Share

Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon
Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon
Author: Katherine Hart

Chapter 1

last update publish date: 2026-10-15 18:54:37

BEEP!

Kakapasok pa lamang ni Kate sa parking lot nang biglang umalingawngaw ang notification ng kanyang cellphone.

Awtomatiko niyang tiningnan ang screen. Isang mensahe mula sa unknown number ang bumungad sa kanya.

【Huwag kang dadaan sa EDSA Delikado roon!】

Kumunot ang noo ni Kate.

Walang pangalan. Walang profile picture. Walang kahit anong clue kung sino ang nagpadala. Napatingin siya sa direksiyong tinatahak niya.

Ang Edsa ang pinakamaikli at tanging ruta mula sa kanyang bahay papunta sa Style Art Museum.

“Baka wrong number lang.”

Hindi na niya iyon pinag-isipan pa. Isinilid niya ang cellphone sa bag, umupo sa driver's seat, at pinaandar ang sasakyan.

Tapos na ang rush hour kaya maayos ang daloy ng trapiko. Nang huminto siya sa isang intersection dahil pula ang traffic light, muling tumunog ang kanyang cellphone.

BEEP!

Napatingin siya rito. Ibang mensahe na naman. Pero parehong unknown number.

【8:30 PM. Magkakaroon ng multiple-vehicle collision sa Edsa. Huwag kang pupunta roon!】

Napatingin si Kate sa orasan.

8:23 PM.

Pitong minuto na lamang. At kapag nag-green light, ilang minuto lang ay nasa Edsa na siya. Biglang sumikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit, pero sa pagkakataong iyon, nakaramdam siya ng kakaibang kaba.

Sino ang nagbabala sa kanya? At paano nito nalaman ang mangyayari? Bago pa siya makapag-isip nang husto, biglang tumunog ang cellphone niya.

Tumatawag si Mary Grace, ang kanyang assistant.

“Hello?”

“Miss Kate, nakalimutan n'yo pong kunin iyong relo na binili n'yo para kay Sir Richard.”

Napapikit si Kate. Napatingin siya sa orasan. Anniversary nila ngayon. Ikatlong wedding anniversary nila ni Richard.

Ilang araw niyang pinag-isipan ang regalo para sa kanyang asawa. Ngunit tatlong araw bago ang kanilang anniversary, bigla itong kinailangang bumiyahe para sa isang business trip.

Nasa drawer ng kanyang opisina ang relo. Kaya bago siya umalis kanina, naisip niyang kunin iyon para hindi niya makalimutan. Pero nakalimutan pa rin niya.

“Thank you, Mary Grace, pakiready na lang at babalikan ko.”

Pagkababa ng tawag, muli niyang tiningnan ang mensahe. Saglit siyang nag-atubili. Ngunit nang bumusina ang sasakyang nasa likuran niya, napilitan siyang magpatuloy.

Nag-green na ang traffic light. At sa halip na dumiretso sa Edsa, nag-U-turn siya at bumalik sa art museum.

Pagdating niya sa Art Museum, naghihintay na si Mary Grace sa entrance.

“Miss Kate, ito po.”

Iniabot nito ang relo.

Ngumiti si Kate.

“Thank you.”

Pagkatapos makuha ang regalo, agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at nagmaneho pauwi. Ngunit ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang may makita siyang ilang ambulansiyang mabilis na dumaan sa kabilang direksiyon.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Sinundan iyon ng mga police car at traffic motorcycles.

WEE-OOO! WEE-OOO!

Sunod-sunod ang sirena na tila sumira sa tahimik na gabi. Biglang nanlamig ang mga kamay ni Kate. 

“Ano ang nangyari?”

Hindi nagtagal, napahinto ang kanyang sasakyan nang harangan ito ng isang traffic enforcer.

“Ma'am, may major vehicular accident po sa Edsa. Sarado muna ang daan.”

“Vehicular accident?”

Nanlaki ang mga mata ni Kate. Biglang bumalik sa isip niya ang dalawang mensahe.

Huwag kang dadaan sa Edsa.

8:30 PM. Magkakaroon ng multiple-vehicle collision.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Ang malamig na hangin ng gabi ay pumapasok sa loob ng sasakyan, pero hindi niya iyon maramdaman. Sa halip, malamig na pawis ang gumapang sa kanyang noo.

Kung dumiretso siya kanina...

Hindi niya kayang tapusin ang iniisip.

Nang tuluyang makaalis ang traffic enforcer, agad niyang itinabi ang sasakyan. Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang mensahe.

Mabilis siyang nag-type.

Sino ka? Paano mo nalaman na magkakaroon ng aksidente sa Edsa?

Pinindot niya ang SEND.

Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas, lumitaw ang isang notification.

【Message failed to send.】

Napakunot ang noo niya.  Sinubukan niyang muli.

Failed to send.

Sinubukan niya ulit isend.

Failed to send.

“Anong problema?”

Hindi na siya nag-isip. Tinawagan niya ang numero. Ngunit hindi man lamang ito nag-ring.

【Call failed.】

Napatingin siya sa screen. Hindi makapag-text. Hindi rin makatawag. Ano ba talaga ang nangyayari?

Bago pa niya mahanap ang sagot, biglang tumunog ang cellphone niya.

Si Richard.

“Honey, nasaan ka na? Gaano ka pa katagal bago makarating?”

Pagkarinig niya sa boses nito, bahagyang kumalma ang kanyang dibdib. Mainit, malumanay, at pamilyar. Parang kayang burahin ng boses nito ang lahat ng takot na nararamdaman niya.

“May aksidente sa Edsa. Kailangan kong dumaan sa ibang route.”

Biglang nagbago ang tono ni Richard.

“Aksidente?”

May halatang pag-aalala sa boses nito.

“Nasaktan ka ba? May nangyari ba sa'yo? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita.”

Napangiti si Kate.

“I'm fine. Huwag kang mag-alala. Pauwi na ako.”

“Sigurado ka?”

“Oo.”

Kahit ilang beses pa siyang pinagsabihan ni Richard na mag-ingat, hindi na niya binanggit ang tungkol sa kakaibang mensahe.

Baka coincidence lang. Inisip ni Kate na baka may nagprank lang sa kanya. O baka naman wrong number talaga. Kaya sa halip na pag-isipan pa iyon, nagmaneho na lamang siya pauwi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 7

    “Oo, wala ako ibang mamahalin.”Marahang tumango si Richard.“Iyon ang sinabi mo noon.”“Ang sinumang nagtaksil sa sinseridad ng isang tao ay parurusahan at mapipilitang lumunok ng sampung libong karayom na pilak.”Bahagya siyang ngumiti.“Kaya hindi ako maniniwala sa mga taong mahilig maghasik ng gulo.”Naalala ni Kate ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas. Dalawang araw bago ang kasal nila. Pumunta sila sa Isang simbahan para tuparin ang isang panata.Magkahawak-kamay silang nakatayo sa harap ng Altar nang sabihin iyon ni Richard.“Kate, sa buhay kong ito, ikaw lang.”At ngayon...Pagkalipas ng tatlong taon...Parang unti-unting nawawala ang bigat ng mga salitang iyon.“Hmm.”Lumapit si Richard at hinila siya sa kanyang mga bisig. Mahigpit siyang niyakap. Sa likod ng kanyang mga mata ay may sakit na halos lumabas, ngunit mabilis niya iyong itinago. Ang boses niya ay nanatiling malumanay. Puno ng lambing. Parang hindi lamang si Kate ang gusto niyang kumbinsihin kundi pati ang sa

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 6

    Naalala niya ang panahong iyon na mahigit isang linggo itong nanatili sa ospital. At ang lahat ng iyon...Dahil sa kanya.Naalala rin niya ang isang cat na binigay sa kanya ni Richard noong ika-25 birthday niya. Alam nitong gusto niya ng pusa. Ang problema? Allergic si Richard sa balahibo ng pusa.Pero dahil gusto niya...Binili pa rin siya nito ng isang magandang pusa na magkaiba ang kulay ng mga mata.Habang nasa bahay nila ang pusa, halos araw-araw bumabahing si Richard. Madalas ding umatake ang allergy nito. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Kate na makita itong naghihirap. Ipinagkatiwala niya ang pusa kay Cristina.Ngunit wala pang isang taon ay nagkasakit ang pusa. Mahigit kalahating buwan nilang ipinagamot. Ngunit sa huli… Hindi pa rin ito nakaligtas. Napapikit si Kate.Lahat ng mga sakripisyong iyon...Lahat ng pagmamahal...Lahat ng alaala...Totoo ba ang lahat? Buong buhay niya, matatag ang paniniwala niyang mahal na mahal siya ni Richard.Dahil sa lalaking ito...Naniwala s

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 5

    Mabigat ang bawat hakbang ni Kate palabas ng hotel. Pagpasok niya sa elevator, tila biglang naubos ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Nakasandal siya sa dingding habang nakatitig sa mga numerong unti-unting bumababa.14... 13... 12...Paulit-ulit na umuugong sa isip niya ang isang tanong. Niloloko nga ba siya ni Richard? Ayaw niyang maniwala. Pero habang mas iniisip niya ang mga nangyari...Mas lalong dumadami ang dahilan para magduda. Napaka-coincidental naman. Biglang may kailangang asikasuhin si Richard at kinansela ang dinner nila.Kasabay nito, nasa 14th floor ng Manila Hotel si Cristina.At higit sa lahat...Room 1408.Ang mismong lugar na sinabi sa kanya ng unknown number.Kung totoo ang lahat… Kailan nagsimula? Kailan nagsimulang magkaroon ng ibang babae si Richard?At...Paano nagsimula ang lahat?Napakagat-labi si Kate. Hindi na siya naghintay sa labas ng hotel. Alam niyang kapag nalaman ni Cristina na naroon siya, tiyak na tatawagan nito si Richard at sasabihing huwag n

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 4

    Samantala, kapansin-pansin ang pagbabago sa mukha ni Cristina. Ilang segundo lamang ang nakalipas, tila masaya ito. Ngunit nang makita si Kate...Biglang napalitan ng kaba ang ekspresyon nito. Nakasuot ito ng eleganteng black silk slip dress. Bahagyang nakalabas ang balikat at collarbone nito. Simple lamang ang makeup, ngunit lalo nitong pinatingkad ang maganda nitong mukha.Kung tutuusin...Kahit sinong lalaki ay mapapalingon. Ngunit ang higit na napansin ni Kate ay hindi ang suot nito. Kundi ang gulat sa mga mata nito.“Kate?”Piliting ngumiti si Cristina.“A-anong ginagawa mo rito?”Hindi sumagot agad si Kate. Tahimik lamang niyang tiningnan ang kaibigan. Pagkatapos, sumulyap siya sa loob ng kuwarto.“Bakit?”Bahagya siyang ngumiti.“May hinihintay ka?”Nanigas si Cristina. Saglit itong napalunok.“Ah...”Naglibot ang mga mata nito bago mabilis na sumagot.“Oo, ang boyfriend ko. May boyfriend na ko.”Boyfriend?Napataas ang kilay ni Kate. Sa pagkakaalam niya, dalawang beses lamang

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 3

    Niloloko niya ba ako?Ilang segundo lamang na nakatitig si Kate sa mensahe, ngunit pakiramdam niya ay isang buong oras na ang lumipas. Paulit-ulit niyang binasa ang tatlong linyang iyon.Manila Hotel. Room 1408. Richard Tolentino at Cristina Mendoza.Kabisado niya ang bawat salita. Pero nang pagsama-samahin ang mga ito...Parang hindi niya maintindihan ang kahulugan. Richard ang asawa niya. At si Cristina… Ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi lamang basta kaibigan. Saksi si Cristina sa halos buong relasyon nila ni Richard.Nakilala ni Kate si Richard noong college pa sila. Noong panahong nililigawan pa lamang siya nito, halos buong campus ay alam kung gaano ito kaseryoso sa kanya.Bulaklak. Chocolates. Mga stuffed toys. Minsan, pati mga kaklase niya ay nililibre nito ng milk tea para lamang mapalapit sa kanya. Grand at passionate ang panliligaw ni Richard. Hindi niya kailanman itinago kung gaano niya kamahal si Kate.At sa mga sumunod na taon...Hindi nagbago ang pagmamahal na iyo

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 2

    Pagdating niya sa bahay, agad niyang naamoy ang masarap na pagkain. Pagkapasok niya at pagkahubad ng sapatos, isang matangkad na lalaki na naka-apron ang lumabas mula sa kusina.Puting polo.Itim na pantalon.Mahahabang binti.Matangos na ilong at perpektong features. Sa likod ng gold-rimmed glasses nito ay isang pares ng matang karaniwang puno ng lambing.Ang asawa niya na si Richard.Ngunit ngayon, kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha nito.“Sigurado ka bang wala kang nangyari sa'yo?”Napangiti si Kate. Umikot siya sa harap nito.“Tingnan mo. Buong buo ako.”Bahagya pa siyang tumawa.“Wala talaga. Pinahinto lang ako ng traffic enforcer.”Tiningnan siya ni Richard mula ulo hanggang paa bago tuluyang nakahinga nang maluwag.“Thank God that you are safe.”“Bakit ka pa nagluto? Pagod ka na nga at ilang oras kang nasa eroplano, baka may jetlag ka pa. Dapat nagpahinga ka na lang.”Malambing ang tingin ni Kate sa asawa.Ngumiti si Richard.“Hindi ako pagod. Nakapagpahinga naman ako sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status