"Seriously Lauren? Bakit mo pa siya pinabalik bukas?" tanong agad ni Dean pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto.
"Kapag hindi ko iyon ginawa ay magpupumilit lang siyang pumasok ngayon. At pwede ba na tigilan mo ako sa kakasermon mo? Kaibigan ko si Jacob at walang masama kung sakali mang bibisita nga siya dito bukas," sagot ko.
Umasim ang mukha ni Dean sa sinabi ko.
Nang akma siyang lalapit sa akin ay mabilis ko siyang pinigilan.
"If you don't want to leave, then let's talk outside my room," wika ko saka kinuha ang cellphone ko at lumabas ng kwarto.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero ipinagsawalang bahala ko lang iyon at nauna nang pumunta ng sala.
Binuksan ko lahat ang mga ilaw na pwedeng buksan dahil baka kung ano na naman ang mangyari. Umupo ako sa sofa at sinuklay ang aking magulong buhok. Mag-aalas dose na pero heto ako ngayon at iniistorbo nilang dalawa. I should be sleeping.
Lumabas si Dean mula sa aking kwarto na nagsu
Kasalukuyan ako ngayon na nandito sa paaralan dahil katulad ng dati ay ganun pa rin ang trabaho ko.Ang ginamit kong sasakyan pagpunta dito ay ang sasakyan noon ng lolo ni Derek. Maaga akong gumising ng maaga kanina upang tingnan ang makina nito kung maayos pa ba. Mabuti na lang at gumagana pa ito at wala masyadong mga sira. Ang sasakyan ay parang sa Wrangler din ni Jacob pero mas maliit nga lang."Nabalitaan ko ang nangyari noon sa Asthad, mabuti naman at nakabalik ka pa dito?" tanong ni Amanda habang nagmemeryenda kami dito sa field kasama ng mga estudyante."Wala naman akong choice kundi ang bumalik dito sa Magnuth," sagot ko sa kanya."Huh? Bakit naman?" tanong pa niya.Oo nga pala. Hindi nga pala niya alam ang totong dahilan kung bakit ako nandito.Napurnada ang pagsasalita ko nang magsimulang mag-ingay ang mga estudyante."Si Alpha Dean. Papunta siya dito," rinig kong bulong nila.Agad na lumipad ang tingin ko da direksyo
"Ayos ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo?" nag-aalalang tanong ni Jacob.Hindi ko na siya nasagot dahil lahat ng atensyon ko ay nasa lalaking lumabas ng sasakyan."Simon.." bulong ko sa sarili ko.Bakit siya nandito? He is a hunter. Wala siya dapat dito dahil isa rin sila sa mga tumutuligsa sa mga taong lobo.Ngunit ang ipinagtataka ko pa ay si Ismael na kasama niya. Walang duda na lobo ito base na rin sa kulay ng mga mata nito. Kaya bakit sila magkasama?Akmang lalapitan ko na siya nang muling bumukas ang pintuan.Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo habang hinihintay namin na bumaba ang isa pang bisita. At nang tuluyan na itong makalabas ay literal na nanigas ako mula sa aking kinatatayuan.Namawis ang mga kamay ko at biglang bumilis ang tibok ng aking puso habang nakatingin sa toang hindi ko inaasahan na dito pala sa Magnuth ko makikita.Simon is here. Probably she would be here too.Mariin kong ikinuyom ang a
Natahimik ang lahat na mga nandito at walang nangahas na nagsalita ni isa. Pero kahit ganun ay mahahalata sa kanilang mukha ang matinding hindi pagsang-ayon sa sinabi niya.Kahit ako ay hindi ko gusto ang desisyon niyang ito. Naiinis ako sa kanya. Ano bang iniisip niya at si Samantha pa ang kinuha niya? Akala ko ba ay ayaw niya dito? Ngunit sa nakikita ko ngayon ay taliwas lahat ng mga sinabi niya noon sa pinapakita niya ngayon.Nagpatuloy si Dean sa kanyang pagsasalita. "She will be one of the trainer starting tomorrow along with Simon. Sila na rin ang bahala sa mga baril na gagamitin sa pagsasanay.""Saan sila tutuloy kung ganun Alpha Dean? Meron na bang naihanda na tutuluyan nila?" tanong ng isang guro."They will stay in my place," kaswal niyang sagot.Lahat ay nabigla sa sinabi niya lalong-lalo na ako."Seryoso ba siya na patirahin ang babaeng yan sa palasyo? Baka kung ano pa ang gawin niya doon," rinig kong bulong ni Larian kay Amanda.
Habang nasa daan ako pauwi ay bigla akong nakarinig nang malakas na pagputok mula sa likod ng sasakyan, kasabay nun ang pagkawala ko ng kontrol sa manibela. Napamura ako habang pilit na kinokontrol ang sasakyan na pagewang-gewang. The breaks isn't working too kaya nang may nakita akong malaking bato sa gilid ay doon ko na isinalpok ang sasakyan para tumigil na ito. Mas mabuti na ito kaysa sa kung saan pa ako sumalpok at magkasira-sira itong sasakyan. Nang tumigil na ito ay bumaba ako at pumunta sa likod kung saan ko narinig ang pagputok. Gaya ng inaasahan ko ay pumutok nga ang isang gulong nito. Dumukwang ako at tiningnan ang gulong ng mabuti. Doon ko nakita ang isang sobrang liit pero sobrang talim na switchblade na nakaturok sa nabutas na gulong. Kinuha ko ito habang iginagala ang tingin sa paligid. Madilim na at kung minamalas din ay nasa banda ako kung saan walang masyadong dumadaan na mga tao dahil ang daan na ito ay papunta sa mga Da Sil
"I love you Lauren," he repeated."A-Anong sinabi mo?" pautal-utal kong wika. Napaatras pa ako pero maagap niyang nahawakan ang bewang ko."I said.." Dean leaned closer and whispered in my ears. "I love you," wika niya sa marahan at mabagal na boses.If butterflies in the stomach is real, then that's what I'm feeling right now. Para ring idinuduyan sa alapaap ang pakiramdam ko sa mga oras na ito."R-Really?" ang tangi kong nasabi dahil nagshort circuit na ata ang isip ko.Ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyon galing sa kanya pero ngayon lang ako tinamaan ng ganito. Ibang-iba kasi ang pagkakasabi niya kumpara ng mga nauna. Sobrang lambing at nakakatunaw ng puso.He chuckled. "Uh-huh. Do you want me to show the proof?""H-Hindi na," mabilis kong sagot. Malay ko ba kung ano yung proof na sinasabi niya."Oh? Bakit parang natakot ka?" aniyang nangingiti."Asa ka," sagot ko at itinulak ang dibdib niya.Naks.
Natigil ako sa pagtuturo kay Glea nang may nagsalita sa likod ko."Aren't you informed that this task for us hunters? Kami dapat ang magtuturo sa kanila. Wala ka bang ibang gagawin Miss Lauren?""Simon..."Tumingin ako sa likod niya pero hindi ko mahanap si Samantha."You're out of number. Hindi naman siguro masama kung—""But this one is trusted to us. Hindi ka dapat nakikialam," matigas niyang turan.Itinikom ko ang aking bibig. I'm not aware that Simon has this kind of attitude. Ang akala ko noon ay mabait siya gaya ng napansin ko noong una naming pagkikita.Ang angas na ngayon ng dating niya at parang minamata ako.Magsasalita pa sana ulit siya nang humarang si Leon sa pagitan namin sa malamig na mukha."Are you dumb or what? Anong masama kung tumulong man si Lauren sa inyo? Dapat nga ay magpasalamat kayo dahil kahit hindi niya ito trabaho ay nagkukusa siyang turuan ang iba."Simon didn't backed down. "T
Nang makita ko ang naaaliw na mukha nila Glea habang nakatingin sa akin ay pilit kong inayos ang aking sarili.Napahinga ako ng maluwag nang unti-unti nang maglaho ang portal."T-That was amazing," wika ko na nakatingin kay Ivee."Right?" ani Glea habang inaayos ang baril na hawak niya.Dahil sa hawak nilang mga armas ay doon bumalik ang diwa ko."Saan niyo yan kinuha? Sa mga hunters ba yan?" tanong ko sa kanila."Yes. Ito yung mga ginamit namin sa practice kanina," sagot nila."Bakit hindi niyo sinuli? Hindi niyo pa alam gamitin ang mga yan. Baka masaktan niyo lang ang inyong mga sarili," sermon ko."We are aware of that. Kaya nga nandito kami upang magpaturo," ani Jiro.Huminga ako ng malalim. Hindi dapat ako magalit. Tapos na eh. Mas mabuti na rin ito nang mas madali ang pagtuturo ko.Kinuha ko ang baril ni Glea at chineck ito. "Mabuti naman at hindi nila kayo nakita na nagkubli ng mga baril?" tanong ko.
Malalim ang iniisip ko habang tinatahak ko ang daan papuntang burol.Noong sinabi ko kay Dean ang totoong dahilan ng pagpunta ko sa burol ay hinalikan niya lang ako sa noo at tahimik na bumaba ng sasakyan. But even in the dark, I saw how his eyes shines in happiness.Guilt is eating me but this is the right thing to do. It's now or never.Paakyat na ang sasakyan ko sa burol nang may mapansin ako. Inayos ko ang aking upo at kinurap-kurap ko ang aking mga mata habang iginagala ang aking paningin sa paligid.Sa magkabilang parte ng daan ay merong nakalatag na mga maliliit na ilaw na kulay dilaw at puti. Sinundan ko ito ng tingin at napagtantong ang kahabaan ng ilaw ay umaabot sa itaas ng burol. Sobrang ganda at ang sarap pagmasdan.Mariin kong itinikom ang aking bibig habang diretso na tinatalunton ang daan. Bahagyang nanlamig ang pakiramdam ko sa kung ano man ang maaari kong madatnan sa itaas ng burol.Kung tama ang hinala ko, mukhang mahihira