แชร์

Chapter 7

ผู้เขียน: Mr. Yum
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-29 21:07:06

MAKALIPAS ang isang oras ay handa nang umalis si Armea papunta sa kaniyang café.

Paglabas niya ng mansiyon ay nakita niyang naghihintay sa driveway ang isang itim na sasakyan. Nakatayo sa tabi nito si Mang Tony.

“Good morning, Ma'am!”

Napangiti siya. “Mang Tony! Kayo pala ang maghahatid sa akin?”

“Opo. Si Sir Lucien na po ang nag-ayos.”

Napakurap siya.

“Si Lucien?”

“Opo. Kinausap niya po ang Daddy ninyo para rito na po ako magtrabaho bilang driver ninyo.”

Natigilan si Armea. Hindi niya inaasahan iyon. Si Mang Tony ang isa sa iilang taong naging mabuti sa kaniya sa mansiyon ng mga Alarcon. Simula pagkabata ay ito na ang madalas maghatid at magsundo sa kaniya.

Kaya nang malaman niyang maaari pa rin niya itong makasama, hindi niya napigilang mapangiti.

“Talaga po?”

“Opo, Ma'am. At saka mas gusto ko rin pong dito na lang magtrabaho.”

“Bakit naman po?”

Bahagyang natawa ang matandang driver. “Mas mabait po kasi ang amo ko rito.”

Hindi niya napigilang matawa. “Naku, Mang Tony!”

Ngunit sa kabila ng kaniyang pagtawa ay may kakaibang init na gumapang sa kaniyang dibdib. Muli niyang naalala si Lucien. Hindi lamang nito inalam ang kaniyang paboritong pagkain.

Maging ang taong matagal nang pinagkakatiwalaan niya ay sinigurado nitong mananatili sa kaniyang tabi.

“Bakit ba ang dami mong ginagawa para sa akin, Lucien?”

Hindi niya alam ang sagot.

At sa ngayon ay hindi pa niya gustong alamin.

_____

PAGDATING sa café ay agad siyang sinalubong ng kaniyang mga empleyado.

“Good morning, Ma'am Armea!”

“Good morning!” masigla niyang bati.

“Congratulations po pala sa wedding ninyo!” sabi ni Mika, isa sa kaniyang mga barista.

Napangiti siya.

“Thank you.”

“Grabe, Ma'am! Ang guwapo po ng asawa ninyo! Nakita namin iyong wedding pictures na kumalat online!”

Napailing siya habang natatawa.

“Hoy, trabaho muna bago chismis.”

Sabay na nagtawanan ang mga empleyado.

“Ma'am, totoo po bang billionaire talaga si Sir Lucien?” tanong naman ng isa.

“Hindi ko alam. Tanungin n'yo siya.”

“Ma'am naman!”

Muli silang nagtawanan. Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang pagtataksil nina Ethan at Seraphina ay nakaramdam si Armea ng gaan sa kaniyang dibdib.

Dito sa café ay hindi siya anak ni Don Ricardo Alarcon.

Hindi rin siya kapatid ni Seraphina.

At lalong hindi siya ang babaeng iniwan ni Ethan. Dito, siya si Armea. Ang babaeng nagsikap upang magkaroon ng sariling negosyo. At iyon ang pagkakakilanlang ayaw niyang mawala.

Matapos kumustahin ang mga empleyado ay nagtungo siya sa maliit na opisina sa likod ng café upang tingnan ang kanilang sales report.

Halos isang oras siyang naging abala sa pagre-review ng mga resibo at inventory. Kasalukuyan siyang nagsusulat ng ilang kailangang bilhin nang may kumatok sa p***o.

“Come in!”

Bumukas ang p***o at sumilip si Mika.

“Ma'am, may naghahanap po sa inyo.”

Napatingin siya rito.

“Sino?”

Bahagyang nag-alangan ang dalaga.

“Si Sir Ethan po.”

Agad na nanigas ang kaniyang mukha.

“Si Ethan?”

“Opo, Ma'am. Kanina pa po siya naghihintay sa labas.”

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya inaasahang pupunta pa rito ang dating nobyo matapos ang lahat ng nangyari.

Lalo na pagkatapos ng ginawa nito sa kaniya noong araw ng kanilang anibersaryo.

“Sabihin mo wala ako.”

“Ma'am, nakita na po niya kayong pumasok kanina.”

Napapikit siya nang mariin.

Of course. Bakit ba hindi na lamang siya lubusang tigilan ng lalaking iyon?

“Fine. I'll talk to him.”

Tumango si Mika bago lumabas.

Ilang sandali pang nanatiling nakaupo si Armea habang pinapakalma ang sarili. Hindi na siya dapat maapektuhan kay Ethan. Wala na silang relasyon.

At higit sa lahat, may asawa na siya.

Kaya hindi na nito kailangang makialam sa kaniyang buhay.

Paglabas niya ng opisina ay agad niyang nakita ang lalaki na nakaupo malapit sa bintana. Nakasuot ito ng asul na polo at itim na pantalon.

Katulad pa rin ito ng Ethan na minahal niya sa loob ng tatlong taon.

Ngunit kakaiba na ang nararamdaman niya ngayon. Wala na ang dating saya tuwing nakikita ito.

Sa halip ay isang mabigat na alaala na lamang ang bumabalik sa kaniyang isipan.

“Armea.”

Agad na tumayo si Ethan nang makita siya.

“What are you doing here?” malamig niyang tanong.

Bahagyang napakunot-noo ang lalaki.

“Can't I visit you?”

“No.”

Natigilan ito.

“Seriously?”

“Ethan, kung wala kang importanteng sasabihin, puwede ka nang umalis. Marami pa akong trabaho.”

Napabuntong-hininga ang lalaki.

“Look, Armea. I just want to talk.”

“About what?”

“About your marriage.”

Napatawa siya nang mapait.

“My marriage?”

“Yes.”

“Bakit? May problema ka ba sa pagpapakasal ko?”

“Don't be ridiculous. I'm just concerned.”

“Concerned?” Hindi niya napigilang mapailing. “Ethan, noong niloloko mo ako kasama ang kapatid ko, hindi ka naman concerned sa nararamdaman ko. Tapos ngayong may asawa na ako, bigla kang nag-aalala?”

Bahagyang tumigas ang panga ng lalaki.

“Can we stop bringing that up?”

“Why? Nahihiya ka bang maalala ang ginawa mo?”

“Armea!”

Napalingon ang ilang customer sa kanila. Agad naman na bumaba ang boses ni Armea.

“Lower your voice. This is my café. ”

Sandaling natahimik si Ethan.

Hindi niya inaasahang maririnig mula sa dating nobya ang parehong mga salitang sinabi nito noong mahuli siyang nagtataksil.

“Fine,” mariing sabi nito. “I just want to know why you married Lucien Monteverde.”

“Because I wanted to.”

“Don't lie to me.”

Napakunot-noo siya.

“Excuse me?”

“I know your father arranged that marriage. Alam kong ginawa mo lang iyon para maisalba ang kumpanya ninyo.”

“So?”

Natigilan si Ethan.

“So? Armea, do you even know what kind of man Lucien Monteverde is?”

“Do you?”

Hindi agad nakasagot ang lalaki.

Napangisi siya.n“See? Wala ka namang alam.”

“I know enough.”

“Then congratulations.”

Akmang tatalikod na sana siya nang muling magsalita si Ethan.

“Armea, I'm serious.”

Napahinto siya.

“Lucien Monteverde isn't someone you can easily walk away from.”

Dahan-dahan siyang napalingon.

“What are you trying to say?”

Lumapit nang bahagya si Ethan.

“Powerful men like him don't do things without expecting something in return. Hindi ako naniniwalang pinakasalan ka niya dahil lang gusto ka niyang tulungan.”

Napahigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone.

“That's none of your business.”

“I'm just warning you.”

“Then keep your warning to yourself.”

“Armea—”

“Ethan, tama na!”

Napalingon ang ilang empleyado sa kanila. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.

“Hindi ko alam kung bakit ka nandito. Kung gusto mong magpaliwanag tungkol sa ginawa ninyo ni Seraphina, huli ka na. Kung gusto mo namang pakialaman ang kasal ko, wala kang karapatan.”

Hindi agad nakapagsalita ang lalaki.

“I'm your ex-boyfriend, Armea.”

“Exactly. Ex-boyfriend.” diniinan pa ang huling kataga.

Parang may kung anong tumama sa pride ni Ethan. Hindi siya sanay na ganito siya kausapin ng dalaga.

Noong sila pa ay madalas itong magparaya sa tuwing may hindi sila pagkakaunawaan.

Ngunit ngayon, parang ibang Armea ang kaharap niya.

“Fine,” malamig nitong sabi.

Tumango siya.

“Good. Then please leave.” sabay giya ng kamay sa bukana ng café.

Mahigpit na napakuyom ang kamao ni Ethan bago kinuha ang kaniyang cellphone sa mesa.

Ngunit bago tuluyang umalis ay muli itong humarap sa kaniya.

“Just remember what I said.”

Hindi siya sumagot.

“Are you sure you know the man you married, Armea?”

Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung bakit tila may ibang kahulugan ang tanong nito.

Ngunit ayaw niyang bigyan iyon ng halaga.

“Mas kilala ko na siya kaysa sa lalaking minahal ko nang tatlong taon,” malamig niyang sagot.

Nanigas ang mukha ni Ethan.

Hindi na niya hinintay ang magiging reaksiyon nito. Tumalikod siya at bumalik sa kaniyang opisina.

Ngunit nang maisara niya ang p***o ay hindi niya napigilang mapahawak sa kaniyang dibdib. Hindi dahil mahal pa niya si Ethan. Kundi dahil sa mga salitang iniwan nito.

“Are you sure you know the man you married?”

Napabuntong-hininga siya.

Ang totoo, hindi. Hindi niya pa lubusang kilala si Lucien.

Hindi niya alam kung ano ang mga bagay na kinatatakutan nito, kung ano ang mga pangarap nito, o kung bakit tila matagal na itong may alam tungkol sa kaniya.

Ngunit sa kabila noon, may isang bagay siyang sigurado.

Sa maikling panahon nilang magkakilala, hindi pa siya binibigyan ni Lucien ng dahilan upang pagsisihan ang naging desisyon niyang pakasalan ito.

At sa ngayon, sapat na muna iyon.

___

KINAGABIHAN, halos alas-nuwebe na nang makauwi si Armea sa mansiyon.

Pagpasok niya ay agad niyang nakita si Lucien na nakaupo sa sala habang may kausap sa telepono. Nang mapansin siya nito ay agad nitong tinapos ang tawag.

“You're home.”

Bahagya siyang ngumiti.

“Yes. Sorry, medyo natagalan ako sa café.”

“Have you eaten?”

“Hindi pa. Bakit?”

“Then let's have dinner.”

Napakurap siya.

“Hindi ka pa kumakain?”

“No.”

“Bakit naman? Alas-nuwebe na.”

“I was waiting for you.”

Natigilan siya. Hindi niya alam kung bakit biglang may kakaibang pakiramdam na gumapang sa kaniyang dibdib.

“Lucien, hindi mo naman kailangang hintayin ako. Puwede ka namang kumain nang maaga.”

“I know.”

“Then why?”

Bahagyang ngumiti ang lalaki.

“Because I wanted to have dinner with my wife.”

Biglang uminit ang kaniyang magkabilang pisngi. Hindi niya alam kung bakit parang napakadali para rito na sabihin ang mga salitang iyon.

Samantalang siya ay hindi pa rin sanay na tawagin itong asawa.

“Okay,” mahina niyang sagot.

Tumayo si Lucien at inalok siya ng kamay.

“Come.”

Sandali niyang tinitigan ang kamay nito bago dahan-dahang tinanggap. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa simpleng paghawak na iyon ay tila may kung anong kakaibang init na kumalat sa kaniyang dibdib. At sa unang pagkakataon, hindi niya agad binawi ang kaniyang kamay.

MATAPOS ang hapunan ay nagtungo si Armea sa kaniyang silid.

Pagkaupo sa kama ay agad niyang kinuha ang cellphone upang tingnan ang ilang mensaheng hindi niya nabasa kanina. May ilang notifications mula sa kaniyang mga empleyado, isang email mula sa supplier, at isang mensahe mula sa hindi kilalang numero.

Napakunot-noo siya. Wala namang pangalan ang sender. Dahan-dahan niyang binuksan ang mensahe.

“Mrs. Monteverde, congratulations on your marriage.”

Napataas ang kaniyang kilay. Sino naman ito? Ngunit nang mabasa niya ang kasunod na pangungusap ay tuluyan nang nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

“You should be careful. Your husband isn't the man you think he is.”

Nanlamig ang kaniyang mga kamay.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit biglang bumalik sa kaniyang isipan ang sinabi ni Ethan kanina.

“Are you sure you know the man you married, Armea?”

Napatingin siya sa nakasarang p***o ng kaniyang silid. Sino ang nagpadala ng mensahe?.At bakit tila may mga taong gustong kumbinsihin siyang may itinatagong sikreto ang kaniyang asawa

Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla nang muling umilaw ang kaniyang cellphone. Isa na namang mensahe mula sa parehong numero.

“If you really want to know who Lucien Alexander Monteverde is, start by asking him about his past.”

Nanigas si Armea sa kaniyang kinauupuan. Dahil sa pagkakataong iyon, hindi na niya maiwasang magtanong sa sarili.

Sino ba talaga ang lalaking pinakasalan niya?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    CHAPTER 8

    Chapter 8MATAGAL na nakatitig si Armea sa dalawang mensaheng natanggap mula sa hindi kilalang numero. Ilang beses niya iyong binasa, umaasang baka may makuha siyang palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit bukod sa mga salitang nakasulat ay wala na siyang ibang impormasyon.Your husband isn't the man you think he is.Napabuntong-hininga siya bago muling tiningnan ang numero. Hindi niya iyon kilala. Wala rin naman siyang maalalang taong maaaring magpadala sa kaniya ng ganoong mensahe, maliban kay Ethan.Lalo na't halos pareho lamang ang sinabi nito nang magpunta sa kaniyang café kanina. Ngunit bakit naman gagawin iyon ng dating nobyo? Hindi ba't masaya na ito sa piling ni Seraphina? Bakit kailangan pa nitong makialam sa buhay niya gayong wala na silang relasyon?Napailing siya.“Kung ikaw 'to, Ethan, napakababaw mo naman,” mahina niyang bulong.Muli niyang binasa ang pangalawang mensahe.“If you really want to know who Lucien Alexander Monteverde is, start by asking him about his p

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 7

    MAKALIPAS ang isang oras ay handa nang umalis si Armea papunta sa kaniyang café.Paglabas niya ng mansiyon ay nakita niyang naghihintay sa driveway ang isang itim na sasakyan. Nakatayo sa tabi nito si Mang Tony.“Good morning, Ma'am!”Napangiti siya. “Mang Tony! Kayo pala ang maghahatid sa akin?”“Opo. Si Sir Lucien na po ang nag-ayos.”Napakurap siya.“Si Lucien?”“Opo. Kinausap niya po ang Daddy ninyo para rito na po ako magtrabaho bilang driver ninyo.”Natigilan si Armea. Hindi niya inaasahan iyon. Si Mang Tony ang isa sa iilang taong naging mabuti sa kaniya sa mansiyon ng mga Alarcon. Simula pagkabata ay ito na ang madalas maghatid at magsundo sa kaniya.Kaya nang malaman niyang maaari pa rin niya itong makasama, hindi niya napigilang mapangiti.“Talaga po?”“Opo, Ma'am. At saka mas gusto ko rin pong dito na lang magtrabaho.”“Bakit naman po?”Bahagyang natawa ang matandang driver. “Mas mabait po kasi ang amo ko rito.”Hindi niya napigilang matawa. “Naku, Mang Tony!”Ngunit sa kab

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    CHAPTER 6

    CHAPTER 6 MAAGANG nagising si Armea dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa malaking bintana ng kaniyang silid. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang kisameng hindi pamilyar sa kaniya.Napakurap siya nang maalalang wala na pala siya sa mansiyon ng kaniyang ama. Nasa bahay na siya ng kaniyang asawa.Oo, Asawa.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya kay Lucien Alexander Monteverde. Isang lalaking halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ngunit ngayon ang magiging bahagi na ng kaniyang buhay.Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang bumangon. Hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Ngunit hindi rin niya maikakailang naninibago siya sa kaniyang bagong sitwasyon.Kahapon lamang ay isa siyang dalagang malayang umuuwi sa sariling bahay. Ngayon ay may asawa na siya at nakatira na sa isang mansiyong halos hindi niya kabisado ang bawat sulok.Napatingin siya sa kaniyang kaliwang kamay. Nandoon ang isang kumikinan

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 5

    MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang ialok ni Lucien Monteverde ang kasal kay Armea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang naging pag-uusap nila.Nakaupo siya sa loob ng kaniyang café habang paulit-ulit na binabasa ang marriage agreement na ipinadala ng abogado ni Lucien. Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan upang mailigtas ang pamana ng kaniyang ina, ngunit sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na tuluyang mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan nito, lalo lamang siyang nahihirapang tumanggi.Hindi niya mahal si Lucien. Sa katunayan, halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito maliban sa pagiging isang makapangyarihang negosyante. Ngunit sa kasalukuyan, ito lamang ang taong may kakayahang tumulong sa kaniya nang hindi niya kailangang lumapit sa kaniyang ama.Napabuntong-hininga siya bago tuluyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong ibinigay sa kaniya ng lalaki.KINABUKASAN, nagtungo

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 4

    Chapter 4Napalingon siya kay Lucien. “Ah, wala naman. It's just…” Muli niyang tiningnan ang litrato. “Parang pamilyar kasi ang school na 'to.”Tumango-tango lang ang lalaki, habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.“Dito rin po ba kayo nag-aral?”“Yes.”Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kumunot-noo siya, at hindi makapaniwala sa narinig.“Really? Anong year ka nag-graduate?”“Why?”“Wala lang. Kasi parang same school tayo.”Bahagyang ngumiti si Lucien.“I know.”Kumunot pa lalo ang kaniyang noo.“You know?”“Yes.”“Then… magkakilala na ba tayo noon?”Sandaling natahimik ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang ekspresyon nito. Kanina ay napakalamig at seryoso nitong kausap, ngunit ngayon ay tila may kung anong alaala itong binabalikan.“Lucien?”Muli itong tumingin sa kaniya.“Do you remember helping someone back in senior high school?”“Helping someone?”“Yes. Someone who had almost nothing back then.”Napaisip siya. Marami siyang nakilalang estudyante noong

  • Betrayed by Everyone, Spoiled by Mr. Monteverde    Chapter 3

    Chapter 3“Are you sure you don't want me to accompany you, Ma'am?”Napalingon si Armea sa driver na si Mang Tony habang inaayos ang strap ng kaniyang handbag.“It's okay, Mang Tony. Kaya ko na po. Dito na lang po kayo maghintay sa akin.”Tumango naman ito bago muling sumakay sa sasakyan.Bumuga muna siya ng malalim na hininga bago itinaas ang kaniyang tingin sa napakataas na gusaling nasa kaniyang harapan.MONTEVERDE GROUPHindi niya akalaing darating ang araw na personal niyang pupuntahan ang kumpanyang ito. Lalo na para makipag-usap sa lalaking nais ipakasal sa kaniya ng kaniyang ama.Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sunod-sunod na problemang dumating sa kaniyang buhay.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang ginawang pagtataksil nina Ethan at Seraphina.Tatlong taon. Tatlong taon niyang minahal ang lalaking iyon. Tatlong taon siyang naniwalang ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.Ngunit sa isang iglap ay naglaho ang lahat.At ngayon, heto siy

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status