Share

CHAPTER 8

Author: Mr. Yum
last update publish date: 2026-10-30 15:26:34

Chapter 8

MATAGAL na nakatitig si Armea sa dalawang mensaheng natanggap mula sa hindi kilalang numero. Ilang beses niya iyong binasa, umaasang baka may makuha siyang palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit bukod sa mga salitang nakasulat ay wala na siyang ibang impormasyon.

Your husband isn't the man you think he is.

Napabuntong-hininga siya bago muling tiningnan ang numero. Hindi niya iyon kilala. Wala rin naman siyang maalalang taong maaaring magpadala sa kaniya ng ganoong mensahe, maliban kay Ethan.

Lalo na't halos pareho lamang ang sinabi nito nang magpunta sa kaniyang café kanina. Ngunit bakit naman gagawin iyon ng dating nobyo? Hindi ba't masaya na ito sa piling ni Seraphina? Bakit kailangan pa nitong makialam sa buhay niya gayong wala na silang relasyon?

Napailing siya.

“Kung ikaw 'to, Ethan, napakababaw mo naman,” mahina niyang bulong.

Muli niyang binasa ang pangalawang mensahe.

“If you really want to know who Lucien Alexander Monteverde is, start by asking him about his past.”

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi.

Ang totoo, kahit wala ang mensaheng iyon ay marami na siyang gustong malaman tungkol sa kaniyang asawa.

Hindi pa rin niya nakakalimutan ang naging pag-uusap nila sa opisina nito noong unang beses silang magkita.

Ang lumang graduation photo.

Ang pag-amin nitong minsan niya itong tinulungan noong senior high school.

At higit sa lahat, ang sinabi nitong hindi siya kailanman nakalimutan.

Because I never forgot you.

Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin noon.

Kung totoong naging schoolmates sila, bakit hindi niya maalala ang lalaki? Hindi naman pangkaraniwan ang pangalan nitong Lucien Alexander Monteverde.

O baka naman iba ang pangalan nito noong nag-aaral pa sila?

Napakunot-noo siya.

Posible ba iyon? Hindi na niya naipagpatuloy ang pag-iisip nang biglang may kumatok sa kaniyang p***o.

“Armea?”

Agad siyang napatingin.

Si Lucien. Mabilis niyang pinatay ang screen ng cellphone bago tumayo.

“Sandali!”

Pagbukas niya ng p***o ay bumungad sa kaniya ang lalaki na nakasuot na ng kulay abong pambahay na damit. Bahagyang magulo ang buhok nito, na para bang kagagaling lamang sa pagligo.

Hindi niya maiwasang mapatitig. Iba talaga ang hitsura nito kapag wala ang pormal na suit na madalas nitong suotin.

Mas mukha itong ordinaryong lalaki kaysa sa kinatatakutang CEO na nakilala niya sa opisina.

“Is something wrong?” tanong ni Lucien.

Agad siyang napakurap.

“H-Ha? Wala naman. Bakit?”

“You look distracted.”

Napahawak siya sa kaniyang buhok.

“Pagod lang siguro.”

Sandaling tinitigan siya ng lalaki bago tumango.

“I see. I just wanted to check if you need anything.”

“Wala naman. Thank you.”

“Alright. Good night, Armea.”

“Good night.”

Akmang tatalikod na ito nang bigla siyang magsalita. “Lucien?”

Muling humarap ang lalaki. “Yes?”

Nag-alangan siya. Gusto niyang itanong ang tungkol sa mga mensahe. Ngunit naisip niyang baka kung ano pa ang isipin nito. Hindi naman niya alam kung sino ang nagpadala. At ayaw niyang magmukhang basta na lamang naniniwala sa mga sinasabi ng ibang tao.

“May itatanong sana ako.”

“Go ahead.”

Huminga siya nang malalim.

“Bakit hindi mo pa sinasabi sa akin kung paano talaga tayo nagkakilala noon?”

Sandaling natahimik si Lucien. Hindi niya alam kung bakit, ngunit tila may bahagyang pagbabago sa ekspresyon nito.

“Is that bothering you?”

“Hindi naman sa ganoon. Curious lang ako.”

“About what?”

“About you.”

Hindi agad nakasagot ang lalaki.

Napahiya naman siya nang mapagtanto ang kaniyang sinabi.

“I mean, tungkol sa past mo. Kasi sinabi mong schoolmates tayo, di ba? Pero hindi talaga kita maalala.”

Bahagyang ngumiti si Lucien.

“You don't have to force yourself to remember.”

“Pero unfair naman.”

“Unfair?”

“Oo. Ang dami mong alam tungkol sa akin, samantalang ako, halos wala akong alam tungkol sa iyo.”

Sandaling tinitigan siya ng lalaki.

“Then ask me anything.”

Napakurap siya.

“Anything?”

“Yes.”

“Okay. Ilang taon ka na?”

Bahagyang umangat ang kilay nito.

Napatawa siya.

“What? Sabi mo anything.”

“Thirty.”

“Thirty?” ulit niya.

“Yes. Is that a problem?”

“Hindi naman. Akala ko lang mas matanda ka.”

“Should I be offended?”

Agad siyang natawa.

“Hindi! I mean, dahil sa pagiging seryoso mo. Parang ang tanda mo na kung umasta.”

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang napangiti si Lucien.

“Noted.”

Napangiti rin siya.

“Okay, next question. May girlfriend ka na ba noon?”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng lalaki.

“No.”

“Never?”

“Never.”

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

“Seriously?”

“Is that surprising?”

“Medyo. I mean, guwapo ka naman, mayaman, successful. Imposibleng walang nagkagusto sa iyo.”

“Having someone interested in me doesn't mean I have to be interested in them.”

Napaisip siya. May punto naman ito.

“Then bakit hindi ka nag-girlfriend?”

Sandaling tumahimik ang lalaki.

“Because there was someone I couldn't forget.”

Hindi niya alam kung bakit biglang may kung anong kumirot sa kaniyang dibdib.

May mahal pala itong iba noon?

“Ah,” maikli niyang sagot.

Napansin iyon ni Lucien.

“Armea?”

“Hmm?”

“Are you okay?”

Agad siyang tumango.

“Of course. Bakit naman hindi?”

Ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang nawala ang gana niyang magtanong. Marahil ay dahil napagtanto niyang may sarili ring nakaraan ang lalaki.

At dahil contract marriage lamang ang mayroon sila, wala naman siyang karapatang magselos kung may iba itong minahal.

“Anyway, gabi na. Matulog ka na,” sabi niya.

Bahagyang kumunot ang noo ni Lucien.

“Are you sure you don't have any more questions?”

“Next time na lang.”

Hindi na ito nagpumilit.

“Alright. Good night.”

“Good night.”

Pagkasara niya ng p***o ay agad siyang napasandal doon. Napahawak siya sa kaniyang dibdib.

“Bakit ba parang ang weird ng pakiramdam ko?” bulong niya.

Hindi naman niya mahal si Lucien. Kaya bakit siya naapektuhan nang malaman niyang may babaeng hindi nito makalimutan? Napailing siya bago bumalik sa kama. Hindi niya dapat bigyan ng ibang kahulugan ang mga simpleng bagay.

Lalo na't kasunduan lamang ang dahilan kung bakit sila nagpakasal.

____

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    CHAPTER 8

    Chapter 8MATAGAL na nakatitig si Armea sa dalawang mensaheng natanggap mula sa hindi kilalang numero. Ilang beses niya iyong binasa, umaasang baka may makuha siyang palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit bukod sa mga salitang nakasulat ay wala na siyang ibang impormasyon.Your husband isn't the man you think he is.Napabuntong-hininga siya bago muling tiningnan ang numero. Hindi niya iyon kilala. Wala rin naman siyang maalalang taong maaaring magpadala sa kaniya ng ganoong mensahe, maliban kay Ethan.Lalo na't halos pareho lamang ang sinabi nito nang magpunta sa kaniyang café kanina. Ngunit bakit naman gagawin iyon ng dating nobyo? Hindi ba't masaya na ito sa piling ni Seraphina? Bakit kailangan pa nitong makialam sa buhay niya gayong wala na silang relasyon?Napailing siya.“Kung ikaw 'to, Ethan, napakababaw mo naman,” mahina niyang bulong.Muli niyang binasa ang pangalawang mensahe.“If you really want to know who Lucien Alexander Monteverde is, start by asking him about his p

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 7

    MAKALIPAS ang isang oras ay handa nang umalis si Armea papunta sa kaniyang café.Paglabas niya ng mansiyon ay nakita niyang naghihintay sa driveway ang isang itim na sasakyan. Nakatayo sa tabi nito si Mang Tony.“Good morning, Ma'am!”Napangiti siya. “Mang Tony! Kayo pala ang maghahatid sa akin?”“Opo. Si Sir Lucien na po ang nag-ayos.”Napakurap siya.“Si Lucien?”“Opo. Kinausap niya po ang Daddy ninyo para rito na po ako magtrabaho bilang driver ninyo.”Natigilan si Armea. Hindi niya inaasahan iyon. Si Mang Tony ang isa sa iilang taong naging mabuti sa kaniya sa mansiyon ng mga Alarcon. Simula pagkabata ay ito na ang madalas maghatid at magsundo sa kaniya.Kaya nang malaman niyang maaari pa rin niya itong makasama, hindi niya napigilang mapangiti.“Talaga po?”“Opo, Ma'am. At saka mas gusto ko rin pong dito na lang magtrabaho.”“Bakit naman po?”Bahagyang natawa ang matandang driver. “Mas mabait po kasi ang amo ko rito.”Hindi niya napigilang matawa. “Naku, Mang Tony!”Ngunit sa kab

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    CHAPTER 6

    CHAPTER 6 MAAGANG nagising si Armea dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa malaking bintana ng kaniyang silid. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang kisameng hindi pamilyar sa kaniya.Napakurap siya nang maalalang wala na pala siya sa mansiyon ng kaniyang ama. Nasa bahay na siya ng kaniyang asawa.Oo, Asawa.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya kay Lucien Alexander Monteverde. Isang lalaking halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ngunit ngayon ang magiging bahagi na ng kaniyang buhay.Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang bumangon. Hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Ngunit hindi rin niya maikakailang naninibago siya sa kaniyang bagong sitwasyon.Kahapon lamang ay isa siyang dalagang malayang umuuwi sa sariling bahay. Ngayon ay may asawa na siya at nakatira na sa isang mansiyong halos hindi niya kabisado ang bawat sulok.Napatingin siya sa kaniyang kaliwang kamay. Nandoon ang isang kumikinan

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 5

    MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang ialok ni Lucien Monteverde ang kasal kay Armea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang naging pag-uusap nila.Nakaupo siya sa loob ng kaniyang café habang paulit-ulit na binabasa ang marriage agreement na ipinadala ng abogado ni Lucien. Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan upang mailigtas ang pamana ng kaniyang ina, ngunit sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na tuluyang mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan nito, lalo lamang siyang nahihirapang tumanggi.Hindi niya mahal si Lucien. Sa katunayan, halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito maliban sa pagiging isang makapangyarihang negosyante. Ngunit sa kasalukuyan, ito lamang ang taong may kakayahang tumulong sa kaniya nang hindi niya kailangang lumapit sa kaniyang ama.Napabuntong-hininga siya bago tuluyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong ibinigay sa kaniya ng lalaki.KINABUKASAN, nagtungo

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 4

    Chapter 4Napalingon siya kay Lucien. “Ah, wala naman. It's just…” Muli niyang tiningnan ang litrato. “Parang pamilyar kasi ang school na 'to.”Tumango-tango lang ang lalaki, habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.“Dito rin po ba kayo nag-aral?”“Yes.”Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kumunot-noo siya, at hindi makapaniwala sa narinig.“Really? Anong year ka nag-graduate?”“Why?”“Wala lang. Kasi parang same school tayo.”Bahagyang ngumiti si Lucien.“I know.”Kumunot pa lalo ang kaniyang noo.“You know?”“Yes.”“Then… magkakilala na ba tayo noon?”Sandaling natahimik ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang ekspresyon nito. Kanina ay napakalamig at seryoso nitong kausap, ngunit ngayon ay tila may kung anong alaala itong binabalikan.“Lucien?”Muli itong tumingin sa kaniya.“Do you remember helping someone back in senior high school?”“Helping someone?”“Yes. Someone who had almost nothing back then.”Napaisip siya. Marami siyang nakilalang estudyante noong

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 3

    Chapter 3“Are you sure you don't want me to accompany you, Ma'am?”Napalingon si Armea sa driver na si Mang Tony habang inaayos ang strap ng kaniyang handbag.“It's okay, Mang Tony. Kaya ko na po. Dito na lang po kayo maghintay sa akin.”Tumango naman ito bago muling sumakay sa sasakyan.Bumuga muna siya ng malalim na hininga bago itinaas ang kaniyang tingin sa napakataas na gusaling nasa kaniyang harapan.MONTEVERDE GROUPHindi niya akalaing darating ang araw na personal niyang pupuntahan ang kumpanyang ito. Lalo na para makipag-usap sa lalaking nais ipakasal sa kaniya ng kaniyang ama.Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sunod-sunod na problemang dumating sa kaniyang buhay.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang ginawang pagtataksil nina Ethan at Seraphina.Tatlong taon. Tatlong taon niyang minahal ang lalaking iyon. Tatlong taon siyang naniwalang ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.Ngunit sa isang iglap ay naglaho ang lahat.At ngayon, heto siy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status