LOGINLumabas si Raim mula sa kanyang silid, naghahanap ng katahimikan. Bumaba siya patungo sa likod ng mansyon kung saan agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin ng gabi. Sa di kalayuan, narinig niya ang banayad na pag-alon ng tubig na tila ba tinatawag siya papunta sa swimming pool.
Dahan-dahang naglakad nang nakapaa si Raim, halos walang ingay ang kanyang mga hakbang sa malamig na tiled floor. A wine glass filled with amber liquid dangled from his fingers. Pagdating niya sa gilid ng pool, bigla siyang huminto. Tahimik siyang tumitig sa tubig. Ang repleksyon ng buwan ay sumasayaw sa ibabaw nito, kumikislap sa bawat bahagyang galaw ng tubig. Nag-angat si Raim ng kanyang wine glass at uminom ng kaunti. Habang ginagawa ‘yon, hindi niya maiwasang maalala si Samantha. Napabuntong-hininga siya. “Ano kayang nagtulak sa kanya para pumayag sa proposal na ’to…” bulong niya sa sarili, bahagyang nakakunot ang noo. Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita, tila kinakausap ang sarili. “Financial problems… I guess,” mahina niyang sabi at napailing. Hindi niya kailanman ginustong magpakasal. The thought of being tied down suffocated him. Ngunit wala siyang nagawa. Ang kagustuhan ng kanyang ama ang nasunod. Biglang umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan nito. “Marry Samantha, produce an heir, and secure our family’s legacy,” malamig na utos nito. Napakuyom ang kamao ni Raim habang nakatingin pa rin sa tubig ng pool. Para sa kanya, wala namang pakialam ang ama sa kaligayahan niya. Ang mahalaga lamang dito ay ang reputasyon ng kanilang pamilya. A child born within wedlock was all that mattered. Sa sandaling mabigyan siya ni Samantha ng tagapagmana, malinaw na kung ano ang susunod niyang gagawin. “Once she gives me an heir…” bulong niya habang humihigop muli ng alak. Bahagya siyang ngumisi pero walang saya ang ekspresyon ng kanyang mukha. “I’ll divorce her immediately,” walang emosyon ang boses ni Raim. Hindi na niya kailangang hintayin ang dalawang taon na napag-usapan. ✧ ✧ ✧ Nagising si Samantha kinabukasan na mabigat pa rin ang pakiramdam ng kanyang katawan. She slowly swung her legs over the side of the bed, wincing as she stood up. Para bang bawat kirot ay tahimik na nagpapaalala sa kanya ng nangyari kagabi. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga paa mula sa kama. “Ah…” napangiwi siya habang tumatayo. Napahawak si Samantha sa gilid ng kama para hindi mawalan ng balanse. She looked around the room, taking in the elegant décor, but her gaze quickly fell upon the bed. Nanlaki ang mga niya sa nakita. Mga mantsa ng dugo. Parang biglang huminto ang paghinga ni Samantha. Lumapit siya sa kama, halos hindi makapaniwala sa nakikita. “Hindi kaya…” bulong niya sa sarili. May kaba sa dibdib niya habang inaangat ang kumot. At nang makita ang malinaw na bakas ng dugo sa puting bedsheet, napatakip siya ng bibig. “Oh god…” Hindi na niya kailangang magtanong pa. Her hands instinctively went to her panties. Namula ang kanyang buong mukha nang makita rin ang bakas ng dugo roon. Ang kanyang pagkabirhen, wala na. Tahimik siyang napaupo sa gilid ng kama. “Siguro pati ang kama ni Raim may mantsa rin ng dugo,” mahina niyang bulong habang napapikit sa hiya. Napahawak siya sa kanyang noo. “Bakit hindi ko napansin kagabi…” Saglit na bumalik sa kanyang isip ang mga alaala ng nakaraang gabi. Ang bigat ng katawan ni Raim, ang init ng mga kamay nito at ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Agad siyang namula. “Bakit mo ba binabalikan ‘yon, Samantha?” mabilis niyang sabi sa sarili habang umiiling. Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Pagbukas niya ng shower, bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang katawan. Ipinikit niya ang mga mata habang hinahayaan ang tubig na dumaloy sa kanya, tila hinuhugasan ang natitirang luha at emosyon mula sa nakaraang gabi. Matapos maligo, lumabas ng banyo si Samantha at binalot ang sarili ng tuwalya. Huminga siya nang malalim. “May ceremony pa ngayon,” paalala niya sa sarili. Napatingin siya sa paligid ng silid. At doon niya napansin na wala ni isa sa mga damit niya ang naroon. Napakunot ang kanyang noo. “Anong isusuot ko ngayon?” Naglakad siya papunta sa walk-in closet at binuksan ang pinto nito. Agad siyang napahinto at napanganga sa nakita. “Wow…” Nakahilera ang mga designer dresses, mamahaling sapatos, at eleganteng accessories na pumuno sa loob ng closet. Nakaawang ang kanyang bibig habang pinagmamasdan ang napakarangyang koleksyon. “Para sa akin ba lahat ng ‘to?” bulong niya. Dahan-dahan siyang naglakad sa loob ng closet, hinahaplos ang mga tela ng mga damit. Para siyang napunta sa isang fashion paradise. Habang tinitignan niya ang mga damit, may napansin siyang maliit na note sa ibabaw ng dresser. Kinuha niya ‘yon. For Mrs. Elizalde, welcome to your new home. Samantha’s heart skipped a beat. “Mrs Elizalde?” bulong niya. Hindi pa rin siya sanay marinig ang apelyidong ‘yon sa kanyang pangalan. “Raim?” mahina niyang sabi. Had he arranged this? Or was it Alejandro’s doing? Bago pa siya makapag-isip, may kumatok sa pinto. “Come in,” sabi niya. Bumukas ang pinto at pumasok si Mia na may dalang tray ng almusal. “Good morning po, ma’am,” magalang nitong bati. “Mukhang gising na po kayo.” Tumango si Samantha na nakabalot pa rin sa tuwalya. “Thank you, Mia. I was just… admiring the closet.” Napangiti ang babae. “Si Chairman po ang nagpagawa niyan at pinuno ng pinakamagagandang designs para sa inyo, ma’am.” Bahagyang napataas ang kilay ni Samantha. “Talaga?” sabi niya. Pero sa loob-loob niya, siguradong si Alejandro ang may pakana nito. Imposibleng namang gagawin ni Raim ‘yon para sa kanya. Wala nga itong pakialam sa nararamdaman niya. Napailing si Samantha. Ano pa nga ba ang aasahan niya. Hindi naman pagmamahal ang dahilan kaya sila ikinasal. Siguro tama si Raim. Masasanay din siya. “Tutulungan ko po ba kayong maghanda para sa ceremony, ma’am?” tanong nito. Agad na tumango si Samantha. Inilapag ni Mia ang tray ng almusal sa bedside table. “Please, Mia. Wala talaga akong ideya kung ano ang isusuot ko.” "Huwag po kayong mag-alala, ma’am. Mayro’n na pong inihanda para sa inyo.” Ngumiti si Mia at kinuha ang isang eleganteng cocktail dress. “Ito po ang perfect, ma’am,” sabi nito habang pinapakita sa kanya ang dress. Samantha’s eyes widened as she took in the dress. “I love it,” sabi niya habang hinahawakan ang damit. “Pero bagay ba ‘to sa Elizalde Family Tradition Ceremony?” “Si Sir Raim po ang pumili niyan para suotin ninyo.” Natigilan siya. Nakakagulat na ginawa ‘yon ng lalaki sa kanya. “Elegant and respectful. Siguradong hahanga kayo ng lahat, ma’am.” Isinuot ni Samantha ang damit at napangiti nang maramdaman ang malambot nitong tela sa kanyang balat. Tinulungan siya ni Mia na ayusin ang kanyang buhok at lagyan ng kaunting makeup. “Napakaganda niyo po, ma’am,” puri nito sa kanya. Napatingin si Samantha sa salamin. Bahagya siyang ngumiti. Ngunit may kakaibang kaba sa kanyang dibdib. “Mia, saan gaganapin ang ceremony?” tanong niya. “Sa main mansion po, ma’am. Sa formal living room,” sagot nito. “At anong oras ako dapat naroon?” “Sa loob ng tatlumpung minuto, ma’am.” “Oh…” napabuntong-hininga si Samantha. “May iba pa ba akong dapat malaman?” Nag-alinlangan si Mia. “Ang family gathering po kasi… medyo intense.” Napakunot ang noo ni Samantha. “Intense?” “Si Ma'am Daphne at si Sir Alistair po… lalo na si Ma'am Daphne.” Bahagyang lumapit si Mia at bumulong sa tainga niya. “Ayaw po ni Ma'am Daphne sa inyo, ma’am.” Hindi na nagulat si Samantha. Napansin na niya ‘yon kagabi pa. “At si Alistair?” “Mainitin ang ulo ni Sir Alistair, ma'am. Malamang pipiliin niya ang panig ni Ma’am Daphne. At paniguradong magkasama ‘yan silang gagawa nang hindi maganda sa’yo,” sabi ni Mia. Saglit na natahimik si Samantha. Pagkatapos ay ngumiti siya nang bahagya. “Kaya ko silang harapin,” kalmadong sabi niya. Nag-alalang tumingin si Mia. “Mag-ingat po kayo. Hindi magdadalawang-isip si Ma’am Daphne na saktan kayo sa salita.” “Paano mo nalaman na galit siya sa akin?” Samantha asked out of curiosity. “Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ni Sir Alistair.” “Anong sinabi nila?” Huminga nang malalim si Mia. “Sabi ni Ma’am Daphne, hindi raw kayo karapat-dapat sa Elizalde family. Na pera at status lang daw ang habol ninyo.” Samantha frowned. “And Alistair? Did he agree?” “Opo, ma’am. Sabi niya, isa lang daw kayong unfortunate necessity.” Natahimik si Samantha. Pero sa loob niya, may unti-unting nagising na tapang. Gano'n pala ang tingin nila sa kanya. “Hayaan mo sila, ma’am. Kainin niyo na po ang pagkain bago pa lumamig,” mahinahong sabi ni Mia. Habang naglilinis si Mia sa silid, bigla nitong napansin ang kama. “Ma’am…” Mia’s voice trailed off, her eyes widening slightly. Namula si Samantha. “Uh… k-kagabi ‘yan,” nahihiyang sagot niya. Nag-alalang tumingin si Mia. “Kailangan niyo po ba ng gamot?” Mabilis na umiling si Samantha. “No, I’m fine.” “Papalitan ko na lang po ang mga kumot.” Samantha nodded gratefully, relieved that Mia didn’t pry any further. Pagkaalis ni Mia, muli siyang tumingin sa salamin. Ang babaeng nakikita niya ngayon ay hindi na ang dating Samantha. “Kung ayaw nila sa akin. Mas lalo akong mananatili.”Paglabas ni Raim sa balkonahe, wala siyang intensyong magpahuli. Nakasandal siya sa malamig na rehas, mahigpit ang pagkakahawak sa magkabilang balikat ng isang babaeng halos hubad sa suot. Masyadong maiksi ang damit nito at halos magkadikit ang katawan nila. Isang panandaliang distraksyon. Walang kahulugan. Walang emosyon. Hanggang sa may narinig siyang pamilyar na boses sa likuran.“Old habits never change.”Napahinto si Raim. Dahan-dahan siyang lumingon at bumungad sa kanya si Nikki na nakataas ang isang kilay at may mapanuyang ngiti sa labi.Ramdam ng babae sa harap niya ang pagbabago ng tensyon. Mas lalo itong dumikit at gumapang ang mga kamay sa dibdib niya na parang inaangkin siya. Agad siyang kumalas.“Enough,” malamig niyang sabi.Hinugot ni Raim ang makapal na pera mula sa bulsa at ibinigay ‘yon sa babae.“Leave,” matigas na utos niya.She frowned but accepted the money. Sumubok pa itong humalik ngunit isang matalim na titig lang ni Raim ang nagpahinto rito.“Don’t,” babala n
Samantha stood before the floor-length mirror, smoothing out her elegant black gown that accentuated her curves. Ang kanyang maitim at mahabang buhok ay naka-loose waves.“Paano ko ba kakayanin ang gabing ’to?” mahina niyang bulong sa sarili.Mula nang makabalik sila galing airport, hindi na niya nakita si Raim. Buong araw itong kasama si Nikki. At kahit anong pilit niyang magpakatatag, may kung anong kirot ang kumikiskis sa kanyang dibdib.A knock sounded on the door. Napabuntong-hininga siya bago naglakad papunta sa pinto. Umaalingawngaw ang tunog ng kanyang takong sa marmol na sahig. Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Raim stood before her, already dressed for the party.“Ready?” tanong nito habang marahang sinusuri ang kanyang suot.Naramdaman ni Samantha ang hindi inaasahang pagpitlag ng kanyang puso. Naiinis siya sa sarili dahil sa reaksyong ‘yon.“Yes,” maikli niyang sagot.“Shall we?” he asked, offering his arm.Sandaling nag-alinlangan si Samantha
“Saan ka galing?” malamig na tanong ni Raim habang nakatitig nang diretso sa kanya.“Hindi mo na kailangang malaman,” sagot niya, pilit pinatatatag ang sarili kahit bahagyang kumabog ang dibdib sa paraan ng pagtitig nito.“Sumakay ka sa kotse,” utos ni Raim, walang emosyon ang boses.Saglit na nag-alinlangan si Samantha. Nakapako ang mga paa niya sa semento habang iniisip kung may karapatan ba itong diktahan siya. Ngunit sa huli, tahimik siyang naglakad papunta sa kotse.“Let’s go,” sabi ni Raim matapos makapasok.Dahan-dahang umupo si Samantha sa passenger seat, habang si Raim naman ay pumuwesto sa likod ng manibela.“Saan tayo pupunta?” tanong niya, hindi maitago ang pagtataka.“You’ll see,” maikling sagot ni Raim bago paandarin ang sasakyan.Pagkalipas ng tatlumpung minuto, marahang huminto ang sasakyan sa airport’s private terminal. Samantha confusion deepened.“Bakit tayo nasa airport?” tanong niya muli.Ngunit hindi siya sinagot ni Raim. Tahimik itong bumaba ng sasakyan, agad na
Pagdating ni Samantha sa bahay niya, sandali siyang napatigil sa harap ng pinto. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang nag-uunahang tibok ng puso bago kumatok. Ilang minuto ang lumipas bumukas ang pinto at bumungad si Daniella.“Samantha! Pupuntahan pa lang sana kita,” masayang sabi nito habang tumatabi para papasukin siya.Hindi na nakapagpigil si Samantha. Pagkapasok pa lang niya sa loob ay agad niyang binitiwan ang mga salitang kanina pa bumabagabag sa kanya.“Danny… m-may asawa na ako,” bigla niyang sambit.Natigilan si Daniella. Para itong naestatwa sa kinatatayuan.“Ano?!” gulat na sigaw nito, napalakas pa ang boses.Napakagat si Samantha sa ibabang labi at marahang tumango, dama ang panunuyo ng lalamunan.“Sino?”Daniella demanded.“Raim Elizalde,” sagot ni Samantha.Lalong nanlaki ang mga mata ni Daniella.“‘Yung bilyonaryo?!” halos hindi makapaniwalang tanong nito.Muling tumango si Samantha.“Teka, hindi ko maintindihan. Bakit bigla kang ikinasal sa lalaking ‘yon?
Binuksan ni Raim ang pinto at marahang inilahad ang kamay, hudyat kay Samantha na pumasok. Tahimik siyang humakbang papasok, ramdam ang bigat ng hangin sa pagitan nila.Isinara nito ang pinto at dumiretso sa silid. Mabagal namang sumunod dito si Samantha. Umupo si Raim sa gilid ng kama at mariing sinuklay ang buhok, nakatungo at nakatitig sa sahig. Samantha remained standing, her arms crossed.“Hindi mo ako pinaniwalaan,” mahinahon ngunit may pait na saad ni Samantha.Napatingala si Raim at nagtama ang mga mata nila.“Should I have taken your word over my own sister’s? Should I have picked my blood sister over you?” malamig nitong tanong.Natawa siya ng mapakla. “‘Yon mismo ang dapat mong ginawa kung may tiwala ka sa akin kahit kaunti.”Nasaktan siya. Hindi akalain ni Samantha na maniniwala ng gano’n kadali si Raim kay Daphne. Pero naisip niyang hindi siya lubusang kilala ng lalaki. Sino ba siya para paniwalaan nito?Nagkibit-balikat si Raim. “I don’t trust someone I barely know. And
Raim’s face reddened with rage as he took a step closer to Samantha.“Paano mo nagawa ‘to, Samantha?” mariin nitong tanong, halos umalingawngaw ang boses sa buong silid. “May ideya ka ba kung gaano kahalaga kay Daphne ang kwintas na ‘yon? Ha?!”Napaatras si Samantha, nanginginig ang buong katawan. Unti-unting napuno ng luha ang kanyamg mga mata habang marahang umiiling.“H-hindi ko kinuha ‘yon, Raim. M-maniwala ka naman…” nabasag ang kanyang boses."Don't lie to me!” sigaw ni Raim, mas lumakas pa ang boses. “Daphne found it in your purse. You're nothing but a thief and a manipulator!”Parang gumuho ang mundo ni Samantha sa narinig. Napahagulgol siya nang tuluyan at napayakap sa sarili. “H-hindi… hindi totoo ‘yan,” umiiyak niyang bulong, pilit ipinagtatanggol ang sarili kahit halos mawalan na siya ng lakas. “Hindi ko magagawa ‘yon…”Daphne’s smile widened as she watched the scene unfold with satisfaction. Pinagmasdan niya si Samantha na parang isang palabas lamang ito. She tried to sp







