Share

Kabanata 184

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-08-11 22:15:20

Love's POV

"Labas lang ako, ah?" Paalaam sa akin ni Razen nang matapos niyang ubusin ang first batch ng turon.

Hindi ko inaasahan na mauubos niya 'yon kasi marami 'yon eh, sinamahan pa ng mountain dew. Ganun ba kasarap ang turon para maubos niya? O baka gutom lang?

Habang hinihintay kong maluto ang ginataang gulay, sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas ng karinderya.

"Uy, napaaga yata ang punta mo rito, kagawad!" Napataas ang kilay ko sa tatlong lalaking sumalubong sa kanya. "Sinong kasama mong pumunta rito—ah, si Love pala."

Tumango lang ako ng mahina nang dumako ang tingin nila sa akin. "Magandang umaga, mga kagawad."

Nginitian naman nila ako at binalik din ang tingin kay Razen na hindi ko napansing nakatingin pala sa akin.

"B-Bakit? Tingi-tingin mo? Gusto mo pa?" Tukoy ko sa turon pero pinakatigigan lang ako ng ilang segundo at saka namulsang humarap sa tatlo.

Bastós! Hindi man lang ako sinagot.

"Anong atin?" kaswal na tanong ni Razen sa kanila.

"Balita
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
amhie banares
simpre gusto. gstong gusto nia ...
goodnovel comment avatar
Maricar Godezano
hahahaha . ayaw mo pa razen tutulungan kna nga ng laloves mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 187

    Ako pa yata ang nasaktan nang hampasin ko siya. “That hurts, Love. Parang 'di babae eh, bigat ng kamay,” reklamo ni Razen habang hinahaplos ang braso niya kung saan ko siya tinamaan. "Batak na batak?" “‘Yan kasi!” iritadong sagot ko. “Anong klase kasing biro ‘yon?!" Ngumisi lang siya, tila nang-aasar pa rin. Black eye yata ang gusto nito, hindi na hampas. “Eh ikaw ‘tong agad na namula. Hm, ano kayang tahong—" “Razen, isa pa!” Inangat ko ang kamay ko pero mabilis siyang umatras, tawang-tawa pa. “Okay, okay! Stop na, Love,” sabi niya habang palayo nang palayo. “Baka maubos energy mo, may babalikan pa tayong gawain sa palengke.” Gawain? Kakain lang 'to, eh! Umiling ako at nauna nang maglakad sa kanya, hindi na siya pinansin kahit naririnig ko pa rin ang mahina niyang tawa sa likod ko. Pagdating namin sa karinderya, kumunot ang noo ko nang makita kong may dalawang babaeng nakaupo sa mesa sa may labas. Maayos ang bihis, pang mayaman, halatang hindi taga rito. “Uy…” bulong ko kay

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 186

    "Hindi po!" mariing tanggi ko. "Hindi ko po siya asawa. Magkakilala lang po kami." Tila natahimik saglit ang paligid bago sumabog ang tawanan ng ilan sa mga nakarinig. Yung iba, literal na napahawak pa sa tiyan habang pumapadyak sa upuan. Pati si Mang Joseph, halos mabilaukan sa kakatawa. Napailing na lang ako, pero ramdam ko ‘yong init ng pisngi ko. Naiirita na nga ako sa tanong, pero heto’t ginagawan pa ng biro. Si Razen naman, walang pakialam. Busy pa rin sa paglilista ng mga order sa gilid ng karinderya, parang walang narinig. Kung tutuusin, mas gusto ko na rin ‘yon kaysa makisali pa siya sa pang-aasar ng iba. Nang makapaglista, naging abala na rin siya sa paghahanda ng mga order, parang sanay na sanay sa ganitong gawain kahit iba ang nakagisnang gawain sa Maynila. Lumipas ang ilang oras sa paulit-ulit na pag-abot ng mga pinggan, pagtanggap ng bayad, at pag-aasikaso sa mga kargador, mangingisda, at kung sinu-sino pa. Sa dami ng tao at init ng panahon, halos sumuko na ri

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 185

    "Are you really asking me that, Love?" balik tanong niya habang nakangisi kaya sinamaan ko ng tingin. Magsisimula na naman siya. Humupa na nga 'yong inis ko sa kanya. "Oo naman, gustong-gusto kita—I mean, na tulungan mo 'ko." Napailing na lang ako at inasikaso ang mga dating customer na karamihan ay mga dalaga sa kabilaang pwesto. First time ko at mukhang alam ko na kung bakit nandito ang mga 'to. Tapos si Razen naman, ang ganda ng tindig, busy sa pagtitipa sa kanyang cellphone. "Uy, Love, ereto mo naman kami sa kambal ni Kapitan Raze oh, gwapo eh, lakas ng charisma. Si Kap kasi bulag na bulag kay Lylia saka masungit, napaka-strikto pa, pero itong isa, mukhang friendly naman," sabi ni Ainona sabay lapit lalo sa akin, nagpapa-puppy eyes na akala mo tatalab sa akin. "May girlfriend na 'yan," biglang sabi ko na kahit ako nagulat. "I mean, siguro may girlfriend na. Kung kayo na lang ang lumapit? Hindi naman kami close niyan." Close? Hindi ako sigurado. Makulit lang talaga si Raz

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 184

    Love's POV "Labas lang ako, ah?" Paalaam sa akin ni Razen nang matapos niyang ubusin ang first batch ng turon. Hindi ko inaasahan na mauubos niya 'yon kasi marami 'yon eh, sinamahan pa ng mountain dew. Ganun ba kasarap ang turon para maubos niya? O baka gutom lang? Habang hinihintay kong maluto ang ginataang gulay, sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas ng karinderya. "Uy, napaaga yata ang punta mo rito, kagawad!" Napataas ang kilay ko sa tatlong lalaking sumalubong sa kanya. "Sinong kasama mong pumunta rito—ah, si Love pala." Tumango lang ako ng mahina nang dumako ang tingin nila sa akin. "Magandang umaga, mga kagawad." Nginitian naman nila ako at binalik din ang tingin kay Razen na hindi ko napansing nakatingin pala sa akin. "B-Bakit? Tingi-tingin mo? Gusto mo pa?" Tukoy ko sa turon pero pinakatigigan lang ako ng ilang segundo at saka namulsang humarap sa tatlo. Bastós! Hindi man lang ako sinagot. "Anong atin?" kaswal na tanong ni Razen sa kanila. "Balita

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 183

    Pagkaparada ng ducati sa gilid ng kalsada ng palengke, halos magkanda-ugaga si Love sa pagmamadaling bumaba. Tinanggal niya agad ang helmet at madiin na iniabot kay Razen na parang gusto niya na ring isampal sa mukha nito. “Ayan na. Salamat—o hindi pala, wala akong dapat ipagpasalamat,” iritadong sabi niya. "Teka lang, mataas 'yan—" Ngunit sa mismong sandaling tatapak na siya sa semento, nadulas ang paa niya sa gilid ng gutter. Napasinghap siya at muntik nang tumilapon paharap kung hindi lang mabilis na sumalo si Razen, isang kamay sa bewang at isa sa braso niya. Mabilis ang kilos nito, tipong may iniingatan, saka ngumisi. “Ingat,” aniya, mababa at may bahid ng panunukso ang tinig. “Baka mahulog ka…” Huminto siya sandali para masigurong malinaw niyang maririnig. “…sa akin.” Napangiwi si Love at walang kaabog-abog na tinulak ang mukha nito palayo. “Lakas mo talaga mang-asar 'no?” sabay irap. "Hindi bebenta sa akin 'yan." Natawa si Razen, walang paki kung halos tumabingi na ang

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 182

    Maaga pa lang, gising na si Love, nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang maliit na notebook kung saan nakasulat ang listahan ng mga bibilhin para sa karinderya. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang ugong ng bentilador at ilang kuliglig sa labas. Hindi pa man sumisikat ang araw kaya nanatili muna siyang naka-upo ro'n. Si Lira, mahimbing pa ang tulog kaya mamaya na niya ito gigisingin. Pinagmasdan niya ang sinulat roon, gulay, karne, pampalasa, bigas, at kung anu-ano pa. Hindi biro ang pag-aasikaso ng karinderya, lalo na’t ngayong araw ay hindi niya kasama si Lira para tumulong dahil may gagawin ito sa mansyon para asikasuhin ang mga bisita ng pamilya ni Raze, at siya, ang kailangang bumyahe sa palengke at magtinda. Tumayo siya at nag-inat bago lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kusina at nagsimulang magligpit ng mga ginamit kagabi. Pinunasan ang lamesa, tinabi ang mga pinggan, at inayos ang mga gamit para hindi magmukhang magulo. Kahit hindi pa masyadong maganda ang p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status