Share

Chapter 5

last update publish date: 2026-10-15 19:20:30

Mabigat ang bawat hakbang ni Kate palabas ng hotel. Pagpasok niya sa elevator, tila biglang naubos ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Nakasandal siya sa dingding habang nakatitig sa mga numerong unti-unting bumababa.

14... 13... 12...

Paulit-ulit na umuugong sa isip niya ang isang tanong. Niloloko nga ba siya ni Richard? Ayaw niyang maniwala. Pero habang mas iniisip niya ang mga nangyari...

Mas lalong dumadami ang dahilan para magduda. Napaka-coincidental naman. Biglang may kailangang asikasuhin si Richard at kinansela ang dinner nila.

Kasabay nito, nasa 14th floor ng Manila Hotel si Cristina.

At higit sa lahat...

Room 1408.

Ang mismong lugar na sinabi sa kanya ng unknown number.

Kung totoo ang lahat… Kailan nagsimula? Kailan nagsimulang magkaroon ng ibang babae si Richard?

At...

Paano nagsimula ang lahat?

Napakagat-labi si Kate. Hindi na siya naghintay sa labas ng hotel. Alam niyang kapag nalaman ni Cristina na naroon siya, tiyak na tatawagan nito si Richard at sasabihing huwag nang pumunta. Kaya mas mabuting umalis na siya.

Kung talagang may tinatago ang dalawa...

Darating din ang araw na malalaman niya ang katotohanan.

Paglabas niya ng hotel, nagsimula nang umambon. Maagang dumating ang malamig na hangin ng taglagas. Mahigpit na hinawakan ni Kate ang kanyang bag habang naglalakad patungo sa parking lot. Hindi niya alam kung alin ang mas malamig ang hangin sa gabi o ang pakiramdam sa kanyang puso.

Pagdating niya sa bahay, tumunog ang cellphone niya.

Si Richard.

Tinitigan lamang ni Kate ang screen. Hindi niya sinagot. Ilang segundo ang lumipas bago muling tumawag ang lalaki. Hindi pa rin niya ito sinagot. Ipinarada niya ang sasakyan at tuluyang pumasok sa bahay. Ngunit bago pa siya makalayo sa entrance, narinig niya ang mabilis na mga yabag.

“Kate, Honey!”

Lumapit agad si Richard.

“Bakit Ngayon ka lang?”

Hindi pa siya nakakasagot nang yakapin na siya nito.

“Sorry, honey.”

Mahigpit ang yakap nito.

“I broke my promise today.”

Nanigas si Kate. Sa sandaling iyon, isang masakit na tanong ang biglang sumagi sa isip niya. Nayakap na rin ba niya si Cristina nang ganito?

Pinikit niya ang mga mata. Ayaw niyang isipin. Ayaw niyang makita sa isip niya. Dahil masakit. Naiisip niya pa lang ay sobra na siyang nasasaktan.

Marahang bumitaw si Richard at hinawakan ang kamay niya.

“Bawi ako sa'yo bukas, okay?”

“Magre-reserve ulit tayo sa restaurant.”

“At bibili ako ng bagong movie tickets.”

Nakatingin siya sa asawa na parang batang humihingi ng tawad. Nakababa nang bahagya ang kilay nito. Malumanay ang boses. Taos-puso at parang bata na nagsusumamo.

Ganoon si Richard.

Sa loob ng anim na taon, sa tuwing nagkakaroon sila ng maliit na hindi pagkakaunawaan, kahit sino pa ang may kasalanan, siya ang unang humihingi ng tawad. Siya ang unang lumalapit. Siya ang unang nang-aamo.

Anim na taon. Araw-araw. At ngayon...

Hindi galit ang nararamdaman ni Kate.

Pagkalito. At takot.

“Okay lang.”

Pinilit niyang ngumiti.

“Hindi naman mahalaga kung saan tayo kakain.”

“Masarap ka naman magluto. Para ka ring chef sa restaurant.”

“Tsaka bagong release pa lang iyong movie. Pwede naman nating panoorin kahit kailan.”

Napangiti si Richard. May halong lambing at helplessness sa kanyang mga mata.

“Alam mo... minsan magalit ka rin sa akin.”

Napatawa siya nang bahagya.

“Lagi kang masyadong considerate.”

“Mas lalo tuloy akong nagi-guilty.”

Sandali siyang tumingin sa mukha ng asawa.

“Nakakain ka na ba?”

“Kung hindi pa, ipagluluto kita.”

Tahimik na nakatingin si Kate sa kanya. Napakabait niya. Napakamapagmahal. Napakaguwapo. Napakaalaga.

Pero bakit...

Hindi niya magawang pagsamahin sa isip niya ang dalawang imahe? Ang Richard na mahal na mahal siya at ang Richard na posibleng nagtataksil sa kanya. Parang imposible. Parang isang masamang panaginip. Ngunit bakit napakatotoo ng sakit?

Biglang bumalik sa isip ni Kate ang mga alaala nila. Parang isang pelikulang mabilis na nagpe-play sa kanyang utak. Naalala niya ang unang taon ng relasyon nila. Isang gabi, halos kalahating oras nagpa-fireworks si Richard para sa kanya. At nang sumapit ang tamang oras, malakas nitong sinabi:

“Kate, sisiguraduhin kong ikaw ang magiging pinakamasayang babae sa mundo!”

Simula noon, bawat New Year's Eve...

Laging may sorpresa si Richard. Minsan bulaklak. Minsan regalo. Minsan simpleng dinner lang. Pero palagi itong may effort. Naalala rin niya ang isang malamig na taglamig. May mataas siyang lagnat noon. Halos hindi na siya makapaglakad. Habang papunta sila sa ospital, biglang bumuhos ang malakas na ulan, bumaha sa daraaanan nila at naipit ang kanilang sasakyan. Walang ibang nagawa si Richard. Binuhat siya nito. Halos dalawang kilometro. Hindi nito siya binitiwan hanggang makarating sila sa ospital.

Pero dahil sa lamig...

Si Richard mismo ang nagkasakit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 7

    “Oo, wala ako ibang mamahalin.”Marahang tumango si Richard.“Iyon ang sinabi mo noon.”“Ang sinumang nagtaksil sa sinseridad ng isang tao ay parurusahan at mapipilitang lumunok ng sampung libong karayom na pilak.”Bahagya siyang ngumiti.“Kaya hindi ako maniniwala sa mga taong mahilig maghasik ng gulo.”Naalala ni Kate ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas. Dalawang araw bago ang kasal nila. Pumunta sila sa Isang simbahan para tuparin ang isang panata.Magkahawak-kamay silang nakatayo sa harap ng Altar nang sabihin iyon ni Richard.“Kate, sa buhay kong ito, ikaw lang.”At ngayon...Pagkalipas ng tatlong taon...Parang unti-unting nawawala ang bigat ng mga salitang iyon.“Hmm.”Lumapit si Richard at hinila siya sa kanyang mga bisig. Mahigpit siyang niyakap. Sa likod ng kanyang mga mata ay may sakit na halos lumabas, ngunit mabilis niya iyong itinago. Ang boses niya ay nanatiling malumanay. Puno ng lambing. Parang hindi lamang si Kate ang gusto niyang kumbinsihin kundi pati ang sa

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 6

    Naalala niya ang panahong iyon na mahigit isang linggo itong nanatili sa ospital. At ang lahat ng iyon...Dahil sa kanya.Naalala rin niya ang isang cat na binigay sa kanya ni Richard noong ika-25 birthday niya. Alam nitong gusto niya ng pusa. Ang problema? Allergic si Richard sa balahibo ng pusa.Pero dahil gusto niya...Binili pa rin siya nito ng isang magandang pusa na magkaiba ang kulay ng mga mata.Habang nasa bahay nila ang pusa, halos araw-araw bumabahing si Richard. Madalas ding umatake ang allergy nito. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Kate na makita itong naghihirap. Ipinagkatiwala niya ang pusa kay Cristina.Ngunit wala pang isang taon ay nagkasakit ang pusa. Mahigit kalahating buwan nilang ipinagamot. Ngunit sa huli… Hindi pa rin ito nakaligtas. Napapikit si Kate.Lahat ng mga sakripisyong iyon...Lahat ng pagmamahal...Lahat ng alaala...Totoo ba ang lahat? Buong buhay niya, matatag ang paniniwala niyang mahal na mahal siya ni Richard.Dahil sa lalaking ito...Naniwala s

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 5

    Mabigat ang bawat hakbang ni Kate palabas ng hotel. Pagpasok niya sa elevator, tila biglang naubos ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Nakasandal siya sa dingding habang nakatitig sa mga numerong unti-unting bumababa.14... 13... 12...Paulit-ulit na umuugong sa isip niya ang isang tanong. Niloloko nga ba siya ni Richard? Ayaw niyang maniwala. Pero habang mas iniisip niya ang mga nangyari...Mas lalong dumadami ang dahilan para magduda. Napaka-coincidental naman. Biglang may kailangang asikasuhin si Richard at kinansela ang dinner nila.Kasabay nito, nasa 14th floor ng Manila Hotel si Cristina.At higit sa lahat...Room 1408.Ang mismong lugar na sinabi sa kanya ng unknown number.Kung totoo ang lahat… Kailan nagsimula? Kailan nagsimulang magkaroon ng ibang babae si Richard?At...Paano nagsimula ang lahat?Napakagat-labi si Kate. Hindi na siya naghintay sa labas ng hotel. Alam niyang kapag nalaman ni Cristina na naroon siya, tiyak na tatawagan nito si Richard at sasabihing huwag n

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 4

    Samantala, kapansin-pansin ang pagbabago sa mukha ni Cristina. Ilang segundo lamang ang nakalipas, tila masaya ito. Ngunit nang makita si Kate...Biglang napalitan ng kaba ang ekspresyon nito. Nakasuot ito ng eleganteng black silk slip dress. Bahagyang nakalabas ang balikat at collarbone nito. Simple lamang ang makeup, ngunit lalo nitong pinatingkad ang maganda nitong mukha.Kung tutuusin...Kahit sinong lalaki ay mapapalingon. Ngunit ang higit na napansin ni Kate ay hindi ang suot nito. Kundi ang gulat sa mga mata nito.“Kate?”Piliting ngumiti si Cristina.“A-anong ginagawa mo rito?”Hindi sumagot agad si Kate. Tahimik lamang niyang tiningnan ang kaibigan. Pagkatapos, sumulyap siya sa loob ng kuwarto.“Bakit?”Bahagya siyang ngumiti.“May hinihintay ka?”Nanigas si Cristina. Saglit itong napalunok.“Ah...”Naglibot ang mga mata nito bago mabilis na sumagot.“Oo, ang boyfriend ko. May boyfriend na ko.”Boyfriend?Napataas ang kilay ni Kate. Sa pagkakaalam niya, dalawang beses lamang

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 3

    Niloloko niya ba ako?Ilang segundo lamang na nakatitig si Kate sa mensahe, ngunit pakiramdam niya ay isang buong oras na ang lumipas. Paulit-ulit niyang binasa ang tatlong linyang iyon.Manila Hotel. Room 1408. Richard Tolentino at Cristina Mendoza.Kabisado niya ang bawat salita. Pero nang pagsama-samahin ang mga ito...Parang hindi niya maintindihan ang kahulugan. Richard ang asawa niya. At si Cristina… Ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi lamang basta kaibigan. Saksi si Cristina sa halos buong relasyon nila ni Richard.Nakilala ni Kate si Richard noong college pa sila. Noong panahong nililigawan pa lamang siya nito, halos buong campus ay alam kung gaano ito kaseryoso sa kanya.Bulaklak. Chocolates. Mga stuffed toys. Minsan, pati mga kaklase niya ay nililibre nito ng milk tea para lamang mapalapit sa kanya. Grand at passionate ang panliligaw ni Richard. Hindi niya kailanman itinago kung gaano niya kamahal si Kate.At sa mga sumunod na taon...Hindi nagbago ang pagmamahal na iyo

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 2

    Pagdating niya sa bahay, agad niyang naamoy ang masarap na pagkain. Pagkapasok niya at pagkahubad ng sapatos, isang matangkad na lalaki na naka-apron ang lumabas mula sa kusina.Puting polo.Itim na pantalon.Mahahabang binti.Matangos na ilong at perpektong features. Sa likod ng gold-rimmed glasses nito ay isang pares ng matang karaniwang puno ng lambing.Ang asawa niya na si Richard.Ngunit ngayon, kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha nito.“Sigurado ka bang wala kang nangyari sa'yo?”Napangiti si Kate. Umikot siya sa harap nito.“Tingnan mo. Buong buo ako.”Bahagya pa siyang tumawa.“Wala talaga. Pinahinto lang ako ng traffic enforcer.”Tiningnan siya ni Richard mula ulo hanggang paa bago tuluyang nakahinga nang maluwag.“Thank God that you are safe.”“Bakit ka pa nagluto? Pagod ka na nga at ilang oras kang nasa eroplano, baka may jetlag ka pa. Dapat nagpahinga ka na lang.”Malambing ang tingin ni Kate sa asawa.Ngumiti si Richard.“Hindi ako pagod. Nakapagpahinga naman ako sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status