Share

Chapter 2

last update publish date: 2026-10-15 19:00:23

Pagdating niya sa bahay, agad niyang naamoy ang masarap na pagkain.  Pagkapasok niya at pagkahubad ng sapatos, isang matangkad na lalaki na naka-apron ang lumabas mula sa kusina.

Puting polo.

Itim na pantalon.

Mahahabang binti.

Matangos na ilong at perpektong features. 

Sa likod ng gold-rimmed glasses nito ay isang pares ng matang karaniwang puno ng lambing.

Ang asawa niya na si Richard.

Ngunit ngayon, kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha nito.

“Sigurado ka bang wala kang nangyari sa'yo?”

Napangiti si Kate. Umikot siya sa harap nito.

“Tingnan mo. Buong buo ako.”

Bahagya pa siyang tumawa.

“Wala talaga. Pinahinto lang ako ng traffic enforcer.”

Tiningnan siya ni Richard mula ulo hanggang paa bago tuluyang nakahinga nang maluwag.

“Thank God that you are safe.”

“Bakit ka pa nagluto? Pagod ka na nga at ilang oras kang nasa eroplano, baka may jetlag ka pa. Dapat nagpahinga ka na lang.”

Malambing ang tingin ni Kate sa asawa.

Ngumiti si Richard.

“Hindi ako pagod. Nakapagpahinga naman ako sa eroplano.”

Lumapit ito at hinawakan ang kamay niya.

“At saka... anniversary natin ngayon.”

Bahagya itong ngumiti.

“Hindi ko man lang natupad iyong plano nating pumunta sa Paris para makita mo ang Art Exhibition. Kaya kahit papaano, gusto kitang sorpresahin dito.”

Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ganoon na lamang siya tratuhin ni Richard. 

Tatlong taon silang nag-date. Tatlong taon nang kasal. At sa lahat ng panahong iyon, wala pa ring nakikitang dahilan si Kate para pagdudahan ang asawa.

Galing sa isang mayamang pamilya si Richard. Gwapo. Mabait. Maunawain. Romantic. Hindi naninigarilyo at bihira lamang itong uminom. Marunong magluto. At higit sa lahat...

Mahal na mahal siya nito.

Kahit may kasambahay sila, madalas pa ring magluto si Richard ng mga paborito niyang pagkain.

Minsan, naiisip ni Kate na parang wala na siyang mahihiling pa. Wala siyang makitang kapintasan sa lalaking ito. Lumapit siya at yumakap sa baywang nito. Idiniin niya ang mukha sa dibdib nito at pumikit.

“Bakit ang bait-bait mo sa akin?”

Natawa si Richard. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng asawa.

“Siyempre.”

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap.

“Asawa kita at mahal na mahal kita. Kung hindi ako magiging mabuti sa'yo, kanino pa ako magiging mabuti?”

Napangiti si Kate. Sa sandaling iyon, wala siyang ibang gustong isipin. Wala nang aksidente. Wala nang mysterious text. Wala nang kung anu-anong hinala. Siya lang. At ang lalaking mahal niya.

Maya-maya, marahang tinapik ni Richard ang likod niya.

“May niluluto pa ako.”

Hinalikan nito ang noo niya.

“Umakyat ka muna. Magpalit ka ng damit at maghugas ng kamay. Gutom ka na ba? Ilang putahe na lang, kakain na tayo.”

Tumango si Kate at umakyat. Hindi niya alam na sa gabing iyon, ang tingin niyang perpektong anniversary ay magiging simula ng isang bagay na hindi na niya kayang takasan.

Nang bumaba siya, halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Nakaayos ang dining table. May mga kandila. May mga bulaklak. At sa gitna nito ay isang eleganteng kahon.

Pagbukas niya...

Isang diamond necklace na hugis seashell ang bumungad sa kanya.

“Honeyyyy...”

Ngumiti si Richard. Kinuha niya ang necklace at siya mismo ang nagsuot nito kay Kate.

“Pagkakita ko pa lang dito, naisip ko na bagay sa'yo.”

Tiningnan niya ito.

“Hindi nga ako nagkamali.”

Napangiti si Kate.

“Thank you.”

Pagkatapos, iniabot niya ang regalo niya.

“Para sa'yo.”

Binuksan iyon ni Richard. Isang mamahaling relo. Agad siyang ngumiti.

“Thank you, Honey.”

Hinalikan niya ang noo ng asawa.

“Gusto ko lahat ng pinipili mo.”

At nang hilahin niya si Kate palapit sa kanya...

Biglang napahinto ang dalawa.

“Richard.”

“Hm?”

“My period started.”

Napakunot ang noo ng lalaki.

“Hindi ba next week pa?”

Umangat ang tingin ni Kate.

“Regular ako. At most, one or two days lang ang delay o advance.”

Saglit na natigilan si Richard. Pagkatapos ay tumawa siya at ibinaon ang mukha sa leeg ng asawa.

“Siguro dahil sa mga ininom ko. Nagkamali ako ng pagkakaalala.”

Napangiti lamang si Kate. Hindi niya iyon pinag-isipan. Hindi niya alam na dapat pala niyang pag-isipan.

TATLONG ARAW ANG LUMIPAS.

Tahimik ang mga sumunod na araw. Walang bagong mensahe mula sa unknown number.

Hanggang sa isang gabi...

BEEP!

Napatingin si Kate sa cellphone. Nanlamig ang kanyang mga daliri nang makita ang sender.

Ang parehong numero. Ang numerong hindi niya matawagan. Ang numerong hindi niya mapadalhan ng mensahe. At ang numerong unang nagbabala sa kanya tungkol sa aksidenteng muntik nang kumitil sa kanyang buhay.

Binuksan niya ang mensahe. Tatlong linya lamang. Ngunit sapat para tuluyang mabago ang lahat.

【Manila Hotel】

【9:00 PM | Room 1408】

【Richard Tolentio and Cristina Mendoza】

Nanlaki ang mga mata ni Kate. Parang biglang tumigil ang mundo.

Richard...

at Cristina?

Ang kaibigan ko?

At higit sa lahat...

Bakit sila magkasama sa isang hotel room?

Sa unang pagkakataon, pumasok sa isip ni Kate ang isang tanong na hindi niya kailanman inakalang itatanong niya tungkol sa kanyang asawa.

“Niloloko ba ako ng asawa ko?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 7

    “Oo, wala ako ibang mamahalin.”Marahang tumango si Richard.“Iyon ang sinabi mo noon.”“Ang sinumang nagtaksil sa sinseridad ng isang tao ay parurusahan at mapipilitang lumunok ng sampung libong karayom na pilak.”Bahagya siyang ngumiti.“Kaya hindi ako maniniwala sa mga taong mahilig maghasik ng gulo.”Naalala ni Kate ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas. Dalawang araw bago ang kasal nila. Pumunta sila sa Isang simbahan para tuparin ang isang panata.Magkahawak-kamay silang nakatayo sa harap ng Altar nang sabihin iyon ni Richard.“Kate, sa buhay kong ito, ikaw lang.”At ngayon...Pagkalipas ng tatlong taon...Parang unti-unting nawawala ang bigat ng mga salitang iyon.“Hmm.”Lumapit si Richard at hinila siya sa kanyang mga bisig. Mahigpit siyang niyakap. Sa likod ng kanyang mga mata ay may sakit na halos lumabas, ngunit mabilis niya iyong itinago. Ang boses niya ay nanatiling malumanay. Puno ng lambing. Parang hindi lamang si Kate ang gusto niyang kumbinsihin kundi pati ang sa

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 6

    Naalala niya ang panahong iyon na mahigit isang linggo itong nanatili sa ospital. At ang lahat ng iyon...Dahil sa kanya.Naalala rin niya ang isang cat na binigay sa kanya ni Richard noong ika-25 birthday niya. Alam nitong gusto niya ng pusa. Ang problema? Allergic si Richard sa balahibo ng pusa.Pero dahil gusto niya...Binili pa rin siya nito ng isang magandang pusa na magkaiba ang kulay ng mga mata.Habang nasa bahay nila ang pusa, halos araw-araw bumabahing si Richard. Madalas ding umatake ang allergy nito. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Kate na makita itong naghihirap. Ipinagkatiwala niya ang pusa kay Cristina.Ngunit wala pang isang taon ay nagkasakit ang pusa. Mahigit kalahating buwan nilang ipinagamot. Ngunit sa huli… Hindi pa rin ito nakaligtas. Napapikit si Kate.Lahat ng mga sakripisyong iyon...Lahat ng pagmamahal...Lahat ng alaala...Totoo ba ang lahat? Buong buhay niya, matatag ang paniniwala niyang mahal na mahal siya ni Richard.Dahil sa lalaking ito...Naniwala s

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 5

    Mabigat ang bawat hakbang ni Kate palabas ng hotel. Pagpasok niya sa elevator, tila biglang naubos ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Nakasandal siya sa dingding habang nakatitig sa mga numerong unti-unting bumababa.14... 13... 12...Paulit-ulit na umuugong sa isip niya ang isang tanong. Niloloko nga ba siya ni Richard? Ayaw niyang maniwala. Pero habang mas iniisip niya ang mga nangyari...Mas lalong dumadami ang dahilan para magduda. Napaka-coincidental naman. Biglang may kailangang asikasuhin si Richard at kinansela ang dinner nila.Kasabay nito, nasa 14th floor ng Manila Hotel si Cristina.At higit sa lahat...Room 1408.Ang mismong lugar na sinabi sa kanya ng unknown number.Kung totoo ang lahat… Kailan nagsimula? Kailan nagsimulang magkaroon ng ibang babae si Richard?At...Paano nagsimula ang lahat?Napakagat-labi si Kate. Hindi na siya naghintay sa labas ng hotel. Alam niyang kapag nalaman ni Cristina na naroon siya, tiyak na tatawagan nito si Richard at sasabihing huwag n

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 4

    Samantala, kapansin-pansin ang pagbabago sa mukha ni Cristina. Ilang segundo lamang ang nakalipas, tila masaya ito. Ngunit nang makita si Kate...Biglang napalitan ng kaba ang ekspresyon nito. Nakasuot ito ng eleganteng black silk slip dress. Bahagyang nakalabas ang balikat at collarbone nito. Simple lamang ang makeup, ngunit lalo nitong pinatingkad ang maganda nitong mukha.Kung tutuusin...Kahit sinong lalaki ay mapapalingon. Ngunit ang higit na napansin ni Kate ay hindi ang suot nito. Kundi ang gulat sa mga mata nito.“Kate?”Piliting ngumiti si Cristina.“A-anong ginagawa mo rito?”Hindi sumagot agad si Kate. Tahimik lamang niyang tiningnan ang kaibigan. Pagkatapos, sumulyap siya sa loob ng kuwarto.“Bakit?”Bahagya siyang ngumiti.“May hinihintay ka?”Nanigas si Cristina. Saglit itong napalunok.“Ah...”Naglibot ang mga mata nito bago mabilis na sumagot.“Oo, ang boyfriend ko. May boyfriend na ko.”Boyfriend?Napataas ang kilay ni Kate. Sa pagkakaalam niya, dalawang beses lamang

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 3

    Niloloko niya ba ako?Ilang segundo lamang na nakatitig si Kate sa mensahe, ngunit pakiramdam niya ay isang buong oras na ang lumipas. Paulit-ulit niyang binasa ang tatlong linyang iyon.Manila Hotel. Room 1408. Richard Tolentino at Cristina Mendoza.Kabisado niya ang bawat salita. Pero nang pagsama-samahin ang mga ito...Parang hindi niya maintindihan ang kahulugan. Richard ang asawa niya. At si Cristina… Ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi lamang basta kaibigan. Saksi si Cristina sa halos buong relasyon nila ni Richard.Nakilala ni Kate si Richard noong college pa sila. Noong panahong nililigawan pa lamang siya nito, halos buong campus ay alam kung gaano ito kaseryoso sa kanya.Bulaklak. Chocolates. Mga stuffed toys. Minsan, pati mga kaklase niya ay nililibre nito ng milk tea para lamang mapalapit sa kanya. Grand at passionate ang panliligaw ni Richard. Hindi niya kailanman itinago kung gaano niya kamahal si Kate.At sa mga sumunod na taon...Hindi nagbago ang pagmamahal na iyo

  • Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon   Chapter 2

    Pagdating niya sa bahay, agad niyang naamoy ang masarap na pagkain. Pagkapasok niya at pagkahubad ng sapatos, isang matangkad na lalaki na naka-apron ang lumabas mula sa kusina.Puting polo.Itim na pantalon.Mahahabang binti.Matangos na ilong at perpektong features. Sa likod ng gold-rimmed glasses nito ay isang pares ng matang karaniwang puno ng lambing.Ang asawa niya na si Richard.Ngunit ngayon, kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha nito.“Sigurado ka bang wala kang nangyari sa'yo?”Napangiti si Kate. Umikot siya sa harap nito.“Tingnan mo. Buong buo ako.”Bahagya pa siyang tumawa.“Wala talaga. Pinahinto lang ako ng traffic enforcer.”Tiningnan siya ni Richard mula ulo hanggang paa bago tuluyang nakahinga nang maluwag.“Thank God that you are safe.”“Bakit ka pa nagluto? Pagod ka na nga at ilang oras kang nasa eroplano, baka may jetlag ka pa. Dapat nagpahinga ka na lang.”Malambing ang tingin ni Kate sa asawa.Ngumiti si Richard.“Hindi ako pagod. Nakapagpahinga naman ako sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status