Share

Chapter One Hundred Fifty Six

 INIS na inis si Aevo dahil nahuli pa siya ni Gideon na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kaya wala na siyang nagawa kung 'di payagan ang gusto nitong mangyari: Ang makalapit kay Minnie.

"Hindi ko alam kahit na nawala na ang memorya mo ay mahal mo pa rin siya..." usal ni Aevo na nagpupuyos.

Itinago na niya ang mga ginamit at piniling umalis ng maaga sa opisina. Gusto niyang puntahan ang Lolo Ghad niya at Lola Saifa sa mansyon ng mga ito. Kung hindi pa kasi siya gagalaw ngayon ay mauubos na ang oras niya. Mapupurnada ang lahat ng plinano niya kapag nagkataon.

Akmang tatayo na siya nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok mula sa nakasaradong pinto.

"Come in!"

Nakita niyang si Aizo ang pumasok. Kita niyang napadako ang tingin nito sa lamesa niyang nakaayos na.

"Aalis ka na bro?" tanong ni Aizo na naglakad palapit sa kinaroroonan niya.

 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status