เข้าสู่ระบบCHAPTER 6
MAAGANG nagising si Armea dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa malaking bintana ng kaniyang silid. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang kisameng hindi pamilyar sa kaniya.
Napakurap siya nang maalalang wala na pala siya sa mansiyon ng kaniyang ama. Nasa bahay na siya ng kaniyang asawa.
Oo, Asawa.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya kay Lucien Alexander Monteverde. Isang lalaking halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ngunit ngayon ang magiging bahagi na ng kaniyang buhay.
Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang bumangon. Hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Ngunit hindi rin niya maikakailang naninibago siya sa kaniyang bagong sitwasyon.
Kahapon lamang ay isa siyang dalagang malayang umuuwi sa sariling bahay. Ngayon ay may asawa na siya at nakatira na sa isang mansiyong halos hindi niya kabisado ang bawat sulok.
Napatingin siya sa kaniyang kaliwang kamay. Nandoon ang isang kumikinang na wedding ring na personal na isinuot ni Lucien sa kaniyang daliri.
Hindi niya maiwasang maalala ang naging seremonya kahapon. Lalo na ang ginawa ng lalaki nang tangkain siyang ipahiya ni Seraphina sa harap ng kanilang mga bisita.
“My wife doesn't need to explain her previous relationship to anyone.”
Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang mga salitang iyon.
Marahil ay dahil hindi siya sanay na may taong nagtatanggol sa kaniya.
Simula nang mamatay ang kaniyang ina ay natutuhan na niyang ipaglaban ang sarili. Sa tuwing may ginagawa si Seraphina upang saktan siya, madalas ay siya pa ang napapagalitan ng kanilang ama. Kaya noong ipinagtanggol siya ni Lucien, hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman.
Masaya ba siya? O natatakot lamang siyang masanay sa isang bagay na maaari ring mawala sa kaniya balang araw?
Napailing siya. “Stop overthinking, Armea,” mahinang saway niya sa sarili.
Bumangon na siya at nagtungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay nagsuot siya ng simpleng cream-colored blouse at maong pants. Hindi naman niya kailangang magbihis nang magarbo dahil balak niyang dumaan sa kaniyang café ngayong umaga. Kailangan niyang kumustahin ang mga empleyado at tingnan kung maayos ang operasyon.
Kahit may asawa na siyang bilyonaryo, hindi ibig sabihin noon ay pababayaan na niya ang negosyong matagal niyang pinaghirapan. Iyon ang isa sa mga bagay na hinding-hindi niya isusuko.
Paglabas niya ng silid ay agad niyang nakita ang isang kasambahay na may dalang malinis na mga tuwalya.
“Good morning, Madam!” magalang nitong bati.
Bahagya siyang napangiti.
“Good morning din po. Pero puwede bang Armea na lang ang itawag ninyo sa akin?”
Nagulat ang babae. “Ay, hindi po puwede, Madam. Baka pagalitan po kami ni Sir Lucien.”
Napakunot ang kaniyang noo.
“Bakit naman kayo papagalitan?”
“Eh, kayo na po kasi ang asawa ni Sir. Natural lang pong Madam ang itawag namin sa inyo.”
Napabuntong-hininga siya. “Okay, pero hindi n'yo naman kailangang kabahan kapag kausap ako. Hindi naman ako nangangagat.”
Napangiti ang kasambahay.
“Opo, Madam.”
Napailing na lamang siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa bagong tawag sa kaniya.
Madam Monteverde. Haha! 0Parang hindi pa rin bagay sa kaniyang pandinig.
Pagdating sa unang palapag ay agad siyang sinalubong ng isang babaeng nasa edad singkuwenta.
“Good morning, Madam. I'm Elena, ang head housekeeper po rito.”
“Good morning po, Tita Elena.”
Agad na napakurap ang babae.
“T-Tita?”
“Opo. Okay lang po ba?”
“Madam, hindi n'yo na po kailangang tawagin akong Tita.”
“Bakit naman? Mas matanda po kayo sa akin. At saka mas komportable akong tawagin kayong Tita Elena.”
Bahagyang ngumiti ang babae.
“Kung iyon po ang gusto ninyo.”
“Thank you po. By the way, nasaan po si Lucien?”
“Nasa dining area na po si Sir. Kanina pa po kayo hinihintay.”
Napakurap siya.
“Hinihintay ako?”
“Opo, Madam. Hindi pa nga po siya nagsisimulang mag-almusal.”
Napatingin siya sa malaking wall clock.
Alas-otso na ng umaga. Hindi ba dapat nasa opisina na ang lalaki sa ganitong oras?
“Hindi po ba siya malalate sa trabaho?”
Bahagyang ngumiti si Elena.
“Si Sir naman po ang boss, Madam.”
Hindi niya napigilang matawa. “Sabagay.”
Inihatid siya ni Elena sa dining area.
Pagpasok niya ay agad niyang nakita si Lucien na nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Nakasuot ito ng puting long-sleeved polo na nakatupi hanggang siko. May hawak itong tablet habang tahimik na nagbabasa. Hindi niya maikakailang napakaguwapo ng lalaki kahit simpleng damit lamang ang suot nito.
Ngunit agad niyang inalis ang tingin nang mapansing napatingin ito sa kaniya.
“Good morning,” bati ni Lucien.
“Good morning.”
“Did you sleep well?”
Tumango siya habang lumalapit sa mesa.
“Yes. Medyo nanibago lang ako sa kama.”
“Is there something wrong with it?”
“Wala naman. Sobrang laki lang kasi. Pakiramdam ko kahit gumulong ako nang sampung beses, hindi pa rin ako mahuhulog.”
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng lalaki.
“Then I suppose that's a good thing.”
Napangiti siya.
“Siguro nga.”
Hinila ni Lucien ang upuang katabi nito.
“Sit.”
Sandali siyang natigilan bago umupo.
Hindi niya inaasahang personal pa nitong ihihila ang upuan para sa kaniya.
“Thank you.”
“You're welcome.”
Ilang sandali pa ay lumapit ang isang kasambahay upang maghain ng kanilang almusal.
Napatingin si Armea sa mga pagkaing nakahanda sa mesa.
May garlic rice, scrambled eggs, bacon, fresh fruits, at isang maliit na plato ng pancakes.
Ngunit ang mas nakakuha ng kaniyang atensiyon ay ang isang baso ng iced coffee na inilagay sa kaniyang harapan.
Napakurap siya.
“Iced coffee?”
“Yes,” sagot ni Lucien habang ibinababa ang tablet.
“Paano mo nalaman na ito ang gusto kong inumin sa umaga?”
“Isn't that what you usually drink?”
Natigilan siya.
“Usually, yes. Pero paano mo nalaman?”
Sandaling tumingin ang lalaki sa kaniyang baso bago muling ibinaling ang atensiyon sa kaniya.
“I asked.”
“Kanino?”
“Your café staff.”
Napakurap siya bago napatawa nang mahina.
“Seriously?”
“Is there something wrong?”
“Wala naman. Nagulat lang ako. Hindi ko kasi inakalang magtatanong ka pa tungkol sa paborito kong inumin.”
“It's not a big deal, Armea.”
Para rito ay maaaring hindi iyon malaking bagay. Ngunit para sa kaniya, iba iyon.
Sa loob ng tatlong taong relasyon nila ni Ethan ay ilang beses nitong nakalimutan kung anong kape ang gusto niya. Minsan pa nga ay binilhan siya nito ng hot black coffee kahit alam nitong hindi siya mahilig sa mapait.
Hindi naman niya iyon ginawang big dealnoon. Ngunit ngayong nakikita niyang may taong kusang nag-aalala sa maliliit na bagay tungkol sa kaniya, hindi niya maiwasang mapaisip.
“Armea?”
Napakurap siya.
“H-Ha?”
“Is something bothering you?”
Agad siyang umiling.
“Wala. May naalala lang ako.”
Hindi na nagtanong pa si Lucien.
Sa halip ay inilapit nito sa kaniya ang plato ng pancakes.
“Eat. You said you have to visit your café today.”
Napatingin siya rito.
“Pati iyon alam mo?”
“You mentioned it yesterday.”
“Ah, oo nga pala.”
Napakamot siya sa kaniyang batok. Hindi niya alam kung bakit parang ang dali niyang makalimot kapag kaharap ang lalaki.
Tahimik silang nagsimulang kumain.
Paminsan-minsan ay napapatingin si Armea kay Lucien na abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone. Hindi naman ito nagsasalita nang marami, ngunit hindi rin siya nakakaramdam ng pagkailang.
Kakaiba. Akala niya ay magiging mahirap ang unang umaga nilang mag-asawa. Ngunit sa ngayon ay tila ordinaryong almusal lamang ito ng dalawang taong unti-unting nakikilala ang isa't isa.
“By the way,” biglang sabi niya.
Napatingin si Lucien.
“Yes?”
“Puwede ba akong magtanong?”
“Of course.”
“Hindi ka ba talaga nagagalit na hindi tayo magkasama sa iisang kuwarto?”
Bahagyang tumaas ang kilay nito.
“Why would I be angry?”
“Kasi… asawa mo ako.”
“I know.”
“Then hindi ba weird na magkahiwalay tayo ng silid?”
Sandaling tinitigan siya ng lalaki.
“Do you want us to share a room?”
Agad siyang nabulunan sa iniinom na kape.
“W-What?!”
Mabilis niyang ibinaba ang baso habang bahagyang umuubo. Napakunot-noo si Lucien at agad na iniabot sa kaniya ang isang baso ng tubig.
“Easy, Armea.”
Tinanggap niya iyon at uminom.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin!”
“Then what do you mean?”
“Ang ibig kong sabihin, baka kasi isipin ng mga tao na hindi tayo totoong mag-asawa dahil magkahiwalay tayo ng kuwarto.”
Bahagyang sumandal ang lalaki sa kaniyang upuan.
“Do you care about what other people think?”
Natigilan siya.
“Hindi naman.”
“Then there's no problem.”
Hindi siya agad nakasagot. Tumingin lang siya rito.
“Besides,” pagpapatuloy ni Lucien, “I already told you that I won't force you into anything you're not comfortable with.”
Napayuko siya.
“I know.”
“And I intend to keep that promise.”
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay biglang uminit ang kaniyang magkabilang pisngi.
“Okay,” mahina niyang sagot.
Bahagyang ngumiti ang lalaki bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.
Samantalang si A
rmea ay tahimik na napahawak sa kaniyang dibdib.
Ano ba 'to? Bakit parang napakadali para sa lalaking ito na sabihin ang mga bagay na nagpapabilis sa tibok ng kaniyang puso?
Hindi naman sila totoong nagmamahalan. Contract marriage lamang ang mayroon sila. Kailangan niyang tandaan iyon.
Chapter 8MATAGAL na nakatitig si Armea sa dalawang mensaheng natanggap mula sa hindi kilalang numero. Ilang beses niya iyong binasa, umaasang baka may makuha siyang palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit bukod sa mga salitang nakasulat ay wala na siyang ibang impormasyon.Your husband isn't the man you think he is.Napabuntong-hininga siya bago muling tiningnan ang numero. Hindi niya iyon kilala. Wala rin naman siyang maalalang taong maaaring magpadala sa kaniya ng ganoong mensahe, maliban kay Ethan.Lalo na't halos pareho lamang ang sinabi nito nang magpunta sa kaniyang café kanina. Ngunit bakit naman gagawin iyon ng dating nobyo? Hindi ba't masaya na ito sa piling ni Seraphina? Bakit kailangan pa nitong makialam sa buhay niya gayong wala na silang relasyon?Napailing siya.“Kung ikaw 'to, Ethan, napakababaw mo naman,” mahina niyang bulong.Muli niyang binasa ang pangalawang mensahe.“If you really want to know who Lucien Alexander Monteverde is, start by asking him about his p
MAKALIPAS ang isang oras ay handa nang umalis si Armea papunta sa kaniyang café.Paglabas niya ng mansiyon ay nakita niyang naghihintay sa driveway ang isang itim na sasakyan. Nakatayo sa tabi nito si Mang Tony.“Good morning, Ma'am!”Napangiti siya. “Mang Tony! Kayo pala ang maghahatid sa akin?”“Opo. Si Sir Lucien na po ang nag-ayos.”Napakurap siya.“Si Lucien?”“Opo. Kinausap niya po ang Daddy ninyo para rito na po ako magtrabaho bilang driver ninyo.”Natigilan si Armea. Hindi niya inaasahan iyon. Si Mang Tony ang isa sa iilang taong naging mabuti sa kaniya sa mansiyon ng mga Alarcon. Simula pagkabata ay ito na ang madalas maghatid at magsundo sa kaniya.Kaya nang malaman niyang maaari pa rin niya itong makasama, hindi niya napigilang mapangiti.“Talaga po?”“Opo, Ma'am. At saka mas gusto ko rin pong dito na lang magtrabaho.”“Bakit naman po?”Bahagyang natawa ang matandang driver. “Mas mabait po kasi ang amo ko rito.”Hindi niya napigilang matawa. “Naku, Mang Tony!”Ngunit sa kab
CHAPTER 6 MAAGANG nagising si Armea dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa malaking bintana ng kaniyang silid. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang kisameng hindi pamilyar sa kaniya.Napakurap siya nang maalalang wala na pala siya sa mansiyon ng kaniyang ama. Nasa bahay na siya ng kaniyang asawa.Oo, Asawa.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya kay Lucien Alexander Monteverde. Isang lalaking halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ngunit ngayon ang magiging bahagi na ng kaniyang buhay.Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang bumangon. Hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Ngunit hindi rin niya maikakailang naninibago siya sa kaniyang bagong sitwasyon.Kahapon lamang ay isa siyang dalagang malayang umuuwi sa sariling bahay. Ngayon ay may asawa na siya at nakatira na sa isang mansiyong halos hindi niya kabisado ang bawat sulok.Napatingin siya sa kaniyang kaliwang kamay. Nandoon ang isang kumikinan
MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang ialok ni Lucien Monteverde ang kasal kay Armea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang naging pag-uusap nila.Nakaupo siya sa loob ng kaniyang café habang paulit-ulit na binabasa ang marriage agreement na ipinadala ng abogado ni Lucien. Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan upang mailigtas ang pamana ng kaniyang ina, ngunit sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na tuluyang mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan nito, lalo lamang siyang nahihirapang tumanggi.Hindi niya mahal si Lucien. Sa katunayan, halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito maliban sa pagiging isang makapangyarihang negosyante. Ngunit sa kasalukuyan, ito lamang ang taong may kakayahang tumulong sa kaniya nang hindi niya kailangang lumapit sa kaniyang ama.Napabuntong-hininga siya bago tuluyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong ibinigay sa kaniya ng lalaki.KINABUKASAN, nagtungo
Chapter 4Napalingon siya kay Lucien. “Ah, wala naman. It's just…” Muli niyang tiningnan ang litrato. “Parang pamilyar kasi ang school na 'to.”Tumango-tango lang ang lalaki, habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.“Dito rin po ba kayo nag-aral?”“Yes.”Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kumunot-noo siya, at hindi makapaniwala sa narinig.“Really? Anong year ka nag-graduate?”“Why?”“Wala lang. Kasi parang same school tayo.”Bahagyang ngumiti si Lucien.“I know.”Kumunot pa lalo ang kaniyang noo.“You know?”“Yes.”“Then… magkakilala na ba tayo noon?”Sandaling natahimik ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang ekspresyon nito. Kanina ay napakalamig at seryoso nitong kausap, ngunit ngayon ay tila may kung anong alaala itong binabalikan.“Lucien?”Muli itong tumingin sa kaniya.“Do you remember helping someone back in senior high school?”“Helping someone?”“Yes. Someone who had almost nothing back then.”Napaisip siya. Marami siyang nakilalang estudyante noong
Chapter 3“Are you sure you don't want me to accompany you, Ma'am?”Napalingon si Armea sa driver na si Mang Tony habang inaayos ang strap ng kaniyang handbag.“It's okay, Mang Tony. Kaya ko na po. Dito na lang po kayo maghintay sa akin.”Tumango naman ito bago muling sumakay sa sasakyan.Bumuga muna siya ng malalim na hininga bago itinaas ang kaniyang tingin sa napakataas na gusaling nasa kaniyang harapan.MONTEVERDE GROUPHindi niya akalaing darating ang araw na personal niyang pupuntahan ang kumpanyang ito. Lalo na para makipag-usap sa lalaking nais ipakasal sa kaniya ng kaniyang ama.Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sunod-sunod na problemang dumating sa kaniyang buhay.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang ginawang pagtataksil nina Ethan at Seraphina.Tatlong taon. Tatlong taon niyang minahal ang lalaking iyon. Tatlong taon siyang naniwalang ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.Ngunit sa isang iglap ay naglaho ang lahat.At ngayon, heto siy







