Share

KABANATA 18

CHAPTER 18

NANGINGINIG ang aking labi dahil sa kabang naramdaman. Iniwas ko ang mga mata at agad ding ibinalik sa kaharap. Uminom siya ng champagne mula sa basong hawak ngunit hindi ako nilulubayan ng kanyang mata. Bawat segundo ay mas lalong bumibigat ang aking paghinga.

"Bi-biglaan po talaga kaya pasensiya na kung hindi man lang kayo nasabihan," tanging nasambit ko sa pagitan ng nakabibinging kaba.

"So, why is that?" tanong niya ulit, walang planong palagpasin ang pagkakataong ma-interview ako.

"A-a-actually, nagpaplano pa po kami tungkol sa kasal pero lumabas po sa publiko ang mga larawan namin kaya naging madalian, ka-kasalanan ko po ang la-lahat," nauutal kong paliwanag. Sasabihin ko na lang ang totoo kung uungkatin pa talaga niya ang mga nagdaaang taon.

"You want to keep it private? Why?" simple lang ang tanong niya pati ang tono at paraan ng pagkakasabi pero sadyang nakatatakot lang talaga ang kanyang aura.

"Para na rin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status