Mag-log in"Alam mo ba ang pinasok mo te?"
Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko rito. Binulungan niya agad pagkaalis nong mga baklang nag-aayos sa 'min. "H-Ha?" 'yan lang ang naging sagot ko. Kahit kasi ako naguguluhan sa pinasok ko. Ang tanging alam ko lang ay magseserve ako ng pagkain at alak sa mga costumer pero bakit kailangan pa akong ayusan ng ganito. "Te magbebenta ka ng katawan mo rito!" sabi niya tsaka tumawa. Malandi siyang humarap sa kaharap niyang salamin at inayos ang kaniyang buhok. Naiwan akong tulala at hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig. Tinignan ko ang paligid. Napalunok ako. Hindi ito ang trabahong inaasahan ko. Punong-puno ng kaba ang dibdib ko at nagbabalak akong tumakas pero hindi ko alam kung paano. Nangingilid na ang luha ko pero pilit kong pinipigilan ang sariling maiyak. "A-Ayaw ko rito," sabi ko na ikinalingon nila. Nagsitawanan naman ang mga babae sa sinabi ko. "Wala ka ng choice, nariyan ka na," sabi nong isa na inirapan pa ako. "Siguro virgin pa 'to," sabi naman nong isa dahilan para matawa ulit sila. Lalong napuno nang kaba ang dibdib ko nang bumalik ang mga bakla bitbit ang mga susuutin ko. Kitang-kitanko kung gaano kaiiksi at kaninipis ang mga iyon. Umiling ako at todo pigil na umiyak. "A-Ayaw ko po!" sabi ko na todo ang atras. "Akala ko magseserve lang ako. Hindi ako pumasok dito para ibenta ang katawan ko!" sigaw ko sa kanila. Nagsitawanan silang lahat dahilan para lalong mapuno ng takot ang isipan ko. Pakiramdam ko ay para silang mga demonyo na binabalot ang buo kong pagkatao. "Bihis!" sigaw nong bakla at itinapon sa akin ang mga damit. Mariin akong umiling. Nakitanko kung paano nagtiim-bagang ang baklang 'yon. "Magbibihis ka o kakaladkarin kita sa Cr para ako ang magbihis sa 'yo?" Kitang-kita ko kung paano magsitawanan ang mga kasamahan kong babae sa itsura ko. Kahit nangangatog ang tuhod ko sa kaba at hindi ko na marinig ang paligid dahil sa lakas ng paghikbi ko at kalabog ng dibdib ko ay marahan kong pinulot ang mga damit para magbihis. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Nawawala ako sa katinuan. Deserve ko ba ang lahat ng 'to? Ganito na ba ako kasamang tao para pahirapan ako ng ganito? Wala naman akong ibang gusto kun'di ang maibalik lahat ng tulong sa akin nina Tita Beta at Tito Ricardo. Hindi ko gusto 'to pero bakit narito ako. Nakatulala akong nakatingin sa salamin. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin kung gaano kaiksi at kanipis ang telang suot ko. Hindi ko alam kung lalabas pa ba ako na ganito ang itsura. Halos makita ang buong tiyan ko at buong binti ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong damit. "Labas na! Abah!" sigaw nong bakla sa labas mg Cr. Nanginginig pa rin ako. Sunod-sunod ang paglunok ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. "Nariyan na ang mga costumer Crystal! Ano ba! Gusto mo bang tawagin ko pa si Boss M?" pananakot niya sa akin kaya kahit kabado ako ay wala ako sa wisyong lumabas. Nang makalabas ako ay wala na ang mga kasamahan ko at yong isang bakla na lang ang naiiwan dito. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang kabuuhan ko. "Perfect!" sabi niya na pumitik pa sa hangin. "Halatang napakafresh mo, mukhang pag-aagawan ka ng mga costumer. Kanina pa namumuo sa isip ko ang bagay na ito. Sa sobrang panghihina ko ay hinayaan kong hilain ako ng bakla palabas ng dressing room. Halos matumba ako sa kaba nang makita kung gaano karami ang mga tao sa bar at kung paano nila tignan ang mga babaeng kasamahan ko sa dressing room na sumasayaw at parang inaakit sila. Napalunok ako nang matuon ang atensyon ng mga 'yon sa akin. "Ito pwede 'to!" sabi ng baklang humila sa akin at itinulak ako palapit sa mga lalaki. Napaatras naman ako sa kaba nang makita kung paano nila titigan ang buong katawan ko. Parang gusto kong magpalamon sa lupa dahil para silang mga uhaw na lobo at kaya nila kong dakmain ano mang oras. "Sa akin na 'yan, 5,000 pesos," sabi nong isang lalaki na sa akin ang tingin. Mukhang nasa 30+ na siya. Mayaman at maputi pero nakakatakot ang itsura, mukha siyang may pamilya na. "Ahh! Nice naman Sir! Go na Sir!" sabi nong bakla na tinulak ulit ako pero napapaatras ako sa kaba. Aabutan na siya siya ng pera kaso may isa pang lalaki ang dumati. "10,000" alok naman nong isa. Mukhang mayaman din pero nasa 40+ na yata ang edad. Kung siguro matino lang ang trabaho ko at ganiyan kalaki ang lapagan ng pera ay matutuwa ako pero sa sitwasyon ko ngayon ay hindi. Pakiramdam ko ay isa akong mamahaling pagkain na pinag-aagawan ng mga mayayaman para lang matikman. Nakakadiri! "Ay sorry Sir pero mas priority namin ang pinakamataas na alok," sabi nong bakla doon sa lakaki. "Ay dito Esti may maganda!" rinig kong sigaw ng lalaki kasama ang grupo niya. "Tsk," rinig kong singhal naman ng lalaking hinihila niya. "I don't like here," sabi niya na binawi ang kaniyang kamay at masamang tumingin sa akin. Napayuko naman ako sa takot. Napalunok ako nang hawakan ako nong lalaking naglapag ng 10,000. Takot akong lumayo sa kaniya at parang maiiyak nanaman ako. "Magkano lapag diyan boss? Mukhang bago 'yan ah!" sabi nong lalaki na mukhang hindi nalalayo ang edad sa akin. Malagkit siyang tinitigan ang buong katawan ko habang malapad na nakangiti. "10,000 Mr. Hayme," sabi nong bakla na nilingon pa ang lalaking naglapag non. "Kaya mo pa bang taasan 'yon?" "No, akin na 'to," sabi nong lalaki na naglapag ng 10,000 na kinuha ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Gusto kong magpumiglas pero mariin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Be gentle Mr. Groomer." Napalingon ako sa lalaking hila-hila nitog Mr. Hayme nang sabihin niya 'yon, Esti? 'Yon ang narinig kong tawag sa kaniya ng kasama niya. Nangilid agad ang luha ko dahil pakiramdam ko ang babaw ko ng babae. "50,000." Halos magulat kaming lahat sa sinabi niya. Napalunok ako sa pagkabigla. Seryoso siya? "Ah eh paano ba 'yan? May mas mataas na sa 10,000 mo hehehem Sorry Sir, pili ka na lang ng iba doon!" sabi ng bakla tsaka tinuro ang mga kasamahan ko. Naramdaman kong hinawakan ako ni Esti sa kabilang kamay at marahan akong hinila. Inabutan niya ng cheque ang baklang 'yon. "Dude you sure?" natatawang tanong nong Hayme. "Akala ko ba you don't like?" pang-aasar niya sa... kaibigan niya? "Di ba gusto mo na ganito ako magmove on? Let see at kapag hindi ito umubra, babayaran mo ako ng doble sa binayad ko," sabi ni Esti sabay abot ng bayad sa bakla. "Enjoy Sir!" sabi nito tsaka pinandilatan ako nang mata. Napayuko naman ako at dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay halos hindi ko na marinig ang malakas na tugtog sa bar. "Ha? Grabe ka tol?!" sabi ni Hayme. "Pwedeng hati-hati kami ng babayaran?" sabi nito sabay turo sa circle of friends niya abala sa kabilang table na nag-iinom. "No," mariing sabi ni Esti tsaka marahan akong hinila. Nang makarating sa pinto ng kwarto ay nagpumiglas ako na pumasok. Napalingon siya sa akin at masamang tumingin. "What?" tanong niya. "A-Ayaw ko," mahinang sabi ko. "Malaki ang binayad ko sa 'yo kaya kailangan mo 'kong tulungan makamove on," sabi niya tsaka hinila ako papasok ng kwarto.After 7 years..."You're too high Mr. Fontaime. I didn't reach you this time."I just ignored Ashmon. Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. I am just in a rank 1 and he just followed me in rank 2 on a board exam. "How was your field?" tanong niya habang inaayos ang suot niyang sinturon, mukhang may meeting nanaman siya."Tsk. Stop annoying me." Halos buntot ko na siya magsimula nang makapagtapos kami ng college.Iisa ang pinuntahan naming review center at halos pare-parehas ang binibilhan namin ng materials for reviews. Halos magsabay na rin kami sa pagkain, pagtulog at kahit siguro pagligo.Board exam lang pala ang maglalapit sa aming dalawa."Ibang tanong na lang..." sabi niya na ikinalingon ko. Tingin niya pa lang ay alam ko na kung ano nanaman ang babanggitin niya. "Did you miss her?""Tsk." Mabilis akong napasinghal. "I already forgot her." I lied. Even once, I didn't forget her. How could I do that? Sinanay niya ako sa paraang siya lang ang nakakagawa sa akin
(SWENN'S POV)“Did you prepared this for me?”Masyado na nga yata akong nasanay na may babae akong inuuwian sa condo ko. Everything changed. Ang linis na ng condo ko. Palagi ng may pagkain sa tuwing uuwi ako. May babae ng nakaabang sa pinto at ngumingiti kapag nakita akong nakauwi ng ligtas.May babae ng nagmamahal sa akin ng totoo.So this how it feels? To be treated like a husband…“Can we meet?” Kylineth asked me to meet. For what then?“For what? I’m done with you,” I answered while acting that I have something in my bag.She laughed that’s why I looked at her. “You’re so funny. I just want to have a meeting for our project but if you want to open up our relationship. Then, why not? By the way, in the same place we meet.”“Okay we have a meeting later for our project.” I walked away immediately. “I call you but you don’t answered my call.” This the moment I realized I forgot my phone.After our class, I pull Gwen to be with me. I tell him that we have a meeting for our project. I
(SWENN's POV)"Anong nangyari sa inyo pre?" I'm still on clouds. Hindi ko alam kung paano nangyari. Okay naman kami e.Kanina pa ako ginugulo ni Gwen. Hindi na rin makausad ang mga papers na nasa harap ko. I don't even know how to focus!"Let's go to the bar pre? Iinom na lang natin 'yan!" alok ni Yvan.My brows furrowed immediately. "I don't drink," sagot ko.Mabilis na lumapit sa akin si Gwen at tinapik amg braso ko. "Then learn how to drink! It is the easiest way to move on.""No."---"Iorder niyo 'to ng matapang na alak," sabi ni Yvan habang tumatawa.I can't decline their offer since I don't have any excuse. I told them that I just joined them but I don't drink."Ayaw ko ng alak," mabilis na tanggi ko nang utusan nila akong mamili ng iinumin.Napakamot naman sa ulo si Gwen at parang nahihiyang lumapit don sa server at bumulong. I just sitted on the corner of the sofa, watching my phone and waiting to her message. I am still hoping that she text me and explain everything.Tuma
"E-Esti... Mali ang pagkakaintindi m—""You knew that I've been cheated on, and being used. Why it seems like, you do it again?" madiin na sabi niya habang matalin ang tingin sa akin.Mabilis na nangilid ang mga luha ko. Nagkalingunan kami ni Ashmon at parehong hindi rin alam ang gagawin."Leave Ashmon!" Napatitig ako kay Esti nang sunigaw siya. Kalmado si Ashmon na huminga nang malalim bago ako lingunin. "Is not what you think bro," sabi ni Ashmon na nagkibit-balikat ka. "I won't do that t—""You do that once," may diing sabi ni Esti na matalim na matalim ang tingin kay Ashmon. "Umalis ka na habang hindi pa nandidilim ang tingin ko sa 'yo," sabi nito.Napahinga lang ng malalim si Ashmon na nilingon ako. Humihingi siya ng pasensiya gamit ang tingin bago umalis. Nang maiwan kaming dalawa ni Esti ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Masama ang tingin niya sa akin at punong-puno 'yon ng sakit."I am traumatized Crystal. I trust you a lot even though you are from the place of not trustwo
"A-Anong ginagawa mo rito?"Nagulat ako sa pagdating ni Ashmon sa condo ni Esti. Walang ibang tao rito kundi ako lang.Bakit narito siya?Sasarhan ko na sana ang pinto pero mabilis niya 'yong napigilan at may pilyo ang ngiti."Just relax!" sabi niya na medyo natatawa pa. "I don't touch you!" Napairap siya tsaka napasinghal. "I was just drunk that time, forget that! It was just an accident," sabi niya tsaka pumasok ng condo ni Esti.Napakunot naman ang noo kong sinusundan siya ng tingin."Don't worry. Nagpaalam ako kay Esti na pupunta ako rito. May hahanapin lang ako at aalis lang din agad ako," sabi niya na halatang may hinahanap nga sa mga papers ni Esti.Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya. Nagsasabi ba siya ng totoo o hindi? Kailan pa sila naging okay ni Esti? Akala ko ba magkaaway sila?"Can you please help na lang?" tanong niya na tinaasan pa ako ng kilay. "I am looking for his USB. I already told him about this kaya relax, okay? Hindi kita rerapin dito," seryosong sab
"He's my step brother."Napalingon ako sa batang tinutukoy niya. Mukhang nasa 3 years old, maputi, makinis at gwapo. Alagang-alaga ng magulang.So ito ang tinutukoy ni Gwenn na halos nakalimutan ko na ring itanong kay Esti dahil sa sobrang busy niya at sa totoo lang ay nawala rin sa isip ko."If I lose, he will win." Napatingin ako kay Esti nang sabihin niya 'yon habang nakatingin naman siya sa doon sa bata.Narito kasi kami sa building ng Dad niya. May meeting kasi ang Dad niya kasama ang Mom niya habang ang bata naman ay naiwan dito sa office kasama ang isang katulong. Sinama ako rito ni Esti dahil diretso magdidate raw kami. May kukunin lang daw siya saglit dito kaya kami napunta rito."Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya.Nilingon niya ako at ngumiti. "Itong company na 'to," sabi niya na nilibot pa ang tingin. "Kapag hindi ako nagin successful soon, mapupunta lahat 'to sa batang 'yan," sabi ni Esti na nilingon pa ang bata. "I'm not mad at him but I am pressured." Kaya







