Share

CHAPTER 3

Author: Mavic Moore
last update publish date: 2026-10-27 15:50:02

Leigh POV

Nang mga sumunod na araw ay mas naging madalas ang pag-alis ni Auntie Celia tuwing gabi at kung minsan ay hindi na umuuwi.

Isang umaga, bago siya umalis, nagkausap kami.

"Leigh," tawag niya habang hawak ang laptop bag, naka-blazer at naka-heels. "Pasensya ka na ha, simula nang dumating ka, hindi pa kita naasikaso. Masyado lang talaga akong busy sa PrimeBuild. Operations Manager na kasi ako ngayon, sunod-sunod ang meeting at client dinner."

"Okay lang po, Auntie. Naiintindihan ko po," sagot ko. Naniwala naman ako. Akala ko talaga trabaho lang.

"Sige, pag nagka-oras ako, mag-dinner tayo ha? Bawi ako," sabi niya at umalis na.

Simula nun, mas madalas na siyang wala. Minsan naka-dress, mabango, naka-makeup nang makapal. Hindi na siya yung Auntie Celia na kilala ko na simpleng t-shirt lang sa bahay.

Si Uncle Brix ay laging naiiwan sa sala at naghihintay hanggang sa madaling araw. Nakikita ko siya gabi-gabi. Nakaupo sa sofa, bukas ang TV pero hindi naman nanonood. Hawak ang cellphone, tinitingnan kung nag-reply na si Auntie Celia. Minsan tinatawagan, pero hindi sinasagot. Hanggang sa makakatulugan niya ang paghihintay.

Nung una, akala ko normal lang yun. Akala ko pagod lang si Uncle Brix sa construction kaya tahimik. Hindi ko pa alam na may ibang nangyayari.

"Uncle, kain ka na. Hindi ka pa kumakain mula kaninang tanghali," sabi ko isang gabi, mga alas onse na. Nakaupo pa rin siya sa sala.

"Hindi pa ako gutom, Leigh," sagot niya, kahit hindi ko talaga siya nakitang kumain ng dinner.

Kumuha ako ng kape at tinapay at nilagay ko sa harap niya. "Kahit kape lang, Uncle."

Tumingin siya sa akin at ngumiti nang mahina. "Salamat, Leigh. Buti ka pa, nag-aalala ka sa akin."

"Uncle, nagtanong ka na ba kay Auntie kung nasaan siya? Gabi na kasi," tanong ko.

Umiling siya. “Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Siguro nasa client meeting lang yun, kaya busy.’”

Naniwala ako. Naisip ko ang sipag naman ni Auntie Celia, kaya siguro mainit ang ulo niya minsan dahil pagod siya sa trabaho.

Hanggang isang gabi, mga alas dos na ng madaling araw, nagising ako dahil may ilaw pa sa sala. Sumilip ako sa pintuan at nakita ko pa rin si Uncle Brix na gising, nakaupo pa rin sa sofa. Maya-maya, may humintong sasakyan sa labas ng gate. Ibang sasakyan, hindi yung kotse ni Auntie Celia. Itim na SUV, makintab.

Sumilip ako sa bintana. Maliwanang naman sa may gate.

Bago bumaba si Auntie Celia sa sasakyan, nakita kong nakipaghalikan pa siya sa lalaking nagmamaneho. Matagal na halik, yung halik na hindi mo ibibigay sa simpleng kaibigan lang. Tapos tumawa pa si Auntie Celia at kumaway bago pumasok sa gate.

Napaatras ako sa bintana. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Doon ko lang nalaman na hindi pala trabaho ang dahilan. Niloloko pala niya si Uncle Brix.

Pagtingin ko sa sala, nakatingin din pala si Uncle sa labas. Pero wla siyang ginagawa kahit harap-harapan na siyang niloloko. Sa halip ay bumalik siya ng upo sa sofa.

Pumasok si Auntie Celia na parang walang nangyari. Mukhang nakainum, pero diretso pa rin ang lakad na halatang sanay na sanay na.

"Brix, gising ka pa pala," sabi niya nang makita si Uncle Brix sa sala, walang bakas ng guilt.

"Oo, nandiyan ka na pala," sagot ni Uncle Brix.

"May client dinner. Na-late lang. Matulog ka na," sabi ni Auntie Celia at pumasok na sa kwarto nila, iniwan si Uncle Brix sa sala.

Hindi ako lumabas. Nanatili ako sa kwarto ko at isinara ang p***o. Pero hindi ako makatulog. Naririnig ko ang tahimik na paghinga ni Uncle Brix sa sala. At doon ko lang naramdaman ang sobrang awa. Pareho pala kaming niloko ng taong mahal namin — ako ni Lance, siya ni Auntie Celia. Ang kaibahan lang namin ay hindi ako nanatili.

Kinabukasan, umalis ulit si Auntie Celia. Nang gabing yun, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako kay Uncle Brix.

"Uncle," mahina kong tawag. Nakaupo kami sa sofa ng sala, may dalawang baso ng kape sa maliit na mesa. "Matagal mo na bang alam? Yung kay Auntie Celia?"

Tumingin siya sa akin. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.

"Matagal na," sagot niya, mahina. "Nung una, ayokong maniwala. Akala ko trabaho lang din. Pero nakita ko na rin.”

"Uncle, bakit nananatili ka pa rin kung harap-harapan ka nang niloloko? Bakit hinahayaan mo pa rin siyang saktan ka?" Hindi ko na napigilan ang boses kong bahagyang tumaas. Nakikita ko kasi kay Auntie Celia ang ugali ng tatay ko na hindi marunong makuntento kahit may nagmamahal na sa kanya.

Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, nakita kong tumulo ang luha niya. Tahimik lang, isa-isang butil na bumagsak sa pisngi niyang matigas na dahil sa pagpipigil.

“Kasi ayaw kong masira ang pagsasama namin, Leigh. Galing ako sa sirang pamilya at ayaw kong pagdaanan ulit yun! Kaya kahit alam kong hindi na ako ang mahal niya, minahal ko pa rin siya at umaasa pa rin ako na babalik siya. Ang tanga ko no?"

Umiling ako nang mabilis. Lumipat ako ng upo malapit sa kanya. Sobrang lapit na naamoy ko na ang kape sa hininga niya. "Hindi ka tanga, Uncle. Nagmamahal ka lang.”

Hinawakan ko ang kamay niya. Mainit. Nanginginig. Hinawakan niya rin ang kamay ko pabalik, mahigpit na parang ayaw na niyang bitawan.

"Leigh, salamat ha. Wala nang gustong makinig sa akin dito sa bahay. Pero ikaw, nakinig ka."

"Wala yun, Uncle. Nandito lang ako," mahina kong sabi.

At doon, sa gabing wala si Auntie Celia, sa sala na tahimik, kami lang dalawa ni Uncle Brix na magkatabing nakaupo sa sofa, mas humigpit ang koneksyon naming dalawa. Hindi bilang mag-uncle, kundi bilang dalawang taong sugatan na parehong naghanap ng kakampi. At sa unang pagkakataon sa bahay na yun, nararamdaman namin na pareho kaming hindi na nag-iisa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 7

    Brix POV 4:00 AM.Nagising ako sa sofa. Yakap ko si Leigh, mahimbing na natutulog. Walang saplot. Napamura ako.“Shit! Brix, what did you do last night? She's your wife's niece.”Kahit nakainum ako kagabi, malinaw pa rin sa akin ang lahat na nangyari. First time… first time kong nagkasala kay Celia at sa pamangkin pa niya.For a moment, hindi ako gumalaw. I need to move slow para hindi siya magising.Dahan-dahan akong umusog para ayusin siya. Gumalaw siya ng konti, pero nakapikit pa rin.Tumayo ako, I fixed my clothes, tapos binuhat ko siya papunta sa room niya. Maingat. I didn't want to wake her up.Pagdating namin sa kwarto, inilapag ko siya sa kama. Kinumutan ko siya nang maayos.“Uncle Brix…” she whispered, pero nakapikit pa rin.“I’m here,” sagot ko, mahina lang.Paalis na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko.“Uncle Brix… huwag mo akong iwan…”Umupo ako sa gilid ng kama.Dati, ako yung nagsasabi ng ganyang linya kay Celia. Ako yung laging natatakot maiwan. Ako yung laging

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 6

    Leigh POV Tumutunog pa rin ang cellphone ni Uncle Brix sa maliit na mesa. Parehong kaming nag-aalangan kung itutuloy pa o hihinto na. Alam ko kung gaano kamahal ni Uncle Brix si Auntie Celia. Pero sa pagkakataong ito, ako ang kanyang pinili. Hindi niya sinagot ang tawag ni Auntie Celia. Hinayaan lang niyang mang-ring na mag-ring ang kanyang cellphone, hanggang sa kusa na itong tumigil. Mas naging mapusok ang kanyang halik. Hindi na yung halik na nag-aalangan kanina. Mas buo na. Yung tipong matagal na niyang pinipigilan. Dahan-dahang bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg. At dahil maluwag ang strap ng aking nighties, kusa na itong dumulas sa aking balikat. Pababa nang pababa ang kanyang mga halik. Nag-aalab na tila apoy na hindi maapula. Napadaing na lang ako nang bigla niyang sunggaban ang dalawang umbok sa aking dibdib, habang ang kanyang mga kamay ay gumapang sa ilalim ng aking suot na nighties. Dahan-dahan niya akong ihiniga sa sofa, habang ang kanyang mga kamay ay nanatili

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 5

    Leigh POV Nang mga sumunod na gabi, hindi pa rin umuuwi si Auntie Celia. Labis akong naawa kay Uncle Brix. Iiwasan ko sana siya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit sa kanya sa sala."Uncle Brix, wala pa rin ba si Auntie Celia?""Nasa team building pa rin daw siya, stranded dahil masama ang panahon," malungkot na wika ni Uncle Brix, hawak ang cellphone. "Hindi na siya nag-reply."Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa team building. Pang-limang gabi na ngayon na wala siya. Tatlong araw lang daw, pero lagpas na.Nang gabing 'yon, hindi ako nagtagal sa sala. Pumasok ako sa kwarto, napag-isipan kong iiwasan ko na muna si Uncle Brix simula nung muntik na akong hindi makapagpigil sa sarili. Nagkulong ako sa kwarto.Nang makita ko ang pulang nighties na isusuot ko sana nung anibersaryo namin ni Lance, naisip kong isuot ito, hindi para kanino, kundi para sa sarili ko. Gusto kong maramdaman na maganda pa rin ako kahit iniwan ako. Tutal matutulog na rin naman

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 4

    Leigh POVSa gabi-gabing matagal na pag-uwi ni Auntie Celia at gabi-gabing pagtatalo nilang mag-asawa, may napansin akong kakaiba kay Uncle Brix.Tuwing umuuwi si Auntie Celia nang late, kahit pagod na pagod na siya at halatang iniiwasan siya, gabi-gabi pa ring naghihintay si Uncle Brix. Parang mas naging obsessed pa siyang makatabi ang asawa. Gabi-gabi siyang nag-aayos ng kama, at pilit na nilalambing si Auntie Celia kahit sinabihan na siya ng masasakit na salita."Brix, tigilan mo nga ako! Pagod ako!" madalas kong marinig na sigaw ni Auntie Celia mula sa kabilang dingding. "Matulog ka na!"Pero hindi tumitigil si Uncle Brix. Naririnig ko pa rin ang boses niya na nagmamakaawa, "Mahal, pag-usapan naman natin. Miss na kita.""Dahil dito, mas naging curious ako. Hindi ko gustong makinig, pero dahil manipis ang pader, naririnig ko ang lahat. Yung pagtatalo, yung pagmamakaawa, at pagkatapos, yung katahimikan na nagpapakaba sa akin. Yung pilit na pag-aayos. Sumunod ang mga mahihinang boses

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 3

    Leigh POV Nang mga sumunod na araw ay mas naging madalas ang pag-alis ni Auntie Celia tuwing gabi at kung minsan ay hindi na umuuwi.Isang umaga, bago siya umalis, nagkausap kami."Leigh," tawag niya habang hawak ang laptop bag, naka-blazer at naka-heels. "Pasensya ka na ha, simula nang dumating ka, hindi pa kita naasikaso. Masyado lang talaga akong busy sa PrimeBuild. Operations Manager na kasi ako ngayon, sunod-sunod ang meeting at client dinner.""Okay lang po, Auntie. Naiintindihan ko po," sagot ko. Naniwala naman ako. Akala ko talaga trabaho lang."Sige, pag nagka-oras ako, mag-dinner tayo ha? Bawi ako," sabi niya at umalis na.Simula nun, mas madalas na siyang wala. Minsan naka-dress, mabango, naka-makeup nang makapal. Hindi na siya yung Auntie Celia na kilala ko na simpleng t-shirt lang sa bahay.Si Uncle Brix ay laging naiiwan sa sala at naghihintay hanggang sa madaling araw. Nakikita ko siya gabi-gabi. Nakaupo sa sofa, bukas ang TV pero hindi naman nanonood. Hawak ang cellph

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 2

    Leigh POV Sa unang gabi ko sa bahay ni Tita Celia, hindi agad ako nakatulog. Sakto lang ang bakanteng kwartong pinatulugan nila sa akin. Malambot ang kama, pero amoy luma at halatang matagal nang hindi nagagamit. Nakapatay ang ilaw, pero dilat na dilat ako. Hawak ko ang kumot hanggang dibdib at nakikinig lang sa katahimikan ng buong bahay. Nasanay ako na may boses si Lance sa kabilang linya bago matulog. Ngayon wala na. Binlock ko na siya. Kaya tahimik ang cellphone ko. Muli na namang tumulo ang luha ko pero naudlot ito nang marinig ko ang ingay sa kwarto nina Auntie Celia at Uncle Brix. Manipis lang pala ang dingding. Rinig na rinig ang boses ni Auntie Celia. "Tigilan mo nga ako, Brix! Nakakasawa ka na!" matinis at galit ang boses ni Auntie Celia. Paulit-ulit niyang minamaliit si Uncle Brix. "Construction worker ka lang, Brix! Samantalang ako, Operations Manager na sa PrimeBuild! Ako ang bumubuhay sa bahay na 'to! Anong ambag mo? Pawis? Pabigat ka lang! Wala kang kwenta!" T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status