Share

CHAPTER 5

Author: Mavic Moore
last update publish date: 2026-10-27 15:53:35

Leigh POV

Nang mga sumunod na gabi, hindi pa rin umuuwi si Auntie Celia. Labis akong naawa kay Uncle Brix. Iiwasan ko sana siya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit sa kanya sa sala.

"Uncle Brix, wala pa rin ba si Auntie Celia?"

"Nasa team building pa rin daw siya, stranded dahil masama ang panahon," malungkot na wika ni Uncle Brix, hawak ang cellphone. "Hindi na siya nag-reply."

Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa team building. Pang-limang gabi na ngayon na wala siya. Tatlong araw lang daw, pero lagpas na.

Nang gabing 'yon, hindi ako nagtagal sa sala. Pumasok ako sa kwarto, napag-isipan kong iiwasan ko na muna si Uncle Brix simula nung muntik na akong hindi makapagpigil sa sarili. Nagkulong ako sa kwarto.

Nang makita ko ang pulang nighties na isusuot ko sana nung anibersaryo namin ni Lance, naisip kong isuot ito, hindi para kanino, kundi para sa sarili ko. Gusto kong maramdaman na maganda pa rin ako kahit iniwan ako. Tutal matutulog na rin naman ako.

Matutulog na sana ako nang biglang nag-brownout.

Biglang dumilim ang buong bahay. Sobrang dilim, wala akong makita. At dahil mag-isa lang ako sa kwarto, napasigaw ako nang mahina. Napatayo ako at kinapa ang siradora ng p***o.

"Uncle Brix?" tawag ko.

Pagkabukas ko ay nakasalubong ko si Uncle Brix.

"Leigh? Okay ka lang?"

Sa pagmamadali niya ay nagkabangga ang katawan namin sa dilim at napayakap ako sa dibdib ni Uncle Brix. Mainit ang dibdib niya. Amoy mamahaling pabango ng isang lalaki. Napakapit ako sa braso niya para hindi matumba. Pero mabilis din niyang nasalo ang baywang ko para alalayan ako.

"Sorry, Uncle! Hindi ko po kayo nakita!" sabi ko, pero hindi ko agad nabitiwan ang braso niya.

"Okay lang, Leigh. Nandito lang ako," sabi niya. Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkahawak sa akin at ganun din ako sa kanya.

May dala na pala siyang kandila at sinindihan niya ito at inilagay sa candle holder.

Ang liwanag ng kandila, nasa gitna namin. Kita ko ang mukha niya nang malapitan. Pagod, puyat, pero gwapo pa rin. Kita niya rin siguro ako sa suot kong pulang nighties. Namula ang mukha ko at napayakap ako sa sarili ko.

"Leigh," bulong niya.

"Uncle," bulong ko rin.

Dahan-dahang naglapit ang mukha namin. Hindi ko alam kung sino ang unang gumalaw. Parang may humihila sa aming dalawa. Yung limang araw na wala si Auntie Celia, yung gabi-gabing pag-aalaga ko sa kanya, yung gabi-gabing paghihintay niya — lahat yun parang naipon sa isang tinginan.

Palapit nang palapit. Isang dangkal na lang. Amoy ko na ang hininga niya na may konting amoy ng kape.

Nang biglang bumalik ang ilaw.

Biglang lumiwanag ang buong kwarto. Nagising kami pareho sa ilaw. Agad kaming nagkahiwalay at lumayo sa isa't isa.

"Sorry, Leigh! Sorry!" Agad na lumabas si Uncle Brix ng kwarto dahil sa hiya. Naiwan akong mag-isa sa kwarto, hawak ang dibdib ko na kumakabog nang sobrang lakas.

Hindi ako makatulog. Humiga ako sa kama, pero dilat na dilat ako. Hindi ko makalimutan yung tinginan namin. Yung muntik na. Mali yun, alam kong mali. Asawa siya ng tiyahin ko. Pero bakit parang hindi ako nagsisisi na muntik nang mangyari?

Maya-maya, narinig ko si Uncle Brix sa sala. Hindi na siya pumasok sa kwarto nila ni Auntie Celia. Narinig kong may binubuksan siyang bote. Isa, dalawa, tatlo.

Sumilip ako nang dahan-dahan. Nakita ko siya sa sala, mag-isang umiinom. May tatlong bote ng beer sa mesa at nakatingin siya sa wedding picture nila ni Auntie Celia na nakapatong sa devider. Kinuha niya ito at tinitigan. Lumapit ako nang kaunti. Narinig ko ang mahina niyang pag-iyak.

"Pagod na akong maghintay, Celia," bulong niya sa sarili niya, nakatingin sa picture. "Limang araw ka nang hindi umuuwi. Limang araw na akong naghihintay dito na parang tanga!"

Naawa ako. Parang pinipiga ang dibdib ko.

Umupo ako sa sahig, malapit sa sofa kung saan siya nakaupo. "Uncle, tama na yan. Lasing ka na," sabi ko.

"Hindi ako lasing, Leigh. Pagod lang ako. Pagod na pagod na akong magmahal mag-isa. Ayaw ko na!"

Natigilan ako, tama ba ang narinig ko? Sumusuko na siya kay Auntie Celia. Alam kong mali pero bakit parang may parte sa puso ko ang nagkaroon ng pag-asa.

Maya-maya ay nakatulog na siya sa sofa. Nakasandal ang ulo sa sandalan, pero binitawan na ang picture frame.

Lumapit ako upang sana ay alalayan siya papunta sa kwarto.

"Uncle, sa kwarto po ninyo kayo matulog. Mahirap sa sofa, malamig," sabi ko at dahan-dahan kong hinawakan ang braso niya para gisingin.

Ngunit bigla siyang nagising at hinila niya ang kamay ko pababa sa sofa. Isang paghila na hindi dahil sa lakas, kundi dahil sa lungkot. Hinila niya ako pababa dahilan upang maupo ako sa tabi niya.

"Leigh, dito ka lang. Huwag mo muna akong iwan," sabi niya, hawak ang kamay ko, mahigpit pero nanginginig. "Kahit ngayong gabi lang, may kasama ako. Ayokong mag-isa."

Hindi ako tumanggi. Hindi dahil hindi ko kayang tumanggi, kundi dahil ayokong iwan siya sa kanyang kalagayan. Magkatabi kami sa sofa. Tahimik ang buong bahay. Kami lang dalawa, dalawang taong pagod at nasaktan.

Tinitigan niya ako. Tinitigan ko siya. Pareho kaming humihinga nang mabilis at naglapat ang aming mga labi.

"Uncle Brix, mali ‘to," bulong ko, pero hindi niya binitawan ang kamay ko.

"Uncle," bulong ko ulit. Pero hindi siya nakinig at doon hindi na siya nagpigil. Doon nawala ang pagpigil. Pareho kaming bumigay sa nararamdaman na pareho naming itinatago.

Niyakap niya ako nang mahigpit, at niyakap ko siya pabalik. Ang halik na kanina ay maikli ay naging mas totoo. Yung lungkot kanina, napalitan ng pangangailangan na maramdaman na may nagmamahal pa rin.

"Leigh," bulong niya, habang dahan-dahan niyang hinahawakan ang mukha ko, ang buhok ko, na para bang sinisigurado na totoo ako at nandito ako.

"Uncle Brix," bulong ko sa gitna ng halik, yakap pa rin siya nang mahigpit.

Wala nang nagsasalita tungkol sa tama at mali. Sa sala na tahimik, sa ilaw na maliwanag, kami lang dalawa. Dalawang taong matagal nang hindi minahal nang tama, ngayon ay nakahanap ng init sa isa't isa.

At habang mas humihigpit ang yakap namin sa isa't isa, habang wala nang preno sa nararamdaman, biglang tumunog ang cellphone ni Uncle Brix sa maliit na mesa.

Sa screen, pangalan ni Auntie Celia. Tumatawag.

Napahinto kami pareho. Nagkatitigan at parehong naghahabol ng hininga.

ITUTULOY…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 7

    Brix POV 4:00 AM.Nagising ako sa sofa. Yakap ko si Leigh, mahimbing na natutulog. Walang saplot. Napamura ako.“Shit! Brix, what did you do last night? She's your wife's niece.”Kahit nakainum ako kagabi, malinaw pa rin sa akin ang lahat na nangyari. First time… first time kong nagkasala kay Celia at sa pamangkin pa niya.For a moment, hindi ako gumalaw. I need to move slow para hindi siya magising.Dahan-dahan akong umusog para ayusin siya. Gumalaw siya ng konti, pero nakapikit pa rin.Tumayo ako, I fixed my clothes, tapos binuhat ko siya papunta sa room niya. Maingat. I didn't want to wake her up.Pagdating namin sa kwarto, inilapag ko siya sa kama. Kinumutan ko siya nang maayos.“Uncle Brix…” she whispered, pero nakapikit pa rin.“I’m here,” sagot ko, mahina lang.Paalis na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko.“Uncle Brix… huwag mo akong iwan…”Umupo ako sa gilid ng kama.Dati, ako yung nagsasabi ng ganyang linya kay Celia. Ako yung laging natatakot maiwan. Ako yung laging

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 6

    Leigh POV Tumutunog pa rin ang cellphone ni Uncle Brix sa maliit na mesa. Parehong kaming nag-aalangan kung itutuloy pa o hihinto na. Alam ko kung gaano kamahal ni Uncle Brix si Auntie Celia. Pero sa pagkakataong ito, ako ang kanyang pinili. Hindi niya sinagot ang tawag ni Auntie Celia. Hinayaan lang niyang mang-ring na mag-ring ang kanyang cellphone, hanggang sa kusa na itong tumigil. Mas naging mapusok ang kanyang halik. Hindi na yung halik na nag-aalangan kanina. Mas buo na. Yung tipong matagal na niyang pinipigilan. Dahan-dahang bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg. At dahil maluwag ang strap ng aking nighties, kusa na itong dumulas sa aking balikat. Pababa nang pababa ang kanyang mga halik. Nag-aalab na tila apoy na hindi maapula. Napadaing na lang ako nang bigla niyang sunggaban ang dalawang umbok sa aking dibdib, habang ang kanyang mga kamay ay gumapang sa ilalim ng aking suot na nighties. Dahan-dahan niya akong ihiniga sa sofa, habang ang kanyang mga kamay ay nanatili

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 5

    Leigh POV Nang mga sumunod na gabi, hindi pa rin umuuwi si Auntie Celia. Labis akong naawa kay Uncle Brix. Iiwasan ko sana siya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit sa kanya sa sala."Uncle Brix, wala pa rin ba si Auntie Celia?""Nasa team building pa rin daw siya, stranded dahil masama ang panahon," malungkot na wika ni Uncle Brix, hawak ang cellphone. "Hindi na siya nag-reply."Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa team building. Pang-limang gabi na ngayon na wala siya. Tatlong araw lang daw, pero lagpas na.Nang gabing 'yon, hindi ako nagtagal sa sala. Pumasok ako sa kwarto, napag-isipan kong iiwasan ko na muna si Uncle Brix simula nung muntik na akong hindi makapagpigil sa sarili. Nagkulong ako sa kwarto.Nang makita ko ang pulang nighties na isusuot ko sana nung anibersaryo namin ni Lance, naisip kong isuot ito, hindi para kanino, kundi para sa sarili ko. Gusto kong maramdaman na maganda pa rin ako kahit iniwan ako. Tutal matutulog na rin naman

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 4

    Leigh POVSa gabi-gabing matagal na pag-uwi ni Auntie Celia at gabi-gabing pagtatalo nilang mag-asawa, may napansin akong kakaiba kay Uncle Brix.Tuwing umuuwi si Auntie Celia nang late, kahit pagod na pagod na siya at halatang iniiwasan siya, gabi-gabi pa ring naghihintay si Uncle Brix. Parang mas naging obsessed pa siyang makatabi ang asawa. Gabi-gabi siyang nag-aayos ng kama, at pilit na nilalambing si Auntie Celia kahit sinabihan na siya ng masasakit na salita."Brix, tigilan mo nga ako! Pagod ako!" madalas kong marinig na sigaw ni Auntie Celia mula sa kabilang dingding. "Matulog ka na!"Pero hindi tumitigil si Uncle Brix. Naririnig ko pa rin ang boses niya na nagmamakaawa, "Mahal, pag-usapan naman natin. Miss na kita.""Dahil dito, mas naging curious ako. Hindi ko gustong makinig, pero dahil manipis ang pader, naririnig ko ang lahat. Yung pagtatalo, yung pagmamakaawa, at pagkatapos, yung katahimikan na nagpapakaba sa akin. Yung pilit na pag-aayos. Sumunod ang mga mahihinang boses

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 3

    Leigh POV Nang mga sumunod na araw ay mas naging madalas ang pag-alis ni Auntie Celia tuwing gabi at kung minsan ay hindi na umuuwi.Isang umaga, bago siya umalis, nagkausap kami."Leigh," tawag niya habang hawak ang laptop bag, naka-blazer at naka-heels. "Pasensya ka na ha, simula nang dumating ka, hindi pa kita naasikaso. Masyado lang talaga akong busy sa PrimeBuild. Operations Manager na kasi ako ngayon, sunod-sunod ang meeting at client dinner.""Okay lang po, Auntie. Naiintindihan ko po," sagot ko. Naniwala naman ako. Akala ko talaga trabaho lang."Sige, pag nagka-oras ako, mag-dinner tayo ha? Bawi ako," sabi niya at umalis na.Simula nun, mas madalas na siyang wala. Minsan naka-dress, mabango, naka-makeup nang makapal. Hindi na siya yung Auntie Celia na kilala ko na simpleng t-shirt lang sa bahay.Si Uncle Brix ay laging naiiwan sa sala at naghihintay hanggang sa madaling araw. Nakikita ko siya gabi-gabi. Nakaupo sa sofa, bukas ang TV pero hindi naman nanonood. Hawak ang cellph

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 2

    Leigh POV Sa unang gabi ko sa bahay ni Tita Celia, hindi agad ako nakatulog. Sakto lang ang bakanteng kwartong pinatulugan nila sa akin. Malambot ang kama, pero amoy luma at halatang matagal nang hindi nagagamit. Nakapatay ang ilaw, pero dilat na dilat ako. Hawak ko ang kumot hanggang dibdib at nakikinig lang sa katahimikan ng buong bahay. Nasanay ako na may boses si Lance sa kabilang linya bago matulog. Ngayon wala na. Binlock ko na siya. Kaya tahimik ang cellphone ko. Muli na namang tumulo ang luha ko pero naudlot ito nang marinig ko ang ingay sa kwarto nina Auntie Celia at Uncle Brix. Manipis lang pala ang dingding. Rinig na rinig ang boses ni Auntie Celia. "Tigilan mo nga ako, Brix! Nakakasawa ka na!" matinis at galit ang boses ni Auntie Celia. Paulit-ulit niyang minamaliit si Uncle Brix. "Construction worker ka lang, Brix! Samantalang ako, Operations Manager na sa PrimeBuild! Ako ang bumubuhay sa bahay na 'to! Anong ambag mo? Pawis? Pabigat ka lang! Wala kang kwenta!" T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status