ELIAS POV DAHIL may nakakasama naman na si Amery dito sa condo unit, nagpasya na muna akong iwan na muna sila. Balak kong magpatulong kay Mommy na bumili ng mga pangangailangan namin sa condo unit. Wala kaming stocks ni Amery. Walang laman ang ref at dahil gusto kong magpakitang gilas, tinawagan ko si Mommy para samahan niya ako sa grocery. Hindi ko kasi alam kung ano ang mga biblihin eh. Mabuti itong si Mommy, sanay mag grocery dahil pagdating sa mga pagkain sa bahay lalo na noong maliliit pa kami ng kakambal kong si Elijah, hands-on siya sa pag-aasikaso sa amin. Of course bago ako umalis, nagpaalam muna ako kay Amery. Mukhang wala naman siyang pakialam at mabilis niya akong pinayagan. Ni hindi man siya nagtanong kung saan ako pupunta. "May gusto ka bang ipabili? Sabihin mo dahil mago-grocery ako. Bibili ako ng mga bagay na kakailanganin natin habang nandito tayo sa condo." nakangiti kong tanong sa kanya. Kusa ko nang sinabi sa kanya kung saan ako pupunta. Kaya lang deadma lang
ELIAS POV Habang nasa biyahe ako, hindi ko mapigilan ang mapakunot noo nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun nang mapansin ko na si Rebecca ang tumatawag. “Elias…honey, saan ka? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Iniiwasan mo na ba ako?” malambing kaagad na wika nito mula sa kabilang linya. “Yes…totoo iyang sinasabi mo. Iniiwasan na kita!” seryosong sagot ko. Walang paligoy-ligoy dahil iyun naman talaga ang gusto kong gawin eh. Tatalikuran ko na ang mga bagay na nakasanayan ko nang gawin at magpo-focus na lang ako kay Amery pati na din sa anak namin. Ayaw ko na din kasing bigyan ng dahilan si Amery na magalit sa akin. Mahirap na. Kagaya ng sinabi ni Mommy kanina baka kasi bigla na lang akong layasan eh. “What? Are you kidding me? Hindi pwede! Hindi ako papayag!” seryosong sagot nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang kaagad na pagsalubong na kilay ko. “Anong hindi pwede? Wala namang tayo diba? Para namang hindi ka sanay sa klase ng relasyon
AMERY HEART POV Napapansin ko naman ang pagabago ni Elias nitong mga nakaraang araw. Halos hindi naman sya umaalis sa tabi ko na labis kong ipinagtataka. Palagi din siyang nakaalalay sa akin na akala mo isang butihing asawa. Pero siyempre, dahil medyo nakakadala na din naman ang mga nangyari, ayaw kong magpadala sa matatamis niyang mga salita. Ayaw ko munang maniwala sa kanya. Mahirap na...baka mamaya, mabait siya ngayun pero bukas, iba na naman ang gagawin niya. Ayaw ko nang umasa noh! Naging abala ang sumunod na oras namin nila Jeann at Charlotte. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakain ni Elias at kung bakit ang dami niya naman yatang mga pinamili. Halos wala na kaming mapaglagyan. Puno na ang cupboard pati na din ang refrigerator. Akala mo ang daming nakatira sa condo unit na ito gayung kami lang naman dalawa ang nandito. "Amery, bati na ba kayo ng pinsan ko? Tsaka dito na ba kayo titira sa condo? Bakit ang daming niyang pinamili?" narinig ko pa ngang tanong ng nagtataka
Amery Heart POV Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa dining area ng condo para kumain ng dinner nang mapansin ko ang biglang pagbabago ng hitsura ni Elias pagkatapos nitong kumagat sa niluto niyang sausage. Pigil ko naman ang sarili ko na matawa. Sa wakas natapos din siya sa pagluluto pero ang mga ligpitin sa kusina ay naghihintay. Wala akong balak na tulungan siyang magligpit. Kalat niya iyun kaya bahala siya. Nag effort naman kasi siyang magluto pero palpak talaga eh. Halata din naman na hindi siya marunong magluto dahil pang breakfast na pagkain itong nakahain sa harapan namin. Iyun nga lang sunog ang sausage at parang na murder ang sunny side up eggs niya. "Hindi mo ba gusto ang niluto ko? I mean...parang na overcooked ko yata itong sausage." nakangiti niyang wika at sabay lapag niya sa pingan ko ang sunny side up eggs. Kahit nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pambabaliwala sa akin nitong mga nakaraang linggo, no choice ako kunti ang tikman ang itlog na na
AMERY HEART POV Mabilis lang naman ang serving ng mga pagkain. Ilang saglit lang, namalayan ko na lang ang sarili ko na nag eenjoy sa mga pagkaing nasa harapan namin. Ngayun ko lang din lubos na narealized na gutom na gutom pala ako. "Kung may mga gusto ka pang kainin don't hesitate to tell me at oorderin na kaagad natin." nakangiti niya pang wika. Mapansin niya marahil ang gana ko sa pagkain kaya ganoon. "Ayos na ito. Thank you. Hindi ko masyadong pinapansin ang mga ganitong restaurant before pero masarap pala. " bigkas ko din kaagad sa kanya. "Ahmmmm ganoon ba? Pwede tayong bumalik dito bukas kung gusto mo. Para ma try natin ang iba nilang menu. What do you think?" nakangiti niyang tanong. " I think masyado ka nang magastos." pabiro kong sagot at huli ko na narealized na hindi pala kami in good terms. Kaya lang nasabi ko na at hindi na pwedeng bawiin. "Ayos lang gumastos, Sweetheart basta ang importante mag enjoy ka." nakangiting sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigi
AMERY HEART POV "ELIAS, Look! Tingnan mo ang ginawa ng babeng iyan sa akin!" parang nagsusumbong ang tono ng boses ni Rebecca na wika kay Elias.. Pulang-pula ang mukha nito habang may iilang butil ng luha ang tumutulo sa mga mata nito. Well, medyo mainit pa iyung Ramen at para siyang basang sisiw ngayun. Ang plakado niyang make -up ay unti-unti nang nahuhulas mula sa kanyang pisngi. Napansin ko din ang kaaagad na paglapit ng dalawang waitress at inabutan ito ng malinis na towel. Pamunas marahil sa basang basa nitong buhok. "You deserved it!" narinig kong baliwala namang sagot ni Elias dito. HIndi ko tuloy mapigilan ang mapatingin dito. Prente pa rin itong nakaupo na para bang wala siyang pakialam sa nangyari kay Rebecca. Actually, ang inaasahan ko kanina ay magagalit ito sa akin dahil sa ginawa ko sa babaeng binigyan niya ng singsing pero kabaliktaran naman ang ipinapakitang reaction ni Elias sa akin ngayun. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit na kauting pagkadismaya sa kay
AMERY HEART POV PAGKATAPOS bayaran ni Elias ang bills namin sa restaurant, mabilis na din kaming umalis para puntahan sa NICU ang anak namin. Sakto lang naman ang dating namin sa NICU dahil oras na para padedehin si Baby. "Pwede ba akong manood habang pinapadede mo siya?" nakikiusap na wika ni Elias nang akmang papasok na ako sa loob. Natigilan naman ako. KUng totoosin, pwde naman talaga siya pumasok anytime na gustuhin niya sa loob ng NICU. Lalo na at isa siyang Doctor at pag-aari niya din ang hospital na ito. Sa loob ng NICU, walang ibang bata ang naririto. Solo ng anak namin ang buong unit. Sinadya ito ni Elias lalo na at wala siyang ibang hangad kundi ang ibigay ang pinaka the best para sa anak namin. "Pwede naman! Hindi kita pagbabawalan kung guso mong manood." balewala kong sagot. Iyun nga lang, pagpasok namin sa loob, parang gusto ko tuloy pagisisihan kung bakit ako pumayag. Magpapadede ako at nakakailang pala. Makikita niya kasi ang boobs ko eh. Kahit naman may a
ELIAS POV KANINA pa ako hindi mapalagay. Hindi ako makatulog. Feeling ko talaga may kulang sa akin kaya balisa ako. Wala sa sariling mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga sa kama. Lumabas ng kwarto at direcho sa kusina para uminom ng malamig tubig. Todo na ang temperature ng aircon sa aking silid pero nakakaramdam pa rin ako ng pagkaalinsangan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na yata ako. Bitbit ang bottled water naglakad ako patungo sa salas. Naupo sa mahabang sofa sabay sandal. Nasa kabilang silid lang si Amery at gusto ko na siyang puntahan doon. Makikiusap lang naman sana ako na pwede bang tabi na kaming matulog. Tatabi lang naman eh. Wala naman akong ibang gagawin lalo na at kakapanganak niya lang Kaya lang sa ipinapkitang pakikitungo sa akin ni Amery ngayun mukhang malabo talaga sigurong mangyari. Mukhang kailangan ko munang suungin ang mahabang pasensya at pagta-tiyaga para mapatawad niya ako. Hayssst, hirap ng ganitong buhay. Kung bakit n
THIRD PARTY POV PATULOY sa paghabol si Christopher sa babaeng nakita niya. Hindi siya papayag na makawala ito sa paningin niya. Hindi siya papayag na basta na lang itong makalayo. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niya itong makaharap. Samantalang, takot na takot naman si Katrina habang patuloy siya sa pagtakto. Balak niyang pumunta sa siyudad para mama-limos at makabili ng gamot para sa Ate Amery niya. Naaawa kasi siya dito. May sakit ito at ayaw niya nang lumala pa iyun. Alam niyang matagal na siyang pinagbabawalan ng Ate niya na lumuwas ng siyudad pero sa sitwasyon ngayun, kailangan niya na talagang kumilos. Lalo na at hindi din talaga siya papayag na mapahamak ito. Simula nong dumating dito sa gubat si Ate Amery itinuring niya na itong hindi iba sa kanya. HIndi man niya ito kadugo pero napamahal na siya dito. Parang kapatid na nga din ang turing niya dito eh. Lalo na at hindi ito nagsasawa na turuan siyang magsulat at magbasa. "Wait! Who are you? Saan ka pupun
THIRD PERSON POV "SHIT, diwata ba iyun, Pare?" seryosong bigkas ng kasama ni Christopher sa pangangaso. "Yes...siya Christopher Villarama. Isa sa mga triplets na magkapatid na sila Charles at Charlotte. Anak ng mag-asawang Carmela at Charles Villarama. Isa sa mga apo ng namayapang mag-asawa na sila Gabriel Villarama at Carissa Perez. "Diwata? May diwata sa gubat na ito? Ano ka ba naman, walang diwata. Tao iyung nakita natin " seryosong sagot naman ni Christopher sa kaibigan niya. Kakabili lang niya sa nakabuyangyang na property na ito na matatagpuan sa Rizal. Actually, basta niya na lang binili pero wala pa naman siyang concret plan kung ano ang gagawin niya dito since gubat nga at maraming mga hayop ang nasa paligid Nanghihinayang din kasi siyang sirain ang gubat para lang tayuan ng mga istraktura. Hindi na kailangan. Talagang biniili niya lang ito sa dalawang may edad nang mag-asawa dahil hindi na daw nila ito maaasikaso.. Well, kitang kita naman ang ibedensya. Sobrang suk
AMERY HEART POV "ATE, umiiyak na naman po kayo." kasalukuyan akong nakaupo dito sa tabing ilog habang nakatitig sa kawalan. Mula sa aking kinauupuan, naririnig ko kanina ang tawanan nila Baby Elizabeth at Katrina. Kay bilis lumipas ng tatlong taon. Feeling ko natulog lang ako at nang magising ako, heto na. Malaki na ang anak ko. Hindi na siya baby at lumaki siya dito sa gubat na hindi man lang kami nahanap ng ama niya "Yes...kahit na nabasa ko noon sa isang magazine na engaged na si Elias kay Rebecca, umaasa pa rin ako na hindi siya titigil sa paghahanap sa amin. Na gagawa siya ng paraan para mahanap niya kaming mag-ina pero mukhang malabo na ang lahat. Sa takot ko noon, nawalan na din ako ng kumpyansa sa sarili ko na lumabas ng gubat. Hangang sa hindi ko na namalayan pa ang mga taon na lumipas. Na nandito pa rin pala ako habang unti-unti nang lumalaki ang anak ko. "limang buwan na lang ang bibilangin at magpo-four years old na si Baby Elizabeth. Ni sa hinagap, hindi ko akal
AMERY HEART POV SIX MONTHS LATER "KATRINA, saan ka galing? Ang tagal mong nawala ah?" seryoso kong tanong kay Katrina. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa gubat para hanapin ito pero hindi ko siya makita. Sa loob ng anim na buwan, medyo nakabisado ko na din ang buong paligid. Nasanay na din ako sa bagong kapaligiran. "ATE, tulog pa kasi kayo kanina ni Baby Elizabeth kaya hindi ko na kayo ginising. Minsan po kasi, lumalabas po talaga ako dito sa gubat para manghingi ng limos at makabili ng mga bagay na kailangan natin." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ng ako sa suot nitong sira-sirang damit. Madungis din siya at ang buhok niya akala mo isang bruha. Madumi din ang kanyang mukha. Sabog-sabog ang buhok at kung hindi ko lang kabisado itong si Katrina baka hindi ko siya makilala. "Galing kang siyudad at namalimos ka? Katrina, alam mo ba kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya! Hindi siya sanay sa siyud
THIRD PERSON POV "THIS is very impossible! Unacceptable ! Elijah, do something! Hindi pwedeng basta na lang ibahay ng kakambal mong Elias na iyan ang babaeng iyan. Paano na si Amery?" seryosong wika ni Jennifer sa asawa niya habang nagtitipon sila dito sa mansion Villarama. Isang buwan na ng matulin na lumipas at hangang ngayun, wala pa ring Amery na natagpuan. Na para bang tuluyan na itong naglaho na parang bula. Lahat sila ay nag-aalala na sa posibleng nangyari kay Amery sa mga kamay ng mga kidnappers. Wala na din silang naging balita at wala ding ransom na nagaganap which is mas lalong nakakatakot. Ayaw nilang mag-isip ng kahit na anong masama. Pero parang iyun na nga. Mukhang napahamak na yata si Amery at ito ang dahlian kung bakit hindi nila maikwento kay Elias ang lahat-lahat. Naaksidente ito noon dahil sa paghahanap sa mag-ina niya at kapag malaman nito na may masamang nangyari sa mga ito, baka lalong lumala ang sitwasyon. Tiyak silang masasaktan si Elias at ayaw nil
REBECCA POV Ngayung umayon na sa akin ang kapalaran, kailangang kong sulitin ang pagkakataon. HIndi ako pwedeng patulog-tulog dahil kaunting kaunti na lang, mapapasa-akin na si Elias. Hyassst, nawalan siya ng alaala at mukhang hindi pa naikwento sa kanya ng kanyang pamilya ang nangyari kina Amery at sa anak niya. "So, bago ang aksidente, ikaw ang naging girlfriend ko?" seryosong tanong ni Elias sa akin. Naluluha naman akong tumango. "Yes...ako nga! Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa iyo, Elias? HIndi ko na alam kung ano ang gagawain ko kapag may masamang nangyari sa iyo. Alam kong ako ang dahilan kaya ka nagkakaganiyan dahil gusto kitang hiwalayan dahil ayaw nilang lahat sa akin, Elias. May iba silang babaeng gusto para sa iyo...'" umiiyak kong muling sambit. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay nito. Lalo namang nagdiwang ang kalooban ko. Alam kong maniniwala siya sa akin. Wala naman siyang choice kundi ang maniwala eh. Ang galing ko kayang umarte. Pang theatr
THIRD PERSON POV "Ano ang balita kina Amery? Kumusta sila? Nahanap na ba sila?" nag-aalalang tanong ni Miracle sa pamangkin niyang si Christopher. Mahigit isang linggo na ang lumipas simula noong nakidnap sila Amery at ang apo niya at hangang ngayun, wala pa ring balita sa mga ito Si Elias naman ay kasalukuyang nasa ICU. Hinihintay na magising ito dahil sa kinasangkutang aksidente. Doble-dobleng daguk ang nangyari sa pamilya nila at hindi na nga nila malaman pa kung ano ang uunahin. Masyado nang matagal ang isang linggo simula nang nakidnap sila Amery at hangang ngayun, wala pa ring naging balita sa kanila "Ginagawan na po namin ng paraan para mahanap sila, Tita. May man hunt operation na din po sa mga kumidnap kina Amery. Huwag po kayong mag-alalala, hindi po kami titigil hangat hindi sila mahanap." seryosong sagot naman ni Christopher sa tiyahin niya. Kung nag-aalala ito, ganoon din naman sila eh. Lalo na at hangang ngayun hindi pa rin nagigising si Elias. Kasalukuyan pa r
AMERY HEART POV "NANDITO na tayo, Ate." nakangiting wika sa akin ni Katrina. Halos bente minuto din ang itinagal ng aming paglalakad papasok pa sa gubat. Hindi ko maiwasan na magulat. Nandito lang naman kami sa harap ng bunganga ng isang kweba. Tulala tuloy akong napatitig sa kanya. "Sino ang kasama mo dito?" nagtataka kong tanong. "Dati, si Lolo! Pero ngayun mag-isa na lang ako. Namatay na kasi si Lolo noong nakaraang taon eh." nakangiti niyang wika sa akin. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng habag sa kanya. Hindi ko akalain na sa gitna ng gubat na ito ay may nakatira pa lang isang dalagita. "Paano ka nakaka-survived? Ibig kong sabihin, paano ka nabuhay dito na mag-isa ka lang?" nagtataka kong tanong. "Sinabi sa akin ni Lolo dati na malupit daw ang mga tao sa patag. Tsaka nasanay na din po ako dito na wala akong ibang kasama kundi ang mga hayop dito sa kagubatan." nakangiti niyang sagot sa akin na lalong nagpadagdag sa habag na nararamdaman ko para
AMERY HEART POV Muli akong nagkamalay na una kong narinig ay ang malakas na pagpalahaw ng iyak ng aking anak na si Elizabeth. Dali-dali ko siyang binuhat nang mapansin ko na nasa lupa na siya. Siguro nabitawan ko siya kanina noong nawalan ako ng malay. HIndi ko din mapigilan ang mapaiyak lalo na nang maalala ko ang mga nangyari. Hindi ko akalain na dadanasin namin ang ganitong sitwasyon. "Baby, tahan na! Sorry...sorry dahil naranasan mo ito. Sorry kung naging mahina si Mommy." mahina kong sambit. Mahigpit kong niyakap si Baby Elizabeth habang hilam ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang din at kahit papaano, tumahan na din naman siya noong kargahin ko siya. Hindi ko alam kung saang bahagi ng gubat kami ngayun. Mukhang tuluyan na din kaming nilubayan ng mga kidnappers. Mula sa pagkakasalampak sa lupa, dahan-dahan akong tumayo at hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking binti. Nang tingnan ko iyun, hindi ko mapigilan ang lalong maiyak nang