Share

Kabanata 2

Author: HAKUJI
last update publish date: 2026-08-14 07:10:59

Sandra's POV

Tahimik ang buong silid nang isara ni Damian ang p***o, pero sa loob ng dibdib ko, parang may bagyong nagwawasak sa huling natitirang piraso ng pagkatao ko. Nanatili akong nakaupo sa dulo ng kama, nakatitig sa pintuan habang bumabagsak ang maiinit na luha sa mga kamay kong nanginginig.

Ang salitang "baog" ay patuloy na nagre-replay sa utak ko na parang paulit-ulit na sampal. Limang taon. Limang taon kong tinitis ang sakit, ang mga pahiwatig ng pamilya niya, ang malamig niyang pakikitungo, at ang kawalan niya ng oras para sa akin, dahil pumapasok sa isip ko na baka ako nga ang may kasalanan. Baka ako nga ang kulang. Baka ako ang dahilan kung bakit hindi maging buo ang pamilyang matagal na niyang pinapangarap.

Pero bakit nitong mga nakaraang buwan, tila mas lumala ang lahat? Bakit sa tuwing titingnan ko siya, wala na akong makitang kahit anong bahid ng lambing o pagpapahalaga?

At ngayong gabi, may isang bagay na nagpalukso sa kaba ko.

Ang telepono niya.

Si Damian ay hindi kailanman nagdadala ng personal phone kapag pumupunta sa kabilang kwarto para matulog kapag nag-aaway kami. Palagi niya lang iyon iniiwan sa side table dahil alam niyang nasa loob naman siya ng bahay at walang importanteng tawag sa hatinggabi. Pero kanina, kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya iyon mabilis na dinampot mula sa charger at ipinasok sa bulsa ng shorts niya bago siya lumabas.

Bakit? Sino ang kailangan niyang kausapin sa ganitong oras? O sino ang hinihintay niyang mag-message sa kaniya?

May kakaibang malamig na hangin na dumapo sa balat ko. Ang tinatawag nilang women's intuition, na matagal kong pinilit na patahimikin dahil sa takot na baka ako lang ang nag-iisip ng masama, ay biglang naglaho ang pag-aalinlangan. May mali. May napakalaking mali sa bahay na ito.

Dahan-dahan kong inangat ang kumot. Tinapak ko ang mga paa ko sa malamig na sahig nang walang tsinelas para siguraduhing walang gagawa ng kahit anong ingay. Bawat hakbang ko patungo sa p***o ay parang may nagpapadikit sa mga paa ko sa sahig, pero mas malakas ang pagnanais kong malaman ang katotohanan kaysa sa takot na nararamdaman ko. Pinalabas ko ang isang malalim na paghinga, dahan-dahang inikot ang doorknob, at binuksan ang p***o nang walang anumang tunog.

Ang hallway ng aming bahay ay napakatahimik at madilim. Ang tanging liwanag ay nagmumula sa mga ilaw sa kalsada na tumatagos sa malaking bintana sa dulo ng pasilyo. Ang akala ko ay diretso si Damian sa guest room na nasa kabilang dulo, pero nang tingnan ko ang silid na iyon, sarado ang p***o at patay ang ilaw.

Wala siya roon.

Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Nasaan siya?

Nagsimula akong maglakad sa madilim na hallway. Sa bawat hakbang, pumasok sa isip ko ang mga alaala nitong mga nakaraang buwan. Ang mga gabi kung kailan lumalabas si Damian para magpahangin daw sa balkonahe. Ang mga araw na biglang nawawala si Celeste sa sala kapag umuuwi si Damian mula sa opisina.

Si Celeste... ang aking nakababatang kapatid. Nakatira siya sa amin nitong huling anim na buwan habang naghahanap ng sarili niyang apartment pagkatapos niyang grumaduate sa kolehiyo. Matagal ko siyang inalagaan. Ako ang nagbayad ng tuition niya noong nawalan ng trabaho ang mga magulang namin. Ako ang bumili ng mga damit niya, ng gamit niya, at ako ang nagpatuloy sa kaniya sa bahay na ito dahil ayaw kong mahirapan siya.

Biglang huminto ang mga paa ko sa harap ng isang p***o sa gitna ng pasilyo.

Ang kwarto ni Celeste.

May manipis na guhit ng liwanag na tumatagos mula sa bahagyang nakabukas na p***o. Nanggaling iyon sa dim lamp sa loob ng silid. At kasabay ng liwanag na iyon ay ang mahihinang boses na nagmumula sa loob.

"I told you, huwag ka munang pumasok kapag katatapos niyo lang mag-away," boses iyon ni Celeste.

Napatigil ang buong mundo ko. Ang boses ng kapatid ko ay walang bahid ng pag-aalala o gulat. Sa halip, may kasama itong malambing na panunukso, isang tono na ginagamit lang ng isang babae sa lalaking malapit sa kaniya.

"I can't stand her anymore, Celeste," sagot ng boses na kabisadong-kabisado ko. Kay Damian. May halong pagod at matinding pagnanasa ang boses niya. "Palagi na lang siyang umiiyak. Kakagaling ko lang sa trabaho, tapos panay drama at eksena na naman ang aabutan ko sa kwarto. Nakakasawa na talaga."

"Kawawa naman si Ate," bulong ni Celeste, pero agad na nasundan ng isang mahinang tawa. "Pero 'di ba sinabi ko naman sa 'yo na huwag mo na siyang masyadong pagsabihan? Baka magduda na 'yan sa atin."

"Magduda? Kay Sandra?" Narinig ko ang pamilyar na sarkastikong tawa ni Damian. "Masyadong tanga at uto-uto ang kapatid mo para magduda. She thinks I'm just stressed because of work and the baby issue. Wala siyang kaalam-alam."

Parang may bumaon na libo-libong karayom sa puso ko. Ang sakit ay napakalalim na halos hindi ako makahinga. Napawak ako sa dingding para lang hindi ako mabuwal sa kinatatayuan ko. Ang sarili kong kapatid... at ang asawa ko.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa maliit na siwang ng p***o. Ang nakita ko sa loob ay tuluyang nagwasak sa anumang natitirang respeto at pagmamahal na mayroon ako para sa kanila.

Nakatayo si Damian sa gilid ng kama habang si Celeste ay nakasandal sa kaniya. Nakasuot si Celeste ng isang manipis na silk nightgown—isang bagay na hindi niya kailanman isinusuot kapag nasa harap ko siya. Ang mga kamay ni Damian ay nakahawak nang mahigpit sa baywang ni Celeste, pinalilibutan ito habang nakatitig sa mukha ng kapatid ko nang may matinding pagnanasa.

"You know I only stay with her because of my family's expectations, right?" bulong ni Damian habang ibinababa ang kaniyang mukha sa leeg ni Celeste. "If it weren't for my parents, matagal ko na siyang hiniwalayan. She can't even give me a child."

"I know, babe," sagot ni Celeste habang inilalagay ang mga kamay niya sa likod ng leeg ni Damian. Inangat niya ang kaniyang mukha at h******n si Damian sa labi—isang matagal, malalim, at pamilyar na halik na malinaw na patunay na hindi ito ang unang beses na ginawa nila ito. "But you have me now. Mas napapasaya naman kita kaysa sa kaniya, 'di ba?"

"100 times better," sagot ni Damian pagkatapos ng halik, habang dahan-dahang iginagalaw ang kaniyang mga kamay pababa sa balakang ni Celeste, pilit itong inilalapit sa kaniyang katawan. "You make me feel like a real man, Celeste. Mula nang pumasok ka sa bahay na 'to, hindi ko na maiwasang ihambing ka sa kaniya. She's so plain and boring. But you... you're everything I ever wanted."

Napanood ko kung paano pumatong si Celeste sa kama habang sumusunod sa kaniya si Damian, nakapatong sa kaniya habang nagpapatuloy ang kanila mga halik at mahihinang ungol ng pagnanasa. Walang bahid ng hiya. Walang bahid ng konsensya. Ginagawa nila ang kababuyang ito sa loob ng bahay kung saan ako nagpapaka-alipin para maging mabuting asawa at kapatid.

Nanginginig ang buo kong katawan. Ang lamig na pumapasok sa mga ugat ko ay hindi nagmumula sa aircon ng bahay, kundi sa matinding katotohanang nakatambad sa harap ko. Ang mga gabing sinasabi ni Damian na may late-night meeting siya sa opisina... ang mga araw na sinasabi ni Celeste na pupunta siya sa mall kasama ang mga kaibigan niya... lahat ng iyon ay mga kasinungalingan para magkasama silang dalawa.

At ang pinakamatinding sakit? Ang dahilan kung bakit ako paulit-ulit na tinatawag na "baog" at "walang silbi" ni Damian ay hindi dahil sa galit siya sa sitwasyon namin, kundi dahil ginagamit niya iyon bilang dahilan para i-justify ang sarili niyang kataksilan. Ginawa niya akong masama at kulang para maging malinis ang tingin niya sa sarili niya habang natutulog siya sa piling ng kapatid ko.

Gusto kong itulak ang p***o. Gusto kong sumigaw, manakit, at ihagis sa kanila ang lahat ng galit na nag-uumpisa nang sumabog sa dibdib ko. Gusto kong tanungin si Celeste kung bakit niya magagawa sa akin 'to pagkatapos ng lahat ng isinakripisyo ko para sa kaniya. Gusto kong tanungin si Damian kung bakit kailangan niya akong durugin nang ganito katindi.

Pero habang nakatitig ako sa kanila, may isang malamig na boses sa loob ng utak ko ang nagsabing: Huwag.

Kapag kinumpronta ko sila ngayon, magmamakaawa si Damian o kaya ay gagawa ng mga panibagong kasinungalingan. Isisi nila sa akin ang lahat. Sasabihin nilang nagkakamali lang ako, o kaya ay gagamitin nila ang emosyon ko laban sa akin. Wala akong hawak na patunay maliban sa sarili kong mga mata. At sa pamilyang tulad ng sa kanila, ang boses ng isang "baog" at emosyonal na babae ay madaling patahimikin.

Pinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. Pilit kong pinatigil ang panginginig ng aking mga kamay.

Bawat patak ng luha na dumaloy sa pisngi ko sa mga sandaling iyon ay nagmarka ng pagtatapos ng lumang Sandra. Ang Sandra na tanga, ang Sandra na nagmamakaawa para sa pagmamahal ng isang lalaki, at ang Sandra na pilit inuunawa ang mga taong walang ginawa kundi apak-apakan siya.

Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa pabalik. Mula sa siwang ng p***o, narinig ko pa ang huling bulong ni Celeste bago ako tuluyang tumalikod.

"I love you, Damian..."

"I love you too, Celeste..."

Naglakad ako pabalik sa silid namin nang napakatahimik, bawat hakbang ay puno ng bagong lakas na nanggagaling sa galit at sakit. Pumasok ako sa kwarto at isinarado ang p***o.

Tumingin ako sa salamin sa gilid ng dresser. Ang babaeng nakatingin sa akin ay may mga matang mamula-mula sa pag-iyak, pero wala na ang takot sa kaniyang mga mata.

Hinding-hindi ko ipapakita sa kanila na nadurog ako. Hindi ako aalis nang umiiyak at nagmamakaawa. Hahayaan ko silang mag-akalang wala akong alam. Babantayan ko ang bawat kilos nila, kokolektahin ko ang lahat ng ebidensya, at kapag dumating ang tamang oras... ako mismo ang magpapatumba sa mundong pilit nilang itinatayo sa ibabaw ng aking sakit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by Blood, Claimed by the Billionaire (SPG)   Kabanata 5

    Sandra's POVGaling ako sa isang client lunch meeting na biglang na-cancel dahil nagkaroon ng emergency ang client ko. Mag-aalas-dos pa lang ng hapon kaya naisipan kong umuwi na muna sa bahay para magpahinga at tapusin ang ilang mga papeles sa study room.Pagkahinto ng sasakyan ko sa driveway, napansin kong nakaparada ang kotse ni Damian. Nagtaka ako dahil kadalasan ay gabi na siya umuuwi kapag weekday. Baka mabilis lang siyang umuwi para kumuha ng importanteng dokumento o kaya ay masama ang pakiramdam niya.Tahimik kong binuksan ang pintuan ng bahay. Naka-off ang mga ilaw sa living room at napakatahimik ng buong paligid, maliban sa mahinang tunog ng aircon mula sa ikalawang palapag. Inilagay ko ang bag ko sa may foyer table at dahan-dahang umakyat sa hagdan.Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa aming marital bedroom, napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. May manipis na siwang at hindi nakalock ang doorknob. Nagtaka ako kasi napakaselan ni Damian sa privacy niya, lalo na

  • Betrayed by Blood, Claimed by the Billionaire (SPG)   Kabanata 4

    Sandra's POVMatagal ko nang pilit na binubura sa isip ko ang mensaheng natanggap ko gabi-gabi, pero habang lumilipas ang mga araw, mas lalong nagiging mahirap magpanggap. Hindi na lang basta hinala ang nararamdaman ko. Bawat kilos nina Damian at Celeste ay parang may ibig sabihin, mga maliit na detalyeng hindi ko dating napapansin pero ngayon ay napakalinaw na.Sabado ng umaga, nakaupo kaming tatlo sa dining table para mag-almusal. Nagtitimpla ako ng kape nang biglang tumahimik ang paligid. Kanina lang ay nagtatawanan silang dalawa habang nagkukuwentuhan tungkol sa isang palabas sa TV, pero nang lumingon ako mula sa counter, biglang naputol ang usapan nila.Tumingin si Celeste kay Damian, isang mabilis na sulyap na may kasamang kakaibang ngiti, bago siya mabilis na yumuko at kumuha ng tinapay."Bakit bigla kayong tumahimik?" tanong ko habang inilalapag ang tasa ng kape sa harap ni Damian. "Ano 'yung pinag-uusapan niyo bago ako dumating?"Mabilis na sumagot si Damian, halos hindi tumi

  • Betrayed by Blood, Claimed by the Billionaire (SPG)   Kabanata 3

    Sandra's POVPagkatapos ng gabing iyon sa labas ng kwarto ni Celeste, tila mas lalong naging malinaw sa akin ang bawat kilos nila. Pero sa halip na magwala ako, pinili kong maging tahimik. Araw-araw kong kinakain ang sarili kong galit para lang manatiling kumportable sila sa ginagawa nila.Naging mas malayo ang loob ni Damian sa akin. Kung noong mga nakaraang buwan ay nag-aaway pa kami, ngayon ay halos hindi na niya ako kinakausap. Ginawa niyang dahilan ang trabaho para umiwas.Isang gabi, alas-onse na ng gabi pero wala pa rin siya. Nakaupo ako sa sofa habang nagbabasa ng magazine nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Damian na nakatanggal ang tie at halatang pagod, pero may kakaibang ngiti sa mga labi niya nang makita niya si Celeste na lumabas mula sa kusina."You're late again, Damian," malamig kong sabi habang nakatitig sa kaniya. "Past eleven na. Nag-alala ako kasi hindi ka man lang nag-text na late ka uuwi."Hindi man lang siya tumingin sa akin. Inilagay niya ang bri

  • Betrayed by Blood, Claimed by the Billionaire (SPG)   Kabanata 2

    Sandra's POVTahimik ang buong silid nang isara ni Damian ang pinto, pero sa loob ng dibdib ko, parang may bagyong nagwawasak sa huling natitirang piraso ng pagkatao ko. Nanatili akong nakaupo sa dulo ng kama, nakatitig sa pintuan habang bumabagsak ang maiinit na luha sa mga kamay kong nanginginig.Ang salitang "baog" ay patuloy na nagre-replay sa utak ko na parang paulit-ulit na sampal. Limang taon. Limang taon kong tinitis ang sakit, ang mga pahiwatig ng pamilya niya, ang malamig niyang pakikitungo, at ang kawalan niya ng oras para sa akin, dahil pumapasok sa isip ko na baka ako nga ang may kasalanan. Baka ako nga ang kulang. Baka ako ang dahilan kung bakit hindi maging buo ang pamilyang matagal na niyang pinapangarap.Pero bakit nitong mga nakaraang buwan, tila mas lumala ang lahat? Bakit sa tuwing titingnan ko siya, wala na akong makitang kahit anong bahid ng lambing o pagpapahalaga?At ngayong gabi, may isang bagay na nagpalukso sa kaba ko.Ang telepono niya.Si Damian ay hindi k

  • Betrayed by Blood, Claimed by the Billionaire (SPG)   Kabanata 1

    Sandra's POVMatagal ko nang kabisado ang bawat tono ng boses ni Damian kapag galit siya, pero noong gabing iyon, tila mas matalim at mas nakakairita ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Nakatayo siya sa dulo ng kama namin, nakapamewang habang nakatitig sa akin na parang may ginawa akong napakalaking kasalanan. Bagong ligo siya, amoy mamahaling perfume at malamig na shower gel, pero ang init ng ulo niya ay halos magpapasabog na sa buong kwarto."Ganyan ka na naman, Sandra. Tititigan mo lang ako nang ganyan?" sigaw niya habang hinahawi ang buhok niya pabalik. "Limang taon na tayong kasal, Sandra! Limang taon! But until now, wala ka man lang maibigay sa akin kahit isang anak. My parents are asking me every single week. Ano na naman ang isasagot ko sa kanila? Na wala pa ring nangyayari kasi hindi ka makabuo?"Nakahawak ako nang mahigpit sa gilid ng duvet, pilit na pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko. "Nagsisikap naman tayo, Damian," mahinang sagot ko, ramdam ang bigat at s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status