Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-10-15 19:16:36

Samantala, kapansin-pansin ang pagbabago sa mukha ni Cristina. Ilang segundo lamang ang nakalipas, tila masaya ito. Ngunit nang makita si Kate...

Biglang napalitan ng kaba ang ekspresyon nito. Nakasuot ito ng eleganteng black silk slip dress. Bahagyang nakalabas ang balikat at collarbone nito. Simple lamang ang makeup, ngunit lalo nitong pinatingkad ang maganda nitong mukha.

Kung tutuusin...

Kahit sinong lalaki ay mapapalingon. Ngunit ang higit na napansin ni Kate ay hindi ang suot nito. Kundi ang gulat sa mga mata nito.

“Kate?”

Piliting ngumiti si Cristina.

“A-anong ginagawa mo rito?”

Hindi sumagot agad si Kate. Tahimik lamang niyang tiningnan ang kaibigan. Pagkatapos, sumulyap siya sa loob ng kuwarto.

“Bakit?”

Bahagya siyang ngumiti.

“May hinihintay ka?”

Nanigas si Cristina. Saglit itong napalunok.

“Ah...”

Naglibot ang mga mata nito bago mabilis na sumagot.

“Oo, ang boyfriend ko. May boyfriend na ko.”

Boyfriend?

Napataas ang kilay ni Kate. Sa pagkakaalam niya, dalawang beses lamang nagkaroon ng relasyon si Cristina. Parehong noong college pa sila. Ang huli nitong relasyon ay tumagal nang halos tatlong taon. Ngunit natapos iyon nang kailangan umalis ng lalaki papuntang ibang bansa dahil sa desisyon ng pamilya nito.

Maraming lalaking sumubok na ligawan si Cristina pagkatapos noon. Pero wala itong sineryoso. Kaya matagal nang iniisip ni Kate na hindi pa rin nito nakakalimutan ang ex-boyfriend nito.

Pero ngayon...

May boyfriend na siya? At bakit ngayon lang niya nalaman?

“Talaga?”

Pinilit ni Kate na ngumiti.

“Congratulations! Kailan pa?”

“Recently lang.”

Mahinang ngumiti si Cristina.

“Hindi naman puwedeng habambuhay ako manatili sa nakaraan, di ba?”

Tumango si Kate.

“That's right.”

Mabilis niyang itinago ang bigat sa dibdib.

“Matagal na rin. Siguro panahon na para bigyan mo naman ng chance ang sarili mo.”

Ngumiti si Cristina. Pero may kakaibang pagdududa sa mga mata nito.

“Pero... Kate, bakit ka naman nandito?”

Hindi sinagot ni Kate ang tanong.

Sa halip, ngumiti siya nang parang excited na kaibigan.

“Nasaan siya?”

“Huh?”

“Gusto kong makita at makilala! Sino ba ang lalaking nakapagpatibok ng puso mo?”

Lumapit siya at pabirong hinawakan ang laylayan ng damit ni Cristina.

“Wow! At naka-silk dress ka pa talaga!”

“Kate!”

Namula si Cristina at agad na inalis ang kamay niya.

“Ang kulit mo!”

Natawa si Kate. Pero sa loob-loob niya...

Gusto niyang malaman kung sino ang tinatawag nitong boyfriend.

At higit sa lahat...

Nandito ba sa loob si Richard?

Kung oo...

Ano ang gagawin niya? Ano ang sasabihin niya? Hindi niya kayang isipin. Nanghihina ang kanyang mga daliri habang mahigpit na nakakapit sa handbag. Parang gusto nang kumawala ng puso niya sa dibdib.

“Hindi pa siya dumarating,” mabilis na paliwanag ni Cristina.

“Akala ko nga siya na yung kumakatok.”

Napatingin si Kate sa mukha nito. Mukhang totoo. Mukhang wala ngang ibang tao sa loob. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan...

Bahagyang gumaan ang dibdib niya. Marahil ay hindi pa siya handang harapin ang katotohanan. Marahil ay ayaw niyang malaman ang sagot. Kaya ngumiti siya.

“Okay. Hindi na kita guguluhin.”

Tumalikod siya.

“Next time, ipakilala mo naman sa akin and let’s go out.”

Ngunit bago pa siya makalayo, mabilis siyang hinawakan ni Cristina sa braso.

“Wait!”

Huminto si Kate.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”

Napatingin siya rito.

“Bakit ka biglang pumunta rito?”

Saglit na nanahimik si Kate.

Tama.

Ang pagpunta niya rito nang walang dahilan ay tiyak na magpapataas ng hinala ni Cristina. 

Kaya naisip niyang subukan ito. Tingnan kung paano ito magre-react. Dahan-dahan siyang humarap. Wala na ang sakit sa kanyang mukha. Pinalitan iyon ng isang kalmadong ekspresyon.

“Pumunta ako rito para mahuli sa akto ang asawa ko.”

Nanlaki ang mga mata ni Cristina.

“Ano?!”

“May nagsabi sa akin na nakita raw si Richard na pumasok dito kasama ang isang babae.”

Biglang namutla si Cristina.

“Si... Richard?”

“Oo.”

Tinitigan siya ni Kate.

“Bakit?”

Napahigpit ang pagkakahawak ni Cristina sa braso niya.

“Si Richard... sino ang kasama?”

Hindi agad sumagot si Kate. Sa halip, bahagya siyang ngumiti.

“Hindi ko alam.”

“May tumawag sa akin pagkatapos ng trabaho at sinabi nilang nakita raw si Richard na may kasamang babae na umakyat sa 14th floor.”

Napatingin siya sa katabing kuwarto.

“Hindi nila alam kung anong room.”

Bahagya siyang nagkibit-balikat.

“Kaya kumatok ako sa ilang kuwarto.”

“May isang guest pa ngang nagalit sa akin.”

Nang marinig iyon, kapansin-pansing napabuntong-hininga si Cristina. Parang biglang nawala ang tensiyon sa katawan nito.

“Grabe naman ang taong iyon!”

Galit na sabi niya.

“Kate, huwag mong basta-basta paniwalaan ang ganoong klaseng tsismis.”

Pagkatapos ay seryoso nitong tiningnan si Kate.

“Alam nating lahat kung gaano ka kamahal ni Richard.”

“Sa totoo lang, kahit ayoko sa kanya minsan, hindi ko maitatanggi na mabuti siyang asawa sa'yo.”

“Kung tutuusin, parang ikaw na ang buhay niya.”

Humigpit ang panga ni Kate.

Patuloy si Cristina.

“Kaya imposibleng lokohin ka niya."

“Siguro may taong gustong sirain ang relasyon ninyo.”

At pagkatapos...

Biglang nagbago ang ekspresyon nito.

“Pero kung sakaling totoo man...”

Nagkunwari itong galit.

“Ako mismo ang unang babali ng mga paa niya!”

Napangiti si Kate.

“Talaga?”

“Of course!”

“Okay.”

Bahagyang yumuko si Kate.

“Kapag umuwi ako, sasabihin ko kay Richard na imbestigahan kung sino ang tumawag sa akin.”

“Baka nga may taong gustong sirain ang marriage namin.”

“Good.”

Ngumiti si Cristina. Ngunit hindi na umabot sa mga mata nito ang ngiti.

“Mag-ingat ka.”

Tumango si Kate.

“Of course.”

Humakbang siya palayo. Pagkatapos ay lumingon nang bahagya.

“Enjoy your night.”

Ngumiti siya. Isang ngiting puno ng lambing. Ngunit sa ilalim nito...

may matinding pagdududa.

“See you.”

Pagkasara ng elevator doors, tuluyang nawala ang ngiti sa mukha ni Kate.

Samantala, naiwan si Cristina sa may pintuan. Ilang segundo siyang nakatayo roon. Hanggang sa tuluyang mawala ang tunog ng elevator. Saka siya dahan-dahang napabuntong-hininga. Naglaho ang ngiti sa kanyang mukha. Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamao.

At ang kanyang mga mata ay puno ng takot. Dahil alam niyang may isang bagay na hindi alam ni Kate. At kapag nalaman iyon ng kanyang matalik na kaibigan...

baka wala nang makapigil sa pagbagsak nilang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 7

    “Oo, wala ako ibang mamahalin.”Marahang tumango si Richard.“Iyon ang sinabi mo noon.”“Ang sinumang nagtaksil sa sinseridad ng isang tao ay parurusahan at mapipilitang lumunok ng sampung libong karayom na pilak.”Bahagya siyang ngumiti.“Kaya hindi ako maniniwala sa mga taong mahilig maghasik ng gulo.”Naalala ni Kate ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas. Dalawang araw bago ang kasal nila. Pumunta sila sa Isang simbahan para tuparin ang isang panata.Magkahawak-kamay silang nakatayo sa harap ng Altar nang sabihin iyon ni Richard.“Kate, sa buhay kong ito, ikaw lang.”At ngayon...Pagkalipas ng tatlong taon...Parang unti-unting nawawala ang bigat ng mga salitang iyon.“Hmm.”Lumapit si Richard at hinila siya sa kanyang mga bisig. Mahigpit siyang niyakap. Sa likod ng kanyang mga mata ay may sakit na halos lumabas, ngunit mabilis niya iyong itinago. Ang boses niya ay nanatiling malumanay. Puno ng lambing. Parang hindi lamang si Kate ang gusto niyang kumbinsihin kundi pati ang sa

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 6

    Naalala niya ang panahong iyon na mahigit isang linggo itong nanatili sa ospital. At ang lahat ng iyon...Dahil sa kanya.Naalala rin niya ang isang cat na binigay sa kanya ni Richard noong ika-25 birthday niya. Alam nitong gusto niya ng pusa. Ang problema? Allergic si Richard sa balahibo ng pusa.Pero dahil gusto niya...Binili pa rin siya nito ng isang magandang pusa na magkaiba ang kulay ng mga mata.Habang nasa bahay nila ang pusa, halos araw-araw bumabahing si Richard. Madalas ding umatake ang allergy nito. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Kate na makita itong naghihirap. Ipinagkatiwala niya ang pusa kay Cristina.Ngunit wala pang isang taon ay nagkasakit ang pusa. Mahigit kalahating buwan nilang ipinagamot. Ngunit sa huli… Hindi pa rin ito nakaligtas. Napapikit si Kate.Lahat ng mga sakripisyong iyon...Lahat ng pagmamahal...Lahat ng alaala...Totoo ba ang lahat? Buong buhay niya, matatag ang paniniwala niyang mahal na mahal siya ni Richard.Dahil sa lalaking ito...Naniwala s

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 5

    Mabigat ang bawat hakbang ni Kate palabas ng hotel. Pagpasok niya sa elevator, tila biglang naubos ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Nakasandal siya sa dingding habang nakatitig sa mga numerong unti-unting bumababa.14... 13... 12...Paulit-ulit na umuugong sa isip niya ang isang tanong. Niloloko nga ba siya ni Richard? Ayaw niyang maniwala. Pero habang mas iniisip niya ang mga nangyari...Mas lalong dumadami ang dahilan para magduda. Napaka-coincidental naman. Biglang may kailangang asikasuhin si Richard at kinansela ang dinner nila.Kasabay nito, nasa 14th floor ng Manila Hotel si Cristina.At higit sa lahat...Room 1408.Ang mismong lugar na sinabi sa kanya ng unknown number.Kung totoo ang lahat… Kailan nagsimula? Kailan nagsimulang magkaroon ng ibang babae si Richard?At...Paano nagsimula ang lahat?Napakagat-labi si Kate. Hindi na siya naghintay sa labas ng hotel. Alam niyang kapag nalaman ni Cristina na naroon siya, tiyak na tatawagan nito si Richard at sasabihing huwag n

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 4

    Samantala, kapansin-pansin ang pagbabago sa mukha ni Cristina. Ilang segundo lamang ang nakalipas, tila masaya ito. Ngunit nang makita si Kate...Biglang napalitan ng kaba ang ekspresyon nito. Nakasuot ito ng eleganteng black silk slip dress. Bahagyang nakalabas ang balikat at collarbone nito. Simple lamang ang makeup, ngunit lalo nitong pinatingkad ang maganda nitong mukha.Kung tutuusin...Kahit sinong lalaki ay mapapalingon. Ngunit ang higit na napansin ni Kate ay hindi ang suot nito. Kundi ang gulat sa mga mata nito.“Kate?”Piliting ngumiti si Cristina.“A-anong ginagawa mo rito?”Hindi sumagot agad si Kate. Tahimik lamang niyang tiningnan ang kaibigan. Pagkatapos, sumulyap siya sa loob ng kuwarto.“Bakit?”Bahagya siyang ngumiti.“May hinihintay ka?”Nanigas si Cristina. Saglit itong napalunok.“Ah...”Naglibot ang mga mata nito bago mabilis na sumagot.“Oo, ang boyfriend ko. May boyfriend na ko.”Boyfriend?Napataas ang kilay ni Kate. Sa pagkakaalam niya, dalawang beses lamang

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 3

    Niloloko niya ba ako?Ilang segundo lamang na nakatitig si Kate sa mensahe, ngunit pakiramdam niya ay isang buong oras na ang lumipas. Paulit-ulit niyang binasa ang tatlong linyang iyon.Manila Hotel. Room 1408. Richard Tolentino at Cristina Mendoza.Kabisado niya ang bawat salita. Pero nang pagsama-samahin ang mga ito...Parang hindi niya maintindihan ang kahulugan. Richard ang asawa niya. At si Cristina… Ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi lamang basta kaibigan. Saksi si Cristina sa halos buong relasyon nila ni Richard.Nakilala ni Kate si Richard noong college pa sila. Noong panahong nililigawan pa lamang siya nito, halos buong campus ay alam kung gaano ito kaseryoso sa kanya.Bulaklak. Chocolates. Mga stuffed toys. Minsan, pati mga kaklase niya ay nililibre nito ng milk tea para lamang mapalapit sa kanya. Grand at passionate ang panliligaw ni Richard. Hindi niya kailanman itinago kung gaano niya kamahal si Kate.At sa mga sumunod na taon...Hindi nagbago ang pagmamahal na iyo

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 2

    Pagdating niya sa bahay, agad niyang naamoy ang masarap na pagkain. Pagkapasok niya at pagkahubad ng sapatos, isang matangkad na lalaki na naka-apron ang lumabas mula sa kusina.Puting polo.Itim na pantalon.Mahahabang binti.Matangos na ilong at perpektong features. Sa likod ng gold-rimmed glasses nito ay isang pares ng matang karaniwang puno ng lambing.Ang asawa niya na si Richard.Ngunit ngayon, kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha nito.“Sigurado ka bang wala kang nangyari sa'yo?”Napangiti si Kate. Umikot siya sa harap nito.“Tingnan mo. Buong buo ako.”Bahagya pa siyang tumawa.“Wala talaga. Pinahinto lang ako ng traffic enforcer.”Tiningnan siya ni Richard mula ulo hanggang paa bago tuluyang nakahinga nang maluwag.“Thank God that you are safe.”“Bakit ka pa nagluto? Pagod ka na nga at ilang oras kang nasa eroplano, baka may jetlag ka pa. Dapat nagpahinga ka na lang.”Malambing ang tingin ni Kate sa asawa.Ngumiti si Richard.“Hindi ako pagod. Nakapagpahinga naman ako sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status