Share

Chapter 2: Encounter

Bumalik lahat ng kaba sa dibdib ko nang sabihin niya na hindi siya si Mr. Shein. Kung ganoon ay maari ngang isang matandang hukluban si Mr. Shein?

“Kumain ka muna. Mukhang na istorbo ko pa yata ang pagkain mo.” Nanlulumo akong umupo sa mesa at pinagpatuloy ang pagkain.

Kinausap nong lalaki si manang habang ako naman ay sinusubukang pakalmahin ang sarili. Nananalangin na sana ay hindi isang mafia boss o drug lord o drug dealer ang totoong Mr. Shein.

Baka nga naman kasi isang madman ‘yang si Mr. Shein kaya kailangan niya ng mag-aalaga sa kaniya. Bakit asawa ang kailangan niya? Bakit hindi nalang nurse o psychiatrist?

Umupo ‘yong lalaki sa harapan. Nakatingin siya sa ‘kin. Sobrang gwapo niya talaga. Ang swerte ko na siguro kung siya nga si Mr. Shein.

“By the way, ako si Richmoon. Nautusan ako ni Mr. Shein na paalalahanan ka sa mga dapat mong gawin sa bahay niya.” Napalunok ako ng ilang beses at napa inom ng tubig sa sobrang kaba.

Paaanong nagagawa niyang makapag-utos sa iba? Hindi ba siya baliw?

“So ang dapat mong tatandaan ay dalawa lang, ‘wag mo siyang paki-alaman lalo na ang mga personal niyang gamit at buhay. Separate kayo ng kwarto kaya walang dahilan para pumasok ka sa kwarto niya.”

Jusko! Ipagpapasalamat ko pa ‘yon. Wala naman akong plano na pumasok sa buhay o kwarto niya. Baka mamaya may mga drugs siyang nakatago doon.

“Ano iyong pangalawa?” tanong ko.

“Do your wife duties,”

Wife duties? Like cook for him? Ganoon? Or more than that? Napalunok ako ng may nakakatakot na eksenang pumasok sa isipan ko. I can’t bring myself to sleep with an old man.

“Do you have any questions?”

Kinakabahan man ay nag lakas loob akong tanungin siya about sa isang bagay.

“When you say wife duties, are you referring also to… ano?”

“What?”

“The chukchakan,”

“Chukchakan? What’s that?” hala! Hindi niya alam ang chukchakan? For real?

“You know, ‘yong siya at ako, in the same room doing something wild.”

Kumunot ang noo niya pero maya-maya pa ay bigla siyang humalakhak na mas lalong nagpakaba sa ‘kin. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“You’re funny,” aniya and I frowned.

“It depends on you both. I don’t think so ma a-attract mo si Shein,” Wow ha? Parang insulto ‘yong sinabi  niya. Ganoon na ba ako ka panget para hindi siya ma attract? Or kahit tigasan man lang?

“Anyway, I have to go and mag-iingat ka sana,” lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit mag-iingat ako? Nananakit ba ng tao ‘yong si Mr. Shein?

Kung madman siya, possible.

Kung drug lord o drug dealer, possible rin.

Kung mafia boss siya, may chance nga.

Hala! Hindi na ba talaga ako makaka uwi ng buhay sa ‘min?

Nang maka-alis na si Richmoon at natapos ako sa pagkain ay dumating ang ilan sa mga katulong sa kinaroroonan ko at agad na inakay ako papunta sa taas ng hagdan.

Pumasok kami sa loob ng isang kwarto na parang bahay na namin sa laki. Malaki ang kama at malaki ang wardrobe.

Nagtangka nang hubarin ng mga katulong ang damit ko kaya pinigilan ko sila. Bakit huhubarin?

“Ma’am, pasensya na po kayo, utos po ni Mr. Shein na bihisan kayo ng damit bago kayo pumunta sa kaniya.”

“Ako na po maghuhubad,” nahihiyang sabi ko sa kanila. Para naman pala tayong royalty sa treatment nila. Is this a kind of joke?

Mabuti nalang at pinagbigyan nila ako. Hinubad ko na ang damit ko at basta nalang nila ako hinila agad sa loob ng banyo.

Don’t tell me paliliguan nila ako?

Shockss! Nakakahiya.  I ain’t a princess, but I can be one. Charot!

Matapos nila akong paliguan lahat, saka nila ako binihisan. A long dress na hapit na hapit sa katawan ko. Kailangan ba talaga ito? Parang ang arte naman ng madman na iyon. It’s a yellow one na parang suot ni Belle sa palabas na Beauty and the Beast.

Agad nila akong inayusan. Sinuotan rin nila ako ng mga alahas that suited for the dress. Namangha ako sa kinang ng mga bato sa leeg at tenga ko. First time ko makasuot ng real na jewelries. Inayusan nila ako ng buhok at nilagyan ng konting make-up. Mabuti at light lang dahil hindi ako komportable sa mabigat na make-up na nilalagay sa mukha.

“Tapos na po ma’am. Bumaba na po kayo, hinihintay na kayo ni Mr. Shein.”

Kanina pa ko kinakabahan sa Mr. Shein na ito. Bakit ba kasi ayaw niyang magpakita sa ‘kin agad? Masiyadong pa suspense.

Tinignan ko ulit ang istura ko sa salamin. Sandali kong tinitigan ang sarili at ngumiti. Ang ganda. Sobrang ganda na masakit sa puso dahil nakikita ko si papa sa itsura ko.

Huminga ulit ako ng malalim saka tumayo.

Sinamahan nila ako pababa. Habang pababa ako sa hagdan naririnig ko ang mga yabag ko. Ang tunog ng dahil sa stiletto na tumatama sa marbles na tiles sa bahay nila  na siyang nagpapakaba sa ‘kin.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mukhang patungo kami sa likuran ng bahay. Nang nasa malapit na kami, ay may naririnig na ‘ko na mga boses. Nakita ko si Richmoon sa hindi kalayuan. Sa harapan niya na nakatalikod sa ‘kin ay may isang lalaki na nakaupo.

Naka black suit din.

At puti ang lahat ng buhok niya. Confirm, isa nga siyang matandang hukluban. Ang napangasawa ko ay isang matanda.

Huminto ako sa paglalakad. Parang hindi ako makahinga dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Sa sobrang lakas nito, nahihirapan akong kumilos ng kalmado.

“Here she is,” rinig kong sabi ni Richmoon. Umatras ako. Dahan-dahan. bago pa man lumingon sa gawi ko si Mr. Shein ay agad na ‘kong tumalikod at nagsimulang tumakbo.

Tinatawag ako ng mga katulong pero hindi ako lumingon.

Lalabas na sana ako ng bahay ng maalala na may mga men in black suit sa labas naka-abang kaya wala akong choice kun’di ang umakyat sa itaas. Nagmamadali akong umakyat. Hindi ko nilingon ang lahat ng humahabol sa ‘kin.

Hinanap ko ang kwarto ko kanina pero hindi ko makita. Sa sobrang laki ng mansion ay maraming mga kwarto na iba-iba.

Hinubad ko ang stiletto at tumakbo nang tumakbo hanggang sa dulo ng bahay.

Sinubukan kong buksan lahat ng kwarto pero sarado lahat. Hindi ko kayang pakisamahan ang isang matandang hukluban na gaya ni Mr. Shein.

Hindi ko na rin alam kung saang parte ako ng bahay. Naririnig ko na ang boses ng mga humahabol sa ‘kin. Sa taranta ko ay pumasok ako sa loob ng kwarto na tanging nabuksan ko. Nang makapasok ako ay agad ko itong nilock.

Madilim ang buong kwarto. Nakapatay ang lahat ng ilaw. Mabuti na rin ito para hindi nila ako makita. Napasandal ako sa pintuan at nanghihinang umupo sa sahig.

Napagod ako kakatakbo.

Nang marinig ko ang boses nila sa tapat ng kwarto ay agad akong umtras. Nakaharap sa pintuan habang pa atras ng pa atras.

“Wag sana nilang buksan,” mahinang bulong ko habang umaatras.

Nang biglang may humawak sa bewang ko na ikinagulat ko. Naramdaman ko ang presensya ng tao sa likuran ko. Sisigaw sana ako pero natatakot akong marinig ng mga katulong sa labas na humahabol sa ‘kin at baka makita pa ‘ko.

Naramdaman ko ang hininga ng tao sa leeg ko. Bumigat ang bawat paghinga na binibitawan ko. Ramdam ko na ang kaba sa dibdib.

Taas baba ang mga palad nito sa ‘king bewang habang hinahalikan niya ang aking leeg papunta sa balikat na hindi natatabunan ng telang suot ko.

“Sino ka?” kinakabahang tanong ko.

Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa paghalik sa leeg habang ang mga kamay ay nasa gilid na ng dibdib ko.

Nang mawala na ang boses sa labas ay agad akong umatras sa lalaki. Humarap ako sa kaniya ngunit hindi ko siya makita. Sa sobrang dilim ng paligid ay hindi ko makita ang mukha niya o kung sino siya.

“S-Sino ka?” parang hihimatayin ako sa bahay na ito. Sa sobrang dami ng ganap, nasisiguro ko ng hindi ako makaka-uwi ng buhay sa ‘min.

Hindi siya sumagot kaya sa kaba ay tinakbo ko ang pagitan namin ng pintuan dahil plano kong umalis nalang sa loob ng kwarto na ito pero bago pa man ako makalabas,

Hinarangan na niya ’ko. Gamit ang katawan na nagmimistulang pader sa taas at tibay.

“Sino ka ba? Palabasin mo ‘ko”

“Why would I?” nanindig ang balahibo ko sa boses niya. His voice is deep and very manly. Masiyadong malalim na halos wala akong masabi. Nakakahalina, iyong tipong kahit saan ka mag punta, hindi mo makakalimutan ang boses niya.

“Sino k-ka?” hindi ulit siya sumagot. Bigla niya lang akong hinila palapit sa kaniya na ikinasigaw ko. Kinakabahan na talaga ako.

“Anong g-gagawin mo?”

Napasinghap ako nang maramdaman ang hininga niya sa pisngi ko. Nararamdaman ko ang pagdampi ng tungki ng ilong niya sa balat ko. Matangos. Sino ba siya?

“Pakawalan mo ko,” mahinang sabi ko.

“Why would I?”

“Sisigaw ako,” pananakot ko na tinawanan niya lang.

“Go on”

Sino ba siya?

“You smell nice,” his voice is a bit husky. Pero it’s nice to hear.

“You have a very small face. Smaller than I thought,” aniya na ikinataka ko. Kilala niya ba ako?

“Sino ka ba talaga?”

“Your lips, so small and kissable,” napalunok ako sa sinabi niya. Dapat akong matakot at kabahan sa sinabi niya pero bakit heto at parang naaakit ako?

“Pakawalan mo ‘ko. Kasal na ‘ko,” sabi ko sa kaniya. Wala talaga akong makita except sa mga mata niyang kulay asul. Light blue na ang sarap titigan. Hinuha ko ay gwapo siya.

“Really?” mahihimigan ang pagkamangha sa boses nito. Hindi ko alam kung bakit.

“Oo. I’m married sa nagmamay-ari ng bahay na ito. Kay Mr. Shein kaya pwede ba pakawalan mo na ako?” sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakakapit sa ‘kin pero humihigpit lang ang hawak niya at hindi ako pinapakawalan.

“Naririnig mo ba ako? Sabi ko pakawalan mo ‘ko. Kung may pwede mang humawak sa ‘kin, ‘yon ay ang asawa ko lang,” matapang na sabi ko sa kaniya at sa huling pagkakataon ay buong lakas ko siyang naitulak na salamat sa diyos ay binitawan niya rin.

Tumalikod ako at pinihit ang doorknob para makalabas ng kwarto pero nagulat ako ulit nang hinigit niya ko ulit paharap sa kaniya.

“Ano ba? Hindi mo ba ako naiintindihan? Ang sabi ko asawa ko lang pwede humawak sa ‘kin.”

“I’m sorry miss but to clear my part here, I am Harold Oliver Shein and you, Lorelay Sugala is my wife.” I don’t know kung totoo ba, but I think, he smirk.

"And yes, I should be the only one to hold you like how I do."

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Drew Odones Cereza
unlock pls
goodnovel comment avatar
Martini Luis Go
tapos kailangan Ng magcheckbin watch video para maipagpatuloy ang pagbabasa.
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan takbo ka ng takbo hindi mo muna inaalam kung sino talaga ang napangasawa mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status