เข้าสู่ระบบChapter 3
“Are you sure you don't want me to accompany you, Ma'am?”
Napalingon si Armea sa driver na si Mang Tony habang inaayos ang strap ng kaniyang handbag.
“It's okay, Mang Tony. Kaya ko na po. Dito na lang po kayo maghintay sa akin.”
Tumango naman ito bago muling sumakay sa sasakyan.
Bumuga muna siya ng malalim na hininga bago itinaas ang kaniyang tingin sa napakataas na gusaling nasa kaniyang harapan.
MONTEVERDE GROUP
Hindi niya akalaing darating ang araw na personal niyang pupuntahan ang kumpanyang ito. Lalo na para makipag-usap sa lalaking nais ipakasal sa kaniya ng kaniyang ama.
Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sunod-sunod na problemang dumating sa kaniyang buhay.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang ginawang pagtataksil nina Ethan at Seraphina.
Tatlong taon. Tatlong taon niyang minahal ang lalaking iyon. Tatlong taon siyang naniwalang ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.
Ngunit sa isang iglap ay naglaho ang lahat.
At ngayon, heto siya. Nakatayo sa harap ng kumpanyang pagmamay-ari ng isang lalaking hindi niya kilala upang tanggihan ang kasal na gusto ng kaniyang ama. Hindi siya papayag na basta na lamang ipagpalit ang kaniyang kalayaan para sa kapakanan ng kumpanya.
Kailangan may ibang paraan. Pagpasok niya sa gusali ay agad siyang sinalubong ng malamig na hanging nagmumula sa air conditioner. Napakalawak ng lobby at halos lahat ng empleyadong nakakasalubong niya ay nakasuot ng pormal na damit.
Lumapit siya sa reception area kung saan nakaupo ang isang magandang babae.
“Good morning, Ma'am. How may I help you?” magalang nitong bati.
“Good morning. I'm Armea Alarcon. I would like to speak with Mr. Lucien Alexander Monteverde.”
“Do you have an appointment, Ma'am?”
Bahagya siyang napakagat sa kaniyang ibabang labi.
“Actually, wala. Pero importante lang talaga ang kailangan naming pag-usapan. Is there any way na puwede ko siyang makausap kahit sandali?”
“I'm sorry, Ma'am, but Mr. Monteverde doesn't entertain visitors without an appointment.”
Napabuntong-hininga siya.
Inaasahan na niyang hindi ganoon kadaling makausap ang isang bilyonaryo. Ngunit hindi naman siya puwedeng basta na lamang umuwi nang hindi sinusubukan.
“Please? Kahit five minutes lang. Sabihin mo na lang na si Armea Alarcon ang naghahanap sa kaniya.”
Sandaling nag-alangan ang receptionist bago nito kinuha ang telepono.
“Just a moment, Ma'am.”
Tumango siya. Habang naghihintay ay hindi niya maiwasang mapatingin sa malaking logo ng kumpanya na anakapaskil sa dingding.
Ilang beses na niyang narinig ang pangalan ng Monteverde Group. Isa ito sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa at kilala rin ang pamilya Monteverde sa kanilang mga negosyo.
Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit kailangang makipagkasundo ng isang napakayamang pamilya sa mga Alarcon.
Lalo na kung kasal ang magiging kapalit.
“Ma'am Alarcon?”
Agad siyang napalingon sa receptionist.
“Yes?”
“You may proceed to the executive floor. Someone will accompany you.”
Napakurap siya. Akala niya ay kailangan pa niyang maghintay nang matagal bago siya payagang makapasok.
“Thank you.”
Ilang sandali pa ay isang babaeng nakasuot ng black blazer ang lumapit sa kaniya.
“Good morning, Miss Alarcon. I'm Cassandra, Mr. Monteverde's executive secretary. Please follow me.”
Tahimik siyang sumunod dito hanggang sa makarating sila sa elevator.
“Busy po ba si Mr. Monteverde?” tanong niya habang naghihintay na makarating sa kanilang palapag.
“Yes, Miss Alarcon. Actually, he has a meeting this morning.”
Napakunot ang kaniyang noo.
“Then baka nakakaistorbo ako?”
Bahagyang ngumiti si Cassandra.
“Don't worry, Ma'am. Mr. Monteverde specifically instructed me to accommodate you.”
Lalo siyang nagtaka. Paano nito nalaman na darating siya? Hindi naman siya tumawag upang magpa-appointment. Ngunit hindi na niya iyon tinanong.
Pagkabukas ng elevator ay bumungad sa kaniya ang isang napakalawak at eleganteng hallway. Halos wala siyang marinig na ingay maliban sa kanilang mga yabag. Huminto sila sa harap ng isang malaking p***o.
“Mr. Monteverde is waiting for you inside.”
“Thank you.”
Bahagyang tumango si Cassandra bago siya iniwan.
Muling huminga nang malalim si Armea.
“You can do this, Armea.”
Hindi siya pumunta rito upang makipag-away. Kailangan lamang niyang ipaliwanag na hindi kasal ang tanging solusyon sa problema ng kanilang pamilya.
Tatlong beses siyang kumatok bago niya narinig ang isang malalim na boses mula sa loob.
“Come in.”
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura.
At nang tuluyang bumukas ang p***o ay agad niyang nakita ang isang lalaking nakaupo sa likod ng napakalaking executive desk. Nakasuot ito ng itim na suit na bumagay sa malapad nitong balikat. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok at seryosong nakatingin sa dokumentong hawak nito.
Hindi niya maikakailang napakaguwapo ng lalaki.
Matangos ang ilong, makapal ang kilay at may matalim na pares ng mga matang tila kayang basahin ang iniisip ng sinumang kaharap nito.
Ngunit higit sa pisikal na anyo, ang malamig nitong presensya ang agad niyang napansin.
“Miss Alarcon.”
Napakurap siya nang marinig ang pangalan niya.nDahan-dahang ibinaba ng lalaki ang dokumentong hawak bago tumingin sa kaniya.
“Have a seat.”
“Good morning, Mr. Monteverde.”
“Good morning, Armea.”
Bahagya siyang natigilan.
Hindi niya alam kung bakit parang napakapamilyar ng paraan ng pagbigkas nito sa kaniyang pangalan.
Ngunit agad niyang binalewala ang kakaibang pakiramdam. Lumapit siya sa upuang nasa tapat ng mesa at maingat na umupo.
“I'm sorry kung bigla na lang akong pumunta rito without an appointment. Alam kong busy kayo, pero may importante lang talaga akong gustong pag-usapan.”
“I know.”
Napakunot ang kaniyang noo.
“You know?”
“It's about our marriage, isn't it?”
Natigilan siya. “Actually, yes. Pero paano n'yo nalaman?”
Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip ay kinuha nito ang isang folder sa ibabaw ng mesa.
“Before that, how's your café?”
Napakurap siya.
“My café?”
“Yes. The one you've been managing for almost two years.”
Hindi niya napigilang mapatuwid ng upo.
“P-Paano n'yo nalaman na may café ako?”
“Is that supposed to be a secret?”
“Hindi naman. Pero hindi ko lang inaasahang alam n'yo iyon.”
Bahagyang tumango ang lalaki.
“And your mother's shares? Have you already checked their current status?”
Lalo siyang natigilan.
“What?”
“Your father has been using some of the company's assets to secure loans. At kung hindi maaayos ang financial problems ng Alarcon Group, maaaring maapektuhan ang shares na iniwan sa 'yo ng iyong ina.”
Nanlaki ang kaniyang mga mata.
“P-Paano n'yo nalaman ang lahat ng iyan?”
“Business, Armea. I don't enter into an agreement without knowing what I'm dealing with.”
Mahigpit siyang napahawak sa sling ng kaniyang handbag. Hindi niya inaasahang ganoon karami ang alam ng lalaki tungkol sa kaniyang buhay.
Maging ang tungkol sa café na siya mismo ang nagtatag gamit ang kaniyang sariling ipon ay alam nito.
“Did my father tell you all of that?”
“Some of it.”
“Then saan n'yo nalaman ang iba?”
“Does it matter?”
“Yes, it does. Dahil hindi naman tayo magkakilala, Mr. Monteverde.”
Sandali siyang tinitigan ng lalaki bago bahagyang ngumiti.
“Are you sure about that?”
Napakunot ang kaniyang noo.
“Excuse me?”
“Nothing. You said you wanted to discuss something important. I'm listening.”
Hindi niya maintindihan kung bakit parang may ibang kahulugan ang mga sinasabi nito. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit siya naroon.
“Mr. Monteverde, I'll be straightforward with you. I came here because I want to talk about the marriage arrangement between our families.”
“Go on.”
“Alam kong pumayag kayong tulungan ang kumpanya namin. At nagpapasalamat ako roon. Pero gusto ko sanang malaman kung may ibang paraan para maisalba ang negosyo bukod sa pagpapakasal natin.”
Tahimik lamang itong nakatingin sa kaniya.
“I'm willing to work,” pagpapatuloy niya. “Puwede akong magbayad nang paunti-unti kung kinakailangan. May sarili akong café at kahit hindi ganoon kalaki ang kinikita ko, handa akong gumawa ng paraan.”
“And how long do you think it would take you to pay off your father's debts?”
Natigilan siya.
“Hindi ko pa po alam ang exact amount, pero—”
“Hundreds of millions, Armea.”
Nanlaki ang kaniyang mga mata.
“W-What?”
“Your father's company is drowning in debt. Even if you sell your café and work for the rest of your life, it won't be enough.”
Hindi siya agad nakapagsalita. Alam niyang malaki ang problema ng kanilang kumpanya, ngunit hindi niya inakalang ganoon kalaki ang perang kailangan.
“Then maybe we can arrange a business partnership,” mungkahi niya. “Or an investment agreement. Hindi naman siguro kailangang kasal agad ang maging kapalit.”
Sumandal si Lucien sa kaniyang upuan habang nananatiling nakatitig sa kaniya.
“That's possible.”
Agad na lumiwanag ang kaniyang mukha.
“Really?”
“Yes. But I'm not interested.”
Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.
“B-Bakit?”
“Because I don't want a business partnership with your father.”
“Then what do you want?”
“You.”
Parang may kung anong bumagsak sa kaniyang dibdib. “E-Excuse me?”
“I want you to become my wife.”
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. “Mr. Monteverde, hindi ko po alam kung anong sinabi sa inyo ng Daddy ko, pero—”
“Your father didn't offer you to me, Armea.”
Natigilan siya.
“What?”
“I was the one who requested this marriage.”
Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang narinig.
“K-Kayo?”
“Yes.”
“Pero bakit?”
“Because I want to marry you.”
“That's not an answer!”
Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki.
Agad siyang napakagat sa kaniyang labi nang mapagtantong napalakas ang kaniyang boses.
“I'm sorry. Pero hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman tayo magkakilala. Bakit ako ang gusto n'yong pakasalan?”
“Do I need a reason?”
“Of course! Marriage is not a game, Mr. Monteverde! Hindi naman puwedeng dahil gusto n'yo lang ay magpapakasal na tayo!”
Sandaling natahimik ang lalaki.
Pagkatapos ay kinuha nito ang isang folder mula sa drawer at inilapag sa kaniyang harapan.
“Then let's make an agreement.”
Napatingin siya sa folder.
“Anong klaseng agreement?”
“A marriage contract.”
Napakurap siya.
“Contract marriage?”
“Exactly.”
Dahan-dahan niyang binuksan ang folder.
Nandoon ang ilang dokumentong naglalaman ng mga kondisyon na kailangan nilang sundin sakaling pumayag siya sa kasal.
“First,” panimula ni Lucien. “Your café will remain yours. I won't interfere with your business, and I won't ask you to give it up.”
Napatingin siya rito.
“P-Pati iyon?”
“Yes. I know how important that café is to you.”
Hindi niya alam kung bakit biglang may kakaibang pakiramdam na gumapang sa kaniyang dibdib.
Totoong mahalaga sa kaniya ang café.
Iyon lamang ang bagay na masasabi niyang talagang kaniya. Isang negosyong itinayo niya nang walang tulong mula sa kaniyang ama.
“Second,” pagpapatuloy nito. “I won't interfere with your personal decisions. You can continue working, meet your friends, and do whatever you want as long as it doesn't violate our agreement.”
“And the third?”
“I won't force you to have an intimate relationship with me.”
Biglang uminit ang kaniyang magkabilang pisngi.
“W-What?”
“You heard me.”
“Pero bakit kailangan pang ilagay iyon?”
“Because I don't want you to think that marrying me means you have to surrender your body.”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
Kagabi lamang ay sinisi siya ni Ethan dahil hindi niya ibinigay ang kaniyang pagkabirhen. At ngayon, ang lalaking halos hindi niya kilala ay kusang nagsasabing hindi siya pipiliting gawin ang bagay na iyon.
Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. “Then what's in it for you?” tanong niya pagkaraan ng ilang sandali. “Kung wala naman kayong balak na pakialaman ang buhay ko, bakit kailangan n'yo pa akong pakasalan?”
“That's my concern.”
“Pero magiging asawa n'yo ako. I think I have the right to know.”
“You do. But not everything has to be explained today.”
Napabuntong-hininga siya.
Hindi niya alam kung maiinis ba siya o magtataka sa lalaking ito.
Napakadiretso nitong magsalita, ngunit sa tuwing tinatanong niya ang tunay nitong dahilan ay tila umiiwas ito.
“What about my mother's shares?” muli niyang tanong.
“I'll make sure they're protected. At kung may mga shares na nailipat o nagamit nang walang pahintulot mo, tutulungan kitang mabawi ang mga iyon through the proper legal process.”
“Talaga?”
“Yes.”
“Even if my father is involved?”
“Even if your father is involved.”
Napayuko siya.
Sa unang pagkakataon mula nang malaman niya ang tungkol sa problema ng kanilang kumpanya ay nakaramdam siya ng kaunting pag-asa.
Ngunit kasabay noon ay ang takot.
Paano kung may kapalit pala ang lahat ng ito? Paano kung pagkatapos ng kasal ay magbago ang isip ng lalaki?
“Mr. Monteverde…”
“Lucien.”
Napatingin siya rito.
“What?”
“Call me Lucien. We're discussing marriage, Armea. I think it's unnecessary for you to keep calling me Mr. Monteverde.”
Bahagya siyang napalunok.
“Okay… L-Lucien.”
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay tila lumambot ang ekspresyon ng lalaki nang marinig ang pangalan nito mula sa kaniyang bibig.
Ngunit saglit lamang iyon.
“May gusto lang akong linawin,” sabi niya.
“I'm listening.”
“Kung sakaling pumayag ako sa kasal, hindi ibig sabihin noon na pag-aari mo na ako. Hindi ako magpapasakop sa isang lalaking iniisip na puwede niyang kontrolin ang buong buhay ko dahil lang sa asawa niya ako.”
Hindi agad sumagot si Lucien.
Sa halip ay matagal lamang siyang tinitigan nito.
“Good.”
Napakunot ang kaniyang noo.
“Good?”
“Yes. I don't want a wife who can't make her own decisions.”
Hindi niya inaasahan ang sagot na iyon.
“Then you won't have a problem with me saying no?”
“Of course not.”
“Even if I decide not to marry you?”
Sandaling natahimik ang lalaki.
“If that's your final decision, I won't force you.”
Hindi niya alam kung bakit tila may bahagyang lungkot na dumaan sa mga mata nito. Ngunit bago pa niya iyon masuri ay muli na itong nagsalita.
“Just make sure you've considered everything before making that decision.”
Napatingin siya sa kontratang nasa kaniyang harapan. Maraming bagay ang kailangan niyang pag-isipan.
Ang pamana ng kaniyang ina.nAng kumpanyang unti-unting nalulubog sa utang.
At ang lalaking nasa kaniyang harapan na handang tumulong kapalit ng isang kasal.
“Can I have some time to think about it?”
“Take your time.”
“Hindi n'yo po ba kailangang malaman agad ang sagot ko?”
“I can wait.”
Hindi niya alam kung bakit tila may ibang kahulugan ang tatlong salitang iyon.
Ngunit hindi na niya iyon pinansin.
“Thank you, Lucien.”
Bahagyang tumango ang lalaki. Tumayo na siya at inayos ang kaniyang handbag.
“Then I'll contact you once I've made my decision.”
“I'll be expecting your call.”
Tumango siya bago tuluyang tumalikod. Ngunit bago pa man siya makarating sa p***o ay may isang bagay na nakakuha ng kaniyang atensyon.
Isang lumang litrato na nakalagay sa maliit na pic
ture frame sa gilid ng mesa.
Hindi niya sana iyon papansinin, ngunit nang makita niya ang pamilyar na uniporme ng mga estudyanteng nasa larawan ay kusa siyang napahinto.
Sandali siyang napakunot ng noo.
Parang pamilyar ang lugar na iyon.
Dahan-dahan siyang lumapit upang mas malinaw na makita ang litrato.
Isa iyong senior high school graduation photo. At ang mas nakapagtataka, pamilyar sa kaniya ang paaralang nasa background.
“Is something wrong?”
Chapter 8MATAGAL na nakatitig si Armea sa dalawang mensaheng natanggap mula sa hindi kilalang numero. Ilang beses niya iyong binasa, umaasang baka may makuha siyang palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit bukod sa mga salitang nakasulat ay wala na siyang ibang impormasyon.Your husband isn't the man you think he is.Napabuntong-hininga siya bago muling tiningnan ang numero. Hindi niya iyon kilala. Wala rin naman siyang maalalang taong maaaring magpadala sa kaniya ng ganoong mensahe, maliban kay Ethan.Lalo na't halos pareho lamang ang sinabi nito nang magpunta sa kaniyang café kanina. Ngunit bakit naman gagawin iyon ng dating nobyo? Hindi ba't masaya na ito sa piling ni Seraphina? Bakit kailangan pa nitong makialam sa buhay niya gayong wala na silang relasyon?Napailing siya.“Kung ikaw 'to, Ethan, napakababaw mo naman,” mahina niyang bulong.Muli niyang binasa ang pangalawang mensahe.“If you really want to know who Lucien Alexander Monteverde is, start by asking him about his p
MAKALIPAS ang isang oras ay handa nang umalis si Armea papunta sa kaniyang café.Paglabas niya ng mansiyon ay nakita niyang naghihintay sa driveway ang isang itim na sasakyan. Nakatayo sa tabi nito si Mang Tony.“Good morning, Ma'am!”Napangiti siya. “Mang Tony! Kayo pala ang maghahatid sa akin?”“Opo. Si Sir Lucien na po ang nag-ayos.”Napakurap siya.“Si Lucien?”“Opo. Kinausap niya po ang Daddy ninyo para rito na po ako magtrabaho bilang driver ninyo.”Natigilan si Armea. Hindi niya inaasahan iyon. Si Mang Tony ang isa sa iilang taong naging mabuti sa kaniya sa mansiyon ng mga Alarcon. Simula pagkabata ay ito na ang madalas maghatid at magsundo sa kaniya.Kaya nang malaman niyang maaari pa rin niya itong makasama, hindi niya napigilang mapangiti.“Talaga po?”“Opo, Ma'am. At saka mas gusto ko rin pong dito na lang magtrabaho.”“Bakit naman po?”Bahagyang natawa ang matandang driver. “Mas mabait po kasi ang amo ko rito.”Hindi niya napigilang matawa. “Naku, Mang Tony!”Ngunit sa kab
CHAPTER 6 MAAGANG nagising si Armea dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa malaking bintana ng kaniyang silid. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang kisameng hindi pamilyar sa kaniya.Napakurap siya nang maalalang wala na pala siya sa mansiyon ng kaniyang ama. Nasa bahay na siya ng kaniyang asawa.Oo, Asawa.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya kay Lucien Alexander Monteverde. Isang lalaking halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ngunit ngayon ang magiging bahagi na ng kaniyang buhay.Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang bumangon. Hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Ngunit hindi rin niya maikakailang naninibago siya sa kaniyang bagong sitwasyon.Kahapon lamang ay isa siyang dalagang malayang umuuwi sa sariling bahay. Ngayon ay may asawa na siya at nakatira na sa isang mansiyong halos hindi niya kabisado ang bawat sulok.Napatingin siya sa kaniyang kaliwang kamay. Nandoon ang isang kumikinan
MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang ialok ni Lucien Monteverde ang kasal kay Armea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang naging pag-uusap nila.Nakaupo siya sa loob ng kaniyang café habang paulit-ulit na binabasa ang marriage agreement na ipinadala ng abogado ni Lucien. Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan upang mailigtas ang pamana ng kaniyang ina, ngunit sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na tuluyang mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan nito, lalo lamang siyang nahihirapang tumanggi.Hindi niya mahal si Lucien. Sa katunayan, halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito maliban sa pagiging isang makapangyarihang negosyante. Ngunit sa kasalukuyan, ito lamang ang taong may kakayahang tumulong sa kaniya nang hindi niya kailangang lumapit sa kaniyang ama.Napabuntong-hininga siya bago tuluyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong ibinigay sa kaniya ng lalaki.KINABUKASAN, nagtungo
Chapter 4Napalingon siya kay Lucien. “Ah, wala naman. It's just…” Muli niyang tiningnan ang litrato. “Parang pamilyar kasi ang school na 'to.”Tumango-tango lang ang lalaki, habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.“Dito rin po ba kayo nag-aral?”“Yes.”Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kumunot-noo siya, at hindi makapaniwala sa narinig.“Really? Anong year ka nag-graduate?”“Why?”“Wala lang. Kasi parang same school tayo.”Bahagyang ngumiti si Lucien.“I know.”Kumunot pa lalo ang kaniyang noo.“You know?”“Yes.”“Then… magkakilala na ba tayo noon?”Sandaling natahimik ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang ekspresyon nito. Kanina ay napakalamig at seryoso nitong kausap, ngunit ngayon ay tila may kung anong alaala itong binabalikan.“Lucien?”Muli itong tumingin sa kaniya.“Do you remember helping someone back in senior high school?”“Helping someone?”“Yes. Someone who had almost nothing back then.”Napaisip siya. Marami siyang nakilalang estudyante noong
Chapter 3“Are you sure you don't want me to accompany you, Ma'am?”Napalingon si Armea sa driver na si Mang Tony habang inaayos ang strap ng kaniyang handbag.“It's okay, Mang Tony. Kaya ko na po. Dito na lang po kayo maghintay sa akin.”Tumango naman ito bago muling sumakay sa sasakyan.Bumuga muna siya ng malalim na hininga bago itinaas ang kaniyang tingin sa napakataas na gusaling nasa kaniyang harapan.MONTEVERDE GROUPHindi niya akalaing darating ang araw na personal niyang pupuntahan ang kumpanyang ito. Lalo na para makipag-usap sa lalaking nais ipakasal sa kaniya ng kaniyang ama.Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sunod-sunod na problemang dumating sa kaniyang buhay.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang ginawang pagtataksil nina Ethan at Seraphina.Tatlong taon. Tatlong taon niyang minahal ang lalaking iyon. Tatlong taon siyang naniwalang ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.Ngunit sa isang iglap ay naglaho ang lahat.At ngayon, heto siy







