ログインNAPATINGIN si Lego kay Tita Gigi, halatang nagulat. “Opo… ako nga po ‘yon,” sagot niya, medyo alanganin ang boses. “Ah… ikaw pala ‘yon,” sabi ni Tita habang tumatango. “Ikaw ‘yong naghahanap kay Elisa, ‘di ba?” Bigla akong napatigil. “Ano?” mabilis kong tanong, napatingin kay Tita Gigi. Napakunot ang noo ko habang lumingon sa kanya. “Tita… anong sinasabi n’yo?” Napatingin naman si Lego sa akin, tila nag-aabang kung ano ang magiging reaksyon ko. “Noong isang araw lang,” patuloy ni Tita, wala akong kamalay-malay sa tensyon na may lalaking pumunta sa bahay. Ikaw ‘yon, ‘di ba hijo? Hinahanap mo si Elisa.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin. Dahan-dahan akong napalingon kay Lego. “Totoo ba ‘yon?” tanong ko, hindi na kasing tapang ang boses ko. Napabuntong-hininga siya, saka marahang tumango. “Pumunta ako,” diretsong sagot niya. “Pero wala ka. Sinabi nilang wala ka raw doon.” Napalunok ako. “Ikaw… naghahanap ka sa akin?” halos pabulong kong tanong. “Ma
PINAGMAMASDAN ko si Calista habang natutulog. Ang dami ko nang naging pagkukulang sa anak ko. Ang hirap na hindi ko man lang kayang ibigay ang isang buong pamilya. Naisip ko na hindi na kami hinanap ni Calvin. Bakit pa ako aasa na isang araw kakatok siya sa pintuan ng bahay namin? Napabuntong-hininga ako at marahang hinaplos ang buhok ni Calista. “Sorry, anak…” bulong ko, halos hindi marinig kahit ako mismo. Ang daming tanong sa isip ko. Ang daming “bakit” na hanggang ngayon, wala pa ring sagot. Bakit hindi siya bumalik? Bakit hindi man lang siya naghanap? Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang lahat? Napapikit ako, pilit pinipigilan ang luha. “Hindi ka niya hinanap…” mahina kong sabi sa sarili ko. “Kaya tama lang na tumigil na rin ako.” Pero habang sinasabi ko iyon, parang may kumokontra sa loob ko. Dahil kahit anong pilit kong tanggihan… may parte pa rin sa akin ang umaasa. Napailing ako. Hindi puwede ‘to. Hindi na puwedeng ganito pa rin ako. Dahan-dahan akong tumayo
PAGKABUKAS ko ng pinto bumungad sa paningin ko si Calis na nakaupo sa kanyang baby chair. "Ay, gising pa ang baby ko..." nakangiting sabi ko at naglakad palapit sa anak ko. Lumabas naman mula sa kusina si Tita Gigi na suot pa ang apron. "Andito ka na pala, Elisa. Tamang-tama ang uwi mo nakaluto na ako ng panghapunan natin..." Ngumiti ako kay Tita Gigi at marahang tumango. “Salamat, Tita. Mukhang napagod ako ngayon… pero pag-uwi ko, parang nawawala rin,” sabi ko habang inaangat si Calis mula sa baby chair. “Ma…” bulong niya, sabay yakap sa leeg ko. Napangiti ako at hinalikan ang pisngi niya. “Miss ako ni baby?” “Aba, siyempre! Kanina pa ‘yan para kang hinahanap. Iyong amoy mo ata ang hinahanap niya,” natatawang singit ni Tita Gigi habang tinatanggal ang apron niya. “Hindi mapakali.” Napahagikgik ako. “Talaga ba?” Tumango si Tita at saka naglakad papunta sa mesa. “Halika na, kumain na tayo. Baka gutom ka na.” Dinala ko si Calis sa mesa at marahang pinaupo sa maliit niyang upu
"KUMUSTA kayong mag-ina dito? Hindi ka ba nahirapan kay Calis, Elisa?" Mga tanong ni Tita Gigi. Sinundo ko siya sa airport, nasorpresa dahil kasama pala si Giselle. Umuwi muna siya ng ilang buwan sa Pilipinas para makasama sina Giselle at mga apo niya. Nagtatrabaho na ako sa isang kompanya ng gulay. Ngumiti ako nang marahan habang iniaayos si Calis sa pagkakakarga ko. “Okay lang, Tita. Hindi naman masyado mahirap. Mabait si Calis… minsan lang makulit,” sagot ko, bahagyang napatawa. Lumapit si Calis kay Tita Gigi at agad na kumapit sa damit niya, tila ba matagal na silang magkakilala. “Ay, naku! Ang lambing naman ng batang ‘to,” natutuwang sabi ni Tita habang pinipisil ang pisngi niya. “Mana sa’yo, Elisa. Tahimik pero malalim.” Napangiti ako pero saglit ding napayuko. Hindi ko alam kung bakit, pero may kirot pa rin sa puso ko tuwing naaalala ko ang lahat ng nangyari. “Hindi ka ba napapagod?” muling tanong ni Tita, mas mahinahon na ang boses. “Napapagod, Tita… pero sanay na rin,
NAGISING ako sa ingay. Napamulat ako ng aking mga mata. Natigilan ako at napaluha nang makita ang anak ko na karga ni Tita Gigi. Nginitian ko si tita kahit na panay ang tulo ng mga luha ko. "Andito na ang baby girl mo, Elisa. Napakaganda niya. Manang-mana sayo..." sabi ni Tita. Hindi agad ako nakapagsalita. Parang huminto ang lahat nang sandaling iyon. Tanging ang mahina at inosenteng pag-iyak ng anak ko ang pumuno sa buong silid. Napakagat ako sa labi ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko. “Baby…” halos pabulong kong sabi, nanginginig ang boses ko. Dahan-dahang lumapit si Tita Gigi sa’kin at marahang inilagay ang sanggol sa mga braso ko. Para akong natakot humawak. Para siyang napakaliit, napakapino at parang konting galaw ko lang ay baka masaktan ko siya. Pero nang maramdaman ko ang init ng katawan niya laban sa akin. May kung anong biglang nabuo sa puso ko. Isang klaseng pagmamahal na hindi ko pa naramdaman noon. Mas malalim, mas totoo at mas walang kondisyon. Napa
Elisa's POV APAT buwan na ang lumupas, simula noong umalis ako ng bansa. Kabuwanan ko na rin. Excited na akong makita ang unang supling namin ni Calvin. Babae ang unang anak naming dalawa. Kahit na hindi naging maganda ang kinahinatnan ng aming relasyon ni Calvin, mayroon namang naiwan sa aking napakagandang alaala—ang anak namin. Nakaupo ako ngayon malapit sa bintana, tinatanaw mula sa loob ng bahay ang pagbagsak ng snow. Tahimik ang paligid. Tanging ang mahina at tuloy-tuloy na pagpatak ng snow ang naririnig ko, parang sumasabay sa mabagal na tibok ng puso ko. Hinaplos ko ang tiyan ko, marahang ngumiti. “Konti na lang at malapit na kitang makita, baby ko…” bulong ko, halos hindi marinig kahit ako lang mag-isa. Hindi ko akalain na ganito ako magiging, payapa ang ilang buwan kong pagtira sa Japan. Sa kabila ng lahat ng sakit na iniwan ko sa Pilipinas. Heto ako ngayon, malayo, tahimik, at unti-unting binubuo ang sarili ko para sa batang dinadala ko. Para sa anak namin ni Calv
NAKA-CROSS arm si Giselle habang nakatingin sa akin. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha. Kita kong may tampo na siya sa akin. "Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo. Nahihiya lang ako. Pinatulan ko ang kaibigan ni Adrian," sabi ko. Napa-iling si Giselle saka bumuntong-hininga. "Anong masama
ISA-ISANG isinasakay ang mga gamit ko sa trucking na inarkila ko para ilipat sa apartment na lilipatan ko. Nasa tabi ko si Giselle at hawak niya sa isang kamay si Adie. "Ninang, aalis na po kayo?" inosenteng tanong ng inaanak ko. Tumango ako at marahang ngumiti kay Adie. Yumuko pa ako para mapan
"I will declare we will take a day off today to ARC," biglang nawika ni Calvin habang tinutuyo niya ang buhok niya na basa pa. Nakaboxer shorts lang siya at walang pang-itaas. Hantad sa mga mata ko ang ilang layers ng kanyang pandesal. Napapalunok na lang ako. Lalo na kapag sinusundan ko ang pagtu
KINABIG ako bigla ni Calvin at mas lalong dumikit ang mga katawan naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ako nakagalaw. Para akong naging tuod. Naramdaman kong gumalaw ang labi ni Calvin. Kahit anong pilit kong sabihing ayaw ko, pero iba ang sinasabi ng







