แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Mr. Yum
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-24 22:21:38

MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang ialok ni Lucien Monteverde ang kasal kay Armea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang naging pag-uusap nila.

Nakaupo siya sa loob ng kaniyang café habang paulit-ulit na binabasa ang marriage agreement na ipinadala ng abogado ni Lucien. Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan upang mailigtas ang pamana ng kaniyang ina, ngunit sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na tuluyang mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan nito, lalo lamang siyang nahihirapang tumanggi.

Hindi niya mahal si Lucien. Sa katunayan, halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito maliban sa pagiging isang makapangyarihang negosyante. Ngunit sa kasalukuyan, ito lamang ang taong may kakayahang tumulong sa kaniya nang hindi niya kailangang lumapit sa kaniyang ama.

Napabuntong-hininga siya bago tuluyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong ibinigay sa kaniya ng lalaki.

KINABUKASAN, nagtungo siya sa Monteverde Group upang personal na makipagkita kay Lucien.

Pagpasok niya sa opisina nito, agad niyang napansin ang ilang dokumentong nakahanda sa ibabaw ng mesa. Tila inaasahan na ng lalaki ang kaniyang pagdating at maging ang magiging desisyon niya.

"Have you made your decision, Miss Alarcon?" tanong ni Lucien habang inilalapag ang hawak nitong ballpen.

"Yes. I'll marry you."

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng lalaki. "Good."

"Pero may mga kondisyon ako," mabilis niyang dagdag.

Sumandal si Lucien sa kaniyang upuan. "I'm listening."

Huminga muna nang malalim si Armea bago inilabas ang maliit na papel na naglalaman ng kaniyang mga kondisyon.

"Una, ayokong pakialaman mo ang personal kong buhay. Hindi dahil magiging asawa mo ako ay kailangan ko nang humingi ng pahintulot sa lahat ng gagawin ko."

"Agreed."

"Pangalawa, mananatili sa akin ang café ko. Hindi mo iyon maaaring ipasara, ibenta, o pakialaman ang pamamalakad ko roon."

"Agreed."

"At pangatlo, hindi ako magiging sunud-sunuran sa iyo. Gusto kong fair and square tayo sa kasal na ito. Hindi mo ako maaaring tratuhing pag-aari mo dahil lamang tinulungan mo akong mailigtas ang negosyo ng mama ko."

"Anything else?"

Napakunot-noo si Armea. Hindi niya inaasahang ganoon lamang kadaling tatanggapin ng lalaki ang lahat ng kaniyang kondisyon.

"Wala ka bang balak kontrahin kahit isa non?"

"Why would I? You're asking for things that should already be yours."

Saglit siyang natigilan sa narinig.

"Pero mayroon din akong isang kondisyon," pagpapatuloy ni Lucien.

Agad siyang napatuwid ng upo. "Ano iyon?"

"Whatever happens between us, you cannot simply walk away from our marriage. If there's a problem, we talk about it first. No disappearing, no sudden decisions, and no divorce without discussing the reason."

"Teka, paano kung hindi na talaga tayo magkasundo?"

"Then we'll discuss it like adults."

Tinitigan siya ni Armea nang ilang sandali. Hindi niya maintindihan kung bakit iyon lamang ang hinihingi ng lalaki gayong maaari naman itong maglatag ng mas mahihirap na kondisyon.

"Fine. Basta hindi mo ako pipigilang umalis kung mayroon akong sapat na dahilan."

"I won't."

Matapos basahin muli ang kasunduan at tiyaking nakasaad ang kanilang napag-usapan, tuluyan nang lumagda si Armea.

Sa isang pirma lamang, nagbago ang direksiyon ng kaniyang buhay. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, ngunit wala na siyang balak umatras.

MAKALIPAS ang dalawang linggo, ginanap ang kasal nina Armea at Lucien sa isang eksklusibong garden venue na pagmamay-ari ng pamilya Monteverde.

Simple lamang ang seremonya, ngunit kapansin-pansin ang karangyaan ng lugar. Napapalibutan ito ng mga puting bulaklak at mamahaling dekorasyon, habang mahigpit na binabantayan ng mga security personnel ang bawat pasukan.

Ilang malalapit na kakilala, piling negosyante, at miyembro lamang ng kanilang pamilya ang dumalo.

Habang nakatayo sa harap ng salamin, tahimik na pinagmasdan ni Armea ang sariling repleksiyon.

Suot niya ang isang simpleng puting wedding gown na may mahabang manggas at simple ngunit eleganteng design. Hindi niya hiniling ang magarbong kasal, kaya nagulat siya nang malaman niyang personal na pinili ni Lucien ang ilang detalye ng seremonya.

"Miss Armea, ready na po tayo," paalala ng wedding coordinator. Tumango siya bago muling huminga nang malalim.

Ilang sandali pa, nagsimula na ang seremonya. Sa dulo ng aisle ay naghihintay si Lucien, suot ang isang itim na tuxedo. Tahimik lamang itong nakatayo, ngunit hindi maikakailang sa kaniya nakatuon ang atensiyon ng karamihan. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang ngumiti ang lalaki. Hindi alam ni Armea kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Marahil ay dahil sa kaba. O dahil ngayon lamang niya lubos na napagtantong ikakasal siya sa isang lalaking halos estranghero pa rin sa kaniya. Naging maayos ang seremonya. Matapos nilang bigkasin ang kanilang mga panata at magpalitan ng singsing, opisyal na silang idineklarang mag-asawa.

Ngunit sa gitna ng masayang palakpakan ng mga bisita, may dalawang taong hindi natutuwa sa nangyayari.

Sina Ethan at Seraphina. Mahigpit ang pagkakahawak ni Seraphina sa baso ng champagne habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid.

Hindi niya matanggap ang nakikita.

Si Armea, ang babaeng palagi niyang minamaliit at inaagawan ng mga bagay, ay nakatayo ngayon sa tabi ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa.

Ang mas masakit pa sa kaniyang kalooban nang makita kung gaano kaingat na inalalayan ni Lucien ang bagong asawa habang bumababa sila sa maliit na entablado.

"Unbelievable," bulong niya.

"Ano na naman?" tanong ni Ethan na nasa tabi lamang ng dalaga.

"Look at her. Akala mo kung sinong prinsesa."

Hindi sumagot si Ethan. Sa halip, nanatili lamang ang tingin nito kay Armea. Napansin iyon ni Seraphina at agad na sumama ang mukha.

"Don't tell me nagsisisi ka na ngayon."

"Stop it, Seraphina."

Lalong kumulo ang dugo ng dalaga.

Hindi sapat na nakuha na niya si Ethan mula kay Armea. Ngayong nakikita niyang mas maganda ang naging kapalaran ng kaniyang kapatid, pakiramdam niya ay siya naman ang natalo.

At iyon ang isang bagay na hindi niya kayang tanggapin. Kaya nang magsimula ang reception, sinadya niyang lapitan ang bagong kasal.

"Congratulations, Ate!" masiglang bati niya, sapat ang lakas ng boses upang marinig ng mga bisitang malapit sa kanila. Bahagyang nanigas ang mukha ni Armea nang makita ang kapatid.

"Thank you."

"Grabe, ha! Ang bilis mong naka-move on. Parang kailan lang, iyak ka nang iyak dahil kay Ethan. Tapos ngayon, married ka na agad sa isang billionaire!"

Napalingon ang ilang bisita. Ngumiti si Seraphina na para bang wala siyang masamang intensiyon.

"Well, sabagay, understandable naman. Kung ganito kayaman ang magiging asawa ko, baka makalimutan ko rin agad ang ex ko."

"Seraphina," mariing sambit ni Armea.

"What? I'm just happy for you, Ate." Nagkibit-balikat ito. "Sana lang hindi isipin ng iba na nagpakasal ka dahil gusto mong patunayang mas magaling ka sa amin ni Ethan."

Naramdaman ni Armea ang unti-unting pag-init ng kaniyang mukha.

Handa na sana siyang sagutin ang kapatid nang biglang may braso na pumulupot sa kaniyang baywang.

"Is there a problem here?"

Napalingon si Seraphina.

Nakatayo na sa tabi ni Armea si Lucien. Kalmado ang mukha nito, ngunit malamig ang kaniyang mga mata.

"Of course not, Lucien! We're just talking about Ate's past."

"Then I suggest you leave it in the past."

Natigilan si Seraphina.

"Excuse me?"

"My wife doesn't need to explain her previous relationship to anyone. Especially not on our wedding day."

"Pero hindi naman sa ganoon—"

"And one more thing." Bahagyang humigpit ang pagkakayakap ni Lucien sa baywang ni Armea. "I don't appreciate anyone humiliating my wife in front of my guests."

Tuluyang nawala ang ngiti sa mukha ni Seraphina.

"She's my sister."

"Then you should know better than to disrespect her."

Natahimik ang mga taong nakarinig.

Maging si Ethan ay hindi nakapagsalita nang lumapit ito upang sunduin si Seraphina.

Samantala, hindi makapaniwala si Armea sa nangyari. Sanay siyang siya lamang ang nagtatanggol sa sarili tuwing pinagtutulungan siya ng kaniyang pamilya. Kaya ngayon, hindi niya alam kung paano tutugon sa isang lalaking walang pag-aalinlangang ipinagtanggol siya sa harap ng maraming tao.

"Are you okay?" mahinang tanong ni Lucien.

Tumango siya. "Yes. Thank you."

"You don't have to thank me for protecting my wife."

Hindi na nakasagot si Armea.

Ngunit sa unang pagkakataon, naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa.

KINAGABIHAN matapos ang kasal, dinala ni Lucien si Armea sa mansiyon nito.

Napakalawak ng lugar. Mula sa mataas na gate hanggang sa mahabang driveway, halatang hindi ordinaryong tahanan ang kaniyang lilipatan.

Pagpasok nila, sinalubong sila ng mga kasambahay.

"Welcome home, Madam," sabay-sabay na bati ng mga ito.

Hindi komportableng ngumiti si Armea.

"Armea na lang po. Hindi naman kailangang Madam ang itawag ninyo sa akin."

Bahagyang napangiti si Lucien sa kaniyang narinig.

Matapos silang salubungin, personal siyang inihatid ng lalaki sa ikalawang palapag.

"This will be your room."

Pagbukas ng p***o, bumungad sa kaniya ang isang malawak na silid na may sariling banyo, walk-in closet, at balkonahe.

"Wait. My room?" tanong niya.

"Yes."

"Hindi ba tayo..."

Napahinto siya nang mapagtantong baka mali ang pagkakaintindi ng lalaki.

Bahagyang umangat ang kilay ni Lucien.

"Expecting us to share a bed, Mrs. Monteverde?"

Agad na namula ang mukha niya.

"No! Of course not! I mean, akala ko lang dahil kasal tayo—"

"I'm just teasing you."

Lalong napahiya si Armea.

"You have your own room. You can decorate it however you want. And no one will enter without your permission."

"Even you?"

"Especially me."

Saglit niya itong tinitigan.

"At iyong café ko?"

"Still yours. You can continue running it."

"Puwede pa rin akong umalis kahit kailan?"

"Of course. Just let the driver know if you need a ride."

Napakurap siya. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging buhay matapos pakasalan ang isang bilyonaryo.

Inakala niyang magkakaroon siya ng mahigpit na iskedyul, maraming bawal, at mga obligasyong hindi niya maaaring tanggihan.

Ngunit kabaligtaran ang nangyayari.

"Lucien?"

"Hmm?"

"Are you sure you don't want anything else from me?"

Sandaling tumahimik ang lalaki bago siya tiningnan nang diretso.

"For now, I just want you to feel safe here."

May kung anong kakaibang damdaming gumapang sa dibdib ni Armea. Hindi niya alam kung bakit, ngunit tila mas lalo siyang nahihirapang unawain ang lalaking pinakasalan niya.

___

SAMANTALA, hindi naging mapayapa ang mga sumunod na araw para kay Seraphina.

Halos araw-araw niyang nakikita sa social media ang mga balitang tungkol sa kasal nina Lucien at Armea.

Bagama't pribado ang seremonya, mabilis na kumalat sa business circles ang balitang nagpakasal ang makapangyarihang CEO ng Monteverde Group. Lalo siyang nainis nang makita ang isang litrato ni Armea na bumababa mula sa mamahaling sasakyan habang maingat na inaalalayan ni Lucien.

"She's not even that pretty!" naiinis niyang sambit habang ibinabagsak ang cellphone sa sofa.

"Ano na naman ang problema mo?" tanong ni Ethan.

"Look at this! Kung makaalalay si Lucien kay Armea, akala mo napakahalaga niyang babae!"

"She's his wife, Seraphina."

"So?"

"So, natural lang na ganoon ang trato niya."

Hindi nagustuhan ni Seraphina ang sagot nito. "Are you defending her now?"

"I'm just stating the obvious."

Napailing siya bago tumayo. Sa loob ng maraming taon, nasanay siyang nakukuha ang anumang mayroon si Armea.

Mula sa atensiyon ng kanilang ama hanggang sa mga bagay na dapat sana ay para sa kapatid, palagi niyang sinisigurong siya ang mas pinapaboran. Maging si Ethan ay nagawa niyang agawin. Ngunit ngayon, tila binaligtad ang kanilang sitwasyon.

Si Armea ang nakatira sa mansiyon, pinagsisilbihan ng mga kasambahay, at tinatratong prinsesa ng isang makapangyarihang lalaki.

Samantalang siya, nananatiling nobya ng lalaking hindi man lamang kaya

ng pantayan ang yaman ni Lucien.

Hindi iyon patas para sa kaniya.

At lalong hindi niya matatanggap na si Armea ang mas nakaaangat ngayon.

Kaya isang plano ang nabuo sa kaniyang isip. Kung nagawa niyang agawin si Ethan, bakit hindi niya subukang agawin si Lucien?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    CHAPTER 8

    Chapter 8MATAGAL na nakatitig si Armea sa dalawang mensaheng natanggap mula sa hindi kilalang numero. Ilang beses niya iyong binasa, umaasang baka may makuha siyang palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit bukod sa mga salitang nakasulat ay wala na siyang ibang impormasyon.Your husband isn't the man you think he is.Napabuntong-hininga siya bago muling tiningnan ang numero. Hindi niya iyon kilala. Wala rin naman siyang maalalang taong maaaring magpadala sa kaniya ng ganoong mensahe, maliban kay Ethan.Lalo na't halos pareho lamang ang sinabi nito nang magpunta sa kaniyang café kanina. Ngunit bakit naman gagawin iyon ng dating nobyo? Hindi ba't masaya na ito sa piling ni Seraphina? Bakit kailangan pa nitong makialam sa buhay niya gayong wala na silang relasyon?Napailing siya.“Kung ikaw 'to, Ethan, napakababaw mo naman,” mahina niyang bulong.Muli niyang binasa ang pangalawang mensahe.“If you really want to know who Lucien Alexander Monteverde is, start by asking him about his p

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 7

    MAKALIPAS ang isang oras ay handa nang umalis si Armea papunta sa kaniyang café.Paglabas niya ng mansiyon ay nakita niyang naghihintay sa driveway ang isang itim na sasakyan. Nakatayo sa tabi nito si Mang Tony.“Good morning, Ma'am!”Napangiti siya. “Mang Tony! Kayo pala ang maghahatid sa akin?”“Opo. Si Sir Lucien na po ang nag-ayos.”Napakurap siya.“Si Lucien?”“Opo. Kinausap niya po ang Daddy ninyo para rito na po ako magtrabaho bilang driver ninyo.”Natigilan si Armea. Hindi niya inaasahan iyon. Si Mang Tony ang isa sa iilang taong naging mabuti sa kaniya sa mansiyon ng mga Alarcon. Simula pagkabata ay ito na ang madalas maghatid at magsundo sa kaniya.Kaya nang malaman niyang maaari pa rin niya itong makasama, hindi niya napigilang mapangiti.“Talaga po?”“Opo, Ma'am. At saka mas gusto ko rin pong dito na lang magtrabaho.”“Bakit naman po?”Bahagyang natawa ang matandang driver. “Mas mabait po kasi ang amo ko rito.”Hindi niya napigilang matawa. “Naku, Mang Tony!”Ngunit sa kab

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    CHAPTER 6

    CHAPTER 6 MAAGANG nagising si Armea dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa malaking bintana ng kaniyang silid. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang kisameng hindi pamilyar sa kaniya.Napakurap siya nang maalalang wala na pala siya sa mansiyon ng kaniyang ama. Nasa bahay na siya ng kaniyang asawa.Oo, Asawa.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya kay Lucien Alexander Monteverde. Isang lalaking halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ngunit ngayon ang magiging bahagi na ng kaniyang buhay.Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang bumangon. Hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Ngunit hindi rin niya maikakailang naninibago siya sa kaniyang bagong sitwasyon.Kahapon lamang ay isa siyang dalagang malayang umuuwi sa sariling bahay. Ngayon ay may asawa na siya at nakatira na sa isang mansiyong halos hindi niya kabisado ang bawat sulok.Napatingin siya sa kaniyang kaliwang kamay. Nandoon ang isang kumikinan

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 5

    MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang ialok ni Lucien Monteverde ang kasal kay Armea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang naging pag-uusap nila.Nakaupo siya sa loob ng kaniyang café habang paulit-ulit na binabasa ang marriage agreement na ipinadala ng abogado ni Lucien. Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan upang mailigtas ang pamana ng kaniyang ina, ngunit sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na tuluyang mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan nito, lalo lamang siyang nahihirapang tumanggi.Hindi niya mahal si Lucien. Sa katunayan, halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito maliban sa pagiging isang makapangyarihang negosyante. Ngunit sa kasalukuyan, ito lamang ang taong may kakayahang tumulong sa kaniya nang hindi niya kailangang lumapit sa kaniyang ama.Napabuntong-hininga siya bago tuluyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong ibinigay sa kaniya ng lalaki.KINABUKASAN, nagtungo

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 4

    Chapter 4Napalingon siya kay Lucien. “Ah, wala naman. It's just…” Muli niyang tiningnan ang litrato. “Parang pamilyar kasi ang school na 'to.”Tumango-tango lang ang lalaki, habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.“Dito rin po ba kayo nag-aral?”“Yes.”Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kumunot-noo siya, at hindi makapaniwala sa narinig.“Really? Anong year ka nag-graduate?”“Why?”“Wala lang. Kasi parang same school tayo.”Bahagyang ngumiti si Lucien.“I know.”Kumunot pa lalo ang kaniyang noo.“You know?”“Yes.”“Then… magkakilala na ba tayo noon?”Sandaling natahimik ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang ekspresyon nito. Kanina ay napakalamig at seryoso nitong kausap, ngunit ngayon ay tila may kung anong alaala itong binabalikan.“Lucien?”Muli itong tumingin sa kaniya.“Do you remember helping someone back in senior high school?”“Helping someone?”“Yes. Someone who had almost nothing back then.”Napaisip siya. Marami siyang nakilalang estudyante noong

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 3

    Chapter 3“Are you sure you don't want me to accompany you, Ma'am?”Napalingon si Armea sa driver na si Mang Tony habang inaayos ang strap ng kaniyang handbag.“It's okay, Mang Tony. Kaya ko na po. Dito na lang po kayo maghintay sa akin.”Tumango naman ito bago muling sumakay sa sasakyan.Bumuga muna siya ng malalim na hininga bago itinaas ang kaniyang tingin sa napakataas na gusaling nasa kaniyang harapan.MONTEVERDE GROUPHindi niya akalaing darating ang araw na personal niyang pupuntahan ang kumpanyang ito. Lalo na para makipag-usap sa lalaking nais ipakasal sa kaniya ng kaniyang ama.Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sunod-sunod na problemang dumating sa kaniyang buhay.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang ginawang pagtataksil nina Ethan at Seraphina.Tatlong taon. Tatlong taon niyang minahal ang lalaking iyon. Tatlong taon siyang naniwalang ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.Ngunit sa isang iglap ay naglaho ang lahat.At ngayon, heto siy

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status