공유

Buy Me, Mr. Fontaime
Buy Me, Mr. Fontaime
작가: trishaaamee

CHAPTER 1

작가: trishaaamee
last update 최신 업데이트: 2025-12-03 08:53:41

"Puro ka na lang aral! Hindi ka nga nakakatulong dito sa gastusin sa bahay! Sa tingin mo ba may mapapala ka sa pag-aaral mo?" sigaw sa akin ni Tita Beta.

Mahina akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa certificate na galing sa instructor ko. Top 3 kasi ako sa klase namin at Top 5 overall para sa course na BSED.

Totoo nga naman.

Ano bang mapapala ko sa mga certificates na 'to?

Mariin kong hinawakan ang certificate ko, at marahan itong itinapon sa basurahan kasama ang dalawang medalya na natanggap ko.

Nagingilid ang luha ko sa sobrang pagkadismaya, kung narito lang sana ang parents ko ay paniguradong hindi ko 'to mararanasan lahat.

Sino ba naman ako para mag-aral e nakikitira na nga lang ako rito.

Si Tita Beta ay kapatid ng tatay ko. Patay na ang tatay ko habang nasa ibang pamilya naman ang nanay ko, kasama ang bunso kong kapatid na lalaki. Habang ako?... Iniwan dito sa tita ko na para bang hindi ako anak.

Wala akong ibang narinig sa bahay na 'to kun'di panunumbat, gusto ko nang makaalis dito at makapaghanap ng trabaho para hindi na ako umasa pa. Mahirap talaga kapag nakikitira ka lang sa bahay ng iba.

"Ayaw mo na ba talagang pumasok sa susunod na Academic Year?" tanong sakin ni Jacky, friend ko.

Gusto ko makapagtapos e kaso wala akong choice.

"Hindi na. Maghahanap na lang ako ng trabaho," sagot ko.

"Siguro pinagsalitaan ka nanaman ng tita mo," sabi niya na nagbaba pa ng boses.

Siya lang kasi ang nakakaalam ng buong kwento ko, simula kasi nung high school magkaibigan na kami, kaya halos buong kwento ng buhay ko ay alam niya na.

Marahan naman akong tumango. "Hays 'yan talagang tita mo kahit kailan!" reklamo niya na nagdabog pa ng paa.

"Hayaan mo," sabi ko na nagbuntong-hininga. "Mas mabuti na rin siguro 'to para sa akin."

Tinignan niya ako nang puno nang panghihinayang. Ilang beses niya akong tinulak na magpatuloy ng pag-aaral dahil nakikita niya ang talino ko at naniniwala siya sa kakayanan ko, nakikita ko rin naman 'yon sa sarili ko pero sa tuwing pauli-ulit akong inilulugmok pababa ng tita ko, parang hindi nga ako bagay sa lugar na 'to.

Tinitiis ko na lang lahat ng sinasabi niya dahil wala akong karapatan sumagot. Dahil bukod siya ang nagpapakain sakin, siya rin ang nagpapaaral at halos bumuhay sa akin. Tinataw ko 'yon bilang utang na loob, pero minsan napapatanong ako na... tama bang isumbat sa akin ang mga bagay na 'yon? Na ipagmukha sa akin na kahit anong gawin ko ay hindi para sa akin ang edukasyon? Hindi ba't karapatan ko 'yon bilang isang tao?

Habang naglalakad ako pauwi nang bahay, nagtitingin-tingin ako sa daan kung may mga nakapaskil na mga naghahanap ng trabahante. Kahit ano basta 'yong kaya ko. Hindi ko pwedeng pilitin ang sarili ko sa isang trabahong hindi ko naman kaya, dahil kahit paano ay bata pa rin naman ako. Bente na ako pero ang tingin ko sa sarili ko ay isang batang nangangailangan ng aruga ng isang magulang.

Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang mag boyfriend dahil marami akong gustong makamit sa buhay ko. Hindi lang basta para sa sarili ko, kundi para makabawi sa lahat ng mga naibigay sa akin ni tita kahit na hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin.

Hindi naman ganiyan si tita dati e, kaso nagbago 'yon nang mawala si tatay. Hindi lang naman ako ang nawalan, nawalan din siya ng kapatid at naiintindihan ko 'yon.

Kaso sa kasamaang palad wala man lang ako nakitang hiring.

Sa tuwing uuwi ako ng bahay ay tumutulong na ako sa gawaing bahay para hindi ako mapagalitan. Si Tita Beta kasi ay nagtatrabaho lang sa palengke kasama si Tito Ricardo, asawa niya. May anak silang dalawa, si Benedetta at Richard. Mabait sa akin si Benedetta at si Tito Ricardo. Sa tuwing pinagsasalitaan ako ni Tita Beta ay pinagtatanggol nila 'ko. Kaya bilang utang na loob; tumutulong ako sa gawaing bahay at sa mga assignment ni Benedetta. Grade 12 na kasi si Benedetta kaya busy siya sa research niya habang si Richard naman ay 2nd year high school. Hindi kami close masyado ni Richard dahil hindi naman siya palaimik.

"Pagpasensiyahan mo na si Mama, Ate Crystal," sabi sa akin ni Benedetta. Ngumiti naman ako. "Pagod lang 'yon palagi kaya mainit ang ulo."

"Walang problema sa akin 'yon. Naiintindihan ko naman si Tita Beta," sagot ko.

"Wag ka na lang sumagot Ate Crystal kapag napagsasalitaan ka ni Mama ah, para hindi na humaba."

Tumango naman ako. Hindi naman kasi ako palasagot. Kahit gaano pa kagulo ang buhay namin noon ay hindi ako natutong sumagot sa magulang.

Kinabukasan ay walang pasok kaya lumabas ako para maghanap ng papasukang trabaho. Sigurado na kasi ako sa desisyon ko. Hindi na ako mag-aaral next Academic Year. Nawalan na yata talaga ako ng tiwala sa sarili ko dahil sa nangyayari sa buhay ko. Iisa lang naman kasi ang goal ko, ang makabawi sa lahat ng naitulong sanakin nina Tita Beta at Tito Ricardo.

"May bukas na bar doon sa kanto sis," rinig kong kwentuhan ng mga kababaihan sa coffee shop na nadaanan ko. "Mukhang maganda daw uminom doon."

Napalingon naman ako sa daan na tinuturo nila.

Bar...

Maraming inuman...

Kinakabahan ako. Hindi kasi ako umiinom ng alak at lalong hindi pa ako nakakapasok ng bar. Pero kasi... Pwede akong magtrabaho roon kahit taga serve lang naman ng alak 'di ba?

Wala ako sa wisyong tinatahak ang daan papunta roon. Nakita ko nga agad ang malaking tarpaulin na nakalagay na hiring sila para sa mga gustong magserve ng pagkain at alak.

5,000 pesos + per week...

Ang laking pera na no'n para sa akin.

Napatingin ako sa dala kong resume.

Sure na ba 'ko?

Tinignan ko ang bar na nasa harap ko.

Malaki...

Mukhang yayamin ang itsura...

Muli akong napatingin sa resume ko. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon at natauhan lang ako nang may lumapit sa akin na magandang babae na nasa tingin ko ay 40+ ang edad. Maputi, mukhang mayaman.

"Hi? Gusto mo bang mag-apply?" tanong niya na tinignan pa ang tarpaulin at ang resume ko.

Napalunok naman ako. Mukhang siya nga ang may-ari ng bar na ito.

"Ahh..." Walang lumabas sa bibig ko kun'di 'yon lang.

First time ko kasing magtatrabaho sa mga ganitong lugar. Sanay lang ako sa palengke kung saan naroon sina Tita Beta at Tito Ricardo.

"Halika sa loob, pag-usapan natin 'to," nakangiting sabi niya na tinignan pa ang kabuuhan ko.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kaya nahinto rin siya. Malapad siyang ngumiti at inakbayan ako para alalayan sa loob. Napalunok ako nang makita ko kung gaano kalawak ang espasyo sa loob. Mas malaki pa pala sa inaasahan ko. Wala pa masyadong tao dahil alas tres pa lang ng hapon. Maraming table at upuan. Maraming alak at pagkain.

Kinuhaan niya ako ng upuan st sinenyasan na maupo ako.

"Ako nga pala si Matilde," sabi niya sabay alok ng kamay sa akin.

Ilang segundo akong napakurap-kurap bago nakipagkamay sa kaniya. "Crystal."

Ngumiti ito at walang sabing kinuha ang resume ko. Tinignan 'yon saglit at nilatag sa katabi niyang lamesa.

"You're hired," sabi niya na malapad ngumiti.

"H-Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ganon lang 'yon kadali?

"Kailan mo gusto magtrabaho para maihanda ko ang mga gamit mo," nakangiting sabi niya.

"Ah eh..." Napakamot ako sa ulo tsaka ngumiti. "Next week po. Tapos na rin kasi ang klase namin next week."

"Hmmm..." sabi niya tsaka tinignan ang phone niya. "Okay!" tsaka muling ngumiti.

Mukhang mabait naman siya.

"Ah boss, hinahanap ka po ni Mr. Sumiento." May lumapit na isang lalaki na mukhang trabahante dito.

Ngumiti sa akin si Ma'am Matilde. "Nice to meet you Crystal. See you next week?" sabi niya at tumayo, muling inilahad sa akin ang kamay.

Tumayo naman ako tsaka muling nakipagkamay. "Salamat Ma'am," sabi ko.

"Ops Ops!" sabi niya tsaka mahinang tumawa. "Boss M. That's my name here."

Napakurap-kurap naman ako tsaka yumuko nang marahan. "S-Sorry po. Thank you po ulit B-Boss M."

Malapad siyang ngumiti at tumango. "Be pretty next week ah!"

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Buy Me, Mr. Fontaime   CHAPTER 28

    "I just want to show you something."Nasa labas kami nina Esti at Eshter, kakain. Habang nagmamanehi ng kotse si Esti ay sinabi niya na may gusto raw siyang ipakita sa akin na matagal niya ng gustong ipakita.Natutuwa pa ako dahil hindi siya nahihiyang imaneho ang pink kong kotse. Ang cute lang kasi tignan.Napalingon ako sa paligin nang ipasok niya kami sa isang sikat na subdivision dito sa Manila at nahinto sa isang malaki at magandang bahay. Inalalayan niya kaming lumabas ni Eshter at itinuro ang bahay na nasa harap namin. Pinaghalong kulay puti at asul ang bahay. Malaki at halatang mamahalin dahil sa desanyo. May malaking gate na kulay itim.Nanlaki ang mata ko ng ilabas niya ang susi at ipakita sa akin. Binuksan niya 'yon at binuhat si Eshter papasok ng bahay.B-Bahay niya na ba 'to?Nang makapasok kami ay lalo akong namangha sa ganda ng bahay. Ang linis at halatang wala masyadong nagsstay. "This was build when I was not an engineer. I just explore and follow what my heart wants

  • Buy Me, Mr. Fontaime   CHAPTER 27

    (Flashback...)"Mom where's my Dad?"In a random day, my daughter asked me about her father. Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo."Why?" tanging nasagot ko.Ngumuso siya at tumabi sa akin. "Because I noticed that if we are family, its must have a mother, father and kids but we just two. Where's my father?" inosente niyang tanong.Napalunok naman ako at nanlalamig na ang palad dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang kaniyang tanong. Malaki na nga talaga siya at nagiging mulat na rin sa mundo kahit papaano."He is just in the Philippines. Busy lang siya baby, may work siya doon," pagpapaliwanag ko.Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang totoong nangyari. Ayaw ko siyang masaktan at ayaw ko rin na isipin niya ay wala talaga siyang tatay. Hindi ko kayang ipagdamot kay Esti ang pagiging ama niya sa anak namin. Alam kong balang araw malalaman niya ang totoo at kahit humantong man sa oras na hindi na ako, at least alam niyang may anak siya."Kailan tayo

  • Buy Me, Mr. Fontaime   CHAPTER 26

    "Kailan ka pa natutong uminom?" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses na 'yon. Hindi siya nakatingin sa akin at tuwid ang tingin sa swimming pool. Magtataka sana ako kung bakit narito siya e nasa katabing kwarto lang din ng condo ko ang tinutuluyan niya rito sa Baguio. Iisa lang kasi ang swimming pool ng condo na 'to at dito ko naisipan mapag-isa. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako nahanap. Hinanap niya ba talaga ako o nagkataon lang din na dito rin ang punta niya? Nasa tabi ako ng swimming pool, umiinom ng alak. Hindi naman talaga 'to nakakalasing kasi 10% alcohol lang naman. Tumabi si Esti sa tabi ko, nakita ko na namumula ang kaniyang ilo at namamaga rin ng konti ang kaniyang mata. Halatang galing siya sa pag-iyak. Hindi niya pa rin ako nililingon pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Hindi naman nalayo ang itsura niya dati pero kita ko kung paano siya mas nagmatured at mas lalong gumwapo ngayon. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya na niling

  • Buy Me, Mr. Fontaime   CHAPTER 25

    "Hindi ako nagtatanim ng galit."Hindi ko alam kung bakit narito ang Mom ni Swenn sa New York, kasama niya si Ashmon. May pinag-uusapan si Jennifer at Ashmon habang kaharap ko naman ang Mom ni Swenn."I am getting older and I don't want to see my son suffering from pain." Napalingon ako sa kaniya, nag-aalala. "Nakita ko kung paano mo nabago si Swenn mula sa panlabas hanggang panloob. Ashmon tell us the whole story and I understand and thankful you choose the best."Napalunok ako. Nangilid ang luha sa aking mata. Parang bumalik ang sakit sa akin. Mahigpit ang hawak ko sa jacket ng anak ko. Napalingon siya doon at hinawakan ang kamay ko. "Please bumalik ka na kay Swenn. He needs you." Napatitig muli ako sa kaniya at nagsimula ng magbagsakan ang luha sa mata ko. Umiling ako. "H-Hindi ko pa kaya."Mahinahon siyang tumango at tinapi ang braso ko. "I understand. Kapag handa ka na, sabihan mo kami."..."Hindi mo man lang ba kakamustahin si Swenn sa akin?" natatawang tanong ni Ashmon haban

  • Buy Me, Mr. Fontaime   CHAPTER 24

    After 7 years..."You're too high Mr. Fontaime. I didn't reach you this time."I just ignored Ashmon. Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. I am just in a rank 1 and he just followed me in rank 2 on a board exam. "How was your field?" tanong niya habang inaayos ang suot niyang sinturon, mukhang may meeting nanaman siya."Tsk. Stop annoying me." Halos buntot ko na siya magsimula nang makapagtapos kami ng college.Iisa ang pinuntahan naming review center at halos pare-parehas ang binibilhan namin ng materials for reviews. Halos magsabay na rin kami sa pagkain, pagtulog at kahit siguro pagligo.Board exam lang pala ang maglalapit sa aming dalawa."Ibang tanong na lang..." sabi niya na ikinalingon ko. Tingin niya pa lang ay alam ko na kung ano nanaman ang babanggitin niya. "Did you miss her?""Tsk." Mabilis akong napasinghal. "I already forgot her." I lied. Even once, I didn't forget her. How could I do that? Sinanay niya ako sa paraang siya lang ang nakakagawa sa akin

  • Buy Me, Mr. Fontaime   CHAPTER 23

    (SWENN'S POV)“Did you prepared this for me?”Masyado na nga yata akong nasanay na may babae akong inuuwian sa condo ko. Everything changed. Ang linis na ng condo ko. Palagi ng may pagkain sa tuwing uuwi ako. May babae ng nakaabang sa pinto at ngumingiti kapag nakita akong nakauwi ng ligtas.May babae ng nagmamahal sa akin ng totoo.So this how it feels? To be treated like a husband…“Can we meet?” Kylineth asked me to meet. For what then?“For what? I’m done with you,” I answered while acting that I have something in my bag.She laughed that’s why I looked at her. “You’re so funny. I just want to have a meeting for our project but if you want to open up our relationship. Then, why not? By the way, in the same place we meet.”“Okay we have a meeting later for our project.” I walked away immediately. “I call you but you don’t answered my call.” This the moment I realized I forgot my phone.After our class, I pull Gwen to be with me. I tell him that we have a meeting for our project. I

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status