Malamig ang aura ng paligid ng kwarto, pagmulat ko ng aking mga mata, wala na siya, sanay naman na ako pero bakit ganito lagi kong nararamdaman? Parang laging bago.
Kagabi, hinayaan ko na naman ang sarili kong mahulog sa init ng mga halik niya, sa bigat ng bisig niyang parang kandado na ayaw akong pakawalan. Sa bawat ungol na pinilit kong ikubli, umaasa akong kahit konti, may halaga ako sa kanya. Pero paggising ko ngayong umaga, ang naiwan lang ay malamig na unan at amoy ng kanyang pabango.
Ganito na lang ba palagi?
Humigpit ang hawak ko sa kumot habang pinipigilan ang pangingilid ng luha. Kung sa paningin ng iba ay ako ang “pinakamapalad na babae” dahil asawa ko si Sage Carden, ako naman ang pinakanalulungkot sa tuwing narerealize kong hindi niya ako kayang mahalin.
Pagdating ko sa opisina, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho. Bilang entertainment reporter, sanay na ako sa mga celebrity launches at press events. Pero ngayong araw, ramdam kong mabigat pa rin ang dibdib ko.
“Phoebe, ready ka na?” tanong ng editor naming si Ms. Reyes, abala sa pag-aayos ng mga papeles.
“Y-Yes po,” mabilis kong sagot at pinilit kong ngumiti.
Ang assignment ko ngayon ay i-cover ang isang charity event kung saan inaasahang darating ang ilang malalaking pangalan sa industriya ng negosyo. At siyempre, kabilang doon ay si—
Sage Carden.
Halos bumulusok ang puso ko sa kaba nang makita ko ang pangalan niya sa listahan. Hindi ko alam kung paano ako aarte sa harapan niya. Reporter ako ngayon, hindi asawa. Sa harap ng lahat, hindi dapat malaman ng kahit sino na may relasyon kami.
The ballroom was grand, puno ng flash ng camera at ingay ng press. Dumating ang mga sikat na personalidad, ngunit nang pumasok si Sage, halos huminto ang mundo ko.
Mataas ang tindig niya, nakasuot ng classic black suit, at bawat babae sa paligid ay tila nahulog ang panga. “Carden, the youngest billionaire,” bulong ng ilang press sa tabi ko.
Ako? Pinilit kong maging invisible. Hawak ko ang aking recorder at notepad, parang isa lang sa mga simpleng journalist na naroon.
“Phoebe, ikaw na ang lumapit,” utos ng kasama kong reporter. “Kilala ka kasi sa pagiging magaling magtanong.”
Para akong nanigas. Pero wala akong choice.
Lumapit ako kay Sage, pinipigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. “Mr. Carden,” pormal kong simula, “what made you decide to support this charity?”
Nag-angat siya ng tingin mula sa crowd at tumama ang malamig niyang mga mata sa akin. Walang bahid ng pagkilala. Walang bakas ng lalaking humalik sa akin kagabi.
“Because I can,” malamig niyang sagot. Maikli, diretso, walang emosyon.
Uminit ang mukha ko, hindi ko alam kung dahil sa hiya o sakit.
Maya-maya, habang abala ako sa pagkuha ng notes, may lumapit na isang businessman—young, charming, at halatang interesado. “Miss, reporter ka, right? You’re very eloquent kanina.”
Ngumiti ako ng magalang. “Thank you po, sir.”
Pero bago pa humaba ang usapan, isang malamig na boses ang sumingit.
“She’s taken.”
Napalingon ako. Si Sage. Nakatayo siya sa likod ko, titig na titig sa lalaking kausap ko.
Biglang natahimik ang paligid. The businessman chuckled nervously. “Ah, sorry, Mr. Carden, I didn’t know—”
“You don’t need to know.” Puno ng awtoridad ang boses ni Sage, sapat para umatras ang lalaki.
Ako naman, parang binuhusan ng malamig na tubig. Bakit niya kailangang gawin ‘yon? Akala ko ba wala siyang pakialam?
Pagbalik ko sa table, marahas niyang hinila ang silya sa tabi ko at naupo. “Don’t talk too much with strangers,” bulong niya, mababa at mariin.
Kung titingnan mo kami para lang may tinatanong si Sage na mahalaga sa isang reporter kaya hindi rin talaga halata para pag-isipan kaming may relasyon.
Napakuyom ako ng kamao. “Ano bang problema mo? Reporter ako, trabaho ko ‘yon.”
“You’re my wife,” sagot niya agad, malamig pero puno ng bigat. “And I don’t like it when other men look at what’s mine.”
Namilog ang mga mata ko. What’s mine. Hindi ba’t iyon lang naman ang tingin niya sa akin—ari-arian, hindi partner.
Nang matapos ang event, iniwan ako ni Sage sa table habang may ilang reporters at socialites ang nag-uunahan para makausap siya. Doon ko lang napansin kung gaano karaming mata ang nakatutok sa kanya—mga babaeng nakangisi, nagtatangkang lumapit at makakuha ng atensyon niya.
At siya? Pinapasukan silang lahat ng tingin at maliliit na ngiti. Hindi siya suplado sa kanila. Hindi tulad ng pagtrato niya sa akin.
Para akong unti-unting nilulunod ng selos at lungkot. Gusto kong umalis, pero wala akong choice kundi tapusin ang trabaho ko. Kaya nagkunwari akong busy sa pagsusulat, habang pilit na tinatabunan ang kirot sa dibdib.
“Miss, ang ganda ng tanong mo kanina,” may lumapit na kapwa reporter sa akin, isang babae na halatang matagal nang sanay sa mga ganitong event. “You’re sharp. Kaya siguro hindi napigilang lumapit si Mr. Carden sa’yo.”
“Ah, sakto lang. Salamat!” tipid kong sagot sa kanya.
“Baka pwede mo akong tulungan makakuha ng magandang scoop sa kanya?” ang mga mata niya’y tila nagkaroon ng mga bituin at puno ng pag-asa.
Umiling ako, “hindi ako ganun kalakas para matulungan ka.” ngumiti ako ng pilit sa kanya, “sige. Dito na ako.”
Pagkauwi ko sa condo, walang bahid ng Sage ang nadatnan ko doon. Kaya dumiretso na lamang ako sa kwarto ko at pilit na gumawa ng tulog. Sabayan pa ng matinding lakas ng ulan.
Wala pa rin si Sage.
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos wala akong tulog. Nakatingin lang ako sa kisame habang pinakikinggan ang banayad na tunog ng ulan sa labas. Para bang pinaparamdam ng langit ang bigat na hindi ko masabi.
Dahan-dahan akong bumangon, naglakad papunta sa bintana, at pinagmasdan ang mga patak ng ulan na dumudulas sa salamin. May kakaibang lungkot sa dibdib ko—parang paulit-ulit lang ang bawat araw. Isang sikretong kasal, isang malamig na asawa, at isang mundong hindi ako kayang intindihin.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Si Sage. Nakatayo siya roon, nakaayos na parang palaging handang humarap sa mundo. Walang bakas ng puyat o kahit anong emosyon sa mukha niya.
Hindi ko na namalayan ang pagdating niya o baka kakauwi niya lang.
“Bumaba ka na. May breakfast sa dining,” malamig niyang sabi.
Tumango lang ako, hindi makatingin nang diretso. At habang naglalakad siya palayo, isang bagay ang tumatak sa isip ko.
Hanggang kailan ko ipagpapatuloy ang pagiging tahimik?
Sa kabila ng lahat, may apoy na nagsisimulang sumiklab sa loob ko. Hindi ko alam kung apoy ito ng pag-asa o ng pag-aalsa. Pero ang alam ko lang—hindi ko na kayang manatili sa anino niya nang habambuhay.
Minsan, nakaka-paralyze lang isipin na pupunta ako sa isang event na ang pinaka-highlight ay ang taong dapat sana’y pinakamalapit sa akin pero pakiramdam ko’y pinakamalayong nilalang sa mundo.Nakaharap ako ngayon sa salamin, tinititigan ang manipis kong make-up at simpleng damit na pinili ko para hindi gaanong mapansin. Kahit entertainment journalist ako, hindi ako sanay sa mga glamorous na pagtitipon. Lalo na ngayong alam kong sa gitna ng lahat ng ilaw at camera, makikita ko si Sage—hindi bilang asawa, kundi bilang business tycoon na hinahangaan ng lahat.Niyakap ko sandali ang press ID ko bago lumabas. Para itong reminder na kahit anong mangyari, narito ako bilang reporter, hindi bilang asawa.Pagdating ko sa hotel ballroom, halos manlagkit ang mata ko sa dami ng chandelier at sa kintab ng sahig. Magarbo, masikip, puno ng camera at recorder. Lahat ng tao ay naka-focus sa stage kung saan nakalagay ang malaking banner: “Carden Inc.: Expanding Horizons.”“Phoebe!” tawag ng isa sa mga
Bumalik sa tainga ko ang mga salita ni Sage sa’kin sa press event kahapon.Don’t ever forget who you belong to. Paulit-ulit iyong kumakabog sa tenga ko hanggang sa dinala na ako sa bangungot.Pagbaba ko sa dining area, naroon na siya. Nakaayos na sa mamahaling suit, hawak ang tasa ng kape na para bang iyon lang ang kaya niyang mahalin. Walang bati, walang tingin. Para lang kaming dalawang estranghero na nagkataong nakatira sa iisang bahay.Ngayong nasa harapan ko siya, gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa sinabi niyang ‘yun sa’kin kahapon, ngunit parang ayaw subukang magsalita ng bibig ko. “Good morning,” mahina kong bati, umaasang sasagot siya.Tumingin siya saglit, malamig pa rin ang mga mata, bago inubos ang kape. “I’ll be home late,” sabi niya lang, parang secretary lang niya ako na kailangang i-update sa schedule niya.Tumango ako. “Okay.”At umalis siya. Ganun lang. Walang yakap. Walang halik. Walang kahit anong senyales na mag-asawa nga kami.Hindi na ako nag aksaya ng
Malamig ang aura ng paligid ng kwarto, pagmulat ko ng aking mga mata, wala na siya, sanay naman na ako pero bakit ganito lagi kong nararamdaman? Parang laging bago. Kagabi, hinayaan ko na naman ang sarili kong mahulog sa init ng mga halik niya, sa bigat ng bisig niyang parang kandado na ayaw akong pakawalan. Sa bawat ungol na pinilit kong ikubli, umaasa akong kahit konti, may halaga ako sa kanya. Pero paggising ko ngayong umaga, ang naiwan lang ay malamig na unan at amoy ng kanyang pabango.Ganito na lang ba palagi?Humigpit ang hawak ko sa kumot habang pinipigilan ang pangingilid ng luha. Kung sa paningin ng iba ay ako ang “pinakamapalad na babae” dahil asawa ko si Sage Carden, ako naman ang pinakanalulungkot sa tuwing narerealize kong hindi niya ako kayang mahalin.Pagdating ko sa opisina, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho. Bilang entertainment reporter, sanay na ako sa mga celebrity launches at press events. Pero ngayong araw, ramdam kong mabigat pa rin ang dibdib
Ang sabi nila, kapag iniwan ka ng taong mahal mo, matututo kang bumangon. Pero paano kung ang pagbangon mo ay kapalit ng isang buhay na hindi mo pinili?Ako si Phoebe Jimenez, twenty-four, isang entertainment reporter. Dati, ang pangarap ko lang ay makasulat ng mga kwento—mga kwentong magbibigay inspirasyon, hindi headlines. Pero nang mahuli kong may ibang babae ang boyfriend ko noon—at buntis pa ito—nawasak lahat ng plano ko. Iniwan niya akong luhaan, at wala na akong direksyong tinatahak.Akala ko iyon na ang pinakamasakit. Hanggang sa isang gabi, umuwi ako galing coverage, at hinarap ako nina Nanay at Tatay—kasama ang mga taong ni minsan hindi ko inakalang makakausap namin: ang pamilya Carden.At doon, nagsimula ang lahat.Napabalikwas ako ng may tumapik sa braso ko. Mahina lang naman ito kaya napabaling agad ako sa kanya.“Ms. Jimenez, sa likod po ang reserved seat para sa mga reporters.” Umiling ako, pilit na ngumingiti sa staff ng hotel ballroom. “No, I’ll stay here.”I was co