang kurtina. May dala itong isang maliit na planggana.

Sinuri niya itong maigi. Manang. Iyon ang unang pumasok sa kaniyang isipan. Hanggang talampakan ang palda nito at cotton long sleeve naman ang pang-itaas. Subalit, hindi rin maikakailang maganda ang babae na kayumanggi ang kulay ng balat. Balingkinitan ang pangangatawan nito, matangos ang ilong, mahaba at tuwid na tuwid ang buhok, at may bilugang mga mata, na binagayan ng mahahaba at malalantik na pilikmata. Matangkad ito at kahit sa tabing-dagat nakatira, makinis ang balat.

Pero, ang mas nakatawag pansin sa kaniya ay ang mapupula nitong mga labi. Para bang kaysarap halikan ng mga iyon na siyang ipinagtataka niya sa sarili. Kailan pa ba siya naging interesado sa ibang babae mula nang—

Ipinilig niya ang ulo upang pigilan ang iniisip.

Kanina habang pinagmamasdan niya ito, may kakaibang takot siyang nababanaag sa mga mata nito. Bukod doon, nababasa rin niya ang hindi matatawarang kalungkutan na hindi niya alam sa sarili kung bakit gusto niyang pawiin.

May palagay siyang hindi maganda ang nangyayaring iyon sa kaniya. Kalimitan kasi sa mga babaeng kilala niya sa mundong kaniyang ginagalawan ay ganoon— inosente at nakaaawa. Iyon ang ginagamit ng mga ito upang mapaikot ang kalaban at upang maisagawa ng pulido ang trabaho nila. Kaya dapat lang na hindi siya pakampante. 

Ipinatong ng babae ang planggana sa lamesa. Pagkatapos, walang sali-salitang sinalat nito ang kaniyang noo.

“May sinat ka pa rin at sariwa pa ang mga sugat mo. Punasan muna kita at linisan na rin iyang mga sugat mo para madali kang gumaling,” sabi nito na hindi na hinintay pa ang pagsagot niya. Agad nitong piniga ang isang face towel na nasa planggana at ipinunas sa kaniya. Napangingiwi naman siya sa bawat dampi niyon sa kaniyang balat.

“Hindi ko alam kung mahapdi pa kapag nilagyan nito ang mga sugat mo, pero tiisin mo na lang. Ito lang kasi ang alam kong ginagamit na panggamot ni inang.”

Napatitig siya sa babae nang lumungkot ang mga mata nito. Sandali niyang iniangat ang kamay, pero madali rin niya iyong ibinaba.

What are you thinking, Lucifer? You should focus on healing. Hindi dapat kung saan-saan napupunta ang atensyon mo! Sawata niya sa sarili.

“Teka . . . ano iyan?” tanong niya nang dampian nito ang bulak ng laman ng isang bote.

“Ito?” Tiningnan nito ang hawak. “Langis ito na may kung ano-anong halamang gamot. Mabisa ito sa sugat,” sagot nito at idinampi iyon sa braso niya.

Marahas siyang napahugot ng hangin sa dibdib kasabay ng mariing pagpikit, nang maramdamang nanghapdi iyon. Pakiramdam niya, uminit din ang parte ng braso niyang dinampian nito nang sinasabi nitong langis.

“Mabisa ba talaga ’yan? Baka mamaya ma-infection pa akong lalo,” sita niya kay Lucianna.

Tumigil ito sa ginagawa at tinitigan siya sa mga mata. “Kung may epekto ito sa katawan mo, baka matagal ka ng pa**y. Baka nakakalimutan mo, matagal kang walang malay tao. At ito lang ang iginagamot ko sa iyo. Ang iba mo ngang sugat magaling na.”

Hindi siya nakapagsalita dahil may punto naman ang babae. Madali lang kumalat ang infection sa katawan, hindi siya aabutin ng ilang araw o linggo sa kaniyang pagkakahiga kung may masamang epekto iyon sa kaniya.

“Tapos na,” anito at tumayo. “Magluluto ako ng makakain natin, para na rin mainitan ang sikmura mo.” Tumalikod na ito pagkasabi niyon at lumabas.

Napabuntonghininga siya. Sa halip kasi na magreklamo, dapat lang na magpasalamat siya dahil inaalagaan siya ng babae.

Ipinikit niyang muli ang mga mata. Nang magising siyang muli, eksaktong bumukas ang kurtinang nakatabing sa pinto. Pumasok doon ang babae at dere-deretso sa tabi niya

“Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang katawan mo? Makakalakad ka na ba nang maayos?” sunod-sunod na tanong nito bago sinalat ang kaniyang noo. Huminga ito nang malalim. “May sinat ka pa rin.”

Inalis ni Lucifer ang kamay nitong nakapatong sa noo niya. “Maayos na ang pakiramdam ko,” paanas niyang tugon at nagpilit bumangon. Mabilis naman siyang inalalayan ng babae.

“Ganoon ba? Makakatayo ka ba? Handa na kasi ang lamesa.”

Bahagya siyang tumango. Nagpilit siyang tumayo pero nabuway pa siya, kaya agad itong umalalay sa kaniya paupong muli.

“Hindi mo pa naman kaya kaya h’wag ka ng magpilit,” anang babae na lakip sa tinig ang pag-aalala. “Dito ka lang. Kukunin ko lang ’yong mainit na sabaw na niluto ko para makakain ka kahit paano.”

Hindi na siya nakasagot dahil madali na itong lumabas. Pagbalik nito ay bitbit na ang isang mangkok ng sinabawang isda. Inilapag nito iyon sa lamesa. Siya naman ay pinagmasdan ang dala nito.

“Pagpasensyahan mo na ang luto ko, pero sariwa naman ang isdang ’yan. Kabibili ko lang niyan kanina.” Napansin siguro nito kung paano niya tingnan ang pagkain.

Bahagya siyang tumango at nagsimula ng higupin ang sabaw, gamit ang ibinigay nitong kutsara. Muli siyang napatango nang malasahan na iyon. Kahit simpleng sinabawan lang, masarap pa rin. Lasang-lasa ang tamis ng isda dahil siguro kahuhuli lang din niyon.

“Sige . . . Iwanan muna kita dito. Naroon lang ako sa kusina kapag kailangan mo ng tulong,” paalam nito. Hindi pa nakaligtas sa mga mata ni Lucifer ang lihim nitong pagngiti. Kahit siya ay napangiti rin nang walang dahilan kaya inayos niya ang sarili at nag-focus sa pagkain.

Tahimik niyang inubos ang dinala ng babae, na manaka-naka’y sinisilip sa siwang ng kurtinang nakakabit sa may pintuan. Kumakain na rin itong kagaya niya. Iyon nga lang, nakatingin ito sa malayo at tila kaylalim ng iniisip.

Muli tuloy siyang napaisip. Kanina noong paglabas niya, nakita niyang bukod sa silid na kinaroroonan, may isa pang silid doon na katabi nang ginagamit niya. Hindi pa niya natatanong ang babae, pero tingin niya ay wala itong kasama roon. Hindi naman siguro ito maglalakas ng loob na patuluyin ang kagaya niyang sagutan at halos pap**ay na kung mayroon.

Ngunit ang tanong, bakit nga mag-isa ito? Sa ganda ng babae, tiyak na hindi lang iisang lalaki ang manliligaw rito. O kaya, baka may asawa na ito. Puwede rin kasing nasa dagat pa at hindi pa bumabalik. Minsan naman kasi ay ganoon, inaabot ng ilang araw, minsan linggo o buwan, ang mga mangingisda sa loot. Pero nang ikutin niya ang oaningin kanina, wala ring palatandaan na may asawa na ito. Ni walang pictures.

“Pictures ba ang basehan ng pag-aasawa?” tanong niya sa sarili sabay iling.

Ang isa sa nakalimutang niyang alamin sa babae ay kung nasaang lupalop siya ng Pilipinas. Kailangan niya kasing umisip ng paraan kung paano matatawagan ang kaniyang kanang kamay. Sigurado naman siyang buhay pa ito.

Well, iyon ay kung binuhay nga ito ng mga humahabol sa kanila. Paano kung pati si Leonard ay nadamay dahil sa kaniya?

“Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man ang nasa likod nito. Hinding-hindi! Lintik lang ang walang ganti.” At humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara na para bang mababali na iyon. Ang kaniyang mga mata, nag-aapoy sa galit.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Behind The Mafia's Mask   SPECIAL CHAPTER

    Asul na asul ang kalangitan ganoon din ang napakalawak na karagatan. Maraming nagliliparang ibon sa himpapawid habang payapa namang humahalik ang mga alon sa buhanginan.Napakapayapa ng kapaligiran— malayo sa maingay na lungsod. Manaka-naka ay maririnig doon ang matitinis na halakhakan. Animo’y wala ng katapusan pa ang kasiyahang iyon.“Larson, don’t go there, buddy!” ani Lucifer sa tatlong taong gulang nilang anak ni Eleanor. Patungo kasi ito sa tubig.Subalit, hindi ito tumigil kaya napatakbo siya. “Huli ka!” Malakas namang tumawa si Larson. “I told you not to go there. Hindi ka pa sanay na lumangoy sa malalim. Saka, hindi pa ready maligo si daddy.”“Pelo, daddy, usto ko po swim, eh. ’Di po ba pede?” nakikiusap nitong tanong.“Uhm . . .” Nag-iisip na lumingon siya

  • Behind The Mafia's Mask   WAKAS

    “Here she is!” narinig niya tili ng kaniyang Mommy Emelie bumubungad pa lang sila ni Lucifer sa entrada ng mansyon ng mga Juarez.“Tita—”“Oh, God! I missed you so much, hija!” agad na putol nito sa sasabihin ng kaniyang asawa. Isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kaniya.Nagulat man, nakuha pa ring tugunin ni Eleanor ang yakap na iyon. Maya-maya pa, narinig niyang humihikbi ang kaniyang ina.“I’m glad you are safe. I’m glad we found you. I’m so glad that you are already here— with us. Sorry . . . Sorry, my sweetheart. Sorry for everything,” pulit-ulit nitong sambit kasabay ng pagluha, kaya naiyak na rin siya.“Thank you, Lucifer— for never stopping. After all these years, ikaw lang talaga ang nagtyagang hanapin ang anak namin. Kami man ay nawalan na rin ng pag-asang babalik pa si El

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 59

    Hindi mapakali sa backseat si Eleanor. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi kasi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nagkaharap na sila ng kaniyang pamilya. Natatakot siyang baka hindi ganoon ka-warm ang pagtanggap ng mga ito sa kaniya.Naramdaman niyang may pumisil sa kamay niyang namamawis. Napatingin siya sa katabi.“Relax, honey . . . Huwag mo ring kalimutang narito ako sa tabi mo sa lahat ng sandali,” masuyong wika ni Lucifer.Ngumiti siya rito, halatang pilit. “Hindi mo naman siguro maiaalis sa akin na kabahan. Ito ang unang beses na makikilala ko sila. Kahit pa naman sabihing kilala ko na si Kie— I mean . . . kuya, hindi pa rin ako mapalagay. Paano kung iba pala sila? Paano kung iyong impostor na Eleanor na iyon ang gusto nila? Sabi mo nga, hindi agad sinabi ni mommy ang totoo dahil ayaw niyang mawala ang kasiyahan nila.”“Tsk! Hindi mangyayari iyon. Alam naman na nila ang totoo. At para matigil ka na sa kaiisip mo, ako na ang nagsasabi sa ’yo— excited na silang la

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 58

    Naalimpungatan si Eleanor nang maramdamang may nakatitig sa kaniya. Agad na nanayo ang mga balahibo niya sa buong katawan. Kagyat ding napamulat ang kaniyang mga mata. She then met a longing gaze. The gaze she was missing for all this time.Agad ang pagbaha ng emosyon sa kaniyang dibdib. Walang sabi-sabing yumakap siya nang mahigpit sa katabi kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.Oh, she missed him! She missed him terribly!Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kaniya. “I’m sorry. Gusto ko rin namang hayaan ka muna— hintayin ang kusa mong pagbabalik, pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawalay sa iyo nang napakatagal na panahon. Mamama**y ako, El . . . Mamama**y ako,” bulong nito sa tenga niya, paulit-ulit.Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakayakap dito, umiiyak— ninanamnam ang mga sandaling iyon, ninanamnam ang init na hatid ng katawan nito. Ang pamilyar

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 57

    Huminga siya nang malalim at tumingin dito. “Kaya mo bang pat**in ang sarili mong kapatid?” deretsahang tanong niya.Nag-isang linya ang mga kilay nito. “Ano ba’ng sinasabi mo?”“I have all the evidence here. Kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mawala siya, ibibigay ko ito sa ’yo. Kung hindi naman, huwag mo ng asahan na makikita mo pa siyang buhay. Dahil ako mismo ang tatapos sa kaniya,” mariing wika ni. Hindi niya rin mapigilang mag-apoy ang mga mata sa galit.Nakita niyang nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Pagkatapos, tumingin ito sa kaniya.“Alright . . . Give it to me.”Napataas ang isang kilay niya. “Ganoon kadali? Are you sure kaya mong gawin ang nais ko?”Tumayo ito at tumingin sa kawalan. “Do you want an honest answer?”“Yes. Iyon la

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 56

    Panay ang buntonghininga ni Eleanor habang nakatitig sa apoy na tila nagsasayaw sa tungkuang lupa. Kasalukuyan siyang nagluluto ng kaniyang agahan, pero lagpas alas-diyes na ng umaga. Madalas ay ganoon ang rutina niya sa isla mula nang umuwi siya roon. Gigising ng tanghali, matutulog ng madaling araw. Minsan pa, hindi talaga siya dalawin ng antok.Tila wala sa sariling binuksan niya ang kalderong nakasalang. Bigas ang laman niyon, pang buong maghapon na niyang kainan. Dahil kung hindi niya gagawin iyon, baka pati pagkain ay katamaran na niya. Palagi kasi siyang walang gana, palaging tulala, at palaging malungkot. Alam naman niya kung ano at sino ang dahilan niyon, hindi niya lang magawa pang tanggapin ang lahat.Muli niyang ibinalik ang takip ng kaldero nang makitang hindi pa naman kumukulo iyon. Dahil sa pagiging lutang niya, hindi niya naisip na kasasalang pa lang niya sa niluluto at kalahating oras pa ang hihintayin niya bago maluto iyon.

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status