Bella's POV "Snow--" "I'm dying, Fallen Angel," diretsong saad ni Uno na kinabigla naming dalawa. Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Uno agad kay Snow ito. Hindi ko talaga mabasa si Uno. "B-Bakit nandito ka? Hindi ba dapat nasa hospital ka at nagpapagaling?" nanginginig na saad ni Snow. "Hospital?" napapailing na wika ni Uno. "Lalo lang ako magkakasakit doon." "K-Kailan p-pa?" natutulang wika ni Snow. Sinulyapan ni Uno si Snow. "Alam ko na matagal mo nang alam, Fallen Angel. Why are you asking me now?" Nakita kong natigilan siya. Halata sa mukha na totoo ang sinabi ni Uno. Sa ganitong mood ay kailangan ko nang pumasok. Tumikhim ako nang malakas para mukuha ko ang atensiyon nilang dalawa. "Uno," tawag ko sa kanya na agad naman siyang lumingon. "Tutal ay pumayag na ako sa gusto mo ay maari na ba ako umalis? Alam mo naman na maraming tao ang nag aalala sa akin." "Sure. Malaya kana sa gusto mong gawin," kaswal niyang wika. "Magkita na lamang tayo sa meeting na gaganapin by next w
Bella’s POVPagkatapos ng usapan namin sa mansion ni Uno ay hinatid naman ako ni Ash sa aming bahay. Samantalang si Snow ay nagpaiwan upang maalagaan si Uno.Buong biyahe namin ni Ash ay sobrang tahimik. Walang umiimik sa aming dalawa. Ang hindi ko lang makakalimutan sa kanya na sabihin niya na nasa paligid lang siya at nagbabantay sa akin.Ito raw ang utos ni Uno sa kanya.Hindi ko na inisip iyon at puamayag na lang ako. Pagpasok ko sa loob ng mansion namin ay nakita ko si Dad na naiinip na naghihintay sa akin sa labas. Alam ko na nag aalala na siya sa akin.“Dad!” malakas na tawag ko sa kanya.“Bella!”Isang masayang ngiti ang binigay ko sa kanya na makalapit ako. Matagal niya akong sinuri. “What?” tanong niya.“Huh?” naguguluhang wika ko.“Bakit ang saya mo? Hindi ito ang inaasahan ko na makikita sa iyo. Ano ang nangyari?” curious na tanong niya sa akin.“Nakausap ko si Uno, Dad,”seryosong sabi ko.“Okay.”“Pumayag na ako na pumalit sa posisyon niya,” ani ko.“Tapos?”“Mukha n
Bella’s POVMarahan akong ngumiti at tumingin sa mga mata ni Jarvis. “I always love you, Freak.”Tinititigan niya ako tila kinakabisado ang aking mukha. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagbabalat ng apple kaya lang nagulat ako sa ginawa niya.Naramdaman ko na lamang na yumuko siya sa akin at sabay hinawakan ang aking batok. Napasinghap ako na maramdaman ko ang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan ko. “J-Jar—“Napatigil ako sa aking pagsasalita na naramdaman ko ang labi niya sa aking labi. Dahil doon ay nabitawan ko ang hawak kong apple at kutsilyo dahil nilagay ko ang dalawa kong kamay sa batok niya.Naramdaman ko ang pagngiti niya sa pagitan ng aming halikan.Jarvis kissed me passionately. Tinugon ko ang bawat na matamis niyang halik at buong puso na nagpaubaya sa kanya.Sobrang namiss ko siya.Bumalik sa aking isipan ang lahat ng alaala kung paano ako mahalin at alagaan ni Jarvis.Sa mahabang panahon na lumipas ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.Naramdaman ko na humiwal
Bella’s POV“Ikaw, Bella? Ano ang gusto mo?” tanong naman sa akin ni Princess.“Ah? Iced americano na rin,” nakangiting turan ko.Tumango siya at iniwan na niya kaming dalawa ni Lara.“How’s everything, Bella?” tanong ni Lara sa akin.Sinulyapan ko siya at ngumiti. “I’m good, Lara.”“Kailan ka pa nakakaalala?” tanong niya sa akin.Sumeryoso ako na marinig ko iyon. “Matagal na. Siguro noong huling gabi namin ni Jarvis sa Isla Emperor,” malumanay kong saad.Tumango siya. “Matagal mo na palang inilihim ang totoong kalagayan mo. Ano ang nakapagpabago ng desisyon mo? Bakit sinabi mo na ang totoo nagayon?”Huminga ako nang malalim at napatingin kay Jarvis na seryoso pa ring nakikipag usap kay Collumn. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tinignan si Lara na naghihintay sa aking sagot. “Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Jarvis ay natakot ako. Natakot ako anumang oras ay mawala siya sa akin. Hindi ko na kinaya at pinuntahan ko siya rito. Nag usap kami at nagkaintindihan.”Napalabi ako bago mu
Bella’s POV“Hindi ko gusto ang tanong mo sa akin, Selena,” prangkang sabi ko sa kanya.Napailing naman siya. “Wala akong masamang ibig sabihin doon, Bella. Ang akin lang ay sigurado kana ba na makipag relasyon kay Jarvis ulit?” mahinahon na tanong wika niya. “Oo,” mabilis na sagot ko.“Sigurado kana ba?” tanong niya sa akin ulit.Medyo napataas na ang aking kilay sa tanong niya ulit. “Get straight to the point, Selena,” naiinis kong saad.“Ang gusto ko lang naman iklaro ay hindi kaya mapahamak sila. Isipin mo, kapag nalaman ni Tres na may relasyon na ulit kayo ni Jarvis. Gagawa na naman siya ng kabaliwan at idadamay ang lahat ng mahal sa buhay ni Jarvis. Hindi ka niya/kayo patatahimikin. Sigurado ako. Hindi mo naman siguro nakakalimutan kung anong klaseng pagkatao ang meron siya,” mahabang wika niya na dahilan na mapaisip ako sa sinabi niya.Bigla nawala ang inis ko sa kanya at napalitan iyon ng kasiyahan. Dahil naririnig ko sa boses niya ang pag aalala sa aming dalawa ni Jarvis.“I
Bella's POV "Selena!" at dinaluhan ko siya agad. Namumutla siya at pinagwawasin ng labis. Ano ang nangyayari sa kanya? Nilingon ko si Hana na namumutla na rin at sobrang nag aalala para kay Selena. "Hana!” malakas na tawag ko na nagpagising sa kanya.Natatakot na tinignan niya ako. “B-Bella,” “Huwag kang matakot. Tumawag ka ng—“Hindi ko natapos ang aking sasabihin na biglang may nagbuhat kay Selena. Pagtingin ko ay walang iba kundi si Ash lang naman. "S-Sino ka?" nanlalaking mga mata tanong ni Hana. Pinigilan ko si Hana at hinarap si Ash. "Salamat." "Kilala mo siya, Bella?" naguguluhang tanong ni Hana sa akin. Tumango ako sa kanya. Naglakad si Ash patungo sa aking sasakyan. Hindi na ako magtataka kung bakit alam niya. Panigurado ako na hindi pa rin siya tumitigil na magbantay sa akin. Binuksan ko ang pinto ng back seat ng aking sasakyan. Dahan-dahan nilapag ni Ash si Selena roon. Samantalang si Hana ay pumasok sa kabila para alalayan si Selena. Pagsara ni Ash ng pi
Bella's POV"Dash? Dash Lorenzo?" kunot-noong tanong ni Taki sa kanya.Matalim ang mga matang tumingin si Selena kay Taki. "Oo! Madalas na magpakita sa akin si Dash. Nagmamasid lang siya sa malayo."Napakagat ako sa aking labi. Dahil alam ko na posibleng nagsasabi si Selena ng totoo.Hindi umimik si Taki at tahimik na nagkakalikot ng Ipad na hawak niya. "Okay. Thank you, Ms. Brown."Akmang kakausapin ako ni Taki ay biglang nagsalita si Selena ulit."Hindi ka naniniwala sa akin, 'di ba? Iniisip mo na baliw na ako?" tulalang wika niya.Hindi umimik si Taki at hinarap ako. "Maaari ba kitang makausap, Bella," anang ni Taki. Naririnig ko ang kaseryosohan sa kanyang boses.Tahimik na tumango ako.Nauna na siyang naglakad palabas. "Saisuke!" malakas na sigaw ni Selena. "Hindi pa ako nababaliw!""Huminahon ka, Selena," pag aalo ni Hana. Kitang-kita ko ang paghihirap ni Selena at ramdam ko ang labis na kalungkutan ni Hana. Tumingin sa akin si Hana at tila nagmamakaawa siya sa akin. Pikit ma
Bella's POV"What do you mean?" kinakabahan na tanong ko."Dumalaw ka sa kanya noong isang araw," kaswal na sabi niya."Tama ka," mahinang usal ko. "Kumusta kayong dalawa?" pag uulit niya sa akin."Sa tingin ko ay okay naman kaming dalawa, Taki," sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nagkakatitigan. Basta ang alam ko lang ay seryoso siya sa kanyang tanong. Alam ko na gusto niya malaman ang estado ng aming relasyon ni Jarvis. Nakagat ko ang ibabang labi ko na makita kong may dumaan na kalungkutan sa kanyang mga mata. Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan.Tumayo ako upang magpaalam na sa kanya. "Ano-- Mauna na ako, Taki," sabi ko sa kanya.Nakatitig pa rin siya sa akin at hindi ko na mabasa ang kanyang emosyon. "Kailangan ko nang bumalik at samahan si Hana. Alam mo naman siguro ang babaeng iyon," natatawang wika ko.Pero wala akong sagot na nakuha mula kay Taki. Nakatitig pa rin siya sa akin na tila pinag aaralan niya ako."T-Ta